CHAPTER 8- What ifs
ELLA
Bumalik na naman sa isipan ko ang ginawa nila sa akin noong bata ako. Hinding hindi parin natatanggal sa puso ko ang pagkamuhi ko sa kanila. I don't just simply hate them because I despise them. Hindi ko nakasama ang kakambal ko ng maraming taon. Hindi ko man lang siya nagawang ipagtanggol sa mga p*tang inang nangbubully sa kanya. At mas lalong hindi ko siya natulungan kilatisin ang Timothy Lee na iyon. Kung hindi ba ako dinala sa Spain ay hindi mabubuntis ng maaga si Heaven? Kung hindi ba ako dinala sa Spain hindi magiging ganito ka sama ang ugali ko? Pero kung sakali bang hindi din nila ako nilayo sa kanila magiging ganito ba kalakas ang loob ko?
Ang daming what ifs sa utak ko. Pero iisa lang ang sigurado ako. Hindi ako mahal ng mga kuya ko. Kasi kung mahal nila ako? Hindi nila ako ipapadala sa Spain.
Nabalik ako sa ulirat ng may kumatok sa pinto ko .
"The door is open just come in," saad ko.
Unti-unting pumasok si Heaven, parang may pag aalangan pa sa bawat hakbang niya kaya ngitian ko siya. Ayokong ma stress to buntis pa naman to.
"Ate, kamusta ka po?" Nag aalalang tanong niya.
Sinenyasan ko siyang umupo sa tabi ko. Parang gusto kong maging sweet ngayon sa kanya. Pagka lapit niya ay sinandal ko ang ulo ko sa right shoulder niya.
Napansin ko pa ang pagka gulat niya sa ginawa ko kaya pasimple akong napangiti. Yes I am sweet pero kay Heaven lang. Wala naman kasi akong galit sa kanya eh. She is my better half and I am her worst half. I'll do everything for her. Kahit ang kapalit pa ay buhay ko.
"Ate is okay, don't worry about me. Don't stress yourself okay? Bawal yan sa baby mo," malambing na saad ko.
"Eh kasi naman ate, nag aalala ako para sayo eh. Kapag nalulungkot ka nalulungkot din ako eh," narinig ko siyang humikbi.
"Hey, don't cry, you are ugly when you are crying." saad ko kaya hinampas niya ako sa braso at tumawa bigla.
Aning na itong kakambal ko. Jusko...
Inakbayan ko siya at inihiga sa balikat ko.
"You and your baby is my happiness kaya huwag niyo akong iiwan ha," sambit ko.
"Malamang ate, hindi naman ako aalis dito eh. And isa pa hinding hindi kami mawawala sayo kahit anong mangyari nuh. Peksman mamatay man si Amanda." Saad niya kaya napahalakhak kaming pareho.
And oh, nakalimutan ko si Amanda. How is that b*tch na kaya?
"Ahm, by the way Heaven alis muna si ate ha. May pupuntahan lang ako but I promise babalik ako agad." tugon ko habang hinahaplos ang buhok niya.
Nilingon niya naman ako.
"Ate, can you buy me French fries po?" Saad niya while naka puppy eyes, cute hehehe.
"Sure, how much ba gusto mo?" tanong ko.
"Mga 1 kilo po pwede?" saad niya habang naglalambing.
"Ofcouse, kahit isang French fries factory pa iyan Heaven ate will buy it for you," Natatawang saad ko.
"Yehey!! Thank you ate. You really is the best Iloveyou," panlalambing niya.
"Iloveyou most my twin sister." saad ko at niyakap siya.
Niyakap niya rin ako pabalik.
"Oh siya sige na labas na po ako ate, para makapag ayos kana." saad niya at naglakad na palabas ng kwarto ko.
Babawi ako sayo hanggat narito ako sa Pilipinas Heaven, pangako iyan.
Nang masigurado kong nakalayo na sa kwarto ko si Heaven ay dinial ko ang number ni Light.
"Any update about Amanda?" saad ko pagka sagot niya ng tawag.
["She will be send to rehabilitation center, according to our asset at the Hospital her result about the drug test is positive, her parents got really mad and decided to put her to the rehab center."] Mahaba niyang litanya.
Napangisi ako sa narinig ko.
"Thanks for the update, Light. Just continue what you are doing," saad ko
["Yes young lady."] tugon niya.
Binaba ko na ang tawag at nag ayos para umalis.
I just wear a black longsleeve and maong pants. And I also bun my hair. Katamad mag ayos eh.
Pagkatapos ay naglabas ako ng sigarilyo.
Sinindihan ko ito at lumabas ng kwarto ko. Pero pagkarating ko sa sala ay nadatnan ko si kuya Earth.
"Ingrid can we talk? I just want to say sorry about what happened earlier," saad niya.
Tumigil naman ako sa mismong harap niya at humithit ng isang beses bago nagsalita.
"Sorry accepted, and don't worry about me I'm used to it." tanging sambit ko lang at naglakad na palabas.
Hindi ko na narinig pa ang boses niya kaya nagpatuloy nalang ako sa pag labas ng bahay.
Pinatay ko na ang sigarilyo ko at pumara ng taxi kasi tamad akong mag drive ngayon.
"Saan po kayo maam?" Tanong ng taxi driver.
"Dominican Medical Hospital," tanging saad ko lang.
Tumango lang si manong driver kaya hindi ko na siya pinansin. Maya maya ay nakarating na kami sa Ospital. Nagbayad ako sa taxi driver at sinabihan siyang keep the change, nakita ko naman ang malawak na ngiti ng taxi driver. Kaya napangiti rin ako.
Pagkapasok ko sa Ospital ay dumiretso ako sa doctor ko.
Hindi na ako kumatok at dumiretso ng pumasok sa opisina niya.
Nagulat naman siya kaya medyo natigilan.
"So what's the result?" Tanong ko agad.
"Miss Ella, your Autophobia is getting worst. You are with your siblings ngayon hindi po ba? So dapat ay gumagaling na po kayo? Pero bakit parang lumalala pa po?" Sunud sunod na tanong ng Doctor ko.
"I don't know, you are my doctor so you should be the one to know it right?" sagot ko sa kanya.
Yumuko lamang siya.
Hindi ito pwede, She is right dapat ay gumagaling na ako dahil kasama ko ang mga kapatid ko. Pero bakit parang lumalala pa? Hindi naman na ako nag iisa ah.
"So I need to undergo treatment?" tanong ko.
"You need to undergo Psychotherapy Miss Ella," tugon niya.
"What about medication?" tanong ko ulit.
"You can be medicated through Selective serotonin reuptake inhibitors," saad niya lang.
"Okay, gagaling na ba ako kapag ginawa lahat ng iyan?" paninigurong tanong ko.
"Yes Miss Ella pero matatagalan pa kapag walang improvement," saad niya.
Tumango nalang ako at lumabas. Bastos ba? Ganyan ako eh.
Pagkalabas ko ng opisina ni Doc ay wala sa sarili akong naglakad papuntang roof deck.
Pagkarating ko sa roof deck ay doon na nag umpisang tumulo ang mga luha ko.
Gagaling ako. I'll make sure of it. Hindi ako papayag na matalo ako nito.
A/N:
TRIVIA:
•Autophobia, or monophobia, makes you feel extremely anxious when you're alone. This fear of being alone can affect your relationships, social life and career. You may also have a fear of abandonment that stems from a traumatic childhood experience.
•Selective serotonin reuptake inhibitors- These antidepressant medications are prescribed for phobias as well as anxiety disorders.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro