CHAPTER 18- The Gun
DEDICATED TO: inksjm
ELLA
Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayon. Kasama ko dito sa sasakyan si Light at ang matanda. Mahirap na baka masalisihan.
"Hija, pwede ba akong humingi ng pabor?" Tanong niya. Dahilan para lingunin ko siya.
"Spill," tanging tugon ko.
"Huwag niyo sanang idamay si Timothy. Wala siyang kaalam-alam. Biktima lang din siya kagaya niyo. A-ako ang nagpumilit sa kanyang sumama kay Cheska," Saad niya.
May mga kung ano pa siyang hiniling pero iisa lang ang tumatak sa isip ko.
'Mahal niya si Heaven subalit hindi ko matanggap na ang dalagang mahal niya ay anak ng mga taong sumira sa buhay ko.'
Ibig sabihin ay nasaktan rin si Timothy at hindi lang si Heaven.
"I'll do what you want. Basta gagawin mo rin ang gusto namin. Lahat lahat ng kasalanan mo ay aaminin mo. Hindi lang sa pamilya namin kundi sa lahat ng naging biktima mo," saad ko na ikinatango niya.
Nang makarating na kami sa Siudad ay dumiretso kami sa presinto. Subalit hindi kami pumasok doon. Tanging si Alfredo lang ang pumasok. Pagkatapos namin siyang ihatid sa presinto ay umuwi na kami.
"Sana matapos na to ate gusto ko ng makasama ang kambal," Saad ni Heaven na nasa tabi ko na pala.
Hinarap ko naman siya at hinawakan sa braso sabay kaladkad papasok sa kusina kung nasaan ang mga kuya namin.
Matalim ang tingin sa kanya nila kuya. Dahilan para yumuko siya.
"Where did you get that gun? Teka nasaan na ba iyon?" May bahid ng galit sa tanong ni kuya Earth.
"S-sa Divisoria po. Binili ko kanina nung papunta ako dun." saad niya at inilapag ang laruang baril.
Parang nanghina ang tuhod ni kuya Wind na nakatayo. Samantalang si kuya Earth naman ay muntik pang malaglag sa upuan niya.
"Walang hiya ka Heaven. Akala namin totoong baril to." Saad ko habang hawak ang laruang baril.
"Sorry naman po. Eh kasi gusto kong mag mukhang astig eh. Kita niyo yung takot niya?" Tumawa pa siya. "Akala niya talaga totoong baril yung hawak ko. Tapo-" hindi niya na natapos ang sasabihin dahil napansin niyang masama ang tingin naming tatlo sa kanya.
"Why did you go home? I told you to stay there right? Where are the twins? Are they with you? Seryoso at sunod sunod na tanong ni kuya Earth.
Nilingon naman ako ni Heaven bago umupo. Subalit ibinalik din sa harap ang tingin ng mapansing seryoso din ang awra ko. "Kasi po kuya, Eh hindi ko naman po makayanan na nandoon lamang ako nakatunganga habang kayo nandito kaharap yung matandang duwag na iyon. Kasing duwag ng anak niya," subrang bilis na saad niya.
"May lakad ka ba Astrid? O nakikipag karerahan? Ang bilis bilis mong magsalita. Para kang myembro ng maritess corporation sa eskinita," sita ni kuya Wind.
"Sorry. Ayoko kasing sumingit kayo eh," mahina niyang sambit.
"Hindi mo ba naisip na pwede kang mabinat? Kakapanganak mo palang Heaven! Ano sa tingin mo ang mangyayari sa mga anak mo kapag may nangyaring masama sayo ha? Bakit naman hindi ka nag iisip," sermon ni kuya Earth. Hindi na nagsalita si Heaven sa halip ay ngumuso nalang ito.
"Mayroon palang hininging pabor ang matanda sakin kanina," sabad ko kaya napatingin sila sa akin. "Huwag daw idamay si Timothy, dahil wala daw itong kaalam-alam sa mga pinag gagawa niya. Pilit lang din daw ang pagsama nito kay Cheska sa US. At higit sa lahat. Timothy Loves you Heaven."
Sa sinabi kong iyon ay napatayo si Heaven. Nakita ko ang sakit na naramdaman niya.
"At may kasalanan din ako sa iyo Heaven, remember the time na nag disguise ako na ikaw doon sa school niyo?" Diretsong saad ko habang nakatingin sa kanya. "I told Timothy that you are not really pregnant," Nag aalangang saad ko. "But what I did confirms his father's statement na mahal ka nga niya. Kasi nung sinabi ko iyon ay may lungkot na dumaan sa mga mata niya."
"Is that so ate? Wala na akong pakialam. Kasi kung talagang mahal niya ako ay ipaglalaban niya ako. At hindi niya sasabihin na ipalaglag ang mga anak namin," Cold niyang saad.
"What about the twins Heaven? Karapatan niyang makilala ang mga anak niya," sabad ni kuya Wind.
"Karapatan? Are you making me laugh kuya? He disowned our children so saan ang karapatan niya doon? Simula ng hindi niya kami ipinaglaban ay tinanggalan ko na siya ng karapatan kuya. I can raise the twins on my own. Hindi ako marupok," seryoso niyang saad. Tumayo siya sa pagkakaupo at naglakad palabas ng kusina.
"Ang hilig ni Heaven mag walk out," chill na tugon ni kuya Earth.
Ngumiti lang ako ng tipid. "Sundan ko po muna," tumango naman sila kaya lumabas na ako.
Naabutan ko si Heaven sa garden. Kaya nilapitan ko siya.
"Care to share what you are thinking?" wika ko.
"Nothing ate." saad niya at nagpunas ng pisngi. Doon ko lang napansin na umiiyak pala siya. Wala na akong plano na ipagpatuloy pa ang dapat na sasabihin ko.
"By the way how's the kids?" Pag iiba ko ng usapan.
"They are fine. Malambing pala si Inigou ate, he always wants to be cuddled. Sabi pa niya, Tita mommy when you go home in the Philippines can you tell my Momma to go home? I miss her and Pappa," Sa sinabi niya ay natigilan ako.
Mag iisang taon na pala ako dito. At tanging sa videocall ko nalang nakakausap ang anak ko. Minsan hindi pa mag pang abot kasi mahigit 7 hours ang time laps.
"Miss ko na rin siya. Siguro kapag natapos na ang problema dito. Kapag nasigurado ng makukulong si Alfredo Lee. Uuwi na kami ni Light, how about you? Where are you planning to stay?" Ani ko.
"Im going with you. I'm planning to stay in Spain na rin ate. Hindi na ako magtataka kung bakit mas gusto mo doon kaysa dito. And I'm sure na mas mapapalaki ko ng maayos ang kambal doon," saad niya.
Hindi na ako sumagot sa halip ay tumango na lang. Iba ang atmosphere ngayon. Lalo na ang coldness ni Heaven.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro