Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 30- Redhorse

HEAVEN

11:30pm na at nandito parin ako sa garden. Kanina pa pabalik balik si Marjorie o hindi kaya ay si ate Ella dito sa akin. Naiinggit ako kasi ang saya saya nila ate at kuya Light. Samantalang ako? Ito nagpapalamok ba pero wala paring dumarating na Timothy.

Where the f*ck are you Timothy? Why is your cellphone off? Why are you still not at home?. Kanina pa tulo ng tulo ang mga luha ko. Siguraduhin mo lang na may eksplinasyon ka Timothy. Kasi kung anu ano na ang nasa isip ko.

"Heaven pumasok kana sa loob. It is so late na. Pumasok na sa loob," may authority sa boses ni ate Ella.

"Hihintayin ko pa po si Tim ate. Wala pa namang 12 eh." Saad ko habang nakatingin sa labas ng garden.

Nagulat ako ng ibalibag ako ni ate patayo. "Wtf Heaven! Ganyan ka na ba katanga ha? Ayan tignan mo!!" Sinampal sa akin ni ate Ella ang isang brown envelope at binitawan niya ako.

Pinahiran ko naman ang luha ko at binuksan ang envelope. Biglang nanghina ang tuhod ko. Napasalampak ako sa damuhan wala akong pakialam kahit naka dress pa ako. Sunod sunod ring tumulo ang mga luha ko.

"ARGHHHHH!!!!! HOW DARE YOU TIMOTHY!!!!!!!!" Malakas na sigaw ko sa gitna ng pag iyak ko. Pinagpunit punit ko ang mga litratong hawak ko. Its was a picture of Timothy with that slut and their child. "WALANG HIYA KA!! HAYOP KA!!!"

Tumayo ako sa pagkaka upo sa damuhan at pinag sisira ang mga inihanda ko. Binasag ko maging ang wine. Lahat lahat ay sinira ko. Sa pagwawala ko ay hindi ko napansin na nandito na pala sa garden ang mga kapatid ko, si nana Sita at tata Mario, pati si Marj ay nandito na rin. Napasalampak ako ulit sa damuhan. Nanghihina ang tuhod ko. Akmang lalapit sila sa akin para patayuin ako pero pinigilan sila ni ate Ella.

"Hayaan niyo siyang magwala. Hayaan niyo siyang umiyak. Hayaan niyo siya sa lahat ng gusto niyang gawin. And let her stand in her own feet. Pumasok na tayo sa loob," Ate Ella said with full of authority.

Sunod sunod namang nagsi alisan ang mga kasama ko sa bahay dito sa garden. Nakita ko ang pag aalala sa mga mukha nila. While si ate ay nakatayo parin sa harap ko.

"Cry all you want. Pero huwag mo siyang aawayin agad kung sakaling umuwi siya bukas. Hear his explanation, hear his side." tinapik niya ang balikat ko at naglakad na papasok ng bahay.

Bakit Timothy? Alam niya na ba na anak niya ang anak ni Amanda? Yung pictures, subrang saya nung ngiti niya. Habang kalong niya yung bata. Para silang isang buong pamilya. Ang daming tanong sa isip ko. At lahat ng ito ay siya lang ang kayang sumagot.

Hinubad ko ang heels ko dahil nakaramdam ako ng pagkirot ng talampakan ko. May nakita akong dugo, nasugatan pala ako noong binasag ko ang wine bottle pero ngayon ko lang ito napansin.

Inayos ko ang sarili ko at paika ikang pumasok sa bahay, dumiretso agad ako sa kusina. Ang alam ko ay may mga beers dito sa ref namin. Pagbukas ko ay napangiti ako. Ayun hahahahaha kunh siswertehin ka nga naman may tatlong redhorse na 500ml sa ref. Kay kuya Earth to panigurado. Pero wala akong pakialam bahala na.

Nilabas ko lahat ng ito at binuksan ang isa. Inom lang ako ng inom habang iniisip kung ano ang pinag gagawa ng put*ng inang ama ng mga anak ko at ng babaeng higad na iyon. Humanda ka talaga Timothy. Puputulin ko iyang little Timothy mo.

Ilang sandali ay naubos ko na yung redhorse. Hindi naman pala nakakalasing eh. Akmang tatayo ako pero parang umiikot paningin ko. I forget low tolerance pala ako kaya lagot.

Katamad na maglakad papasok sa kwarto kaya dito nalang ako matutulog. Malaki at mahaba naman ang dining table namin eh.

Inayos ko ang sarili ko at umakyat sa dining table. Bahala kayo diyan bukas basta ako. Dito ako matutulog. Nang makahiga na ko ay naalala ko naman ang pesting Timothy. Humanda ka lang talaga sakin bukas na gag* ka. Makakatikim ka talaga ng isang pamilyang sapak sakin.

ELLA

Hindi ako mapakali kaninang hapon noong sinabi sa akin ni Marj na hindi daw makontak ni Heaven si Timothy kaya may pinagawa ako kay Light. Huwag lang sana maging tama ang hinala ko. Ayoko na masasaktan na naman ang kakambal ko.

Ilang oras din ang nakalipas ng umuwi si Light.

"Love, I got this from one of the famous restaurant here in our place. They have Fathers Day celebration program and here is what I saw in there." saad ni Light at may inilapag na brown envelope sa harap ko.

Tinignan ko naman isa isa ang mga litrato na laman nito. Agad na kumulo ang dugo ko. Feeling ko lahat ng dugo ko ay nasa ulo ko na. Parang gusto ko siyang sugurin at lagyan ng gripo sa tagiliran. Pero syempre wala akong karapatan. Hindi naman ako si Heaven eh. Ayokong masaktan ang kakambal ko pero mas ayoko na magalit siya sa akin kapag tinago ko ito kaya kahit masaktan siya ay ipapakita ko ito sa kanya.

Lumabas ako ng kwarto at agad na pumunta sa garden kung nasaan si Heaven. There I saw my twin na parang tangang naghihintay sa p*tang inang kasintahan niya.

Agad akong lumapit sa kanya. Sinampal ko pa nga sa kanya ang brown envelope eh. Naiinis kasi ako sa katangahan niya. Nang mabuksan niya ito at makita ang mga litrato ay parang baliw siyang nagwala. Kahit naman ako. O baka mas malala pa sa ginawa niya ang magagawa ko. Nagsidatingan naman ang mga kasama namin sa bahay at akmang lalapitan siya ng mga ito pero pinigilan ko. Ayokong laging dedepende sa amin ang kakambal ko. I want her to stand in her own feet. Hindi na kami bumabata at may kanya kanya ng pamilya.

Iniwan na namin siya sa garden. Kailangan niyang mapag isa para makapag isip isip. Ayokong maging padalos dalos siya sa kanyang desisyon. Kasi hindi na siya magdedesisyon para lang sa sarili niya. Kung hindi ay pati na rin para sa mga anak niya.

Nandito ako ngayon sa kwarto namin. Nakahiga na kami sa kama ng biglang bumangon si Inigou. Grabe ang batang ito, parang zombie bumabangon bigla e.

"Mommy, can you give me watey (water)?" Malambing niyang saad habang kinukusot ang mata niya.

"Let me get it for Inigou love," pag prisenta ni Light kaya tumango nalang ako. Tinatamad din kasi akong bumangon.

A/N: HALA KA LIGHT MAY MOMO SA KUSINA.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro