CHAPTER 2- True Gossips
HEAVEN
Hello monday, kasama ko ngayon si ate Ella, because she said kakausapin niya raw si dean about my pregnancy. I feel kampante since siya ang kasama ko. Pakiramdam ko kasi kapag siya ang kasama ko ay safe ako.
She wear her shades, cap and face mask pagkapasok namin sa campus. Alam ko na walang kahit sino na pwedeng makaalam na buhay si ate. Agad kaming dumiretso sa dean's office.
"Good morning." agarang bati niya kay dean pagkapasok.
"Miss Ella?" gulat na tanong ni dean.
Well, kahit naman sino na nakakaalam ng pagkatao ni ate ay nagugulat sa pag balik niya sa Pilipinas ng walang abiso.
"Miss Ella, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" hindi makatinging diretso na tanong ni dean kay ate.
"I'm here to study," walang emosyong sagot ni ate.
Sa sinabing iyon ni ate ay pareho kaming natigilan ni dean.
"What do you mean ate?" taka kong tanong.
"I will study here as Heaven Astrid Buenafe and I want you to keep it as a secret for the rest of your life," maotoridad na utos ni ate kay dean.
Sasabat pa sana ako pero ang mga matalim na pares ng mata ni ate ay nakatingin sa akin.
"Miss Ella, bakit po? Eh paano po si Miss Heaven?" takang tanong ni dean.
"Did I allow you to ask me questions?" patanong na sagot ni ate.
Hindi na muling nagsalita si dean kaya hinila na ako ni ate palabas ng office at dali daling dinala papuntang parking lot. Maaga pa kasi kaya wala pang masyadong estudyante.
"Ate teka lang, bakit mo sinabi kay dean yun? Mag aaral ka dito bilang ako?" Tanong ko.
"As what you have said, pregnancy is not allowed in this academy right?" tanong niya kaya napatango ako. "And also ayokong masira ang image mo as top student, and about that Timothy? Ako na ang bahala sa kanya. I will make him regret doing this to you," saad niya.
"Hindi ka naman mananakit ng tao dito sa school ate diba?" nag aalalang tanong ko.
"Ofcourse I won't, not unless unahan nila ako." sagot niya bago pumasok sa sasakyan.
Napatunganga naman ako sa sinabi niya.
"By the way go inside na since this will be your last day here in Dominican Academy," saad niya habang nakalabas ang ulo sa bintana.
Tumango lang ako sa kanya. Tatalikod na sana ako ng muli siyang magsalita.
"And call me when your class is finish. I will fetch you. okay?" pahabol niya.
"Yes ate I will," sagot ko.
Tumango na siya at pinaandar ang sasakyan niya.
Pagkalayo ng sasakyan ni ate sa parking lot ay naglakad na ako papasok ng campus.
"Saiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!" sigaw ni Marjorie.
"Oh, bakit parang hinihingal ka diyan? nag jogging ka ba?" taka kong tanong.
"G*ga! I guess huwag ka na munang pumasok," hingal niyang saad.
"And why?" nagtatakang tanong ko na naman.
"It's Amanda. I don't know kung saan niya nalaman, but your pregnancy is spreading out all over our campus," diretsa niyang saad.
"Are you serious?" hindi makapaniwalang sambit ko.
"Absolutely yes sai, kailan ba ako nagsinungaling sayo?" sagot niya.
Tama nga naman siya. Marj doesn't lie to me.
"Thank you for that information sai. Ahmm, did you bring your car? Can you send me home?" mahina kong tanong.
"Ofcourse, yes I will. Tara na bago kapa makita nila Amanda dito." saad niya bago ako hinila pabalik sa parking lot.
Habang nasa byahe ay pinaglalaruan ko ang mga daliri ko. Iniisip kung paano nalaman ni Amanda ang tungkol sa pagbubuntis ko. Amanda is my classmate at crush niya si Timothy kaya siguro ay ginagawa niya ito para mapahiya ako.
"Are you okay?" alalang tanong ni Marj habang nag d-drive dahilan para mabalik ako sa ulirat.
Tango lang ang tanging naisagot ko sa kanya.
Mabilis kaming nakarating sa mansyon.
"Oh hija, wala kang klase? Kahahatid lang ng ate Ella mo sa iyo diba?" tanong agad ni Nana Sita pagkasalubong sa amin.
"Where is ate po?" Patanong na sagot ko kay Nana Sita.
"Nasa kwarto niya," sagot ni nana.
"Salamat po Nana," mahina kong sambit.
Hindi ko na hinintay ang sagot ni nana at hinila si Marj paakyat sa kwarto ni ate.
Pagkarating namin sa tapat ng kwarto ni ate ay agad akong kumatok.
"It's open just come in," rinig kong sigaw ni ate mula sa loob.
Nagulat pa siya ng makita akong pumasok.
"Why are you here?" taka niyang tanong
"Ahm hi Ella."Kumaway si Marj. "Buti nga at hindi siya nakapasok kasi nakasalubong ko siya eh. Amanda the malansang isda is spreading her pregnancy in the whole campus," diretsang saad ni Marj.
"And who the sh*t on universe is that Amanda?" tanong ni ate.
"She is my classmate po ate," ako na ang sumagot.
"And why is she doing that stupidity?" tanong niya ulit.
"She is our top 2 po sa section namin and at the same time she likes Timothy po," sagot ko.
"So she is doing this because of that stupid reasons?" Inis na tanon ni ate. "By the way Marj, thanks for sending her home". saad ni ate kaya napangiti si Marj.
"Wala yun Ella, she is my bestfriend kaya she is like my sister na rin. I will do what ever it takes para lang maprotektahan siya," nakangiting sagot ni Marj
"That's why I'm kampante that Heaven is with you, kasi I know you can be trusted," Saad ni ate dahilan para mapangiti lalo si Marj.
"So paano yan? Hindi pwedeng kumalat sa buong campus na buntis si sai. It will affect her image at school. Lalo na she is at the top of her class." Nag aalalang saad ni Marj
"Don't worry about that thing Marj. I'll be the one that will handle it. What I want you to do right now is to know where did that stupid Amanda got that news," saad ni ate.
"Consider it done Ella. Ako na ang bahala, ano pa ang silbi ng pagiging Academy officer ko kung hindi ko naman yan malalaman. I'll use my position in this case," siguradong sagot ni Marj.
Marjorie is the Academy President. Well, hindi sa pagmamayabang pero lahat ng estudyante ay takot sa kanya. Maliban nalang kay Amanda na feeling Queenbee mukha namang tutubi.
"By the way I have to go. I already skipped my first class na pala." Marj said while looking at her watch.
"I'm sorry sai. Because of me hindi ka nakapasok sa first subject mo," nahihiyang saad ko.
"Nah, dont mind it. Your safety is more important than that subject sai," saad niya.
Napangiti ako sa sinabi niyang iyon. Subrang swerte ko lang talaga kasi napapaligiran ako ng mga taong mahal ako at handa akong protektahan.
'Subrang swerte talaga natin baby'
Saad ko sa utak ko habang hinihimas ang tiyan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro