Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 25- DNA

HEAVEN

Ngayon ang araw na pinaka hihintay ko. Dahil ngayon ay pupunta kami sa isang DNA Test Laboratory Center para ipa DNA si Timothy at ang anak ni Amanda. Hindi ko na pinasama ang mga kapatid ko. I want to face this na ako lang. Iniwan ko nalang sa kanila si Khunso at Selene.

Kasama ko sa sasakyan si Tim na kanina pa hindi kumikibo kaya binasag ko ang katahimikan.

"I hope nagkakamali lang si Amanda. Because I swear Tim. Itutuloy ko ang planong ilayo sa iyo ang kambal," Saad ko kaya napatingin siya sa akin.

"Babe, what if kung anak ko talaga? Babe please naman oh. Huwag mong ilayo sa akin ang kambal huwag ka namang maging madamot," Saad niya.

"Madamot? You are calling me selfish? Tandaan mo hindi ko ipinagkait sa iyo ang kambal. Pero ang ayoko lang ay ang magkaroon sila ng kahati sayo! My children don't deserve to have kaagaw sa ama nila," saad ko kaya natahimik siya.

Pagkarating namin sa center ay nakita ko na agad si Amanda. Excited much ang gaga. Seryoso ko naman siyang tinignan. Kapag talaga hindi anak ni Tim ang anak niya isang pamilyang sampal ang igagawad ko sa kanya.

'What if anak niya?' Tanong ko sa isip ko. Hays bahala na.

Maya maya ay may lumapit na sa aming nurse na kukuha ng DNA samples ni Tim and Joana.

"I want the result as soon as possible," saad ko na ikinatango ng nurse bago umalis.

"Subrang excited ka naman Heaven kalma," Saad ni Amanda kaya hinarap ko siya.

"Did I tell you to talk?" Mataray kong saad.

"Bakit? Masama?" Mataray na tugon niya.

Akmang sasagot ako pero pinigilan ako ni Tim. "Enough babe, don't lower your level". Saad niya at hinawakan ako sa beywang .

Nakita ko naman ang irita sa mukha ni Amanda kaya dinilaan ko siya. Ano ka ngayon te?

Parang trip kong asarin si Amanda. Kaya may naisip akong kagagahan hehe.

"Alam mo Amanda, ang sweet pala ni Tim nuh. Biruin mo siya pa talaga yung nag aasikaso sa kambal. Hindi siya pumapayag na mapagod ako. Gusto niya lagi siya yung nagpapalit ng diapers, nagtitimpla ng gatas, nagpapaligo at naglalaba ng damit. Alam mo yung feeling ng may ASAWA. Wala ka kasi nun eh," saad ko nakita ko naman pagka inis niya. Narinig ko naman ang pag buntong hininga ni Tim kaya nilingon ko siya. "Tama ako diba babe? Ang swerte talaga ng kambal kasi ikaw ang daddy nila."

"Babe hindi naman kailangan ipaalam," saad niya.

"Sorry na babe, gusto ko eh." Saad ko at ngumisi pa kay Amanda. That's it gag* ka. Magselos kang puny*ta ka. Sarap mong hampasin ng dos por dos sa mukha.

"Hays, alam mo Heaven? Magagawa rin ni Tim iyan kay Joana. Lalo na kapag nakasama na rin namin siya," Saad niya kaya parang may bell na tumunog sa tenga ko.

Aba..... gumaganti....

"Iyan ay kung papayag akong makasama niyo siya. I own Timothy once and now my children owns him too. And what a Buenafe owns, a Buenafe alone can own. And kahit dugo't laman pa iyan ni Tim. Huwag kang aasa na masosolo niyo siya. Dahil hinding hindi ako papayag. Maybe we can get the child's costudy. Since you had an issue before," Ngisi kong saad kaya napatingin sa akin si Tim. Nginitian ko naman siya.

Nagbago na ang isip ko. Hindi ko ilalayo ang kambal kay Tim. Kami ang nauna kaya ipaglalaban ko ang karapatan namin. Hindi ako papayag na manakaw pa si Tim sa amin. Eh ano naman kung may anak siya sa iba? Pakialam ko?.

"You are selfish!" Tanging sambit ni Amanda.

"Mas selfish pa sa lahat ng selfish Amanda," saad ko. Iyan sige maasar kapa.

"Babe, I think we need to go home baka hinahanap na tayo ng kambal," singit ni Tim.

"Ay oo nga pala babe nuh, may BONDING pa pala tayong FAMILY. And by the way Amanda." Lumapit ako sa kanya at sinampal siya ng malakas. "That is for ruining my children's birthday party." Sinampal ko pa siya ulit. "And that one is for ruining my children's christening." Nakita ko naman kung paano siya nagulat sa ginawa ko. Akmang lalapit pa ako sa kanya pero pinigilan na ako ni Timothy. "Ulitin mo pa ang ginawa mo Amanda, baka masapak na kita," saad ko.

Sa gulat niya ay hindi siya naka react agad. Siguro umalog yung utak niya. Kung nakita niyo lang mukha niya para siyang nasubrahan sa make up.

"Babe why did you do that?" Takang tanong ni Tim.

"Gigil niya si ako eh. And bakit parang kinakampihan mo siya ha?" Mataray na saad ko.

"Babe nagtanong lang ako. Hindi ko siya kinakampihan." Saad niya sabay pitik sa noo ko.

Binatukan ko naman siya. "Aray ha!" saad ko habang hinihimas ang noo ko. "Pag ito namula sa labas ka ng kwarto matutulog," banta ko sa kanya kaya napakamot siya sa ulo niya.

"Babe muntik ko ng makalimutan, is it true na hindi mo na ilalayo ang kambal sakin?" Tanong niya.

"Hmmm napag isip isip ko lang kasi. Kapag nilayo ko sayo ang kambal parang naawa ako bigla sa kanila. Ayokong lumaki silang walang ama. Tama na yung limang buwan na wala ka sa tabi nila. And hindi ako papayag na yung mga anak ko kulang tapos ang anak ni Amanda kompleto? Aba no way, at isa pa. Hindi ako papayag na magkasama kayo ni Amanda. Kung anak mo nga ang anak niya edi go. Kung bibisita kaman. Excuse me kasama ako. Hindi ka pwedeng bumisita mag isa. Mahirap na baka gayumahin ka ni Amanda the Bruha. Mawalan pa ng ama ang mga anak ko," Magsasalita pa sana ako ng mapansin kong nagpipigil siya ng tawa. "Anong nakakatawa Tim?"

"Millenial era na pero naniniwala ka parin sa gayuma?" Tawang tanong niya.

"Aba syempre nuh, mahirap na Timothy Lee!" Saad ko at nagpatiunang maglakad. Gag*ng iyon seryoso ako tinawanan.

Nang makarating na kami sa parking lot ay nakangisi parin ang gag*.

"Mahampas ka sana ng hangin para hindi na umayos iyang bibig mo. Para kang unicorn na nakangisi," saad ko.

"Mahal mo naman." sagot niya at pumasok na sa sasakyan.

Aba teka? Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto? Adik to ah. Wala na akong nagawa kundi ang pag buksan nalang ng pinto ang sarili ko. Humanda ka mamaya sa bahay. Outside the kwarto ka.

A/N: TIMOTHY NIYO UNICORN.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro