Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE

EPILOGUE:

"You may now kiss the bride." As the priest announced that, Treyton stepped forward and stopped with only an inch away from Atarah. With the wedding vail that's covering her face, Treyton slowly pulled it up.

Nang malaya na nitong nakikita ang mukha ng babae, he holds her face and dried her cheeks. Atarah just can't stop herself from crying. Hindi niya lang kasi mapigilan ang nararamdaman niya. Her insides were overflowing with so much joy and all.

Treyton is crying too. Well, who wouldn't cry from so much happiness if you're now marrying the person you truly love, right?

"Thank you. Thank you so much for being the best gift to me Atarah." Bulong ni Treyton sa kanya habang nakatingin ang mga ito sa mata ng isa't isa.

"No, thank you for coming into my life Treyton. I may not be the best but I will give my all to be a good wife and a mother to Thyron." Muli nitong pinunasan ang mga luha nito. They were just looking at each other's eyes with a smile plastered on their faces.

Kung hindi pa nila narinig ang pagsigaw ng mga bisita ng salitang kiss ay hindi pa siguro mapuputol ang pagtitigan ng mga ito. Bahagya tuloy silang natawa nang tignan nila ang kanilang bisitang halatang atat na sa paghahalikan nila.

Gamit ang kamay nitong noo'y nasa pisngi pa rin ni Atarah, marahan niya iyong hinaplos.

"I love you." Then Treyton claimed her lips with full of love.

Ipinikit na lamang nito ang kanyang mga mata at puno rin ng pagmamahal na dinama iyong halik ng lalaking ngayon ay asawa na niya.

That kiss didn't last long because Thyron Jae went near them. Hawak ang dulo ng damit ng kanyang ina'y hinila-hila niya iyon.

"Mommy, mommy. I want kiss too!" Thyron Jae kept pulling down her dress. Naging dahilan tuloy iyon para magtawanan ang mga bisita.

Treyton then carried his son. "Lagot ka sa akin mamaya." Birong saad pa nito sa bata. Again, that made the visitors laughed.

After that, the photographer took them many shots. Pagkatapos na makuhanan sila ng larawan ay dumiretso na sila sa may wedding reception. Sa isang malaking hotel iyon ginanap dahil sa dami ng kanilang bisita.

As the two wedded couple was sitting in front of them, pinatunog ng mga bisita ang kani-kanilang baso, asking for the two to kiss again. Agad namang ginawa ng bagong mag-asawa ang hinihiling nila and they cheered them. The two just smiled.

"Daddy, I want cake. I want." Sulpot na naman ni Thyron sa tabi nila.

"Son, you know how to ruin the moment, huh?" Treyton then messed his son's hair.

Ang tagpong iyon ay naging dahilan upang tawanan ulit sila ng lahat. Iisipin na nga nitong sinasadya talaga ng bata ang pagsulpot nito sa harapan nilang mag-asawa upang agawin ang atensyon ni Atarah na dapat ay sa kanya lang muna.

Paano kasi'y ito rin ang naging ring bearer nila. Tapos no'ng naglalakad na ito sa may aisle papunta sa kanilang dalawa, Thyron Jae played with that small white ring bearer pillow. And what he did was he throw that thing upward.

Mabuti't maagap na nakalapit si Neon dito at sinalo iyon. Ang ginawa na lang tuloy nito ay binuhat ang bata at silang dalawa iyong pumunta sa harapan para ibigay sa dalawa iyong wedding ring nila.

But the two were happy. Even though Thyron Jae brought some kind of epic moment on their wedding, they were happy that their son became part of that happiest day of their lives.

That wedding reception ended late at night. Good thing, they had reserved many rooms so it would be hassle for their visitors and also, they knew some of them would be drunk kaya naging handa lamang ang mga ito just in case.

"Good morning, wife." Atarah slowly opened her eyes.

Naramdaman nito ang mainit na sinag ng araw na tumatama sa kanyang balat pero wala itong maramdaman sa kanyang mukha.

Nang magmulat ito ng mga mata, kahit na nanlalabo pa ang paningin niya'y nakita nito si Treyton sa kanyang tabi. Bahagya itong nakayuko sa kanya at ginamit iyong kanang kamay niya bilang panangga sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya.

"Good morn—" Hindi nito naituloy ang sasabihin niya nang bigla siyang halikan ng kanyang asawa. "Treytooooon!" Ungot nito at kaagad na hinila ang lalaki palapit sa kanya. Tuloy ay nakayakap ito sa kanya.

"Why did you do that? I just woke up." Nahihiya nitong saad.

Kagigising lang kasi nito, ni hindi pa nga siya nakapaghilamos o nakapagtoothbrush man lang sana tapos hinalikan siya kaagad nito.

"Why? Are you shy, hmm?" Treyton kissed her again, teasingly. Wala namang nagawa si Atarah kundi gantihan din ito.

"Doon ka na nga!" Tsaka niya ito itinulak bago pa lumalim ang halikan nilang iyon. Natatawa namang tumayo si Treyton at tinulungan din naman siya nitong tumayo.

"Alright, alright. I'll go out. I'll just wait for you downstairs, wife." Pagdidiin nito sa huling salita pagkatapos ay nangingiti itong lumabas.

"Baliw talaga." Atarah uttered to herself.

Wife, I'm now his wife. Wala sa sariling napangiti ito dahil sa isipang iyon. Pumasok tuloy ito sa CR na parang baliw dahil sa laki ng kanyang pagkakangiti.

"Where's Thyron?" Bungad nito at naupo sa tabi ng lalaki. Nang dumating kasi siya sa sala ay si Treyton lamang ang naabutan niya.

"Outside. He's with your friends."

"Sila Thea? Ang aga nila ha?" Hindi nito makapaniwalang saad. 'Yon nga lang ay bigla siyang pinitik ni Treyton sa kanyang noo.

"Wife, it's already past twelve in the afternoon."

"What?" Gulat nitong sambit at no'ng mapatingin siya sa may wall clock, tama nga ang kanyang asawa.

"You slept too much. Let's go in the kitchen." Hinila siya nito at wala naman siyang nagawa kundi ang magpatangay rito.

Kaya pala kanina pa niyang nararamdaman ang gutom. All she thought it's still early in the morning.

Habang kumakain ito'y tahimik naman siyang pinapanood ni Treyton. Kumain na raw kasi ito kanina kaya ngayon ay pinapanood na lang niya si Atarah. Pero sa tuwing sinusubuan naman siya nito'y tinatanggap iyon ni Treyton.

"Mommy's awake na." Rinig nito ang boses ni Thea.

Nang lumingon siya rito'y nakita niyang hawak-hawak nito sa kamay si Thyron, nakasunod naman sina Dianne at Gia sa kanila.

"Sobrang kulit ni Thyron. Tatanda yata ako ng wala sa oras kapag siya ang lagi kong kasama." Saad ni Thea habang nakasandal ito sa gilid ng fridge at kasalukuyan ng umiinom.

"Matanda ka naman na." Atarah frankly said.

"Aba! Gagang 'to!" Tsaka sila nagtawanan.

When Atarah invited them to eat, they just nodded. Natapos na rin kasi ang mga ito. Sadyang late lang siyang nagising kaya anong oras na'y kumakain pa lamang siya.

"Ba't ba kasi ang tagal mong nagising?" Tanong naman ni Thea dito.

"Malamang, napuyat ako. Anong aasahan mo?" Sagot ni Atarah pagkatapos ay isinubo niya ulit iyong laman ng kutsara niya.

Their wedding happened just yesterday kaya gano'n siya napuyat. Ang dami kasi nilang ginawa. It's so tiring but it's all worth it.

"Talaga ba? O baka naman?" Mapang-uyam nitong tanong. Nilingon pa ni Thea si Treyton.

Halos mabulunan tuloy si Atarah nang makuha niya kung anong ipinapahiwatig sa kanya ng kaibigan niya. Mabuti na lamang at agad siyang inabutan ng tubig ni Treyton na noo'y natawa rin dahil sa sinabi ni Thea.

"Thea, 'yang bunganga mo nga!" Singhal nito, pinanlikihan pa niya ito ng mata.

"What? I was just asking! 'Di ba Treyton?" Muli na naman nitong nilingon ang lalaki.

"Who knows?" Natatawa namang tugon ni Treyton kay Thea.

"Isa ka pa! Ewan ko sa inyong dalawa!" Pinanlakihan niya rin tuloy ng mata ang asawa.

Wala sa sariling ipinagpatuloy na lang nito ang kanyang kinakain. Ang mga kasama naman nito'y ayun at inasar siya. Sina Dianne at Gia nama'y nakisama pa.

Around five in the afternoon ay umuwi na rin ang mga ito sa condo ni Treyton dahil katulad ng mga bisita nila'y sa hotel din sila nagstay pagkatapos ng kanilang kasal.

"What are you thinking?" Habang nakatingin ito sa kalangitan na noo'y punung-puno ng mga bituwin, hindi na ito nagulat nang maramdaman nito ang paglitaw ng lalaki sa kanyang tabi.

At mula sa pagkakaakbay nito sa kanya'y naramdaman nitong unti-unting bumaba iyong kamay ni Treyton sa baywang niya.

"Nothing. I'm just happy." Atarah answered.

With one swift move, using his right hand that was enveloped on Atarah's waist, Treyton pulled her closer to him. Hanggang sa magkarap na ang mga ito, now already hugging her.

"I'm happy too and thank you for giving this happiness to me, wife." Hindi na hinayaan ni Atarah na yakapin siya nito, siya na ang kusang yumakap dito.

Both of them were just hugging each other at ramdam ng mga ito ang malakas na pagpintig ng kanilang puso.

Nakangiti lamang, mas lalong isiniksik ni Atarah ang sarili niya rito while Treyton is just brushing her hair.

One year and a half month had passed since the two of them were engaged which also happened that it was their son's birthday. And now, they finally got married.

Weeks quickly passed by after their wedding. Habang si Treyton ay abala sa kompanya, si Atarah naman ay naiiwan sa bahay upang alagaan ang anak nila.

One time, Atarah received a message from her email that her archi team will be coming here in the Philippines kaya nama'y tuwang-tuwa ito lalo na no'ng nalaman nitong may balak ang mga itong magpatayo ng sarili nilang firm dito sa Pilipinas. Hearing that news from her team, hindi na mawala-wala ang ngiti nito.

"You looked happy." Iyon kaagad ang napansin ni Treyton sa kanyang asawa pagkauwing-uwi niya. Even after their dinner at ngayon nga'y nanonood sila sa sala, naroon pa rin ang ngiti sa labi nito.

"I really am. Remember the team I've told you before? Yung mga kasamahan kong architect?" Treyton nodded when he remembered that. "They will be here sooner and we'll be going to have our own firm here!" Masayang pahayag nito.

Treyton couldn't help but smile too. Nahahawa kasi ito sa mga ngiting ipinapakita ni Atarah sa kanya.

Now her dream is finally happening. Naalala kasi nito ang tungkol sa oportunidad na sinabi ni Atarah sa kanya noon na mag-uundertake siya ng isang project sa construction firm pero dahil nga sa nagdadalang tao pa siya noon, Atarah had no choice but to not take that chance because she told him she doesn't want to risk their baby.

Hearing and seeing her happy like this, Treyton carefully pulled her and prisoned her in his arms.

"Now that your dream is finally happening, I'm so happy and I'm so proud of you. Always remember that Atarah." Tsaka nito hinalikan ang ulo ng asawa.

Opportunities are always there. Not because you didn't grab the first chance you have doesn't mean you lost. Great opportunity comes at the right time. And Treyton can see that that right time is now happening to his wife.

"Let's sleep. We're going somewhere tomorrow." Pagkatapos patayin ang TV at ang mga ilaw sa baba, pumanhik na ang mga ito't natulog na nasa gitna nila ang kanilang anak.

The next morning, agad na gumising ang mga ito dahil sabi nga ni Treyton ay may pupuntahan sila. Nagkataon pang weekend kaya mas lalong natutuwa si Atarah.

The three of them went in the mall. Nagshopping ang mga ito at kung anu-ano pa ang kanilang mga ginawa. They even went to amusement park dahil ipinagpipilitan iyon ni Thyron sa kanila.

Bandang alas dos na nga nang makauwi ang mga ito at si Thyron Jae, ayon at nakatulog na.

When Mandy and Cosette came, Treyton asked the two of them na bantayan muna ang bata dahil may pupuntahan pa ang mga ito. Pumayag naman ang dalawa kaya ngayon ay silang dalawa na lamang ni Atarah ang nasa loob ng kotse niya.

"Where are we really going?" Kanina pa iyong tinatanong ni Atarah sa kanya pero wala itong narinig maliban sa malalaman niya rin daw pagkarating nila roon.

May kalahating oras na kasing nagbabyahe ang mga ito at hindi pa rin sila tumitigil. Mas lalo tuloy nagtataka si Atarah.

"Treyton, saan ba talaga tayo—"

"We're here." Treyton finally answered. Nang makababa ito'y umikot siya at pinagbuksan si Atarah.

Nang makalabas si Atarah ay pinagmasdan lamang nito kung nasaan sila, kung anong ginagawa nila rito at kung bakit sila nandito.

"What are we really doing here?" She curiously asked. Atarah knew they were inside an exclusive subdivision. What she didn't know is...

"Oh my God!" Agad itong napatakip sa kanyang bunganga nang matigil ang kanyang paningin sa isang bahay na nasa kanyang likuran.

"Oh my God!" Muli nitong sambit. Her tears then find their way out on the side of her eyes.

Nakangiti lamang siyang nilapitan ni Treyton.

"Aren't you happy with my gift?"

"Treyton..." Tsaka nito niyakap ng mahigpit ang lalaki. Hindi niya rin mapigilan ang kanyang pag-iyak sa sobrang tuwa. "How can you be so like this?" Patuloy pa rin ang pag-iyak nito.

"I know you will love it." Nang kalagan ni Treyton ang yakap, katulad ng madalas niyang ginagawa ay pinunasan nito ang luha ni Atarah.

"Welcome to our home, wife." Masaya nitong sambit kay Atarah.

Her eyes were still filled with tears and Atarah was just standing while busy checking every detail of that house.... of her dream house.

Yes, the house she's seeing right now was the design of her dream house. Hindi niya aakalaing ang architectural plate na noo'y sa laptop niya lamang nakikita, ngayon ay nakatayo na sa harap niya.

"Let's go inside?" Aya sa kanya ng lalaki as he held her hand. Pumayag naman ito.

Nang makapasok sila sa gate, Atarah did nothing but to wander the whole place. Mula sa front yard, mula sa mga interior designs nito, sa kitchen, pati ang nasa ikalawang palapag, lahat ay katulad na katulad ng plate na kanyang ginawa. Pati iyong master's bedroom, gano'n na gano'n. Kopyang-kopya ang lahat.

"You stole my design!" Atarah huffed sa gitna ng pagkamangha nito.

"I didn't. I actually gave the owner the actual figure of it. That owner should be thankful instead." Treyton winked at her.

"Bwisit ka! Bakit hindi ko 'to alam?"

"May nagnanakaw bang ipinapaalam muna sa may-ari?"

"Argh! Bwisit ka!" Muli na namang sigaw ni Atarah dito. Pagkatapos ay nilapitan niya ito't bigla na lamang hinalikan. "Thank you. I really appreciate it." Ginulo lamang ni Treyton ang buhok nito.

"Kailan mo pa pinagawa 'tong bahay?" Tanong ni Atarah habang patuloy na pinagmamasdan iyong mga designs.

Mula sa bintana, sa wall, sa designs na nakadisplay, sa mga cabinet. Lahat ay dinaanan niya.

"Three years ago." Natigilan si Atarah at nilingon ito. Treyton was just sitting on the side of the bed while looking at her busy wandering everything she sees.

"What? Gano'n na katagal? Sinadya mo talagang nakawin sa akin 'yung design e!"

"Yeah, you could say that." Natawa lamang ito lalo na no'ng lapitan siya ni Atarah at tuktukan siya nito sa kanyang ulo.

Agad namang hinila ni Treyton ang kamay nito dahilan para mapaupo ito sa may kandungan niya.

"Pero bakit mo 'yon ginawa?" She asked again. She now clings her hand on Treyton's nape.

"Because you really treasure the design."

"No. Treyton, hindi ako naniniwalang dahil lang doon. Bakit nga?" Tanong pa rin nito.

Hearing that reason from him is too unreasonable at talagang hindi siya maniniwala roon. Treyton won't build this house just because this is my dream house, perhaps...

"Because I love you." Mula sa nakakunot nitong noo, natigilan ito nang banggitin iyon ni Treyton. Then Treyton met her gaze.

"The day when I told you I'm starting to consider you as my home, I already love you since then Atarah. Then I saw that house design. And you know what comes in my mind right after seeing it?" Treyton asked her.

Kung kanina'y talak ito nang talak sa sobrang kuryosidad, ngayon naman ay tila hindi niya magawang magsalita.

"I wanted to build that house not as yours but as ours." Seryoso nitong saad. "I'm sorry, I was too selfish to think that. Maybe, I was just too in love that I couldn't acknowledge it myself." Pag-amin nito.

"You see, I love you first and—"

"Who cares about who fell in love first?" She teared up again. "Ang mahalaga mahal natin ang isa't isa at pareho tayong masaya." Sitting on his lap, she hugged him. Mas lalo siyang napangiti nang yakapin din siya nito pabalik.

After that day, both of them decided to move in from that house a week after. Nagkaroon ang mga ito ng simpleng handaan kasabay na rin ng pagpapablessing nila sa bahay.

Nagulat nga rin ang mga magulang ni Treyton dahil pati ang mga ito'y walang kaalam-alam sa bahay. Tuloy ay tinutukso ni Atarah si Treyton pati no'ng makaalis ang mga ito.

"Masyado mo naman pala akong mahal para bigyan mo pa ako ng bahay." Panunukso nito.

"Ikaw lang naman ang gusto kong bigyan ng bahay at gawing maybahay." Treyton tried to reverse the topic and he succeeded when he saw how Atarah's face turned crimson red.

"Bahala ka nga r'yan!" Tsaka ito tuluy-tuloy na pumasok sa CR at naligo na lamang. Katunayan ay dinig na dinig pa nito ang mga tawa ni Treyton. Nakagat tuloy nito ang kanyang labi.

Done taking a bath, lumabas itong nakaroba lamang. Saglit siyang lumabas at nagtungo sa kwarto ni Thyron Jae. Inihiwalay na kasi nila ito ng kwarto but his room was connected to theirs just in case he will cry.

Nang pumasok ito sa kwarto nila'y tinanong siya ni Treyton kung kumusta iyong bata. She just told him that Thyron is already sleeping.

Atarah sat in front of her vanity mirror and blow dried her hair. After how many minutes, tsaka ito tumayo para sana matulog. But when she noticed the necklace she's still wearing, kaagad niya iyong inalis subalit ay hindi niya matanggal. Good thing, Treyton stood up so she asked for help.

Huminto naman ang lalaki sa kanyang likuran at ginawa iyong sinabi niya. Nang magtama ang mga mata nila sa salamin, hindi alam ni Atarah kung bakit pero bigla siyang napalunok.

Hanggang sa maalis ni Treyton iyong necklace niya, naramdaman nito ang pagyakap niya sa kanya mula sa kanyang likod. Now looking at themselves in the mirror, hinawakan din ni Atarah ang mga kamay ni Treyton na nakayakap sa kanya.

"What? Bakit ka ganyan makatingin sa akin?" Tanong nito. It's just that the way Treyton looks at her is different.

"I'm just happy that you're mine." Hinarap ni Atarah si Treyton tsaka nito hinaplos ang mukha nito.

"I'm happy too. I'm always happy whenever I'm with you." Tumingkayad ito at inabot nito ang labi ng kanyang asawa. Treyton then kissed her back.

From that soft kisses, naramdaman nitong palalim nang palalim iyong mga halik na ibinibigay ni Treyton sa kanya. All she did was to equal the intensity of the kisses Treyton is giving her.

At naramdaman na nga nitong napunta na iyong labi ni Treyton sa kanyang leeg. She craned her neck, giving him more access. Atarah then closed her eyes, feeling the kisses Treyton is planting on her bare akin.

Nang magtama ulit ang mga mata nila'y nakikita niya ang kagustuhan sa mga mata ng lalaki.

"Damn, wife. I want you." Treyton whispered and once again kissed her.

Because of what he said, Atarah snaked her arms around Treyton's neck at ginantihan nito ang bawat halik na ibinibigay sa kanya ng lalaki.

Hanggang sa maramdaman na lang nito ang malambot na kama sa kanyang likuran. Right at that moment, Atarah gave herself to the man she truly loves. He's her husband after all.

Now lying on their bed, Treyton's just busy playing with Atarah's hair habang ito nama'y nakaunan sa braso niya.

"Sleep wife. Sorry for tiring you." She even felt Treyton kissed her forehead. Inayos pa nito ang kumot sa kanilang katawan tsaka siya nito niyakap. Atarah hugged him back then closed her eyes.

Being prisoned on the arms of the person she loves, Atarah felt happy and contented. For her, nothing can be happier than being with the person you love.

Pero wala ng mas sasaya kung pareho niyong mahal ang isa't isa. Never in her entire life that she could meet a person like Treyton but it just so happened that she did and she's really grateful about it.

Mula sa mga pinagdaanan nila, masaya itong kasama niya pa rin si Treyton hanggang ngayon lalo na't may isang Thyron Jae na sa kanilang buhay.

Now that she's facing the new chapter of her life being the wife of Treyton and a mother to Thyron, she now has enough reason to strive more. Alam niyang marami pa silang pagsubok na pagdaanan at habang kasama niya ang mga ito, alam niyang malalampasan nila ang mga iyon.

In life, there are different kinds of happiness. And Atarah's sure enough that what she feels right now is true happiness. And do you know when did she started to feel it? It's when her heart decides to stay beside the man she loves.



- T H E  E N D -


A/N: Thank you so much for sticking up on Atarah and our baklang Treyton's love story up to this end. Salamat din po sa pag-aabang. Sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa. :)

If you want to read more of my stories, feel free to visit my profile. I love you all. 'Til the next stories. God bless!

©imeesyouuu

To God be all the glory.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro