CHAPTER 16- The Lee
HEAVEN
Nabalitaan ko mula kay kuya Earth ang nangyari. Kaya wala sa sarili akong napatingin sa mga anak kong mahimbing na natutulog. Galit at pagkamuhi ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko lubos maisip na kayang gawin ito ng lolo nila. Oo sabihin na nating hindi niya alam ang tungkol sa pagbubuntis ko. Pero bakit? Ano ang galit ang meron siya sa amin na naging rasun para ganituhin niya kami. Siya ang pumatay sa mga magulang namin.
Nanginginig ang buong kalamnan ko. Kumukulo ang dugo ko. At parang may kung ano sa loob ko na nag uudyok na umuwi ako. Pero paano ang kambal?.
Bahala na put*ng ina siya. Kinuha ko ang Cellphone ko at tinawag si kuya Earth.
"Huwag niyong gagalawin ang matandang iyan. Uuwi ako, hintayin niyo ako," sambit ko pagkasagot ni kuya Earth.
["Wait a minute Astrid. Limang buwan pa lang ang kambal. Hindi sila pwedeng bumyahe,"] may tono ng pagtutol sa sinabi niya.
Sa sinabing iyon ni kuya ay tinignan ko ang kambal.
"Puwes hintayin niyo ako. Dahil gusto kong nasa harap ko mismo ang matandang iyan bago siya malagutan ng hininga o hindi kaya ay magmakaawa," seryosong wika ko.
["What are you planning to do?"] he asked.
"Gusto kong ipakilala sa kanya ang ina ng mga apo niya," nakangising saad ko.
Tignan ko lang kung ano ang magiging reaksyon mung matanda ka.
["In that case I'll tell your twin na huwag munang patayin ang matandang ito. Leave everything to us for now Astrid. Focus on the twins for this moment,"] saad niya.
I'll play a dirty game with you asshole. At sisiguraduhin ko sa larong ito, kami ang mananalo. Kami ang tatanghaling kampyonado.
EARTH
Hearing those words from Heaven is like hearing something from Ella. Kambal nga sila, hindi na ako magtataka kung may itinatago ding kademonyuhan sa loob niya.
"Kuya, why did you call me? I was at the meeting with my manager." agarang sambit ni Wind pagka pasok niya palang ng bahay.
"Hawak na ni El... Heaven ang taong nagtangka sa buhay nila," sh*t muntikan pa akong madulas. Hindi pala alam ni Wind na si Ella ang kasama namin at hindi si Heaven.
"What do you mean?" Takang tanong niya.
"Wanna know who that dem*n is? Siya lang naman ang ama ng nakabuntis kay Heaven," Sa sinabi kong iyon ay nagulat siya.
"Wait kuya, are you saying si Congressman Alfredo Lee ang nagtangka sa buhay nila?" Naguguluhang tanong niya.
"Hindi lang iyan Wind. Siya rin ang pumatay kay Momma at Pappa," sunod ko pang tugon.
"Wtf!! Why the heck did he do that?" Galit na tanong niya.
"Its for us to find out Wind. Aalis ako ngayon. Susunod ako sa kanila sa probinsiya natin. Doon nila dinala ang damuhong matanda." saad ko at kinuha ang susi ng sasakyan ko sa side table sa sala at naglakad palabas ng bahay.
"Wait kuya, I'll come with you. I need to hear that old sh*ts confession." agarang tugon niya at sumunod sa akin palabas.
Nasa sasakyan na kami ng biglang maisipan kong magsalita na sana tungkol sa plano nila Ella subalit agad kong naalala na wala ako sa posisyon. Na hindi dapat ako ang magsabi ng bagay na iyon. Baka imbes na magkasundo na kami ni Ella ay mag away naman kami ulit.
"Teka kuya, matanong ko lang. How did you find out na siya ang may pakana ng lahat ng ito," pagbasag ni Wind sa katahimikan.
"I am not in the position para magkwento Wind. Ang kapatid nalang natin ang tanungin mo mamaya." nakita ko naman ang pagtango niya kaya nag focus nalang ako sa pag drive.
Ilang oras din ang iginugol namin sa byahe bago marating ang lumang bahay namin sa probinsya. It is still the same. Walang pinagbago. Halatang inaasikaso parin ito ng mga pinagkakatiwalaan ng aming pamilya.
"We are here." saad ko at unang lumabas ng sasakyan.
"Nothing change. I'm really amaze," namamanghang saad ni Wind.
"Let's go inside, time to play a tricky game with that oldie." saad ko kaya sabay kaming napatawa.
WIND
( Winiever Dariusx Buenafe, pangalawang kapatid ni Heaven at Ella. He is an actor).
Pagkapasok namin ni kuya sa bahay ay dumiretso kami sa basement. Doon namin natagpuan ang p*tangnang matanda na walang malay. Pero nagulat ako sa isang babaeng nakatayo pero nakatalikod sa amin.
"Nakakatayo kana?" Agaran kong tanong dahilan ng paglingon niya.
Yes who I saw is Heaven. And nakakatayo na siya. But what's more weird is she is sipping a cigarette.
"E-ella?" Utal kong tanong.
Pinatay niya muna ang kanyang sigarilyo bago nagsalita.
"What? You will get mad without knowing the whole story?" Agaran niyang sambit.
Ayy iba din. Naunahan ako dun ah.
"No I won't I was just wondering. Why did you disguise?" Takang tanong ko.
"For this assh*le to think that he wins." saad niya habang nakaturo sa matanda.
"S-so it means s-si Heaven ang namatay?" Nanghihina ang tuhod kong sambit.
["Nah ah kuya, I'm alive and kicking. I mean we are alive and kicking"] saad ng kung sinong nasa kabilang linya.
Nang lingunin ko ito ay tumulo ang luha ko dahil ang nakita ko sa screen ng laptop na nasa harap ko ay si Heaven kasama ang k-kambal? Teka kambal??
["Hey why are you crying? You are not in a shooting naman ah,"] dagdag niya pa.
Hindi ko na nagawang magalit kahit itinago nila ito sa akin. Ang malaman lang na ligtas pala ang mga kapatid ko lalo na ang mga pamangkin ko ay sapat na para sa akin.
"So anong plano natin diyan?" Tugon ko ng nakabawi na ako sabay turo sa matandng tulog.
"Paglaruan?" Patanong na sagot ni Ella.
["Do everything you want. Just don't kill him hangga't wala pa ako diyan,"] sagot ni Heaven mula sa kabilang linya.
"Kumalma ka diyan Astrid. Masyado kang apurada," saway sa kanya ni kuya Earth.
["Cheeee, bahala kayo diyan. End ko muna yung call. Asikasuhin ko lang ang kambal."] saad niya at pinatay ang tawag.
"Hey wait, you haven't introduce the twins to me yet," Pahabol ko pero binaba niya na ang tawag. "Aba, ang bastos ah. Kanino kaya nagmana iyon?" Sambit ko at tumingin kay Ella.
"And why the two of you looking at me?" Angal niya. Doon ko lang din napansin na sa kanya din pala nakatingin si kuya.
Imbes na sagutin siya ay tumawa kaming dalawa. Kamot ulo naman siyang naglakad palabas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro