EPILOGUE
HEAVEN
"I'm homeeeee!!!!!" Sigaw ng kakapasok lang sa bahay na anak kong si Selene.
"Ingay," tanging sagot ng kakambal niya sa kanya.
"Pakialam mo?" Mataray na balik ng kakambal niya sa kanya.
"At nag away na naman ang aso't pusa," si Joana ang sumagot.
"At nakisali na ang daga," Sabay na sigaw ng kambal.
"Ahh daga pala ha. Huwag kayong pupunta sa pastry shop ko at mamburaot ng cupcakes ha!" Sigaw pabalik ni Joana.
"Hoy binibiro kalang Joana," Sagot ni Khunso.
"Anong binibiro, hoy kuya bumulong ka kaya sakin na sabayan ka sa pagsigaw ng ganun," Panlalaglag ni Selene sa kakambal niya. "Joana bati tayo ha."
Natatawa nalang ako palagi sa bangayan ng tatlong ito. Para nga silang mga daga, aso at pusa pero ang pinagpapasalamat ko ay ang pagbabati nila Selene at Joana.
Sa totoo lang hindi ko alam kung paano nagkabati ang dalawang ito. Basta ang naalala ko lang ay yakap yakap ni Joana si Selene na humahagulgol sa iyak. Lalapitan ko pa sana sila pero napaisip ako na mas mabuti ngang sila nalang ang nasa ganoong sitwasyon ng sa gayon ay magkalapit ang mga loob nila.
Simula ng araw na iyon ay parang nakalimutan na namin ang mga araw ng bangayan nilang dalawa.
"Mama si kuya ohhh ang daya," sigaw ni Joana.
"Anong madaya??? Nagpapalitan kaya kayo ni Selene ng baraha!!" Sigaw naman ni Khunso.
"Ohh kalma kalma, kayong tatlo lang ang naglalaro diyan pero parang magrarumble pa kayo," natatawa kong sambit.
"Paano ba naman kasi ma itong dalawang 'to, nandadaya. Alam kasi nila na matatalo sila sa pustahan." Sagot ni khunso habang dinuduro ang mga kapatid.
"Ano ba kasi ang pinagpupustahan niyo ha?" Tanong ko.
"When me and Joana won ibibigay ni kuya sa amin yung sasakyan niya. But when we lose ibibigay namin sa kanya ang Pastry Shop ni Joana," natatawang sambit ni Selene.
"Kaya nandadaya kayong dalawa?" Seryosong tanong ko.
"Ma hindi kaya," depensa ni Joana.
"Eh bakit kayo nagpapalitan ng baraha?" Tanong ko ulit.
"Mama, we are just teasing kuya. We know naman na hindi kami mananalo over him eh." Malambing na saad ni Selene at yumakap sakin.
Tumayo naman si Joana at nakiyakap din. "Oo nga po mama, talagang oa lang po mag react yang si kuya Khunso."
"At bakit may yakapang nagaganap?" Tanong ni Timothy na kararating lang.
"Pa, nagpapakampi sila kay mama kasi nahuli ko silang nandadaya sa laro namin." Saad ni Khunso at lumapit sa papa niya.
"Naku nak, wala tayong magagawa diyan. Reyna ang kakampi ng mga kapatid mo, talo tayo diyan." Saad ng papa nila at tumawa.
Nakita ko naman na sabay siyang binilatan ng mga kapatid niya kaya piningot ko ang mga tenga nito.
"Aray ma mashakit po,"
"Mama, masakit."
"Ahh masakit? Kayong dalawa ha. Umayos kayo hindi porket na kinakampihan ko kayo ay aabusuhin niyo na. Hindi ba kayo naaawa diyan sa kuya niyo? Pag iyan tumandang binata lagot kayo." Natatawang saad ko.
"Mama naman eh, nang insulto pa." Sagot ng anak kong lalaki na nagkakamot ng batok.
Sa sinabi niyang iyon ay napatawa kaming lahat.
Having them in my life is really a great blessing that I will be thankful forever. They are the treasures of mine and I will cherish them forever.
ELLA
"Ma naman just let me do that mission," panimula ni Uzuri.
"I already told you Uzuri. Hindi pwede," I said full of authority.
"Pero bakit si kuya pinayagan mo?"
"Because I know that he can," tanging sagot ko at sumimsim ng tsaa.
"But kaya ko rin naman ma!!" Nagdadabog na siya.
"What's going on?" Tanong ng kakapasok lang na si Inigou.
"I want to do that mission kuya but mama won't allow me," may paawa effect na sambit ni Uzuri sa kuya niya.
"Mama already said no Uzuri. Kaya huwag ka ng mamilit."
Sa sinabing iyon ng kuya niya ay padabog niya kaming tinalikuran.
"Bantayan mo yang kapatid mo Inigou, kung pwede lang na ihatid sundo mo iyan sa paaralan na pinapasukan niya ay gawin mo. We both know kung ano ang ugali niya. Habang pinagbabawalan mas nagiging agresibo siyang gawin ang gusto niya." Saad ko kay Inigou at hinilot ang magkabilang sentido ko.
"Yes ma, I will." Sagot nito at naglakad patungong kusina.
Uzuri is so aggressive when it comes to missions. Ewan ko ba isang araw nagulat nalang ako kasama na siya sa organisasyon na iniwanan ko. Kinukunsinti kasi siya ng ama niya kaya ganun.
"What's wrong?" Bungad sa akin ni Light pagkapasok ko ng kwarto namin.
"Uzuri wants to take the mission," tanging sagot ko.
"And?"
"I didn't allow her ofcourse, Light ayokong malagay sa panganib ang buhay ng bunso natin. So please kahit ngayon lang huwag mo siyang kunsintihin," saad ko na ikinatango niya.
"I'll talk to her," Sagot niya kaya tumango ako.
Lumabas si Light sa kwarto namin kaya malalim akong bumuntong hininga.
Having Light, Inigou and Uzuri makes me whole. Dahil sa kanila naranasan kong magkaroon ng kompletong pamilya. That's why I am going to do everything to protect them. They are the most precious gems in my life.
May kumatok sa pintuan ng kwarto kaya lumapit ako dito at binuksan ito.
"Heaven what brings you here?" Tanong ko.
"I just want to thank you ate," saad niya. "We have so many challenges overcomed. We got so many problems that we solved. Ngayon ko talaga masasabi na lahat kaya natin. Kasi magkasangga tayo."
Niyakap ko siya ng mahigpit.
We really surpassed everything because WHEN HEAVEN AND HELL COLLIDE nothing's impossible to happen.
This is Ella Ingrid Del Castillo Buenafe-Quevedo together with Heaven Astrid Del Castillo Buenafe-Lee signing off.
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro