Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 24- Party Crasher

HEAVEN

It's been seven months. Nandito na kami ngayon sa Pilipinas. And ngayon ay birthday at binyag na ng kambal. Nandito narin sila Ate, Inigou at kuya Light. Just like what they have said na uuwi sila ng Pilipinas kapag birthday na ng kambal. Ang gusto ko sana ay simpleng celebration lang kaso nandito din si Dad Alfonso eh. At gusto niya engrandeng birthday at christening celebration. Kaya ito halos mapuno na ang buong mansion. May mga artista ding bisita na kasama ni kuya Wind. But what I hate right now is hindi si ate Cassidy ang kasama niya. Kundi si Amora ang ka love team niya. Si kuya Earth naman ay ang ipokritang Angel ang kasama. While ate Cassidy is here all alone. I can see pain in her eyes everytime na napapatingin siya kay kuya Wind. Kaya nilapitan ko siya habang karga si Khunso.

"Kung nakakamatay lang ang titig mo ate patay na si Amora " Saad ko kaya agad niyang binaling sa iba ang tingin. "Bakit hindi mo pagsabihan si kuya ate?" Tanong ko.

"It will affect his career Heaven. And I don't want his dream to be ruined," Malungkot na saad niya.

This passing months napapansin ko na hindi na masyadong palakibo si ate Cassi. Dati kapag nasa bahay sila ang saya saya ni ate at ang ingay ingay. Pero ngayon? She looks weird.

Hindi na napag patuloy ang pag uusap namin dahil may kung anong ingay sa labas.

Pagkalapit ko sa mga nagkukumpulang tao ay agad kong nakita si Tim na may pilit kinakladkad palabas.

"What the f*ck Tim! Why don't you want us to come in? Ha! Kapatid ng mga anak mo ang anak ko Timothy. Baka nakakalimutan mo!!!" Sigaw ni Amanda habang pilit siyang hinihila palabas ni Timothy.

Teka? Ano daw? Kapatid ng mga anak ko ang anak niya? Doon ko lang napansin na may nakasabit na baby carrier sa dibdib niya. May bata nga siyang dala.

"Stop this nonsense thing Amanda napag usapan na natin ito!" Sigaw ni Timothy.

Ibinigay ko muna kay yaya Terry si Khunso at lumapit sa kanila.

"Anong gulo na naman to Amanda? Pati ba naman sa birthday ng mga anak ko manggugulo ka?" Tanong ko.

"Oh hi there Heaven. Ito naman kasing si Timothy eh. He didn't invite me eh kapatid naman nitong anak ko ang celebrants eh," saad niya

Matalim ang mata kong tumingin kay Timothy. "Tim ano to?"

"Babe let me explain." saad niya at inaabot ang kamay ko.

"Excuse me muna ha. Btw Heaven meet Joana. Anak namin ni Timothy," pagpapakilala niya sa batang karga niya pero di ko siya tinuunan ng pansin.

"Shut up!" Sigaw sa kanya ni Tim at bumaling sa akin. "Babe papaalisin ko muna sila. And I will explain everything to you,"saad niya.

Tumango naman ako. At siya? Ayun kinaladkad ang bruhang Amanda.

"Get off me! And hey Heaven. We are not done yet!!" Sigaw niya habang pilit tinatanggal ang kamay ni Timothy na pinipilipit ang braso niya.

Pumasok ako sa loob ng bahay ay humingi ng paumanhin sa mga bisita. Kinuha pala ni ate Ella si Khunso kay yaya Terry kasi umiyak daw ito.

"What the heck is that woman need?" Tanong ni ate Ella.

"Gate/party crasher," sabad ni kuya Earth.

"Why is that girl here? She is not invited naman ah," maarting saad ni Angel. Feeling close lang.

"So asan na siya?" Tanong ni kuya Wind.

"Ayon, kinaladkad ni Tim palabas ng gate." sagot ko at kinuha si Khunso kay ate.

"That Lee needs to explain," sabad ni dad Alfonso na nasa likod pala namin.

Makalipas ang halos kalahating oras ay pumasok ba si Tim sa bahay. Matatalim na mata ang agad na sumalubong sa kanya.

"Ate, pakihawakan muna si Khunso ulit. Magtutuos lang kami ng lalaking ito," Saad ko.

Pagkakuha ni ate kay Khunso ay nagpatiuna ako sa paglalakad. Sumunod naman agad si Tim sa akin.

Nang makarating na kami sa Garden ay tinignan ko siya ng subrang sama.

"Explain," tanging sambit ko.

"Babe, remember last time nung umuwi ako sa bahay namin? Pagkarating ko ay nandun siya sa labas ng gate. Bitbit niya si Joana. She keeps on telling me na anak ko daw ang bata. I was planning to tell you about it after the twin's birthday. I also told her na huwag na huwag siyang pupunta dito. Pero sinuway niya ako. I swear babe. Hindi ako sure kung ako nga ang ama ng bata. Yes may nangyari sa amin noon. Lasing kasi ako noon. Naalala mo nung nag away tayo? Yung nakipag hiwalay ako sayo? Nung gabing iyon din mismo ay nag lasing ako. At ning gabing iyon din ay may nangyari sa amin. Pagkatapos nun ay nakita kita kinaumagahan, I mean si Ella na akala ko ay ikaw. Nung mga araw na iyon ay naging viral din siya kaya nilayuan ko siya. Pero pilit parin siyang dikit ng dikit sa akin. Until one day nabalitaan ko nalang na pinadala siya sa rehab ng mga magulang niya dahil nag d-drugs pala siya," Mahabang paliwanag niya.

"You and that child will take DNA test. I want to make sure kung anak mo nga o hindi ang bata. I swear Tim, kapag nalaman kong niloloko mo ako at ang mga bata. Ilalayo ko sila sa iyo. Kapag anak mo ang anak ni Amanda, iiwan ka namin." tanging sambit ko at bumalik na sa loob ng bahay.

Habang si Tim ay naiwan sa Garden. Hindi ako papayag na magkaroon ng kahati ang mga anak ko sa ama nila. Sabihin niyo ng masama ang ugali ko. Pero handa akong maging selfish para sa mga anak ko.

Ayokong lumaki sila na may kahati sa ama nila.

Pagkapasok ko sa bahay ay sinalubong agad ako ni ate Ella.

"So?" Tanging saad niya.

"He is not yet sure kung anak niya nga ang bata. Ipapa DNA test ko sila. Gusto kong malaman kung mag kakaroon ng kahati ang kambal o wala. At kung magkataong meron man. Hinding hindi niya na makikita ang mga bata kahit kailan. Lumuha man siya ng dugo.

A/N:HEAVEN NIYO PALABAN NA.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro