Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Shet! Daig ko pa ang detective nito. Napa-isip si Daniel habang nagtatago siya sa may pader. Lihim na sumusulyap siya kina Kathryn at Enrique. Nasa may bench ito sa may greenhouse sa bahay nila Enrique. Sa pagkakaalam niya, botanist ang mama nito kaya ay may sarili itong greenhouse sa bahay. Hindi naman kalakihan pero malaki-laki na rin siya kompara sa mga normal.

Naka-stambay lang siya sa pader habang palihim na tumitingin kina Kath. So far, wala pa namang ginagawang kalokohan si Enrique kaya ay panatag pa siyang nakasandig sa pader. Nagtatawanan lang ang mga ito at nagkukuwentuhan. Naiinis nga siya. Siya dapat ang nasa pwesto ni Enrique.

Eh, pwesto ko naman talaga iyon. Ako naman talaga dapat ang nandoon.

Kung bakit pa kasi naging mahirap ang lahat. Sana ay madali lang sabihin sa taong mahal mo na mahal mo siya.

"Hay, Kathryn Chandria. Oo, mahal kita. Mahal na mahal kita." Napabuntong-hininga siya.

"Kath..." Narinig niyang sabi ni Enrique. Pagtingin niya sa mga ito ay nakita niyang nakahalik na si Enrique kay Kath.

Nagulat siya. Hindi siya nakapag-react agad. Nang makabawi ay dali-dali siyang tumayo at lumakad sa pwesto nila Enrique.

"Enrique!" pasigaw na tawag niya dito. Hindi na ito nakapag-react pa dahil natamaan na ang mukha nito sa kamao niya. Nakabulagta na ito sa damuhan.

__________

Nagulat na lamang si Kath nang dumating bigla si Daniel at sinuntok si Enrique. Napatayo siya bigla at hindi alam ang gagawin.

Nakabulagta na si Enrique sa damuhan at hinihimas-himas ang pisnging natamaan ng suntok ni Daniel. Naaawa siya kay Enrique. Wala naman itong ginagawang masama.

Hoy, anong wala? Hinalikan ka niya oy. Baka nakalimutan mo. Naalala niya ang halik ni Enrique. Oo nga, hinalikan siya ni Enrique. Kung hindi pa dumating si Daniel, baka siya na rin ang nakasapak dito.

Pero hindi pa rin tama ang ginawa ni Daniel na basta-basta na lang susugod at susuntukin si Enrique.

"Ano ba ang ginagawa mo, DJ?" napasigaw siya dito. Nag-panic na rin kasi siya kasi baka magkagulo na rin ang dalawa. Ayaw na niyang mag-away pa uli ang mga ito.

"Pinoprotektahan lang kita sa impaktong iyan!" sagot nito habang dinuro-duro pa si Enrique na ngayon ay nakaupo pa rin sa damuhan.

"Bakit? Ano bang problema mo?" Nangingilid na ang mga luha niya sa mata pero pinipigilan niyang pumatak ito. Ayaw na niyang umiyak pa dahil kay Daniel.

Humugot ito ng malalim na hininga. Aaktong magwo-walk-out ito pero pinigilan niya ito at hinawakan ng mahigpit kamay. Tumingin ito sa kanya na para bang nakakamatay pero tinibayan niya ang kanyang loob.

"DJ, ano ba? Dadaanin mo nalang ba lahat sa walk-out mo? Ba't hindi mo nalang diretsang sabihin sa akin kung anong problema?" naiiyak na niyang tanong dito. Hindi na talaga niya mapigilan ang kanyang mga luha sa pagdaloy. Nasasaktan na siyang masyado sa nangyayari sa kanilang dalawa ni Daniel.

Humarap ito sa kanya at hinawakan siya sa kanyang magkabilang braso.

"Gusto mo malaman kung anong problema ko, Kath? Ikaw! Ikaw ang problema ko. Simula pa noon, hanggang ngayon, ikaw lang ang pinoproblema ko! Bakit? Damn! Mahal kasi kita! Mahal na mahal, Kath! Hindi mo lang alam, lahat ginawa ko na para mapansin mo ako. Para mahalin mo na rin ako. Ginawa ko na lahat. Ginawa kong girlfriend si Julia para pagselosin ka. Alam kong inis na inis ka sa kanya kaya siya ang pinili ko. Baka sakali mamulat iyang mga mata mo at ma-realize mo din na mahal mo ako."

Napatulala lang siya sa sinabi nito. Mahal siya nito?

"Hindi mo lang alam kung gaano ako nasasaktan tuwing pinapamukha mo sa akin na gustong-gusto mo si Enrique. Palagi kong iniisip kung bakit siya pa, eh, nandito naman ako. Ano ba ang meron kay Enrique na wala ako? Tapos, nung sinabi mo sa akin na magpanggap tayong may relasyon, hindi mo lang alam pero malapit na akong mabaliw noon. Naisip ko, eto na siguro ang time para maipakita ko sa iyo kung gaano kita kamahal. Eto na siguro ang time para maipamulat ko sa iyong puso na ako dapat ang karapat-dapat na mahalin mo."

"DJ..."

"Patapusin mo muna ako, Kath. Akala ko iyon na ang time ko para makuha lahat ng atensiyon mo. But na-realize ko na hinding-hindi mo ako kayang mahalin katulad ng pagmamahal mo kay Enrique. Minsan naiisip ko, sana ako nalang si Enrique. Nang sa gayon ay ako ang mahal mo. Mahirap na, eh. Napasubo na ako sa iyo. I've fallen deeply in love with you, hindi na ako makaahon. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Lubusan na akong nasasaktan. But I've realized now, na talagang mahal kita. Kasi kung hindi, hindi ako masasaktan nang ganito."

Napaiyak na si Daniel. Lumapit si Daniel sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

"Kath, alam kong hindi ko mababago ang nararamdaman mo. Si Enrique naman talaga ang mahal mo, hindi ako. Hindi ko maipipilit iyon. Kaya Kath, I'm willing to set you free. For your happiness. Alam kong si Enrique lang ang makakapagbigay sa iyo ng kaligayahan na hinahangad mo."

Napalunok siya. Paano ba niya sasabihin dito na hindi na si Enrique ang tinitibok ng puso niya? Na hindi na si Enrique ang nagpapaligaya sa kanya? Na ang lalaking nangangalang Daniel, at walang nang iba, ang nagmamay-ari ng puso niya? Paano ba?

Hinalikan siya nito sa noo.

"Kath, basta tandaan mo nalang lageh, na mayroong Daniel John na nagmamahal sa iyo, at patuloy na magmamahal sa iyo. Goodbye, Kath. And I love you so much." 

Mabiilis na itong umalis at naiwan siyang umiiyak.

__________

Hindi na namalayan ni Kath na nasa tapat na pala siya ng bahay ni Daniel. Umiiyak lang siya sa buong magdamag. Hindi niya maintindihan kung ano na ang nararamdaman niya. Masayang-masaya siya dahil nalaman niyang mahal siya ng taong pinakamamahal niya. Pero nalulungkot din siya kasi hindi na niya maintindihan ang kinalalabasan ng sitwasyon. Nagtapat nga si Daniel sa kanya pero iniisip naman nito na mas masaya siya sa piling ni Enrique. Paano ba niya ipapaliwanag dito na hindi na si Enrique ang mahal niya at ito na?

May isang tao pa din siyang iniisip. Paano na si Julia? Kahit naman hindi sila magkasundo ng pinsan niyang iyon, hindi naman siya ganoon kasama para saktan ang damdamin nito nang ganoon lang. Alam niyang mahal na mahal ni Julia si Daniel. Nagmakaawa pa nga ito sa harapan niya. Ganoon nito kamahal si Daniel. Pero ginagamit lang pala ni Daniel si Julia para sa kanya.

Kung nalito siya noon dahil sa nararamdaman niya kay Daniel, mas nalilito na siya ngayong alam niya ang tunay na nararamdaman nito. Bakit? Hindi rin niya mahanap ang sagot.

Nakatanaw lang siya sa bahay nila Daniel nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sumasabay pa talaga ang panahon sa nararamdaman niya ngayon. Alam niyang para na siyang tanga dahil nakatayo lang siya sa ilalim ng ulan. Hindi niya alam kung bakit hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa papuntang bahay nila. Alam niyang malakas na ang buhos ng ulan pero nakatayo lang siya at naghihintay.

Oo, hinihintay kita Daniel. Napaiyak na siya.

Talaga bang nagpapakatanga siya para lang kay Daniel? Hindi naman siya ganitong klaseng babae. Pero dahil kay Daniel, nagawa niyang magpakatanga. Dahil sa pag-ibig, nagpapakatanga lang siya.

"Kath!" biglang may sumigaw sa loob ng bahay. Naging tahimik ng kaunting saglit, pagkatapos ay biglang may lumabas ng bahay at may nakasukob sa isang malaking payong. Bitbit nito ang payong at nagmamadaling lumabas ng gate. Nagulat nalang siya nang sinukob na siya nito sa loob ng payong.

"Daniel..."

"Kath, anong ginagawa mo? Nagpapakamatay ka ba?" galit na sabi nito sa kanya.

"DJ..."

"Ano? Wala ka bang sasabihin?"

Napatingin lang siya dito. Nagsisimula na namang tumulo ng luha niya pero pinipilit niyang pigilan. Nakatingin lang siya dito. Ayaw niyang mawala ito sa paningin niya.

Nagbuntong-hininga ito. "Halika na nga. Ihahatid kita sa bahay niyo."

Nagpahatak lang siya dito. Ito na ang nagbukas ng gate nila, pati na rin sa bahay nila.

"Umupo ka diyan," utos nito nang nakapasok na sila sa bahay.

Sinunod lang niya ang utos nito. Pumunta ito ng kusina nila at sa pagbalik nito ay may dala na itong mainit na tubig.

"Inumin mo iyan para mainitan ka. Para hindi ka lagnatin bukas. Oh, eto," may inabot itong tuwalya sa kanya. "Magpatuyo ka para hindi ka na lamigin."

Sinunod lang niya lahat ng sinabi nito. Hindi pa rin siya makaisip ng tama. Napaupo lang ito sa tabi niya at tinulungan siyang patuyuin ang basa niyang buhok.

"Kath..."

Napatigil siya sa pagtuyo ng buhok niya.

"Bakit mo ba ginagawa sa akin ito?"

Napaiyak na siya. Hindi na niya mapigilan ang luhang dumaloy sa kanyang mga pisngi.

"DJ... Nalilito kasi ako, eh."

"Nalilito? Saan? Kung dahil iyon sa sinabi ko kagabi, kalimutan mo nalang iyon," anito at tumayo na.

Naalarma siya. Kalimutan? Anong ibig sabihin nito? Kalimutan nalang niyang mahal siya nito?

"Alis na ako, Kath. Please, huwag mo nalang intindihin lahat ng nangyari. Kalimutan mo na lahat ng sinabi ko kagabi. Nadala lang ako sa aking emosyon." Pagkatapos noon ay umalis na ito.

Paano ko makakalimutan iyon, Daniel? Kung iyon lang pinanghahawakan ng aking kaligayahan?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro