CHAPTER 22- Second Chance
Dedicated to: Omjieee
HEAVEN
Nakalapag na ang eroplano. Samantalang ako? Ito parang naka lutang parin. Nahihiya ako... Oo nahihiya ako. Bakit kasi gising pala siya? Shocks Heaven Astrid what are you thinking? Bakit mo sinabi iyon?
'Mahal mo parin eh'
Ayyy?? Nagsasalita utak ko? Myghad..
"Hey, are you okay?"
"Ay kabayong aso" gulat na sigaw ko ng magsalita si Ate. "Ate naman eh. Bakit nang gugulat?"
"Anong nanggugulat? Kanina kapa tinatawag. Wala kang planong umalis diyan sa kinatatayuan mo?" Doon ko lang napansin na nasa harap parin ako ng pinto. Samantalang silang lahat ay nakatingin na pala sa akin habang nasa loob na ng bahay.
"Eh sorry naman. Pagod eh," pagdadahilan ko.
"Lets go na Heav, I want to see the kids," si Tim ang nagsalita.
Nakayuko naman akong tumango.
What the h*ck Heaven anong nangyayari sayo?
"Are you okay? Kanina kapa lutang," tanong ni kuya Wind. Tumango naman ako. Hindi parin maalis sa isip ko yung kanina eh.
Tuluyan na kaming naka pasok sa bahay. Kaya agad kong nilingon si Tim.
"C-come with me. I-ill bring you to the twins" sh*t self.
Bakit ka nauutal ha?
"Sige," nakangiting tugon niya.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa maabot na namin ang kwarto ng kambal. Agad naman akong kumatok. Maya maya pa ay binuksan ito ng yaya ni Inigou.
"Lady Heaven," sambit niya at nag bow pa.
"Where are the kids?" tanong ko.
"They are inside madam sleeping," Sagot niya.
"You may now leave us," saad ko at nag bow naman siya bago umalis.
Iginiya ko papasok si Tim. Dumiretso agad ang tingin niya sa crib ng kambal. Nakita ko kung paano pumatak ang kanyang mga luha na agad din niyang pinunasan.
"What are their names?" Tanong niya.
"The girl is Selene Athena and the boy is Zeus Khunso," sambit ko.
"Nice names," nakangiti niyang saad pero nasa kambal pa rin ang tingin. "Ilang months na sila?".
"Five, turning six this month," tugon ko na ipinagtaka niya.
"Five? Pero diba..."
"Ipinanganak ko sila noong six months palang sila sa tiyan ko. At dahil iyon sa ginawa ng ama mo," putol ko sa sinabi niya kaya napayuko nalang siya.
"Im sorry," tanging sambit niya.
"Don't say sorry. Wala kang kasalanan," sabad ko.
"Meron, kung hindi ako naging duwag noon at pinaglaban kita. Baka hindi pa nalagay sa panganib ang buhay niyo ng mga anak natin," Mahina niyang sambit.
"Wala naman na tayong magagawa at tapos na iyon. Pasalamat nalang ang ama mo at matatapang ang mga anak mo. Ang lakas ng kapit eh," saad ko na dahilan para tumingin siya sa akin.
"Kasing tapang ng mommy nila," nakangiti niyang saad na ikinapula ng pisngi ko.
Ayy marupok ka te?
"Heaven, can we start again? Kung gusto mo liligawan kita ulit. Please I want to give our children a complete family," Saad niya.
Wala naman siyang kasalanan diba? And besides magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko na siya mahal.
Hindi ako marupok ha. And isa pa gagawin ko ito para na rin sa mga anak namin. And alam ko kahit hindi pa nila kami naiintindihan masyado ay magiging masaya rin sila sa magiging desisyon ko.
"Hmmmm, kapag ba binigyan kita ng chance ay babawi ka?" Mahina kong tanong.
"Ofcourse yes Heaven. I will do everything para sa inyo. Lalo na para sa mga anak natin," masaya niyang sagot. "So does it mean pumapayag kana?" Tanong niya kaya tumango ako.
"Yes yes yessss!!!! Thank you Heaven. Babies narinig niyo yun? Mommy is giving daddy a second chance," masayang saad niya.
Nakita ko naman ang pagngiti ni Selene kahit natutulog. Ayy? Chismosang bata ito ah.
Maya maya pa ay nag inat si Khunso at humikab bago nagdilat ng mata.
"Mukhang gising na ang kuya ah." Sambit ko at kinarga siya. "You want to carry him?" Tanong ko kay Tim.
"Can I?" Nag aalangang sambit niya.
Hindi na ako nagsalita at inilahad na sa kanya si Khunso. Nung una ay parang hindi pa siya komportable. Halatang hindi marunong kumarga ng bata kaya napatawa ako.
"Don't worry ganyan din ako noong una. Mas nakakatakot nga noon kasi kasing liit lang sila ng 500ml na buti ng softdrinks eh," Natatawa kong sambit kaya napangiti siya.
Habang karga si Khunso ay may itinanong siya.
"Bakit madam ang tawag sa iyo ng yaya ng mga bata? Sino ba talaga kayo Heaven? Bakit parang subrang yaman niyo?" Tanong niya.
"This house is owned by our grandfather sa side ni momma, tito ni momma si daddy Alfonso which is nag aruga kay ate Ella noon. And as what I've heard, Daddy is one of the most powerful businessman all over the asian country," kwento ko.
"Alfonso Del Castillo?" Tanong niya na ikinatango ko.
"Bakit?" patanong na sagot ko.
"S-siya ang may ari ng Alfonso Distillery diba?" Tanong niya ulit.
"Halos lahat ng negosyo dito sa Madrid ay pag aari niya. And ang sabi nila ay kung sino ang panganay niyang apo na dito nakatira sa kanya ay magiging taga pagmana ng lahat which is ang anak ni ate Ella na si Inigou. But according naman kay ate hindi siya papayag na kay Inigou lang mapunta lahat. Dapat ay magiging kahati ni Inigou sina Khunso at Selene," mahaba kong kwento.
"Hindi pa man nakakalakad ang mga anak natin ay may gintong kutsarita na sa bibig," seryoso niyang saad.
"Hmmm, I just want a simple life for Selene and Khunso. Hanggat maaari mas gusto kong marunong silang mamuhay ng normal. Yung tipong hindi sila dedepende sa pera," Seryoso kong saad.
Nagtagal pa ang usapan namin bago namin naisipang magpahinga. Sa guestroom natulog si Tim. Alangan naman dito sa kwarto. Aba may hiya pa naman kami ano..
Kunti lang.
ELLA
Pagkarating namin ay dumiretso agad kami sa kwarto namin. Sa subrang excited ay hindi ko na nahintay si Light. Bahala siya diyan may mga paa naman siya at alam niya naman kung saan kwarto namin eh.
Pagkabukas ko ng pinto. "Inigou," malambing kong tawag sa anak ko.
"Mommy?" Sambit niya na may halong gulat kaya tumango ako. Agad naman siyang bumaba sa kama niya at tumakbo papunta sa akin at patalong yumakap. "Youl (your) back." saad niya at pinudpud ng halik ang mukha ko.
"Did you miss mommy?" Tanong ko na ikinatango niya.
"How about daddy?" Hindi ko namalayang nasa likod na pala namin si Light.
Pagkakita ni Inigou sa ama niya ay dali dali siyang bumaba sa akin.
"Daddy!" masayang saad ng anak namin at sinalubong ang yakap ng ama. "You won't leave me again?" Tanong niya.
Lumapit naman ako sa kanilang dalawa at nakiyakap.
"Never son, never." sambit ni Light at magkasunod kaming hinalikan ni Inigou sa noo bago yakapin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro