Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 42- Happy Birthday

HEAVEN

Subrang dami ng nangyari, at sa edad kong ito pakiramdam ko ay nanalo ako. Nanalo ako hindi lang sa laban sa buhay kundi nanalo din ako sa asawa ko. Oo literal na nanalo kasi sa bawat away namin ako palagi ang nananalo.

"Saan mo na naman ako dadalhin?" Tanong ko sa asawa ko na pinagta-tyagaan ko sa loob ng 18 years.

36 na ako ngayon at siya naman ay 37 pero para parin kaming mga teenager. Aso at pusa kumbaga away ngayon bati later.

"Sumama ka nalang kasi babe." Sagot niya sa akin at inilabas ang panyo niya.

"Hoy ano iyan ha Timothy? Kikidnapin mo ko?" Tanong ko at lumayo sa kanya.

"Pwede ba babe chill ka lang?" Saad niya at ipiniring sa akin ang panyo niya.

"Timothy ano ba. Ano tingin mo sa atin teenagers? May pa piring piring ka pang nalalaman." Sagot ko at tinanggal ang piring sa mata.

"Babe naman eh, makisabay ka nalang kasi naghihintay na sila sa garden." Nagmamaktol na sagot niya at binalik ang piring ko sa mata.

Sila? Sa garden? Ano na naman tong pakulo mo Timothy. Ang dami mo talagang hanash sa buhay.

Naalala ko naman tuloy yung ginawa niya noong Valentines day. Ginawa ba namang garden ang kwarto namin, paano punong puno ng red roses ang kwarto. May pa dinner date pang nalalaman ang kumag.

"Ok fine basta siguraduhin mo lang na matutuwa ako sa pinaggagawa mo ha." Saad ko at tinulungan siyang ayusin ang piring ko sa mata.

Inalalayan niya ako sa paglakad. "Ayusin mo pag alalay sakin Timothy, kapag ako natalisod sa kusina ka matutulog." Pagbabanta ko sa kanya habang pinapakiramdaman ang dinadaanan namin.

Teka? What if hindi ito si Timothy? What if nagpa plastic surgery lang ito para gayahin ang mukha ng asawa ko? What if tauhan ito ni Amanda? Tapos kikidnapin na pala ako?

Akmang magpupumiglas ako ng tinanggal na ni Timothy ang piring.

"SURPRISE!!!!!!!!!!! HAPPY BIRTHDAY!!!!!!!!"

Sabay sabay nilang sigaw.

Teka? Birthday? Hala anong araw na ba ngayon?

"Birthday ko? Ngayon?" Tanong ko habang tinuturo pa ang sarili ko.

"Hala? Birthday amnesia sai?" Natatawang tanong ni Marj sa akin.

"Seryoso kasi ano bang date ngayon?" Pasagot kong tanong.

"Its October 6 mama." Sagot ni Khunso na may hawak na cake.

"Hala totoo?" Inilabas ko ang cellphone ko at pumunta sa calendar app. Oo nga birthday ko nga pala ngayon. "Hala, birthday ko nga."

"Birthday natin," Sagot ng kung sino sa likod ko kaya lumingon ako.

"Ate!!!!" Sigaw ko at yumakap sa kanya.

"Tsk, childish." Sabad ng kung sino dumaan sa tabi namin ni ate.

"Hoy kuya Light, palibhasa gurang ka na." Saad ko at nag make face pa pero ang mukong tinawanan lang ako.

"37 na tayo pero kung umasta ka parang 20s." Natatawang saad ni ate at ginulo ang buhok ko.

"Si Athena?" Tanong ko ng mapansing wala ang anak ko.

"Actually hindi sumama yung mga bata. May training sila eh." Si kuya Light ang sumagot habang hawak ang wine glass niya na sinasalinan ng wine ni Timothy.

"Training para saan?" Tanong ko pero hindi na nila ako sinagot.

At bigla na silang napipi lahat? Grabe.

Hindi na ako nangulit at lumapit na sa kanila.

"Tita ako po yung nagbake ng cake," nakangiting saad ni Joana.

"Talaga? Sige nga patikim." Saad ko at kumuha ng platito sa mesa.

Pinagslice niya naman ako ng cake. Well wala ng kanta kanta ng happy birthday to. Nauna na silang lumamon e.

"Here po tita." Saad niya at iniabot sa akin ang cake.

Kumuha ako ng maliit na slice gamit ang teaspoon na hawak ko at tinikman ito. "Joana, ano nga palang course na kukunin mo?" Tanong ko.

"Pastry chef sana tita," Sagot niya na parang nahihiya pa.

"Okay great then you will be studying course about baking?" Tanong ko kaya tumango siya. "The cake you bake is so delicious anak."

"Talaga po? Salamat tita happy birthday ulit po." Saad niya at yumakap sa akin.

"Nakakahalata na ako sa'yo Joana ha. Bakit pag kay Heaven panay yakap ka kay Daddy mo hindi?" Kunwaring nagtatampong saad ni Timothy kaya tumawa kami.

"Kapag inggit pikit." Sabat ni Marjorie.

"Dad, nagseselos ka sa sarili mong asawa?" Natatawang tanong ni Joana.

"Hindi nuh." Depensa ni Tim at tumango kay Khunso kaya nilingon  ko ito.

May kinuha siya sa likod niya. Bulaklak, isang bouquet ng red roses. Lumapit siya sa akin at iniabot ito. Pagkakuha ko sa kanya ng bulaklak ay sumenyas siyang lumingon ako sa aking likuran na siyang ginawa ko.

Pagkalingon ko ay nakita ko si Timothy na naka luhod at may hawak na isang velvet box. Lumapit ako sa kanya.

"Ano na namang pakulo ito?" Tanong ko.

Binuksan niya ang box at tumambad sa akin ang isang mamahaling singsing.

"T-tim..."

"I know hindi ako perpektong lalaki, hindi ako perpektong asawa at ama. Nasaktan kita ng paulit ulit. Pero hindi mo ako sinukuan, hindi mo ako kinamuhian. Hindi ka lang naging mabuting ina sa mga anak natin kundi pati na rin sa anak kong si Joana. Hindi mo siya anak, hindi siya nanggaling sa'yo pero minahal mo siya, inalagaan at ginabayan. Noong nagpaubaya ka para makasama ako sa kanila ni Amanda akala ko wala ng pag asa. Akala ko matatali na ako sa kanya. Pero noong ipinakita mo ang marriage contract ay nakahinga ako ng maluwag. Heaven babe, I want to marry you again. Well you marry me?" Naiiyak na tanong niya sa akin.

Sino pa ba ako para humindi? Hindi naman na kami mga bata e.

"Yes na yes babe. I am willing to marry you again. This time tayo na talaga ang tatayo sa harap ng altar. Ako na talaga ang maglalakad sa aisle at ikaw ang maghihintay sa akin sa harapan." Umiiyak ko na ring tugon.

Kinuha niya na ang singsing sa loob ng velvet box at dahan dahan niya itong isinuot sa ring finger ko.

Nagsipalakpakan ang mga kasama namin dito sa garden. Ngayon ko lang napansin na nandito din pala sila tata Mario  Nana Sita at ang iba pang bodyguards.

Hinarap ako ni Timothy sa kanya at marahang hinalikan. "I love you," turan niya sa gitna ng aming paghahalikan.

"I love you too," tugon ko.


A/N: Ready for the wedding?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro