Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7

7

Pinilit na lamang ni Atarah na ngumiti sa harap ng magulang ni Treyton pagkatapos niya itong ipakilala rito.

"Totoo nga?" Naroon pa rin ang pagkamangha sa mukha ng magulang nito.

"Oo nga Ma." Sagot ni Treyton.

Ang mga magulang naman nito ay napatingin na lamang kay Atarah dahil hindi talaga sila makapaniwala sa nalaman habang si Atarah ay tila naiilang na dahil nakatutok lamang ang paningin ng mga ito sa kanya.

"Ma, huwag niyo ngang tignan si Atarah ng ganyan! You're like giving her a psychopath look." Said Treyton.

"Hindi lang kasi ako makapaniwala 'nak." Sagot nito, pagkatapos ay agad itong kumilos at nilapitan si Atarah sa kanyang direksyon.

Walang anu-ano'y niyakap niya ito. Sa gulat ni Atarah, halos hindi ito makakilos sa kinatatayuan niya.

"Masaya ako't madadagdagan na ng miyembro ang pamilyang ito. Hindi lang isa kundi dalawa. Welcome to the family hija." Saad ng mama nito at nginitian ang dalaga.

Sinuklian na lamang din niya ito ng ngiti. Nakipagkilala na rin ang mga ito sa kanya at inaya na ang mga ito sa hapagkainan upang sabay-sabay na silang kumain kasama syempre sina Cosette at Mandy.

Hindi talaga maitatago ang ngiti sa labi ng ginang. Habang kumakain nga ang mga ito ay binibigyan nito si Atarah ng mga payo na maaaring makatulong sa pagdadalang tao niya. Mula sa pagkain at sa mga bagay na dapat niyang gawin.

"Are you really pregnant hija?" Muli na naman nitong tanong sa dalaga.

Hindi kasi ito makapaniwala. Alam naman nito ang pagkatao ni Treyton kaya hindi nito lubos maisip na magkakaroon na rin ng sariling anak ang kanyang nag-iisang anak.

"Yes po Tita." Atarah responded politely.

"Payakap nga ulit anak." Hindi na ito nakatanggi pa nang yakapin siya ng ginang.

Niyakap na rin niya ito pabalik dahil magaan naman ang pakiramdam niya rito and to be honest, she feels grateful knowing that they accepted the child easily and wholeheartedly. Even though it was her first time to meet Treyton's parents, anak na anak na talaga ng turing ng mga ito sa kanya.

Nandito sila ngayon sa terasa. After having their dinner, Treyton's mom brought Atarah here because she wanted to talk to her privately and she kept on giving advices to her.

"Tita, how did you find out that Treyton was a gay?" Hindi maiwasang itanong ni Atarah iyon.

At some point, she finds that question kind of offensive pero gusto lang kasi nitong malaman ang totoo.

"That was a long story hija. Things turned upside down that time. It was hard for him but it was harder on our part as his parents. At first, hindi kami makapaniwala ng Papa niya but who are we to not accept it? Anak namin siya at kahit ano pa man siya, anak pa rin namin siya. Yun naman ang mahalaga ro'n diba?" Mahabang sagot ng ginang at ngumiti naman ito sa kanyang narinig.

"Mahal niyo po talaga si Treyton Tita 'no?" Ilang beses na tumango ang ginang bilang sagot, pagkatapos ay hinaplos nito ang mukha ni Atarah.

"Alam mo bang sobrang saya ko sa nalaman ko ngayon?" Tanong nito sa dalaga habang hinahaplos pa rin nito ang mukha nito. At alam nitong ang tinutukoy ng ginang ay ang kanyang pagdadalang tao.

"Alam ko kung anong mga pinagdaanan ni Treyton noon mula sa pinakasimple hanggang sa pinakamahirap niyang naranasan and I'm so happy to know na unti-unti niya ng binubuksan ulit ang pintuang matagal niya ng isinara sa buhay niya. Wala pang kasiguraduhan sa lahat but I'm hoping that you could help him hija." Mahabang paliwanag ng mommy ni Treyton at hindi naman makuha ni Atarah kung anong nais nitong ipahiwatig sa mga salitang kanyang sinabi.

"Please bring back the old him." Dagdag pa nito na mas lalo niyang ikinalito.

What does she mean by that? Kung anu-ano tuloy ang naiisip nito. Mabuti na lamang at dumating si Treyton, kahit papaano ay nawala ang bumabagabag sa isip nito.

"Ma, gogora na kami ni Atarah. Kailangan niyang magmorlog ng maaga. Knows na itey momshie, juntis e." Saad ni Treyton nang makalapit ito sa direksyon nina Atarah at ng mama niya.

"O sige. Ihahatid ko na lang kayo, sabihan ko na lang ang Papa mo mamaya na mauuna na kayo." Sabay-sabay na silang kumilos at inihatid nga nito ang dalawa palabas. Sina Cosette naman at Mandy ay kanina pang nakaalis.

"Bye Ma." Kumaway si Treyton dito kaya ganun na rin ang ginawa ni Atarah and after that, they drove back to Treyton's unit.

"I didn't know na alam pala ng parents mo kung ano at sino ka." Atarah said habang naglalakad sila paakyat ng kwarto.

Namamangha lang kasi ito sa katotohanang tanggap ito ng parents niya sa kung ano talaga siya. Alam naman kasi niya na may ibang parents talaga na kinamumuhian nila ang kanilang anak or let's say mahirap para sa kanilang tanggapin ang katotohanan kapag nalaman nilang taliwas ang pagkatao ng mga anak nila mula sa pagpapalaki nila sa mga ito.

But unlike Treyton's parents, they accepted him for who he really is.

"Junakis nila ako ghorl, syempre tanggap nina Mamsh at Papa kung ano at sino ako. Love kaya ako ng mga yun." Sagot ni Treyton at hindi naman maiwasang mangiti ni Atarah.

Tama nga naman kasi ito. Because even her, sa mismong mga mata nito, nakita nito kung gaano nila kamahal si Treyton.

"Ano palang pinag-usapan niyo ni Mama?"

"Wala naman. Nagkwentuhan lang ng kung anu-ano." Tugon nito. "Tulog na tayo? Inaantok na ako." Saad ni Atarah kasabay ng kanyang paghikab.

"Matulog ka na. Hindi pa ako inaantok."

"Treyton naman e." Nagsimula na namang magreklamo ang dalaga kaya wala na itong nagawa pa kundi gawin kung anong gusto nito.

Nang mahiga ito sa kama, hindi na siya nagulat pa nang yakapin siya ng dalaga. Tss. Hug addict.

"Ba't ba gustung-gusto mo akong yakapin?" Hindi alam ni Treyton na sa dinami-dami ng pwede niyang itanong ay yun pa ang kanyang sinabi.

"Nagpapayakap ka naman." Hagikgik ni Atarah habang isinisiksik ang sarili nito sa lalaki. "Bakit ang bango mo Treyton?" Ngayon ay ang dalaga naman ang nagtanong at inamoy-amoy pa siya nito.

"Tss. Akala ko ba inaantok ka na? Matulog ka na." Ang tanging naisagot nito. Hindi na rin naman nagsalita pa si Atarah.

Makalipas lang ang ilang segundo, sa pagiging tahimik nito, sigurado si Treyton na nakatulog na ito. Bumuntung-hininga siya at hinaplos na lang ang buhok ng dalaga.

Maya-maya pa ay gumalaw si Atarah at mas lalo pang isiniksik ang sarili sa binata. Napalunok na lang si Treyton at hindi nito maintindihan ang sarili kung bakit naaapektuhan siya dulot ng hininga ni Atarah na tumatama mismo sa leeg niya, idagdag mo pang yakap-yakap siya nito.

Napailing na lang ito.

Mula sa pagkakatihaya, gumilid si Treyton ng pagkakahiga hanggang sa mapaharap ito sa dalaga at malaya nitong napagmamasdan ang kabuuan nito.

Mula sa medyo magulo nitong buhok at sa manipis nitong labi na bahagyang nakabuka, hindi tuloy maiwasan ni Treyton na mapatitig doon.

Hutanes. Ano bang ginagawa ng girlalung 'to sa akin?

Muli siyang napailing at hinila nito ang dalaga palapit sa kanya. Pagkatapos ay itinaas nito ang kumot hanggang sa dibdib nila para hindi sila malamigan masyado. At sa hindi malamang dahilan, ginawaran nito ng halik sa noo ang dalaga.

"Good night."

Kasalukuyang inaayos ni Atarah ang iba niyang gamit ngayon habang pinagmamasdan lamang siya ni Treyton. Inayos naman na nito yung iba niyang gamit kahapon kaya madali na lang niyang naayos yung iba pang natitira.

This afternoon, after lunch, babalik na si Atarah sa bahay nila and the fact that she won't be able to see especially hug Treyton makes her sad.

"Are your things okay now?" Tanong sa kanya ng lalaki.

"Parang atat na atat kang umalis ako ah?" Malungkot na saad ni Atarah. Napanguso pa ito.

"Sino bang may gustong umalis?" Balik tanong din ni Treyton sa kanya. She just sighed and Treyton did the same thing.

Hindi naman kasi ito pwedeng magstay na lang dito. Staying here for a month is too much. Ayaw naman nitong i-take advantage ang kabaitan ni Treyton sa kanya. Masaya na siyang ito ang naging kasama niya sa panahong hindi niya alam kung anong gagawin niya.

Mabilis lang na lumipas ang oras. After nilang kumain ng pananghalian ay inilabas na ni Atarah ang isa niyang bag kung saan naroon lahat ng gamit niya. Mag-aala-una na ng hapon and now, babalik na nga ito sa kanilang bahay.

"Tara na." Tawag sa kanya ni Treyton kaya wala na itong nagawa kundi ang pumasok sa kotse.

Sa byahe, tahimik lang ang mga ito. Walang gustong magsalita. Out of a sudden, Atarah feels awkward because of the silence having Treyton on her side. Napatingin ito sa lalaki and she can't help but sigh.

Gonna miss this gay. She secretly uttered to herself.

Nang makarating ang mga ito sa harap ng bahay nila Atarah, naroon na ang parents nitong nag-aabang sa kanya.

"Mom, Dad." Tawag nito at niyakap niya itong pareho. Her Mom cups her face and smiled to her.

"I can't imagine my baby having her own baby in few months time." Naluluha nitong sambit sa anak at dumapo ang tingin nito sa tyan ni Atarah na halatang lumalaki na.

"Mommy naman e." She also said, naluluha na lang din tuloy ito.

"Let's go inside. Treyton, hijo, come and join us there." Tawag naman ng Dad nito sa lalaki but Treyton refused.

"It's okay Sir. Maybe next time. Dadaan pa po kasi ako sa company and I'll just find some time to visit Atarah here." Sagot nito. Wala namang nagawa ang ginoo at ginang kundi ang tumango sa isinagot ng lalaki.

"Sure, you can visit her anytime you want and thank you for bringing her here." Sagot ng Dad nito.

Bago ito umalis, Atarah told her parents to come inside at susunod na lamang ito. Gusto muna kasi nitong makausap ang lalaki.

"Bakit hindi ka pa pumasok?" Treyton asked her. Instead of answering his question, Atarah threw herself on him.

"Mamimiss kitang bakla ka." Saad nito kasabay ng kanyang paghikbi.

Ginantihan na lang din siya ni Treyton ng yakap at gaya ng lagi nitong ginagawa, hinaplos nito ang buhok ng babae.

"Tss. Iyaking buntis. Pumasok ka ng babaita ka." Wala ng nagawa si Atarah kundi ang humiwalay ng yakap. Sa huli, nginitian nito ang lalaki pagkatapos ay pumasok na ito sa loob.

When Atarah finally entered the house, Treyton heaves a deep sigh. Pumasok na rin ito sa kanyang kotse at sa halip na dumiretso sa kanilang kompanya, umuwi ito sa kanyang unit na mag-isa. Naupo ito sa sofa and let his eyes closed. He feels like all of his energy has gone.

Night has passed and morning comes without Atarah on his side. Para itong naninibago sa katotohanang wala na si Atarah sa kanyang kwarto.

Sa mga nagdaang buwan na kung saan ay dito pa nag-i-stay si Atarah, nasanay na ito sa presensya ng babae. Where Atarah was so quiet the first time he has her here and finds out the other side of her as days go by. A woman who is so clingy to him, who always wants to be enfolded on his arms; a woman who huffs when she can't have the things she want and the woman who only needs his hugs for her to be calmed.

Not having Atarah around is quite different.

"Namimiss ko ba ang girlalung iyon?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro