Chapter 10
Nang natapos ang klase ni Kath ay dumiretso na siya sa canteen. Nagugutom na kasi siya. Tinext nalang niya si Daniel na doon nalang sila magkita. Nag-reply naman itong susunod nalang ito sa kanya at may nilakad pa itong importante.
Nag-order na rin si Kath ng pagkain. Hindi na niya kayang hintayin pa si Daniel dahil gutom na gutom na talaga siya. Nakaupo na siya sa mesang napili niya at kinakain ang inorder niyang food. Natapos na niya ang pagkain niya ay hindi pa rin dumadating si Daniel. Naiinip na tuloy siya.
"Nasaan na ba ang taong iyon?" Napaisip siya. "Naku, siya ang pahatid-hatid sa akin tapos iiwanan naman pala ako. Nakakainis!"
Paalis na sana siya nang biglang humarang si Julia sa tapat niya. Sigurado siyang away na naman ang hanap nito. Imbis na patulan ito ay pinilit nalang niyang iwasan ito. Pero humarang pa rin ito sa dinaraanan niya.
"May kailangan ka ba sa akin, Julia?" tanong niya dito.
Bigla itong tumingin sa kanya at nagmakaawa. "Kathryn, pwede ba tayong mag-usap? Kahit sandali lang?"
Nanibago tuloy siya sa inasal nito. Para kasing ang desperada na nito at nagmakaawa pa sa kanya.
Kahit na wala siyang balak ay napa-oo naman ito. Mukhang ito na ang panahon ng kanilang pagtutuos.
__________
Nakatanaw lang si Kath sa tubig sa pool habang nasa tabi lang niya si Julia. May distansya sa pagitan nila at tahimik sila pareho, pero hindi niya naramdaman ang pagkailang. Masaya naman siya't kahit sa pagkakataong iyon ay nagkasundo sila't hindi nag-aaway.
"Kathryn," biglang tawag ni Julia.
"Bakit?" tanong niya dito.
Humugot naman ng malalim na hininga si Julia na para bang ang hirap-hirap ng sasabihin nito.
"Sabihin mo na sa akin. Makikinig ako," nasabi nalang niya dito. Para kasing hindi ito mapakali.
Laking gulat nalang niya nang bigla itong umiyak.
"Kath, mahal na mahal ko siya."
Napatingin lang siya dito. Hindi niya sukat-akalaing iiyak si Julia sa harapan niya.
"Kath, please. Mahal na mahal ko si Daniel. Tulungan mo ako. Tulungan mo akong maibalik siya sa akin. Please? Ngayon lang ako nagmamakaawa sa iyo. Pinsan mo naman ako, di ba? Kath, please?"
Napatulala siya. Patuloy lang ito sa pag-iyak. Hindi nga niya ma-comfort. Paano ba kasi? Busy siya sa pagko-comfort ng sarili niyang puso.
"Kath?"
"Paano na si Enrique?"
"Nakipaghiwalay na ako sa kanya, Kath. Na-realize kong si Daniel pa rin ang mahal ko. Na siya lang ang mahal ko at wala nang iba. Oo na, tanga na kung tanga. Ako na ang may kasalanan ng lahat. Pero pinagsisisihan ko naman lahat, eh. Kaya ngayon, gusto kong bumawi."
Eh, paano na ako? Natahimik lang siya.
"Kath, please?"
"A-Ano ba ang dapat kong gawin?"
"Iparaya mo nalang si Daniel sa akin, Kathryn."
Ano daw?
"Pakawalan mo na siya. Ibalik mo na siya sa akin."
Tuluyan nang bumagsak ang luhang hindi niya namalayang namuo na pala sa kanyang mga mata.
__________
Nakaalis na si Julia pero heto at nakatulala pa rin si Kath sa may bleachers ng pool.
"Hoy Kath! Ang lalim na yat ng iniisip natin, ah?" biglang sulpot ni Miles.
"Ba't ba pasulpot-sulpot ang drama mo?" tanong ni Kath kay Miles.
"Maganda eh," natatawang sagot nito.
Natawa na rin siya sa banat nito. Kahit papaano, nakalimutan niya ang dilemma niya.
"So, ano na? Anong problema mo?"
Wow. Salamat sa pagpa-alala.
"Miles naman, eh. Nakalimutan ko na sana, pinaalala mo pa ulit."
"Eh, iyon naman talaga ang iniisip mo, di ba? Sagarin mo nalang."
"Ganoon?"
Natawa lang ito. "O, eh, so ano nga iyon?"
Napabuntong-hininga siya. Ikinuwento naman niya lahat ng nangyari. Ang paghiwalay ni Julia kay Enrique, at ang pakikipag-usap nito sa kanya.
"Ang kapal din naman ng face ng bruhang iyon."
"Naawa nga ako sa kanya, eh. Paano ba kasi? Iyak ng iyak. Kung nakita mo lang siya kanina habang umiiyak, nako ewan ko lang kung anong gagawin mo. Malayong-malayo sa bruha na sinasabi mo."
"Baka drama lang naman iyon ni Julia?"
"Ewan ko." Nakapanglumbaba lang ako.
"So, anong plano mo, Kath?"
"Sabi niya, pakawalan ko daw si DJ. Papaano ko naman gagawin iyon kung hindi naman talaga siya naging akin? Na pagpapanggap lang naman namin ni DJ iyong lahat para mapaghiwalay sina Julia at Enrique."
"Na siya namang nangyari."
"Sa kasamaang-palad." Napatulala na naman siya.
"Mahal mo ba talaga si DJ, Kath? Sure ka na ba na si DJ na ang laman ng puso mo at hindi si Enrique?"
"Oo, sure na ako, Miles. Hindi na pagpapanggap ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko na si DJ."
"Paano na iyan?"
"Hindi ko talaga alam, Miles. Nalilito ako. Litong-lito na."
"Kath..."
"Ano ba ang talagang gagawin ko Miles? Will I fight for him or give him up?"
"Anong 'give him up' ang pinagsasabi mo diyan? Myghad! You're Kathryn Chandria! Ang babaeng kailanman ay hindi sumusuko sa laban. Tapos ngayon, sasabihin mong 'give him up'? Mabatukan nga!"
"Eh, ano ba kasi ang gusto mong gawin ko, Miles? Nalilito na ako. I'm torn between heart and mind. Sinasabi ng utak ko na sundin nalang ang pakiusap ni Julia. Malay mo, iyon ang maging daan para magkaayos na kami sa wakas. But then, my heart is telling me to follow it. Na ipaglaban si DJ kay Julia. Kasi hindi mapapayag ng puso ko na maagaw siya sa iba. Kasi mahal na mahal ko si DJ."
Napatahimik si Miles, tapos tumikhim. "Litong-lito nga."
Napabuntong-hininga nalang siya. Kung bakit pa kasi naisip niya ang planong iyon at dinamay pa si Daniel. Iyon tuloy, siya na ang namomroblema. Hindi kasi siya nag-iisip.
"Alam mo, gusto talaga kitang tulungan, Kath. Kaso, feelings mo ang nakataya dito. Kung alin man ang sundin mo, siguraduhin mo nalang na masaya ka sa pinili mo at hindi ka magsisisi. Basta ako, nandito lang para suportahan ka sa iyong magiging desisyon."
Napatingin siya kay Miles. Gaano ba siya kabuti para mabigyan ng Panginoon ng kaibigang mabait at tunay?
Napangiti siya sa wakas. "Salamat talaga, Miles. Hayaan mo, kung ikaw naman ang namomroblema sa love life, susuportahan din kita."
"Para namang may chance. Eh kaso, wala," napatawa lang ito.
"Hayaan mo, mare-realize din ng Marco na iyon na mahal ka niya."
"Huwag na nga natin siyang pag-usapan. Nakakabad-trip lang, eh."
Napatawa lang siya. Ito kasing Marco na love of the life ni Miles ay ang boyfriend ng kapatid nito. Kaya ay wala talaga itong chance kasi mahal na mahal ni Marco ang ate nito.
"Eh, malay natin, may chance ka talaga, Miles. Di ba? Hindi natin alam."
"Paano mo naman nasabi iyon, aber?"
"Feeling ko lang. Alam mo naman ako, malakas ang instincts."
Napatawa nalang sila pareho. Mabuti nga iyon para kahit minsan, mawala na lahat ng kalituhan nila sa buhay at pag-ibig.
__________
Kanina pa tawag nang tawag si Daniel kay Kathryn pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Nag-aalala na nga siya kasi baka nagalit ito sa kanya. Paano ba kasi, natagalan ang pag-uusap nila ni Enrique. Naaalala pa niya ang kanilang pag-uusap...
"So, what's this about, Quen?" panimulang tanong niya.
"DJ, lahat nalang ba ng mahal ko ay kinukuha mo?"
"Hindi kita maintindihan."
"Alam mong may gusto ako kay Kath, di ba?"
Tumango siya. Oo, may gusto si Enrique kay Kath. Pero tinigilan niya ito. Alam niya ang kalibre ng isang Enrique Mari. Hindi niya hahayaang saktan lang nito si Kathryn katulad ng pagpapasakit nito sa mga nagdaang girlfriends nito.
"Pero dahil kaibigan kita, nirespeto ko ang desisyon mong huwag kong liligawan si Kathryn. Hindi ko naman talaga niligawan, di ba? Nirespeto kita, pare. Kahit na gustong-gusto ko siyang ligawan, hindi ko niligawan kasi ayokong mawala ang pagkakaibigan natin."
"Oo, Quen. Pero niwala mo pa rin. Kasi inahas mo ako."
"We both know that it is not true. Kahit kailan, hindi kita inahas."
"Ano ang gusto mong iparating?"
"We both know what I mean, DJ. Hindi ako tanga. Alam ko kung anong plano mo. Alam ko na may reason ka para sa lahat."
Natahimik lang siya.
"Kaya eto lang ang hinihingi ko, pare. Ngayon, ako naman ang hihingi. Please, tulungan mo akong maibalik si Julia sa akin."
Napatingin siya dito. Hindi niya alam ang sasabihin at gagawin.
"Pinagbigyan na kita kay Kathryn. Pagbigyan mo naman ako."
Dahil doon, naisipan niyang kailangan na talaga niyang kausapin si Kathryn sa lalong madaling panahon. Kailangan na niyang sabihin dito ang mga dapat niyang sabihin bago pa mahuli ang lahat.
Ilang minuto na siyang kumo-kontak kay Kath pero hindi pa rin ito sumasagot. Kinakabahan siya na ewan. Kaya napagpasyahan niyang puntahan nalang ito sa bahay nito. Baka sakaling umuwi na ito. Kung hindi man ito umuwi, hihintayin niya ito kahit na anong mangyari.
Palabas na siya nang canteen nang nakasalubong niya si Julia. Namumugto ang mga mata nito. Galing siguro ito sa pag-iyak. Nakaramdam tuloy siya ng awa dito.
"Uhm, Daniel. Can we talk? Please?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro