Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Pinaunlakan ni Daniel ang pakiusap ni Julia. Naaawa kasi siya dito. Parang naging affected na din ito sa lahat ng nangyari sa kanila. Nasa hallway sila ng Commerce building. Wala naman masyadong klase sa araw na iyon kaya ay mangilan-ngilan lang ang mga tao sa hall. Kaya naman okay lang silang mag-usap doon ni Julia. Nag-text nalang siya kay Kath na kung makakapaghintay ito ay hintayin lang siya kasi may importante siyang lakad. Sa wakas ay nag-reply naman ito at sinabing hihintayin daw siya nito.

"Daniel, wala na ba talagang pag-asa?" panimula nito.

"Ano ba iyang pinagsasabi mo, Julia?"

"Itong atin? Wala na ba talaga?"

Humugot muna siya ng malalim na hininga. Hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisa.

"Ahm, paano ko ba sasabihin sa iyo ito, Julia?"

"Daniel, nagsisisi na ako sa lahat ng ginawa ko. Please? Akin ka nalang? Tayo nalang ulit?" Umiiyak na si Julia. Lalo siyang nagdadalawang-isip kung sasabihin ba niya dito ang dapat sabihin.

"Julia..."

Bigla siyang niyakap nito. Hindi naman siya pumalag pero hindi rin niya ito niyakap pabalik. Hinayaan lang niya itong yakapin siya at umiyak sa dibdib niya. Pero dahil naaawa na siya dito ay hindi niya napigilang yakapin ito. Pinapatahan niya ito sa pag-iyak pero lalo lang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.

__________

Napag-isipan ni Kath na umalis na sa pool area. Hinihintay niya si Daniel kasi may importanteng lakad daw ito. Hindi na niya tinanong pa kung anong lakad iyon. Basta hihintayin nalang niya ito. Para kahit na pinoproblema niya ito, magiging masaya naman siya dahil makakasama niya ito.

Kasama ni Kath si Miles sa Commerce building kasi naiwan daw nito ang libro nito sa isang classroom doon. Sinamahan nalang niya ito kasi ayaw niyang mapag-isa at baka ay makakapagmuni-muni na naman siya sa kanyang mga problema. Mabuti pa kung libangin nalang niya ang kanyang sarili.

"Oh, ano, Miles? Nandiyan ba?" tanong niya kay Miles.

"Wala nga, eh. Paano na iyan? May exam pa naman kami bukas," lungkot na sabi nito.

"Teka, baka may nakakita. Tara, punta tayo sa students' office. Baka nandoon sa lost and found section."

"Mabuti pa nga. Tara na?"

Pinuntahan nila ang students' office. Nasa kabilang hallway ang students' office kaya kailangang lumibot pa sila para makarating sa kabila. Nang marating nila ang students' office ay pumunta agad sila sa lost and found section. Natagpuan naman ni Miles ang kanyang libro.

"Hay salamat! Hindi naman pala nawala," natutuwang sabi nito.

"Sabi ko sa iyo, eh," ngiting sabi niya dito.

"Salamat sa pagsama, Kath. Halika na. Kain tayo sa canteen," yaya nito.

"Tapos na akong kumain, eh. Samahan nalang kita."

"Sige," sang-ayon nito.

Lumakad na sila papuntang canteen. Magkaibang daanan ang daanan galing kabilang hallway at papuntang canteen. Masaya silang nag-uusap ni Miles nang may napansin siyang babae at lalakeng nagyayakapan yata. Hindi nalang niya inintindi iyon pero nagulat siya nang makita kung sino ang babae, lalong-lalo na ang lalake.

"Kath, si Julia at Daniel iyon, di ba?" tanong ni Miles sa kanya.

Hindi na siya nakasagot dahil naguunahan na ng pagpatak ang kanyang mga luha.

Bakit nagyayakapan sila Daniel at Julia? Sila na ba? Anong ibig sabihin nito?

Mas nagulat siya nang biglang naghalikan sila Julia at Daniel. Nakikita niya ang mukha ni Julia kaya alam niyang umiyak ito. Pero hindi niya makita ang mukha ni Daniel dahil nakatalikod ito sa kanya.

Hindi na niya nakayanan ang sakit na nararamdaman kaya ay tumakbo na siya palayo doon. Far away from the person she loved the most and broke her heart.

__________

Napaurong si Daniel nang bigla lang siyang hinalikan ni Julia sa labi. Tinulak niya ito palayo. Hindi siya nakaiwas kaagad dahil hindi naman niya inaasahan na gagawin ito iyon. Niyayakap lang naman niya ito, pero wala siyang intensiyon na lumagpas pa sa yakap ang mangyari.

"Daniel?" nalilitong tanong ni Julia.

"Damn! Ba't ba lagi ka nalang nanghahalik nang walang paalam?"

"What?"

"Ba't ka nanghahalik bigla-bigla?"

"Kailangan ko bang magpaalam, Daniel? Eh, hindi ko naman kailangan ang permiso ng halik mo noon di ba?"

"Noon iyon! Iba na ngayon!"

"Bakit Daniel? Anong ipinagkaiba noon sa ngayon?"

Napatingin siya dito at yumuko. "Wala. Walang pinagkaiba."

"Wala naman pala, eh."

Akmang hahalikan na naman siya nito pero iniwas niya ang sarili.

"Julia, please..."

"Ano, Daniel?"

"May sasabihin ako sa iyo."

__________

Nagkakandarapa na si Kath papuntang bahay nila. Paano ba kasi? Hilam na sa luha ang kanyang mga mata. Kahit na anong punas niya sa mga mata niya, lumalabas pa rin ang mga luhang pilit niyang pinigilan. Nang hindi na niya kinayanan, napaupo nalang siya sa gilid ng kalsada at humagulhol. Hindi niya alam kung anong gagawin sa pusong nasaktan. Nasasaktan talaga siya nang lubusan. Hindi niya alam kung paano pahihilomin ang puso niyang nasugatan.

Umiiyak pa rin siya nang bigla nalang may umabot sa kanya ng panyo. Tiningnan niya ang taong umabot non.

"Enrique?"

Kinabig siya nito palapit. "Kath, shh. Tahan na."

Napahagulhol nalang siya sa balikat nito. "Ang tanga-tanga ko."

"Hindi ka tanga, Kath. Nagmamahal ka lang."

"Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito, eh. Kung hindi dahil sa iyo, hindi kami magpapanggap ni Daniel para paghiwalayin kayo ni Julia. Hindi sana ako umibig sa kanya."

Halatang nagulat ito sa sinabi niya. Pero hindi naman masyadong gulat. Nagtataka nga siya kasi parang natatawa ito.

"Bakit parang hindi ka gulat?"

"Alam ko na ang lahat. Alam ko na nagpapanggap lang kayo ni Daniel para mapaghiwalay kami ni Julia. Dahil mahal mo ako, di ba?"

Napasinghot siya. "Noon. Si DJ na mahal ko ngayon."

Ngumiti ito ng mapait. "Alam ko."

"Paano mo pala nalaman iyon?"

"Narinig ko kayong nag-uusap ni Miles sa pool area."

Natahimik silang dalawa.

"So, what are you gonna do, Quen? Now that alam mo na lahat ay pagpapanggap lang."

"That's what I'm gonna ask you too."

"Wala na akong gagawin. Mahirap na, magback-fire na naman ang plano ko sa akin."

"Talagang hahayaan mong mapunta si DJ kay Julia? Hindi mo ba siya ipaglalaban tulad ng paglaban mo sa akin?"

"Iyon na nga, eh. Hindi ko alam kung paano siya ipaglalaban. Mahal na mahal niya si Julia, eh."

"Akala mo lang iyon."

"Hindi. Saksi ako doon, Enrique. Saksi ako sa lahat. Kung paano niya pilit ipaglaban si Julia."

"Ipaglalaban ko rin naman si Julia, eh. Sumama ka na."

"Paano naman?"

"Magpanggap din tayong dalawa."

Napatawa silang dalawa.

"Kung ganoon lang kadali ang lahat, gagawin ko para kay DJ. Pero tingnan mo nga kung anong nangyari sa amin ni DJ."

"Hoy, effective siya. Tingnan mo nga. Iniwan ako ni Julia para kay DJ."

"Ay, oo nga."

Natawa silang dalawa. Kahit papaano, gumagaan na ang pakiramdam niya.

"Salamat pala, Quen. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko."

"Walang anuman iyon. Gumaan din naman ang pakiramdam ko. It's good to know na hindi lang ako ang nasasaktan."

"Aba!" Hinampas niya ang braso nito. Tumawa lang naman ito.

"Aray ha, ang sakit. Kaya pala parating may pasa si DJ sa braso. Dahil pala sa iyo," natatawa pa ring sagot nito.

"Sige, tumawa ka pa. Makakatikim ka sa akin."

"Hindi. Seryoso na." Pilit nitong pinipigilan ang tawa.

"So, saan ka na?" tanong niya dito.

"Ikaw? Saan ka?"

"Uuwi na ako. Malapit naman na ang bahay namin."

"Ah, ganoon ba? Sige. Hatid na kita."

Sumang-ayon lang siya at  nagpahatid dito. Naaalala pa niya noon na pangarap niyang ihatid siya nito sa bahay nila. Pero ngayon na nagkakatotoo na ang pinangarap niya, na-realize niyang ang isa lang ang hinahanap niyang maghahatid sa kanya at magsusundo. Si Daniel.

_________

Hinahanap ni Daniel si Kathryn sa campus. Sabi kasi nito na hihintayin siya nito. Iniwan na niya si Julia. Alam niyang nasaktan niya ito pero nangako siyang hindi na niya sasaktan ito. Kaya kinailangan niyang tapusin ang kung ano man ang kailangan niyang tapusin sa pagitan nilang dalawa.

Halos nilibot na niya ang buong campus pero hindi niya pa rin nakikita si Kathryn. Hindi rin ito sumasagot sa mga tawag niya. Hindi na niya alam kung saan niya ito hahanapin.

"Miles!" tawag niya kay Miles nang makita niya ito sa canteen.

Inirapan lang siya nito. May kasalanan ba siyang nagawa dito?

"Alam mo ba kung nasaan si Kath?"

"Aba, malay ko."

"Please, Miles? Nakita mo ba si Kath? Kailangan ko siyang kausapin. Please?"

"Ba't ba ako ang tinatanong mo?"

"Sabi ng iba, kayo daw ang magkasama kanina. Kaya, I assume na kakasama niyo pa lang."

"Hindi ko nga alam kung nasaan siya. Baka umuwi na sa kanila. Sumama ang pakiramdam kasi may ibang mga tao diyan na mga manhid na humahalimparot sa mga malalandi diyan sa tabi-tabi."

"Ha? Ah. Bahala ka nga diyan. Salamat nalang."

Napagdesisyunan niyang puntahan nalang talaga ito sa kanilang bahay. Lakad-takbo ang ginawa niya para lang marating na sa bahay nila Kath. Pero nagulat siya pagdating niya doon. Napahinto siya sa pagtakbo at nagtago sa isang puno malapit sa gate nila Kath.

"Maraming salamat sa paghatid, Quen," masiglang paalam ni Kath kay Enrique.

"Walang anuman iyon. Nag-enjoy naman akong kasama ka," narinig niyang sagot ni Enrique.

"Ahm, ayaw mo ba talagang pumasok, Quen?" At pinapasok pa talaga niya.

"Huwag na. Kailangan ko na ring lumakad, eh."

"Okay. Sige. Ingat ka ha?"

"Yup. Ikaw din. Huwag ka nang masyadong mag-alala. Nandito lang ako. Tawagan nalang kita, ha?" Tawagan? Magtatawagan sila?

"Okay, Quen. Ingat."

"Yeah. Bye. Ah, siya nga pala. Ngayong Sabado ha? Huwag mong kaliimutan."

"Ah, yah. I won't. Siyempre birthday mo. I won't miss it." I won't miss it pa. Nakakainis!

Sa wakas ay umalis na rin si Enrique. Naghintay siya nang ilang minuto. Parang hindi siya makahinga. Nararamdaman niyang sumisikip ang dibdib niya. Nasasaktan siya. Kahit na gustong-gusto niyang kausapin at makita si Kath, napagpasyahan niyang huwag na lang. Mabuti na sigurong huwag nalang niyang pakialaman si Kath. Alam niyang masaya na ito sa piling ni Enrique.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro