Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 4- Pregnancy Kit

HEAVEN

Subrang bored na talaga ako dito sa bahay. Isang araw palang akong nakakulong dito. Hindi naman sa kulong talaga ha, alangan naman rumampa ako sa daan diba? Paano nalang kung may makakita sa aking kaklase ko o schoolmate ko. Edi magtataka sila.

Imbes na magmukmok sa kwarto ay pumunta ako sa kusina. Ang tambayan ni nana Sita hehe.

"Nana Sita, may pagkain po ba diyan? Medyo nagugutom po ako eh." Agarang saad ko pagkapasok ng kusina.

"Ay meron hija. Tignan mo nalang diyan sa loob ng ref," Saad niya.

Agad akong lumapit sa ref at binuksan ito. Pagkabukas ko ay parang ginalugad agad ang tiyan ko.

"Nana Sita ang baho. Ano ba naman ang nandito sa loob ref? Bakit subrang baho. Amoy panis." saad ko habang iniipit ng dalawang daliri ko ang ilong ko.

"Ha? Wala namang panis diyan hija." saad ni nana at dali daling lumapit sa ref.

Isa isa niyang tinignan ang laman ng ref.

"Ito ba ang tinutukoy mung mabaho hija?" Inilabas niya ang isang box ng pizza.

Masama ko itong tinignan.

'Grabe ka naman baby. Paborito ni mommy ang pizza eh. Bakit ka naman ganyan'.

Nakangiwing kong saad sa isip ko.

"Oo nana iyan nga. Pakitapon naman oh," nakanguso kong saad.

"Nako hija, baka magalit ang ate Ella mo pag itinapon ko ito sa kanya to eh," Nag aalangang saad ni Nana.

"Eh nana ang baho po eh," naiiyak ng saad ko.

"Jusko naman hija, huwag kang umiyak. Oh siya sige itatapon ko na ito," saad niya.

Agad naman akong ngumiti ng pagka lawak.

'Nababaliw na yata ako. Kanina iiyak tapos biglang ngingiti? Hala ka self..'

Nagtatakang saad ko sa isip ko.

Pagkalabas ni Nana Sita sa kusina para itapon ang pizza ay lumabas na rin ako. Biglang nawala ang gana ko kumain dahil sa mabahong amoy ng pizza.

Akma akong lalabas ng bahay ng biglang pumasok sa entrada si kuya Earth.

"At saan ang punta mo buntis?" Tanong niya.

"Sa garden lang po kuya, mamimitas ng bulaklak," Sagot ko.

"Mamimitas lang nga ba?" Natatawang tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at nakangusong tinalikuran.

"Hoy buntis.. pikon yan?" Narinig ko pang sigaw niya.

Sa tingin ko ay mas matulis pa sa puwet ng bebe ang nguso ko ngayon. Kairita naman kasi eh. Pakialam ba nila kung kakain ako ng red rose? Eh ang sarap naman eh.

ELLA

Kasalukuyan kaming nasa dean's office ngayon. Ang kakawang Amanda nagsumbong kay dean. Gusto yatang madagdagan ang kahihiyan niya.

"Okay ladies, pinatawag ko kayo dito because of some incident earlier," pag uumpisa ni dean ng usapan.

Katabi ko si Marjorie while katabi naman ni Amanda ang mga kaibigan niyang bubuyog.

"And I want to know what really happened," pagpapatuloy ni dean.

"I was sitting on my chair when this girl come near me and say some fake news." saad ko habang nakaturo kay Amanda.

"That's not true dean, she is the first one na lumapit sa akin and then she suddenly hurt me," maarteng saad ni Amanda.

"Really? You wanna feel embarrased again Amanda?" Nakangising saad ko.

Nakita ko naman ang nagdaang takot sa mata niya.

"You know what really happened. Or you want me to elaborate it again? From spreading fake news that I am pregnant up to having one night stand with Timothy Lee," dire diretso kong saad.

Halos mamutla siya sa sinabi ko. Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni dean.

"You spread fake news Amanda? Alam mo ba na ipinagbabawal iyang ginagawa mo dito sa school? And having a one night stand? Seriously? Amanda you are minor how come nagagawa mo iyon? Does your parents know what you are doing?" Saad ni dean.

Halos hindi makapaniwala si Amanda na sinabi ko ang mga bagay na iyon sa harap ni dean.

"That is not fake news dean. She is really pregnant. And I can prove that," siguradong saad ni Amanda.

"Really? Kaya mong patunayan?" Nakangisi kong tanong.

"Okay enough! Marjorie can you ask the campus nurse to give us a pregnancy test kit?" Utos niya kay Marjorie. "Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay nagkakasiraan ang mga estudyante dito," May galit na sa tono ni dean.

"Yes po dean." saad ni Marj. Nakangising tumingin muna siya sakin bago lumabas ng dean's office.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Marj dala ang pregnancy test kit.

Binigay niya ito kay dean, agad naman itong iniabot sa akin.

Nagkatinginan naman kami ni Marj at pasimpleng ngumiti sa isa't isa.

Kinuha ko ito sa kamay ni dean at tumingin kay Amanda.

"Wanna come with me?" Ngisi kong saad at pumasok sa Cr ng office ni dean.

Syempre sinunod ko talaga ang procedure. Malamang kampante naman kasi ako na hindi ako buntis. Hindi naman ako si Heaven eh.

After taking the pregnancy test ay lumabas na ako.

Agad ko itong inilapag sa desk ni dean. Agad naman itong tinignan ni dean.

"It's negative," saad niya.

"See? I told you. You are spreading a freaking fake news. Alam mo kasi Amanda huwag kang manira kung ayaw mong mapahiya," nakangisi kong saad.

"That's imposible, iyon ang sabi ni Timothy sa akin," hindi makapaniwala niyang saad.

"Kailan niya sinabi sayo? Noong nag sex kayo sa isang bar na bawal ang menor de edad? Well, how did you get in kaya? Did you use vip cards?" Nang iinsulto kong saad sa kanya.

"Shut the f*ck up Heaven! That's not true!!" Nanggagalaiting sigaw niya.

"Lower down your voice Amanda. Baka nakakalimutan mong nasa opisina ko kayo. Bring your parents here tomorrow Amanda, and also you Heaven bring your brother or legal guardian," utos ni dean.

"Really gusto mong papuntahin ko dito ang guardian ko?" nakangisi kong saad at diniinan ang salitang guardian.

Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Yes dean that's it be scared because I am not Heaven.

"B-but dean? M-my parents are busy," nauutal na saad ni Amanda.

"Hindi na ako magtataka kung kulang ka sa disiplina," nakangisi kong saad sa kanya.

"Shut up!" Sigaw niya sa akin.

"Enough! Amanda you may go out now," utos ni dean.

Nang makalabas na si Amanda ay yumuko siya sa akin.

"Young Lady, hindi ko naman po inaasahan na ngayon kaagad kayo papasok," nakayuko paring saad niya.

"You really dont know me hah," Seryoso kong sambit.

"Akala ko po talaga si Heaven kayo. Kasi yung buhok niyo po," mahinang saad niya.

Yes, Nagpakulay ako ng buhok kagaya ng kay Heaven and I also cut my hair.

"I won't bring anyone tomorrow. And I won't face that parents of her, maliwanag?" saad ko.

"Masusunod po young lady," sagot niya.

"Great, I gotta go I have a class pa." tugon ko at lumabas ng ng opisina niya.

Hindi ko na siya hinintay makasagot. Hinila ko nalang si Marjorie palabas.

"Hilig manghila te?" That's Marjorie.

"Just shut up will you?" iritang saad ko.

Agad niya namang tinikom ang bibig niya.

Naghiwalay na kaming dalawa sa hallway.

Hindi na ako pumasok sa klase. Tinamad na ako eh. Well, this is the reason why hindi ako nag aaral ngayon. Because I'm dakilang tamad.

Lumabas ako ng school gate at tinawagan si tata Mario para magpasundo. Maya maya ay dumating na rin siya.

A/N: ANO KAYA ANG MERON KAY ELLA BAKIT PATI DEAN NG SCHOOL AY TAKOT SA KANYA? .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro