PROLOGUE
"Timothy sandali!" Pasigaw na saad ng dalagang si Heaven sa kanyang kasintahan.
"Ano ba Heaven, ano ba sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan ha??? Tapos na nga tayo! Wala ng tayo! Akala ko ba matalino ka? Bakit hindi mo maintindihan ha?!" Pasigaw na saad ni Timothy nung lingunin niya ang dalaga.
"Tim Buntis ako," Mahinang saad ng dalaga dahilan para sandaling matigilan ang kanyang nobyo.
"And so?, Edi ipalaglag mo. Ganun lang ka simple iyon Heaven. Cheska is back from States, and hindi niya alam na nagkaroon ako ng ibang karelasyon dito. And besides I'm not even sure if I am the father of that child!!" Pasigaw na saad ni Timothy.
Sa sinabi niyang iyon ay mag asawang sampal ang natamo niya mula kay Heaven.
"How dare you say that to me? Alam ko na alam mo na ikaw lang ang lalaking nakagalaw sa akin!! I gave you everything. Pero ito lang ang gagawin mo sa akin? Abort this child? Naririnig mo ba ang sarili mo ha! Timothy? Sariling dugo't laman mo papatayin mo? Anong klase kang tao??!!!" Hindi na napigilan ni Heaven ang sumigaw. Dahilan para pagtinginan sila ng kapwa nila estudyante.
"Lower down your voice Heaven! Baka may makarinig sa iyo!!" Saad ni Timothy habang madiing hinawakan ang braso niya. "Kung ayaw mong ipalaglag ang bata edi huwag! Buhayin mo iyan mag isa mo! Hindi kaba nag iisip ha Heaven! We are still young, 19 palang ako at 18 ka palang at alam mo na bawal ang buntis dito sa Academy." Saad ni Timothy.
Hindi na hinintay ng binata na magsalita pa ang dalaga. Dali dali na itong umalis.
Kasalukuyang nasa Cafeteria si Heaven habang hinihintay ang kaibigang si Marjorie
"Sai, so ano? Nakapag usap na kayo ni Tim? Did you already told him that you are pregnant?" Tanong agad ni Marj pagkalapit niya kay Heaven
"He wants me to abort the baby sai," Sagot ni Heaven habang nanggigilid na ang luha sa kanyang mga mata.
"Wtf? Is he serious? What kind of animal is he? That baby cames out from his fuck*ng sperm!!" Nanggagalaiting saad ni Marj.
"Sai bunganga mo, makapagmura ka parang hindi ka estudyante. Dahan dahan. Highblood ka masyado," mahinahong saad ni Heaven.
"So what's your plan? Alam na ba ito ni dean? You know bawal ang buntis dito right?" Kalmadong tanong ng kaibigan niya.
"I'll talk to dean later, baka pwedeng makisuyo since we are graduating naman na." Sagot niya sa kaibigan.
"Want me to come with you? Wala naman na akong klase," nag aalalang tanong ni Marj.
"Nah, I need to do this alone sai. I'll just update you about the result," sagot ni Heaven.
Marjorie is Heaven's bestfriend since elementary. Their parents are business partners. Isa si Marj sa naging sandalan niya noong namatay ang parents nila dahil sa aksidente. Aksidenteng para sa kanilang magkakapatid ay sinadya.
•
Sa kabilang banda ang kakambal niya namang si Ella na nasa Spain ay may kung anong bagay na namang ginagawa.
"Good afternoon Mi Lady, I have here the informations you are looking for," magalang na saad ng butler niya.
"Kindly put it on the table, and you may leave, Thank you." saad niya ng hindi man lang iniangat ang ulo niya. She is busy reading some articles about her next target.
Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa ng tumunog ang telepono niya.
"Yes? What do you need?" Walang gana niyang tanong sa kabilang linya.
["Ah.. ate I need your help, can you go home please? Kasi may problema ako. Natatakot ako sa kanila kuya Earth at kuya Wind,"] mahinahong saad ng kanyang kakambal mula sa kabilang linya.
"Is that urgent twinny? I have something to do today," patanong na sagot niya sa kakambal.
["G-gusto ko kasing sa personal sabihin ate,"] humihikbing sagot ng kakambal.
Agad na naalarma si Hell ng marinig ang hikbi ng kakambal niya.
"Why the f*ck are you crying Heaven? I know you, I know that you are soft hearted but hindi ka balat sibuyas. What's wrong tell me," she asked worriedly.
["Just come home today please,"] nakikiusap na saad ng kakambal niya.
"Okay, Ill ask Light to prepare the private plane. Just calm down okay? Ate will come home." sagot niya sa kakambal at ibinaba ang tawag.
Agad na niligpit ni Ella ang kanyang mga gamit sa opisina para makauwi sa bahay niya. Pagkarating niya sa bahay ay dali dali niyang tinawag si Light ang kanyang butler.
"Prepare the private plane, we need to go back to the Phillipines today." maotoridad na utos niya kay Light.
"As you wish Mi Lady." sagot ni Light at agad ding umalis.
•
Sa loob ng mahigit 15 hours ay nakalapag na ang private plane ng mga Buenafe sa sarili nitong private airport.
"Are the men ready? Alam mo na walang pwedeng makaalam ng pagbalik ko dito sa Pilipinas," tanong ni Ella sa kanyang butler.
"Yes Young Lady. They are outside the airport," saad ng kanyang tauhan.
"Great. I can't wait to see my twin sister and to know what really her problem is," pagpuri niya sa kanyang tauhan habang nag aalala sa kanyang kakambal.
Pagkalabas nila sa Airport ay nakahanda na ang kanyang mga tauhan. May mga sasakyan na ring nakaparada at mga motor na mag co-convoy sa kanila.
Makalipas ang ilang oras na byahe ay narating narin nila ang kanilang bahay.
Napalinga linga ang dalagang si Ella sa paligid. Napangiti na lamang siya ng makitang walang pinagbago ang kanilang mansion.
The fountains in front of their house is still working, the beautiful flowers in the very wide garden of their grand mother is still blooming. Halatang alagang alaga parin ito ng kanilang nana Sita. Si nana Sita ay ang kanilang mayordoma, simula ng mamatay ang kanilang mga magulang ito at ang asawa nitong si mang Mario na dati namang driver ng kanilang mga magulang ang nag alaga sa kanila.
Walang emosyon siyang pumasok sa loob ng mansyon kaya nagulat ang panganay nilang kapatid.
"What the f*ck? Ingrid, what are you doing here?" takang tanong ng panganay nilang kapatid na si Earth.
"Where is Heaven?" agarang tanong ni Ella.
"Ayos ng sagot mo sa tanong ko hah, tanong din. By the way your twin sister is still at her school hindi pa nakakauwi," sagot ng kuya nila.
Tinanguan niya lang si Earth at dumiretso sa kusina.
"Hmmm, I miss that smell ha." magiliw na saad ni Ella dahilan upang mapalingon ang kanilang mayordoma na si Sita.
"Ella? Hija ikaw ba iyan?" tanong ni Sita.
Isang matamis na ngiti lamang ang isinukli ni Ella sa mayordoma.
"Ikaw nga.. alam na alam ko ang ngiting iyan, sapagkat kami lamang ng Tata Mario mo ang nakakakita niyan," magiliw na saad ng mayordoma.
Bihira mang ngumiti ng dalagang si Ella pero kapag ang matandang mag asawa ang kaharap niya ay nakikita nila ito.
"Anong sadya mo dito sa Pilipinas? Bigla ka yatang napabisita," tanong ng matanda.
"I just missed all of you Nana especially that yummy adobo of yours," saad ni Ella.
"Aba ikaw ay nambola pa, Kararating mo lamang ba hija?" tanong ni Sita.
"Yes po Nana," sagot nito.
"Kung sa ganun ay pumanhik ka na muna sa iyon silid at magpahinga. Ikaw ay ipapatawag ko na lamang kapag oras na ng tanghalian," saad ng matanda.
"Thank so much Nana, and by the way. When Heaven is already home, can you tell her to go to my room? We need to talk about some stuffs po eh," magalang na utos niya sa matanda.
"Oh sige hija masusunod," nakangiting sagot ng matanda.
Tinanguan niya na lamang ito at lumabas na ng kusina.
Paakyat na siya sa kanyang silid ng mapansin niya ang kuya Earth niya na may kung anong ginagawa sa sala.
"What's that kuya?" takang tanong niya.
"It's just some issue about the son of the Congressman, Timothy Lee." Hindi nakatinging sagot ng kuya niya sa kanya dahil nasa laptop ito nakatingin.
"Timothy? That's Heaven's boyfriend right?" tanong niya.
"Yeah and this is the sh*t thing Ella, fiance pala ng gag*ng ito ang anak ni Mayor Alovero na si Cheska Alovero," galit na saad ng kuya niya.
"So you are saying that assh*le is two timing Heaven and that Cheska? How dare he," sagot ni Ella.
Akmang aalis siya ng pigilan siya ng kuya niya.
"Hoy, Hoy saan ka pupunta?" nakahawak sa brasong tanong ng kuya niya.
"Just wanna end some animal's life," walang emosyong sagot niya.
"Ano susugod ka sa school nila? Baka nakakalimutan mo Ella. Walang kahit sino dito sa Pilipinas ang nakakaalam na buhay ang kakambal si Heaven. Baka nakakalimutan mong sa Spain ka nabubuhay. Ano? Gusto mong mapahamak ang kakambal mo?" mahabang saad ng kuya niya habang nakahawak parin sa braso niya.
"Wtf!!!!!!" sigaw niya.
Dahilan upang maalarma ang iba nilang kasama sa bahay.
"Ella anong nangyari? bakit ka nagmumura?" takang tanong ng kanilang Nana Sita.
Imbes na sagutin ito ay padabog siyang umakyat sa hagdan papuntang ikalawang palapag kung nasaan ang kanilang mga kwarto.
•
Nasa byahe na si Heaven pauwi sa kanilang mansyon habang iniisip kung paano ipapaliwanag sa mga kapatid ang kanyang katangahan.
Anong utak ang meron ka Heaven Astrid Buenafe! Top student ka sa inyong klase pero ang tanga tanga mo. Ano nalang ang sasabihin ng mga kapatid mo sayo? Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao? Na ang anak ng mag asawang Business icon na top richest couple in the Philippines at bunsong kapatid ng Sikat na Artistang si Wind Buenafe ay disgrasyada...
Umiiyak na saad niya sa kanyang isip.
"Young Lady ayos lang po ba kayo?" nag aalalang tanong ni Tata Mario.
Agad niya namang pinunasan ang tumulong luha sa kanyang mga mata at tumango sa matanda.
"I'm okay Tata, just drive nalang po," magalang niyang sagot.
Pagkarating nila sa mansyon ay agad siyang pumasok. Sa pag pasok niya ay sinalubong siya ni Nana Sita.
"Hija, narito ang ate Ella mo. Kararating niya lang kaninang umaga, ang habilin niya ay pagdating mo galing eskwela ay dumiretso ka sa kanyang silid dahil may pag uusapan daw kayo," saad ng matanda.
"Salamat po nana, pakidala naman po nitong bag ko sa kwarto ko oh." magalang niyang saad sa matanda at inabot dito ang bag niya.
Kinuha naman ng matanda ang kanyang bag at dinala ito sa kwarto niya. Siya naman ay dali-daling dumiretso sa kwartong ng kakambal niya.
Mahina siyang kumatok sa pinto ng kwarto ng kakambal niya. Nang hindi parin binuksan ng kakambal niya ay nagsalita na siya.
"Ate?" mahinang tawag niya.
Maya maya ay bumukas na ang pinto at iniluwal nito ang walang emosyong pagmumukha ng kakambal niya. Pagkakita niya sa kakambal ay niyakap niya agad ito. Mahigpit din siyang niyakap ng kapatid niya bago hilahin papasok sa kwarto nito.
"So tell me, what is this problem of yours na kailangan sa personal pag usapan Heaven?" agarang tanong ng kakambal niya.
Hindi pa man nagsasalita ay umiyak na siya.
"Hey! why are you crying? I'm just asking you Langit ano ba!!" saad ng kakambal niya at niyakap siya.
"Ate natatakot ako.." umiiyak na saad niya sa kakambal niya.
"What the hell is happening to you ba ha?" may galit na sa boses ni Ella.
"A-ate, b-buntis po ako" nauutal na sagot niya.
Napatigil ang kakambal niya sa sinabi niyang iyon.
"Ate n-natatakot ako, a-ate b-baka pagalitan ako ni kuya Wind." umiiyak na sabi niya sa kakambal niya.
Sa kanilang magkakapatid si Wind ang pinaka suplado, maliban kasi sa masungit na talaga ito simula pagkabata ay may imahe itong iniingatan bilang isang artista.
"Hush Heaven, I will handle kuya Wind. I promise I will do everything para hindi siya magalit okay?" pagpapakalma ni Ella sa kaniya. "By the way, alam na ba ito ni Timothy? He is you boyfriend right?"
Sa sinabing iyon ng kakambal niya ay napaiyak na naman siya.
"Ano ba Heaven, hindi naman kita inaano, I'm just asking you here." may pagkainis ng saad ng ate niya.
"He wants me to abort the baby ate." nakatingin sa mata niyang saad sa ate niya.
Sa sinabi niyang iyon ay nakita niya ang dumaang galit sa mata ng kakambal. Galit na animo'y sa ilang segundo lang ay parang kikitil na ng buhay.
"Go to your room, fix yourself, after that ay kumain ka na. I'll talk to our kuyas," maotoridad na utos ng kakambal niya sa kaniya.
Tango lang ang isinagot niya rito at lumabas na ng kwarto nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro