CHAPTER 32-Pamilyang Sampal
HEAVEN
Napabalikwas ako ng bangon dahil lang sa putok ng baril na narinig ko. Pero akmang tatayo ako ng biglang sumakit ang ulo ko.
"Putcha, ang lakas ng sipa ng kabayong pula ha." Saad ko habang hinihilot ang sintido.
Nang medyo nawala na ang sakit ay dali dali akong pumunta ng banyo para maghilamos at mag toothbrush.
Ilang minuto din akong nagtagal sa banyo bago lumabas ng kwarto ko. Pagkarating ko ng sala ay patakbo agad akong lumapit kay ate Ella para pigilan siya sa gagawin niya.
"I will let you choose assh*le, leave our f*cking house or I will plant a bullet on your useless brain?" Galit na saad ni ate habang nakatutok ang kanyang baril sa noo ni Timothy.
"I just want to talk to Heaven ano ba ang problema mo ha Ella!!" Pabalik na sigaw ni Tim dahilan para tutukan siya ng baril ni kuya Light.
Oh my gosh!! Its a love team over my lover.
Natataranta akong pumagitna sa kanila. "Teka nga lang, kumalma nga muna kayo. Ate Ella kalma and you too kuya Light. Let me handle this okay?" Saad ko habang nakahawak sa mga baril nila.
Tinignan ko si ate Ella at sumenyas na kaya ko, kaya ibinaba niya ang kanyang baril at ganun din ang ginawa ni kuya Light.
"Babe l-" Pinutol ko ng isang malakas na sampal ang sinasabi ni Tim. Hindi pa ako nakuntento kaya sinundan ko pa ito ng iilan pang malalakas na sampal.
"Ayan isang pamilyang sampal. Baka sakaling maalala mo na may anak at jowasawa kang magdamag na naghintay sa pag uwi mo," kalmado kong saad.
"I didn't mean to do that babe. It's just Amanda called me and said na totoong anak ko si Joana and she said na kapag hindi ako nakipagkita sa kanya ay papatayin niya ang bata," Saad niya dahilan para sandali akong matigilan. Pero agad din naman akong nakabawi.
"And so? Is that a reason for you to lie? Hindi mo ba naisip na may naghihintay sa'yo dito? Khunso keeps on calling you!! Alam mo ba na nahirapan akong patulugin siya," Pagsisinungaling ko. Kasi ako lang naman ang naghintay sa kanya eh.
Nakita ko ang pasimpleng pagngisi ni ate Ella. Talagang kilala ako ng bruhang 'to eh.
"Alam ko na anak mo si Joana," Seryosong saad ko. Nakita ko naman ang pagdaan ng gulat sa mga mata niya. "But I don't have any plans to hide it from you. We want Amanda to suffer and let her feel she lost again." Dugtong ko pa ng napansin kong hindi parin nagrerehistro sa kukute niya ang sinasabi ko.
"B-but why d-did you do t-that?" Nauutal at naguguluhang sambit niya.
"Because I want to take everything from her..from her family." Saad ko at tinignan si ate Ella, asking for help.
"Kakampi ng ama mo ang magulang ni Amanda sa pagpatay sa mga magulang namin, That's why I faked the DNA test result para mas lalo siyang kamuhian ng parents niya and itakwil na siya ng tuluyan. But all of our plans will never happen na since alam mo ng anak mo ang anak ni Amanda," Salaysay ni ate Ella.
"I want to have the child's custody Ella. So please help me," Saad ni Tim na mayroong pagmamakaawa.
"That's impossible. Kasi siya ang ina," Saad ni ate kaya napayuko nalang si Tim.
"Let's all talk about that over lunch," Sabad ni kuya Light.
Teka? Lunch? Hala siya kaya pala ang lakas na ng tunog ng alarm clock ko sa tiyan. Gutom na pala ako.
"We are not done talking yet Tim magtutuos pa tayo after lunch," Suplada kong saad pero ngumisi lang ang gag*.
"Anong klaseng pagtutuos iyan babe?" He said and wink at naglakad na papuntang kusina.
Aba!!! Agad kong kinuha ang tsinelas ko at binato sa kanya. Dahil sa asintado akong tumira ayun sapul yung batok niya.
Nilingon niya agad ako. "Heaven Astrid!!!!!!" Sigaw niya dahilan para tumakbo ako papunta kay ate Ella at nagtago sa likod niya.
Pagkatago ko sa likod ni ate Ella ay isang malakas na batok ang natanggap ko. Shockssss pakiramdam ko lumabas kaluluwa ko.
"Lakas mambatok ah!!" Sigaw ko at nilingon kung sino ang bumatok sakin.
"Angal ka? May dalawang anak ka na feeling bata ka parin," It was Marjorie, nandito pa pala ang babaetang ito.
"Sai naman eh, ang sakit hah." Saad ko habang hinihimas ang parte ng ulo ko kung saan niya ako binatukan.
"Buti nga ng mahimasmasan ka. Grabe ka makahilik sai, promise akala ko nga binabangungot ka kasi dada ka ng dada," Panglalaglag niya sa akin.
"Sai ang bastos ng bunganga mo. Pitikin sana iyan ng duwende," May halong inis na saad ko.
Ikaw ba naman ilaglag ng bestfriend mo? Hindi ka maiinis. Minsan naiisip ko, bestfriend ko ba talaga ito?
"Enough you too para kayong mga bata na nag aaway dahil lang sa lollipop," Saway ni kuya Earth.
Hala nandito pala 'to? Akala ko nasa Mars.
"Okay lang na lollipop ang pinag aagawan kuya atleast hindi fafa," May halong landi na sambit ni Marjorie kaya tinaasan siya ng kilay ni kuya.
"Guys, ano hindi pa kayo kakain?" Sigaw ni ate Ella na nasa kusina na pala.
Hala, may super powers ate ko?
"Kakain na po mama uwu," Sigaw ko pabalik. Kahit hindi ko nakikita alam kong umirap na naman ang kakambal ko hehe.
"Le3ts go na Astrid. Gutom ka lang panigurado, inaatake ka na naman ng sapak mo eh." Seryosong sambit ni kuya habang kinakaladkad ako papuntang kusina. Samantalang ang demonyo kong kaibigan na nakasunod sa amin ay tinatawanan ako.
Pagkarating namin sa kusina ay ang talim ng tingin ng dalawang tao sa akin. Sino pa nga ba? Edi si ate Ella at si Timothy.
Ano na naman kaya ginawa ko sa dalawang 'to? Ang bait ko eh.
Pasimple akong umupo sa upuang nasa harap ko. Hinila ko ang upuan at pumwesto na dito pero pagkaupo ko ay isang malaking lagapak ang narinig ko kasabay ng pagsakit ng pang upo ko.
"This is my sit," Walang emosyong saad ni kuya Earth. Tumayo naman agad ako at tinignan silang lahat na nagpipigil ng tawa.
"Sumakit sana mga tiyan niyo sa pagpipigil!!" Sigaw ko sa kanila kaya humalakhak silang lahat.
Mga demonyo!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro