Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 44- Reception

ELLA

"Kamusta ang feeling ng bagong kasal?" Tanong ko kay Heaven.

"Subrang saya ate, ganito pala ang feeling nuh. 'Yung maglalakad ka sa aisle tapos nasa harapan yung lalaking mahal na mahal mo naghihintay sa'yo tapos sabay kayong lalapit sa altar. Tapos magpapalitan kayo ng wedding vows basta ate subrang saya ko," Nakangiting saad niya.

"I'm happy that you are happy Heaven," saad ko.

"Pero mas masaya ako ate kasi bumalik ka sa amin." Malambing na tugon niya at lumingkis sa kanang braso ko.

"I have to Heaven because I need to," Wala sa sariling sambit ko.

Nilingon niya ako. "What do you mean ate?"

"I had been sick Heaven..." sambit ko at bumuntong hininga.

"Sick? Ate bakit hindi ko alam? Bakit hindi namin alam?"

"Dahil ayokong mag alala kayo sakin. Lalo ka na, you are pregnant with the twins noong nagpacheck up ako ulit kasi feeling ko mas lumala iyon," Pagpapaliwanag ko.

"But I am your twin sister ate, I should knew. Ano ang sakit mo?"

"I have Autophobia," tanging sagot ko.

Yumuko siya at bumuntong hininga. "Sorry ate ha, kung hindi tayo nagkalayo noong mga bata pa tayo siguro hindi ka nagkasakit ng ganyan."

Iniangat ko ang mukha niya gamit ang kaliwang kamay ko. "Don't worry magaling na ako." Saad ko at ngumiti kaya ngumiti din siya.

"Really?" Masaya niyang tanong.

"Yes, because last time na nagpacheck up ako sabi ng doctor ko ay magaling na ako. Effective daw yung pills ko."

"Pills? Anong klaseng pills ate?" Nagtataka niyang tanong.

"Happy pills and kayo iyon. You guys are my happy pills," nakangiti kong tugon.

Lumayo siya ng kunti sa akin. "I LOVE YOU ATE KO!!!!!" Sigaw niya kaya napatawa ako.

"I LOVE YOU TOO HEAVEN!!!!" Sigaw ko rin.

"Hoy mga bruha aba, para kayong mga shunga diyan kayong dalawa lang ang nag uusap nagsisigawan pa kayo." Saad ni Marjorie na kakalapit lang sa amin habang hawak ang wine glass niya.

"Lasinggera oh," natatawang saad ni Heaven.

"Hoy hindi pa ako lasing," depensa ng isa.

"Hindi daw eh nasaan na yung mga heels mo?" Tanong ko.

"Nandun iniwan ko sakit na sa paa eh."

"Mga baliw diyan na muna kayong mag bff pupuntahan ko lang asawa ko," saad ko.

"Gorabells na dun sis, aangkinin ko muna for now si sai ko. Kasi mamaya si Timothy na naman ang aangkin sa kanya," nabubulol at natatawang turan ni Marjorie.

"Lasing na nga, lumalabas na mga kabulastugan eh." Umiiling kong sabi at iniwan na silang dalawa doon.


HEAVEN

"Hoy sai, lasing kana ah. Naka ilang bote kana ba ng wine ha?" Tanong ko sa kaibigan kong nakangisi lang sa akin. Naaning na.

"Ah.... Lima sai hehe," jusko po lima daw pero apat na daliri ang itinaas.

Napatampal naman ako sa noo dahil sa kashungahan nitong babaeng kasama ko.

"Nasaan ba si Tristan? Bakit ka hinayaang maglasing nun?" Tanong ko.

"Ah yung asawa kong yun? Nandun sa asawa mo, feeling ko may relasyon sila eh. Kanina pa ako hindi pinapansin," Pagmamaktol niya.

Oo nga pala, mag asawa na ang dalawang ito. Huli ko na nga nalaman na kasal na silang dalawa eh, nabusy talaga ako sa mga ganap sa buhay ko.

"So ibig sabihin may relasyon din tayo kasi magkasama tayo?" Natatawang tanong ko.

She titled her head na parang nag iisip. "Oo nga nuh."

Juskolurd lasing na nga.

"Tara na sai, puntahan na natin mga asawa natin." Sambit ko at hinila siya, para naman siyang lantang gulay na nagpahila lang.

"Oh anyari diyan?" Tanong agad ni Timothy ng makalapit na kami sa kanila.

"Tristan, asikasuhin mo nga yang asawa mo. Lasinggera na eh." Saad ko at mahinang tinulak si Marjorie kay Tristan.

"Hindi nga ako lashing shai," pagdadahilan ni Marj.

"Oo na hindi kana lasing Mahal," natatawang turan ni Tristan. "I think we really have to go na guys, lakas na ng amats nito eh, nakailang bote yata ng wine to. By the way congratulations sa inyong dalawa." Saad ni Tristan at nagpaalam na.

"Wala na masyadong bisita babe, pwede na tayong pumasok sa bahay," panimula ni Tim.

The reception is in our garden, malaki naman kasi ito, kaya ito na ang naisipan naming gawing reception area.

"Bakit pagod kana?" Tanong ko.

"Hindi pa pero mamaya mapapagod na," natatawa niyang saad kaya hinampas ko ang braso niya.

"Kalibugan mo Timothy," turan ko.

"Bakit? Totoo naman ah." Saad niya at tumawa dahil kinurot ko ng mahina at tagiliran niya. "Aray babe, mapanakit kana ha."

"Para ka kasing tanga," sagot ko.

"Hindi ako tanga kasi ang pinili kong mahalin ay ikaw at hindi ang iba," seryoso niyang sagot.

Naramdaman ko na parang maiiyak ako. "Timothy naman eh,"

"Oh bakit?" Taka niyang tanong.

"Pinapaiyak mo ako," Diretsang sagot ko.

"Why? May nagawa ba ako?" Tanong niya kaya umiling ako. "So why are you crying?"

"Tears of joy," sagot ko. "I am just happy that finally matatawag na tayong totoong pamilya. Ikaw, ako at ang tatlong anak natin." Sagot ko at pinunasan ang kunting patak ng luha sa mga mata ko.

"I love you babe, and hindi ako magsasawang magpasalamat sa'yo dahil hindi mo lang tinanggap si Joana, minahal mo pa siya na parang anak mo rin." Sagot niya at kinuha ang mga kamay ko para halikan ang mga iyon. "And I am so thankful din kay Cheska kasi siya mismo ay hindi pumayag sa arrange marriage," saad niya.

"Bakit nga ba hindi siya pumayag babe?" Taka kong tanong.

"Because she have a boyfriend," tanging sagot niya kaya tumango nalang ako.

Niyaya niya na akong pumasok sa bahay kaya nagpatianod nalang ako. Pagkarating namin sa kwarto ay nangyari na ang isa sa pinakamasayang parti ng pagmamahalan namin.

"I love you babe." Saad niya at hinalikan ang noo ko.

"I love you too babe," sagot ko.

"Thank you for everything lalo na sa pagpayag na maging Mrs. Lee." saad niya habang nakayakap sa akin.

"It's a pleasure carrying your last name babe, kahit na minsan ay muntik na kaming mawala dahil sa papa mo." Saad ko at tinignan siya.

"Isa pa iyon babe, isa pa yun sa bagay na pinapasalamatan ko. Dahil nagawa mong patawarin ang ama ko," Saad niya.

"He is still your father babe." Sagot ko at pumikit na dahil inaantok na ako.

We shared that night, we made love and cherish that moment.

A/N: EPILOGUE IS COMING....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro