CHAPTER 41- Getting Rid of Amanda
HEAVEN
"PAPASUKIN NIYO AKO!!!! NANDYAN ANG ANAK KO!!!!!"
Nakuha ng sumisigaw sa labas ang pansin ko kaya lumabas ako ng bahay.
"Who's shouting outside?" Tanong ko agad sa kanila.
"Si mommy po tita Heaven. Kanina pa po siya nagwawala nagpupumilit pumasok sa gate pero hindi siya pinagbuksan ng mga guards. Pinagbabato niya na nga po yung gate eh." Saad ng kakalapit lang sa aking si Joana.
"Nasaan ang daddy mo?" Tanong ko.
Oh ghad, iba rin ang tabas ng dila ni Selene.
"Pinuntahan niya po sila doon sa gate. He will try to calm mommy down daw po," magalang na tugon ni Joana.
"Halika samahan mo ako, sundan natin ang daddy mo." Turan ko na ikinatango niya at sumunod sa aking nagpatiuna na sa paglalakad.
"Pwede ba Amanda huwag kang mag eskandalo dito!!" May galit sa tono ng pananalita ni Timothy.
"Aalis ako dito kapag binigay mo sa akin si Joana!!" Balik na sigaw ni Amanda.
"At sinong tangang ama ang ibibigay ang anak niya sa baliw nitong ina?" Sulpot ko.
"Ikaw!! Ikaw akin na ang anak ko. Hindi kapa nakontento sa pagkuha mo kay Timothy pati si Joana kinuha mo pa!" Sigaw nito sa akin.
"Hindi ko na kasalanan iyon Amanda. Kung hindi ka baliw at pabayaang ina, kung hindi mo pinagbantaan ang buhay ng anak mo hindi ka sana makukulong!" Sigaw ko sa kanya.
Binaling niya ang tingin kay Joana. "Anak halika sumama ka kay mommy, umuwi na tayo." Saad niya kay Joana habang inilalahad ang isa niyang kamay dito.
Iling lang ang isinagot sa kanya ni Joana at parang batang sumiksik sa likod ko.
"See? See what you did! Nilason mo ang utak ng anak ko! Nilason mo ang utak niya kaya ngayon ay ayaw niya na sa akin." Galit habang umiiyak na sigaw ni Amanda.
"Pwede ba Amanda, wala kaming ginawa kay Joana. At hindi na namin kasalanan kung bakit ayaw sumama ng anak mo sa'yo. Baka nakakalimutan mo na ang ginawa mo sa kanya years ago. Handa kang saktan ang anak mo makuha mo lang ang gusto mo. Handa kang isugal ang buhay ng anak mo huwag ka lang iwan ni Timothy. Sinong matinong ina ang kayang gawin iyon ha Amanda? Wala, kaya ibig sabihin lang nun ay wala kang kwentang ina," kalmado pero madiin kong sambit dahilan kaya natigilan siya.
"J-joana anak k-kahit yakap l-lang kay m-mommy oh," Amanda said between her sobs.
Nilingon ko naman si Joana at nakita kong namumula na ang mga mata niya, nagpipigil na ng iyak ang bata. "Do you want to hug your mom?" Tanong ko dito.
Tipid siyang tumango. Kahit naman sinong anak ay nais mayakap ang inang nagsusumamo sa kanya ay gagawin ito.
Lumapit ako malapit sa gate habang hawak sa kamay si Joana.
"Ano ang gagawin mo?" Tanong ni Timothy ng akmang bubuksan ko ang gate.
Ngiti lang ang isinukli ko sa kanya at binuksan ko ang gate. Pagkalabas namin ay agad na lumapit si Amanda at marahas na hinila palayo sa akin si Joana. Agad akong naalarma pati na rin si Timothy na nakalabas na din pala ng gate. Sa likod niya narin ang mga bodyguards naming naka alesto na.
Pero agad din akong nakalma ng niyakap ni Amanda si Joana.
"Anak ko, sorry sa lahat ng ginawa ko. At sorry rin sa gagawin ko." Saad niya at sinaksak si Joana.
"Joana!!!!!!!!!!" Sigaw ko at nakarinig din ako ng putok ng baril.
Nilingon ko kung sino ang nagpaputok, isa pala sa tauhan namin. Pagkalingon ko ay nakita kong nakahandusay na sa kalsada si Amanda habang si Joana naman ay yakap yakap na ni Timothy.
"Anak, anak kumapit ka. Dadalhin ka namin sa hospital." Saad ni Timothy habang inaalo si Joana.
"I'm okay dad, hindi naman malalim yung sugat." Sagot niya at ipinakita ang saksak niya sa braso. "Alam ko ang takbo ng utak ni Mommy kaya umalerto din ako, nakita ko ang hawak niyang kutsilyo kaya hindi ako naging kampante alam kong may gagawin na naman siyang ikasasakit ko."
Lumapit ako agad sa kanila. "Paanong sa braso ka nasaksak anak? A-akala ko sa likod." Nag aalala kong tanong.
"Bilis ng kilos lang po tita at pagiging alerto," nakangiting tugon niya. "Huwag na po tayong pumunta ng ospital dad, I'm sure tita Heaven can clean my wounds." Saad ni Joana at lumapit sa akin. "Mababaw lang naman po," saad niya sa akin kaya tumango ako.
Nilingon ko si Amanda. "Is she did?" Tanong ko sa bumaril sa kanya.
"No, young lady hindi naman fatal ang body part niyang natamaan ng bala. Nahimatay lang siya dahil sa sakit ng tama ng bala." Sagot nito sa akin kaya tumango ako.
Well sino ba naman ang hindi mahihimatay kung isang hamilton gun ang ginamit para barilin ka.
"Call an ambulance para madala iyan sa ospital. And huwag niyong hahayaan na makatakas ang pesting baliw na iyan." Utos ko sa kanila at tumango naman sila. Inalalayan ko na pabalik sa loob ng bahay si Joana para gamutin.
"Are you sure hindi na tayo pupunta sa ospital?" Tanong ko kay Joana pagkabalik ko mula kusina dala ang first aid kit.
"Yes po tita, mas magaling kapa kaya kaysa sa mga nurse na nandun sa ospital," tumatawang tugon niya.
"At nambola ka pang bata ka." Saad ko at nag umpisa ng linisan ang sugat niya.
Nang matapos ko ng linisan ang sugat niya ay agad kong tinawagan si ate. I need ate's help to get rid of Amanda forever. Hindi kami magiging tunay na ligtas hanggat nasa paligid parin namin siya.
Pagkatapos naming mag usap ay nakahinga ako ng maluwag. Gagawan daw ni ate ng paraan upang maipadala sa ibang bansa si Amanda. Ate said she will contact her friend na doctor sa Dominican Republic, it is a mental hospital located in somewhere in Europe.
FLASHBACK
"Are you sure na okay doon ate?" Tanong ko sa kanya.
["Yes, Dominican Republic is a well known Mental Hospital in Europe kaya alam kong hindi na makakatakas si Amanda doon. Makalabas man siya ay sa presinto naman ang magiging bagsak niya dahil sa mga kasong isinampa natin sa kanya."] Siguradong sagot niya mula sa kabilang linya.
In this chapter we will get rid of Amanda for sure. And for the next Chapters we will let you witness the best happenings in our lives.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro