Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 17- Surprise

DEDICATED TO: ZaneVera

HEAVEN

Hindi ako mapakali I really wanna go home. Nangangati na ang mga kamay ko na manapak ng matanda. I can't stay here knowing na nasa amin na ang pumatay sa mga magulang namin at nagtangkang pumatay sa amin ng kakambal ko lalo na sa mga anak ko. Tulog ngayon ang kambal kaya napag desisyunan kong puntahan si Don or should I say Dad Alfonso. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa opisina niya. Ng marating ko na ito ay agad akong kumatok.

Naka ilang katok din ako ng buksan niya ito.

"Oh hija, What brings you here? Do you need something? Where are the twins?" Sunod sunod niyang tanong.

"The twins are sleeping dad. I am here to ask you to send me to Philippines ASAP. I want to go home dad," Sagot ko agad.

"Wait Heaven, I know you are so mad because of what we found out but isnt it hard for you to travel? We know that the twins are still young and they are not allowed to travel. Its almost 15 hours travel from here to Philippines," he said. Alam niya na rin ang nangyayari sa Pilipinas.

"But dad, I can't just stay here. Please dad. I want to go home. I can leave the twins together with Inigou's nanny right? Please dad," Nagsusumamo kong saad.

"Are you really sure about your plan?" Tanong niya kaya tumango naman ako.

Kamot ulo naman niyang kinuha ang kanyang telepono at tumawag.

He is speaking spanish kaya medyo umatras ako ng kaunti. Baka sabihing chismosa ako eh. The way he speak is full of authority. Yung tipong kahit sino ay bawal humindi kapag siya ang nag utos.

Don Alfonso is our grand father in our mother's side. Tito daw siya ni Momma. According to some chismis that I heard, he is a powerful businessman, well known all over asian countries.

"You will travel later. And Oliver will be your pilot," saad niya kaya napangiti ako. Si Oliver ay isa sa kanyang piloto na pinagkakatiwalaan.

"Thank you so much Dad." Saad ko at nag bow sa kanya bilang tanda ng paggalang.

"Please do take care, and don't worry. The twins are safe here," sambit niya.

"Yes dad I will po. Thank you po ulit," magalang na saad ko.

Lumabas na ako ng opisina niya at inasikaso ang mga dadalhin ko mamaya. Wala akong plano na ipaalam sa mga kapatid ko na uuwi ako. Kasi panigurado ay hindi nila ako papayagan. I will just surprise them. An unforgettable surprise.

ELLA

Bakit kaya hindi parin nagigising ang matandang ito hanggang ngayon?. Mag bebente quatro oras na eh. Humihinga pa naman kaya panigurado na buhay pa ito. At isa pa masamang damo ito.

"Hey Light, anong itinurok mo sa matandang iyan? Bakit tulog pa rin iyan?" Tanong ko sabay turo sa matanda.

"Hmmm, I just injected a full dose of Halcion. Which causes him to sleep for too long," nag aalangang sambit niya.

"Ganyan ka tagal ang epekto? Halos isang araw ng tulog iyan," saad ni kuya Wind.

"Well, that's better since wala pa naman tayong naiisip na plano para sa huklubang iyan," tugon ni kuya Earth.

"Sakto lang pala ang dating ko," sabay kaming napalingon sa nagsalita.

"HEAVEN?" Sabay sabay naming sambit.

"Why you guys look shock? Sa tingin niyo papayag ako na hindi makita kong paano mahirapan ang p*tang inang iyan?" Saad niya sabay turo sa matandang tulog. Nilapitan niya ito at biglang.........

Tinadyakan. Yes tinadyakan niya ang matanda napa OH naman kami ng mga kapatid ko.

"Arrggghhhh," narinig naming sigaw ng matanda. Nagising ito. Hindi dahil sa tadyak ni Heaven kung hindi dahil sa pagsabunot nito sa kanya patayo.

"Kuya ayusin niyo nga ang upo nito para naman makapag pakilala ako ng maayos," seryosong saad niya.

Wala ng patumpik tumpik pa. Parang mga robot na de susing sumunod ang mga kuya namin sa utos niya. Samantalang ako? Ito naka nganga.

"Kamusta ka tito? Ako nga pala si Heaven Astrid. Ang babaeng nabuntis ng p*tang inang duwag mong anak!!!! At ako rin ang ina ng mga apo mong gusto mong ipapatay!!!!!!!" Galit pero kalmadong sambit ni Heaven.

Nakita ko naman ang gulat sa mukha ng matanda. Tinignan ko ang mga kuya namin. Pero kahit sila ay gulat din sa ginawa ni Heaven. Is this how a kind person gets mad? Para siyang bubuga ng apoy maya maya eh.

"You wanna see your grand children?" Malumanay niyang saad.

Para namang tangang tumango ang nakagapos paring matanda kaya bigla akong nagpigil ng tawa. G*go lang? HAHAHAHAHAHAH

Tumawa ng malakas si Heaven. "Ano ako tanga? Na matapos mong pagtangkaan ang buhay namin ng kakambal ko ay ipapakilala kita sa mga anak ko? Ano ang sasabihin ko? Hey babies, meet your lolo. Ang p*tang inang gustong pumatay sa inyo. Iyan ba ang gusto mong sabihin ko sa kanila? HAH???!!!!!" may pag arti niyang saad.


"H-hindi ko a-alam na b-buntis ka," Nauutal na saad ng matanda.

"Hindi mo alam? Imposibleeeeee......" iling iling na sagot ni Heaven. "Eh alam mo nga na buhay ang kakambal ko eh." sambit niya at tinuro pa ako. "Tapos ngayon sasabihin mo na hindi mo alam? Eh baka nga pinagtangkaan mo ang buhay namin kasi alam mo na ipinagbubuntis ko ang anak ng duwag mong anak eh.  Bubuntisin ako tapos sasabihin na ipalaglag ko? Sabihin mo nga sa akin tanda, kulang ba sa buwan iyang anak mo? Oh baka kulang sa aruga?"

Anak ng... Kulang sa aruga pa nga.

Sa sunod na sinabi ni Heaven ay napatawa na talaga ako. Kaya nilingon niya ako.

"Sorry kambal hindi ko napigilan eh," saad ko.

"Kumalma ka diyan ate, moment ko ito." Tanging sambit niya at ibinaling naman sa matanda ang atensyon.

"Ano tanda? Sagot!!" Pasigaw niyang saad kaya napalunok ang matanda.

"H-hindi ko talaga alam H-hija," utal niyang sagot.

"Maniwala," saad ni Heaven na naka make face.

"Ano ang kasalanan namin sayo?" Seryoso niyang sambit.

Bigla ring nagseryoso ang paligid. Yumuko lang ang matanda.

"Ayaw mong sumagot? Ha!!!!!" Sigaw na naman ni Heaven.

"Heaven kalma". Pigil sa kanya ni kuya Earth. "Ako bahala, magpapatugtog ako siguradong kakanta iyan."

Umatras naman si Heaven.

"Mag uusap tayo mamaya," pabulong kong saad sa kanya. Tango lang ang isinagot niya.

May inilatag na mga litrato si kuya Earth, litrato ito ng mga magulang namin.

"I know you know this couple. Why did you kill them? At muntik mo pang idamay ang isa sa kapatid ko," Diretsang tanong ni kuya.

"I-i d-didn't mean to. Nabulag lang ako ng galit. H-hindi ko lubos maisip na natalo nila ako. Nag aagawan kami noon sa isang kilalang investor. Magkasunod kaming nag present ng aming mga proposals. I did everything to close the deal pero ang parents niyo parin ang nakakuha. K-kaya nagalit ako. H-hindi ko rin alam na kasama pala ang kapatid niyo sa sasakyan. Hindi ko sinasadya," Paliwanag niya.

"Hindi mo sinasadya? Eh kung pasabugin ko yang pesting utak mo tapos sabihin kong hindi ko rin sinasadya ha???!!!!!!" Sigaw ni Heaven at tumutok ng baril sa ulo ni Alfredo.

Wtf? Where the heck she get that gun?

"Wtf. Where did you get that?" Tanong ni kuya Wind ay grabe nabasa ni kuya Wind nasa utak ko?

Subalit hindi sumagot si Heaven. Nakatutok parin ang baril niya sa matanda.

"Put that gun down Heaven, wag mong dumihan ang kamay mo dahil sa matandang iyan," saad ni kuya Earth.

Ibinaba naman ni Heaven ang baril. Ngayon isa lang ang masasabi ko. Biruin niyo na ang lasing, gutom at bagong gising. Huwag lang ang babaeng kapapanganak palang.

"You know what assh*le. YOU DON'T DESERVE TO WRATH IN JAIL. BECAUSE YOU DESERVE TO WRATH IN HELL!!" pasigaw at may diing saad ni Heaven. "Hindi na dapat nabubuhay pa ang katulad mo eh. Pero hindi naman kami ganun kasama. You want to live?" Patanong na saad ni Heaven kaya napatango ang matanda.

Nakita ko kung paano nag isip si Heaven. May isip pa pala tong kakambal ko.

Inilabas niya ang kanyang cellphone. At itinuon ito sa matanda.

"We are not as evil as you so bibigyan ka namin ng chance, confess everything. And send yourself to jail. Harapin mo ang mga kasalanan mo. Baka sakali. Mapatawad ka namin at maipakilala kita sa mga apo mo," Ayon... lumabas ang pagiging pusong mamon ni Heaven.

"H-handa akong gawin kahit ano," Saad ng matanda.

"Oh wait I almost forgot." Saad ko at may inilapag na papel sa harap niya. "Remember this company? Alam kong ninakaw mo ito sa pamilya ko. And I know this is also the reason why gustong mong mawala ako sa landas mo. Kasi alam mo na alam ko ang tungkol dito." Nakita ko kung paano siya magulat. "At the age of six ay alam ko na ang tungkol sa mga bagay na ito. At tandang tanda ko pa kung paano kita nahuli noong pinilit mong papermahin ang isang share holder nila pappa," Mahaba kong saad.

Hindi siya nakapagsalita.

"Sign." tanging saad ko at inilapag sa harap niya ang ballpen. "Kalagan mo muna siya Light para makaperma."

Sinunod naman ni Light ang utos. Ng makalagan na siya ay nanginginig niyang pinermahan ang kasulatan.

"Lee group of company is originally owned by our family," kwento ko sa mga kapatid ko. "Pero dahil sakim ang matandang iyan ay ninakaw niya ito."

"Now start confessing Mr. Lee bago pa mag magbago ang isip ko at ipadala nalang kita sa impyerno. Dahil panigurado hinihintay ka na ng mga kauri mo doon," saad ni Heaven.

Sinunod naman siya ng matanda. Habang kaming lima ay nanunuod lang sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro