CHAPTER 27- DNA Result
HEAVEN
Ngayong araw na lalabas ang resulta ng DNA test kaya nandito kami ngayon sa DNA test laboratory. At nandito rin ang pagmumukhang ang sarap suntukin. Pero syempre dahil maganda ako wala akong pakialam sa pagmumukha niya.
Sa ilang sandali ay dumating na ang doctor na may hawak ng result. Binigay niya sa akin ang brown envelope na naglalaman ng resulta. Akmang bubuksan ko ito ng agawin ito ng higad. Yes higad, hindi bagay sa kanya ang sawa o ahas eh. Higad lang ayos na yung maraming balahibo.
"Let me open it for you Heaven," nakangisi niyang saad.
Inirapan ko lang siya. "Subrang excited mo namang malaman ang resulta," Saad ko.
"Ofcourse kasi alam ko na anak ni Timothy si Joana," ganti niya.
Too much confidence ha. Ngumisi lang ako sa kanya.
"Go ahead Amanda. Open it," tugon ni Tim.
Binuksan naman ito ni Amanda. Nakita ko ang hindi makapaniwalang mukha niya. "No this can't be. I swear anak mo si Joana," saad niya.
Pahablot ko namang kinuha sa kanya ang papel na hawak niya. At napangisi ako sa resultang nakita ko NEGATIVE. Binigay ko kay Tim ang papel at agad kong nilapitan si Amanda.
"Are you that desperate to make Tim yours na pati anak ng iba ay ipapaako mo sa kanya? I don't know if you are stupid or what. But I will just tell you this once. Stay away from my family." saad ko sa nagbabantang boses habang tinuturo siya. "Sa oras na makita ko ang pagmumukha mo ay sisilaban na kita."
"This is imposible I swear Tim anak mo si Joana," Pamimilit niya kaya sinampal ko siya.
"Alam mo Amanda. Naaawa ako sa anak mo kasi may nanay siyang desperada. Bakit mo ba kasi pinipilit na kay Tim ang bata ha!" Sigaw ko.
"No, no, Please Tim. Akuin mo si Joana. S-sinabi ko na sa parents ko na ikaw ang daddy niya," Nag hehestirical niyang saad.
"What?? Are you out of your mind Amanda? Paano ko aakuin ang batang hindi naman sa akin?! Alam mo ba na sa ginawa mo ay nagulo mo na naman kami ni Heaven? Halos gawin ko na ang lahat para lang mapatawad ako ni Heaven. Tapos gagawa ka na naman ng katarantaduhan para sirain kami? Amanda tama na, kung ano man ang nangyari sa atin ay isang gabi ng kamalian lamang! And I regret spending that night with you!" Sigaw ni Tim sa mismong mukha ni Amanda kaya sinampal siya nito.
"Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko sa Rehabilitation Center dahil lang sa kagagawan ng kakambal ng babaeng iyan." Saad niya sabay duro sa akin. "She injected me some stupid drug and lumabas iyon sa drug test result. Rasun kung bakit ipinarehab ako ng parents ko. And you know what is worst? My parents disowned me!!!" Umiiyak na sigaw niya.
Nabigla ako sa mga sinabi niya. Hindi ako makapaniwala. Ginawa ni ate iyon? Pero bakit? Naguguluhan ako. Bakit hindi sinabi ni ate sa akin ito? Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Why do you look shocked Heaven? Hindi mo ba alam ang ginawa ng kakambal mo? I found out that she is disguising as you then I comfronted her. But because ayaw niyang maraming makaalam she injected a hallucination drug on me! Para ano? Para isipin ng parents ko na naghahallucinate lang ako? I already told my parents about that thing. Pero imbes na maniwala sa akin ay pinagalitan pa nila ako. Ano ba ang meron sa inyo bakit pati pamilya ko ay takot sa inyo ha!!" Sigaw niya. Halos mamaos na siya sa kakasigaw habang umiiyak habang ako? Ito nagkakapa ng sasabihin.
"I'm sorry," tanging nasambit ko lang.
"Sorry? Sa tingin mo mababalik ng pesting sorry mong iyan ang buhay ko? Heaven alam mo na lahat ginagawa ko para maging proud sa akin ang parents ko! Naiinggit ako sayo oo, kasi palagi kang nasa top. Galit din ako kasi kahit anong gawin ko ay ikaw parin ang mahal ni Timothy. But you know what's worst? Your freaking twin spread my scandal video!!!!. Your sister ruined everything about me Heaven!!" Sigaw niya sa mismong mukha ko.
Galit at sakit ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon. Akmang magsasalita pa sana siya ulit ng mag ring ang cellphone niya.
Sinagot niya naman ito at naglakad na papalayo sa amin.
Naiwan akong tulala at nabalik lang sa reyalidad ng magsalita si Tim.
"Bakit naman nagawa ng kakambal mo iyon babe?" Tanong niya.
"I don't even know, kailangan kong makausap si ate." saad ko at nagpatiuna sa paglalakad. Ramdam ko naman ang pagsunod sa akin ni Tim.
Tahimik lang ako buong byahe namin. Hindi parin ako makapaniwala na ginawa ni ate iyon. But I know she have a valid reason. Sana nga may valid reason siya.
Hindi ko namalayan na nakahinto na pala ang sasakyan at nabuksan na ni Tim ang pinto nito para makalabas ako.
"Babe are you okay? Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo," Saad niya.
"Naguguluhan lang ako Tim." tanging sagot ko at lumabas na ng sasakyan.
Pagkapasok namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ng mga kapatid kong sina kiya Earth at ate. Bihira na rin kong pumunta dito si kuya Wind pagkatapos ng nangyari sa kanila ni ate Cassidy.
"So ano ang result?" Tanong agad ni kuya Earth.
"Negative po kuya," si Tim ang sumagot.
"That Amanda is really crazy," saad ulit ni kuya.
"Is she that desperate to ruin your family Heaven? Lahat nalang ng paraan ay gagawin niya," Sabad ni ate.
Sila sila lang ang nag uusap kasi ako? Ito pinipilit irehistro ang mga pinag sasabi ni Amanda at inihahanda ang utak ko sa paliwanag ng kakambal ko kung sakaling komprontahin ko siya. Sana sabihin niya na mabuti ang motibo niya kung bakit nagawa niya iyon. Kasi sa totoo lang? Hindi makatarungan ang nagawa niya. Hindi ko lubos maisip na kaya niyang gawin iyon. Napapaisip tuloy ako. Kilala ko nga ba talaga ang ate ko? Halos ilang taon din kaming hindi nagkasama. Hindi kami sabay lumaki. Kay sa tingin ko ay dapat ko talagang makausap siya at matanong sa kanya kung ano nga ba talaga ang meron siya.
A/N: ANOTHER REVELATIONS ON THE NEXT CHAPTERS.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro