Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 36- The Show

HEAVEN

"Wow? Don't make a scene? Timothy you told me may kikitain kang importanteng tao!!!" Sigaw niya ulit.

"So I guess that is how important us to him." Nakangisi kong sabad, trip ko mang asar ngayon eh.

'Bat ba?'

"You shut up mistress!" Sigaw niya sabay duro sa'kin.

"Me mistress?" Saad ko sabay turo sa sarili ko. "Bakit kasal na ba kayo?"

"Hindi pa pero I will be Mrs. Lee soon." Sagot niya at pinakita pa ang singsing sa ring finger niya.

"Soon," Natatawang sambit ko. "So there is a posibility na hindi pa matuloy," Pang aasar ko pa.

"Ofcourse there is, pero hindi mo siya maaagaw sa akin.. sa amin," She said full of assurance.

"Sure ka?" Pang aasar ko pa lalo. "Don't dare me Amanda. Baka bukas magulat ka nalang wala na sa tabi mo si Timothy."

"Walang hiya ka!!" Sigaw niya at akmang lalapit sa akin para abutin ang buhok ko ng biglang may sumaboy ng cream soup sa damit niya.

"Don't you dare lay your dirty hand on my mama's beautiful hair." Saad ng walang iba kundi ang maldita kong anak na nagmana sa tita niyang kakambal ko.

"Bastos kang bata ka." May galit na sambit ni Amanda at kumuha ng tissue para punasan ang damit niya.

"Well, the one in front of us is more rude than my twin sister. You are old enough to know the word respect but you can't apply it PO." Sambit ng anak kong lalaki at diniinan pa ang salitang PO.

Nakita ko kung paano sabunutan ni Timothy ang sarili niya. He looks frustrated and at the same time mad. Samantalang bumaling naman ang tingin ko kay Joana. The kid looks pale and thin. Halatang napabayaan ng baliw niyang ina. Eh ano naman ang silbi nitong lalaking kasama nila? Wala rin? Para lang itong tuta na takot sa nanay niya. Nasa gilid lang kasi ito. Kung gaano kamaldita ang anak ko ay siya namang kabaitan ng batang ito. Kawawa lang dahil baliw ang ina.

Napuno ng gutay gutay na tissue ang damit ni Amanda, kung hindi ba naman kasi tanga. Ang lagkit kaya ng cream soup tapos tissue 'yung pinampunas malamang magdidikit dikit 'yun sa damit niya.

"Arghhhh, my dress is already ruined. This is all your fault you silly child," Galit na turan ni Amanda.

"Don't blame my sister, because papa is the one who should be blamed here. If he just ask permission to you first before going here, edi sana walang gulo." Sagot ng anak kong lalaki at tinignan ako.

Oh diba? Hindi ko na kailangan makipagsagutan sa baliw. May spokesperson ako eh.

"Shut up!" Sigaw ni Amanda sa anak ko.

"Then you should do it first," Sagot naman ng anak ko.

"Is this the way you raise your children ha Heaven? Ang bastos," She said to me.

"Well, I just taught them to respect those who deserves to be respected Amanda. And I guess hindi ka isa sa mga iyon." Saad ko at ngumisi. "Oh by the way I think we need to go. And Amanda, ito oh 500 pesos bumili ka ng bagong dress. Para ka ng basahan diyan sa suot mo eh," Pang aasar ko.

Hindi niya tinanggap ang perang binigay ko kaya nakangisi ko naman itong inabot kay Timothy at bumaling sa mga tao. "Okay guys, the show is over," Sambit ko kaya may narinig akong nagpipigil ng tawa.

"Its nice to see you again Babe." Sambit ko at hinalikan si Timothy sa labi bago hatakin ang mga anak ko paalis.

Nakita ko pa kung paano nagulat si Amanda sa ginawa ko. At kung paano niya inaway si Timothy. Yan, ganyan nga gumawa pa kayo ng eksena diyan.

Pagkalabas naming ng KFC ay narinig ko ang usapan ng kambal.

"She is crazy," Saad ni Selene.

"Yeah," Tanging sagot ni Khunso.

Nakangiti lang ako habang hawak sa magkabilang kamay ang kambal. Oras na para umpisahang bawiin ang ama ng mga anak ko. Tama na ang tatlong taong pagpapaubaya ko. Our plan went well. Nasa akin na ang Hospital ng pamilya ni Amanda.

Letting go of Timothy is just temporary. We just did that for two reasons. First, para mabantayan niya si Joana and second, para sa kanya matuon ang atensyon ni Amanda at mawala na sa isip nito ang pagpapatakbo ng Hospital na naiwan ng mga magulang niya noong makulong ang mga ito.

Ate Ella and kuya Light really dig all the evidences para mas madiin ang mga magulang niya sa pagkamatay nila Momma at Pappa. Idagdag pa ang pagiging testigo ng ama ni Timothy sa kaso. Kaya ayon both of Amanda's parents are now in jail. Iyon ang mga plano, pero ang ma engage si Timothy sa pesting baliw na 'yun ay wala sa plano. Kaya uumpisahan ko ng bawiin ko na ang ama ng mga anak ko.

Nang makarating na kami sa bahay ay nagkanya kanya na naman ang mga anak ko. Samantalang ako ay dumiretso sa kwarto ko. Tinignan ko muna ang oras sa cellphone ko. I am planning to call ate Ella para sabihin na sa kanya ang plano ko, but I have to make sure na hindi pa gabi sa kanila baka mabugahan ako ng apoy wala sa oras eh.

After checking the time at nalaman na hapon pa sa kanila ngayon ay tinawagan ko na siya.

After an hour of conversation that went well ay nakahinga ako ng maluwag. Ate Ella agreed on my decision kaya ang saya ko. She is also planning to go here para naman daw may resbak ako. Ohh di'ba busy man siya sa pamilya niya ay hindi niya parin nakakalimutan 'yung promise niya sa akin noon. That's why I am very very happy that I have my twin sister who always supports me on what ever I wanted to do. Basta para lang daw sa ikabubuti ko at lalong lalo na para sa ikabubuti ng mga anak ko.

Pero sa loob ng tatlong taon subrang dami ng nagbago. Isama mo na doon ang mga ganap sa buhay ng mga kuya ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro