CHAPTER 23- Amanda
HEAVEN
Balak naming umuwi ng Pilipinas at doon nalang manirahan. Gusto kasi ni Tim na sa Pilipinas lumaki ang mga bata. Ipinaalam ko na sa mga kapatid ko ang naging desisyon ko. At laking pasasalamat ko na naging masaya sila sa desisyon ko. Ilang araw din kaming mananatili dito sa Spain. Ipinakilala ko rin si Tim kay Daddy Alfonso. Noong una ay parang diskompyado pa siya. Lalo ng malaman niyan anak ni Alfredo si Tim. Pero ipinaliwanag ko ang lahat kaya medyo naging okay naman na siya.
"Babe, Ilang scoop ng gatas?" Tanong ni Tim. Siya kasi ang nagpresintang mah timpla ng gatas para sa kambal.
"2 scoops 120 ml," nakangiti kong saad.
"Babe? Bakit parang ang baho? Umutot ka ba?" Sa sinabi niyang iyon ay agad ko siyang binato ng unan.
"Animal!!! Tignan mo baka tumae ang isa sa kanila!!" Sigaw ko.
Tatawa tawa niya namang tinignan ang diapers ng kambal.
"Babe Si Selene yung nag poop," saad niya.
"Edi linisan mo," Mataray kong sagot.
"Eh babe? Paano?" Kamot sa batok niyang tanong.
Kaya lumapit ako ay tinulungan siya.
"Pasensya na babies ha. Hindi pa marunong si Daddy eh. Pero promise pag aaralan ko. Para naman matulungan ko ang Mommy niyo," nakangiting kausap niya sa kambal kaya napangiti ako.
Pagkatapos naming asikasuhin ang kambal ay nagpasya kaming dalhin sila sa sala.
"Ay sana all," Parinig ni ate Ella na katabi si kuya Light.
"Nasaan si Inigou?" Tanong ko.
"He is with kuya Earth. Nasa kwarto niya," naka ngiting sagot ni ate.
"Kailan ang balik niyo sa Pinas?" Saad ng kakarating lang na si kuya Earth habang karga si Inigou.
"Siguro po after mag six months ang kambal," Sagot ko
"So next week?" Nilingon ko ang nag salita si Kuya Wind pala.
"Yes po kuya," Si Tim ang sumagot kaya tumango lang si kuya Wind.
"Hi there everyone. Let's go to the dining. Food is ready," saad ni daddy Alfonso na kakalapit lang sa amin.
Agad naman kaming sumunod sa kanila. Kinuha ng yaya ni Inigou si Selene at inilagay sa stroller nila kasunod ay si Khunso.
"So Ella, are you also planning to go back in the Philippines?" Manimula ni dad sa usapan.
"Not yet dad I'll stay here po muna. Siguro sa birthday nalang ng kambal kami pupunta ng Pilipinas," Saad ni ate kaya tumango si Dad.
"How about you Earth and Wind?" Tanong niya sa dalawa.
"I'm planning to go back tomorrow dad. I have a taping po eh," magalang na sagot ni kuya Wind.
"Me also dad. I have a meeting din po kasi. And bago palang po kasi yung secretary ko kaya need ko pang subaybayan," sagot naman ni kuya Earth.
"Okay no problem. Heaven I will send body guards with you. I want my grandchildren to be safe," Seryosong saad ni dad kaya napatango ako.
Mahirap humindi dito eh. Baka ipalapa ako nito sa mga K9 niya.
WIND
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko. I want to call Cassidy. Namiss ko na ng mahal ko eh. Agad kong binuksan ang Whatsapp ko para tignan kung online siya. 10:30am dito kaya panigurado 5:30pm sa kanya. 7 hours late kasi ang Spain. Napangiti ako ng makitang online siya. Kaya agad ko siyang tinawagan.
"Hi mahal," Bati ko pagka sagot niya ng tawag.
["Oh mahal kamusta ka diyan?"] sagot niya.
"Ito malungkot. Namimiss ka eh," naka nguso kong tugon kaya nakita ko ang pagtawa niya.
["Sira!!"] saad niya at tumawa pa.
"Oo mahal masisiraan na talaga ako ng bait kapag hindi kita nakasama," saad ko.
Humalakhak naman siya ["Wala na baliw na. Ang corny mo mahal"] tugon niya.
"By the way mahal, uuwi na pala ako bukas. May taping ako eh at isa pa miss na kita," sambit ko.
["Ah ganun ba? Sige mahal mag iingat ka ha. Ikamusta mo nalang pala ako sa mga kapatid at pamangkin mo,"] wika niya.
"Sure thing mahal," nakangiti kong saad.
["Siyanga pala mahal. Magkikita pala kami ngayon ni Stella. May bagong content na naman kaming gagawin eh,"] pahayag niya.
Stella is her fellow vlogger. Maldita ito pero magkasundo sila. Minsan si Cassidy ay may pagka bastos ang bunganga. Pero unti unti niya ng nakontrol ito noong naging kami.
"Oh that's nice mahal. Okay sige I'll hang up na so you can prepare. I love you mahal," saad ko.
["Mahal din kita,"] tugon niya.
Inend ko na ang tawag at humiga sa kama.
EARTH
Nandito ako ngayon sa labas ng bahay. Mayroong gazzibo dito kaya doon ako pumwesto. Inilabas ko ang phone ko para tawagan si Angel Marie.
Angel Marie is my friend. Anak siya ng isa sa share holders ng kompanya kahit hindi ako kampante ay pinayagan ko siyang bantayan ang mga empleyado ko. Kahit hindi namn kailangan kasi napapaligiran naman ng CCTV ang buong building ko.
Naka ilang ring din bago niya nasagot.
["Thank God you called. I'm so stressed with your new secretary. She is so pilosopo! Kapag talaga hindi kapa nakauwi dito Earth I swear masasabunutan ko na 'to,"] bungad niya.
Iyan, ganyan si Angel Marie. Napaka reklamador.
"Bukas ay uuwi na ako Gel, so don't worry and about Ms. Faustino let me handle her when I got there," saad ko.
["Great. I gonna hang up this call, I have to go somewhere else. Bye"] saad niya at pinatay ang tawag.
Oh diba. Maldita.
SOMEONE
"Kung akala niyo ay magiging masaya kayo. Hindi ako papayag. Sinira niyo ang buhay ko. Kaya sisiguraduhin ko ring masisira din ang buhay niyo. Hindi ako papayag na nagsasaya kayo samantalang kami ay nahihirapan. Babalikan ko kayo! Hindi ako papayag na magkaroon kayo ng happy ending. Babawiin ko ang nararapat sa amin. Babawiin ko sa iyo ang ama ng anak ko Heaven." saad niya na nakatingin sa salamin habang hinihimas ang malaki niyang tiyan.
"Ano na ang plano mo?" Tanong ng kausap niya.
"Malapit na akong manganak. At sisiguraduhin kong masisira sila sa pagbabalik ko. Lalong lalo na ang babaeng naging rasun ng pagtakwil sa akin at pang babaliwala ng magulang ko. They disowned me because of what that woman did. Magkapatid nga sila. Pareho silang mga pesti sa buhay ko," sagot niya.
"Kailangan mong magplano ng husto. Hindi natin kilala kung ano ang tunay na pagkatao ng mga taong nakalaban mo," saad ng kausap niya.
"Sa totoo lang? Wala naman akong pakialam sa kung sino sila eh. Ang mabawi lang si Timothy at mabigyan ng buong pamilya ang anak ko ay ang pinaka importante sa akin. Dahil alam ko na guguho ng husto ang mundo ni Heaven," sagot niya dito.
"Its payback time!!!" Saad niya at tumawa na paring baliw.
"Hay naku kawawa talaga iyang si Amanda nuh? Matapos ipadala dito ng magulang niya ay pinabayaan na siya. Tignan mo doc. Kinakausap niya na naman ang sarili niya," saad ng nurse
"Iyon nga eh. Kawawa at buntis pa naman," sagot ng doctor sa kanya.
AMANDA IS BACK......
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro