Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 35

35

"Bantayan mo siyang maigi. Make sure hindi siya mapapagod ng sobra." Atarah reminded Treyton about their son. Ngumiti naman sa kanya ang lalaki tsaka lumayo ang mga ito at pumunta na sa playground.

Nang maiwang mag-isa, naglakad na si Atarah sa may silong at doon siya tumambay sa ilalim ng puno habang nakangiti niyang pinagmamasdan ang mga itong kasalukuyan ng naglalaro. They were here at park. It's their first time to go out and Atarah's really happy about it.

Meanwhile, loud ring from her phone took her attention. Kaagad naman niya iyong sinagot. Thea is calling.

"Why?"

[Where are you?]

"Bakit?"

[Nagtatanong lang.]

"Bakit nga?"

[Bakit ka nang bakit d'yan. Bwisit! Nasaan ka nga?]

"Ewan ko sa'yo! Bwisit ka rin!" Tugon nito tsaka agad itong pinatayan ng tawag.

Nang-istorbo na nga, nagagalit pa. Kahit kailan talaga 'tong si Thea, hindi makausap ng matino. Napailing na lang ito.

Noong ipapasok niya na sana ang phone nito sa maliit niyang bag, napunta ulit ang tingin nito sa direksyon nina Treyton at Thyron. Her son was placed on Treyton's shoulder. Habang hawak-hawak ni Treyton ang bata sa magkabila nitong kamay ay itinatakbo niya ito, nagmistulang superhero tuloy ito na lumilipad.

Kahit na hindi nito naririnig masyado ang tawa ng bata dahil nakapwesto ito medyo may kalayuan sa kanila, nakikita nitong nag-eenjoy ito.

Felt fascinated and not to miss that scene, Atarah decided to get them photographs. Eksaktong no'ng humarap sa kanya ang dalawa, she zoomed the camera and get them shots.

Hawak pa rin ang kamay ng bata, Treyton waved at her. Kumaway naman ito pabalik sa kanila at hindi na maalis-alis ang ngiti sa labi niya.

As the two continued playing, tutok na tutok lamang si Atarah sa mga larawang nakuha niya. She even set the last shot she got as her lockscreen wallpaper.

"Mag-ama mo?" Napatingin ito sa biglang nagsalita.

Her eyes slightly narrowed from that old woman and when she remembered who it was, napangiti ito. But that old woman narrowed her eyes too na para bang inaalala niya kung dati na ba niyang nakita si Atarah.

"Teka, diba ikaw 'yong nakita ko rin dito noon?" Tanong ulit ng ginang nang maalala niya nga si Atarah.

"Opo." She politely answered.

"Pero diba..." Natigil sa pagsasalita ang matanda. Tsaka ito napatingin sa direksyon nila Treyton, sa hawak niyang phone at balik ulit kina Treyton.

"Hindi maipagkakaila, siya nga yung ama ng bata. Pero sino iyong kasama mo noon?" Halatang naguguluhang tanong nito sa kanya.

Iyong matanda ay isa sa mga naglilinis dito sa park, iyong nakausap din ni Atarah noon. And the first time she saw her here ay noong kasama niya si Neon kaya siguro ito nagtataka.

"Kaibigan ko po. Ninong ng anak ko." Sagot nito. Makailang ulit na tumango sa kanya ang matanda, siguro ay unti-unting naliwanagan. "Bakit po?" This time, si Atarah naman ang tila naguluhan dahil sa paraan ng paninitig ng ginang sa kanya.

"Kumpara sa ngiting ibinigay mo sa akin dati, yung ngiti mo ngayon ay umaabot na sa'yong mga mata."

"Po?"

"Wala ineng. Sige, mauuna na ako." Wala sa sariling napatango ito.

Sinundan pa nito ng tingin ang papalayong bulto ng matanda. And when she turned her gaze in front, tsaka naman nito nakitang papalapit na sa kanya ang kanyang mag-ama.

"Mommy!" Masiglang tawag ni Thyron sa kanya. Thyron can now clearly call them. May mga bagong salita na rin itong nalalaman.

"Napagod ka ba? Come here." Sinalubong niya ang mga ito at agad niyang kinuha ang anak kay Treyton. Doon na rin sa may damuhan naupo ang mga ito.

Naglabas si Atarah ng isang towel sa bag ng bata tsaka niya ito pinunasan pagkatapos ay pinaulanan niya ito ng maliliit na halik, maging sa leeg at kili-kili nito dahilan para marinig na naman nito ang tawa ng bata.

Kumuha rin ito ng pagkain at ibinigay iyon sa anak. Tapos ay hinayaan niya lang itong kumain mag-isa. She wants her son to eat on his own now pero naka-assist pa rin naman ito sa kanya.

Nang malipat naman ang tingin nito sa lalaki, napansin nitong nakatingin lamang ito sa malayo. Treyton was sitting beside her. May konting space lamang sa pagitan ng mga ito.

Dahil nga nakaupo sila sa may damuhan, ang magkabilang tuhod ni Treyton ay nakapaloob sa kanyang magkahawak na kamay tsaka ito paulit-ulit na huminga. May mga pawis pang tumutulo sa sentido nito. Batid ni Atarah na siya ang mas napagod dahil sa bata.

Not thinking twice, kumuha ulit ito ng panibagong towel tsaka niya tinawag ang lalaki.

"Treyton." At bago pa siya malingunan nito, she already closed the gap between them.

Pero nasobrahan yata ang paglapit ni Atarah dahil kulang na lang ay magtama ang mga mukha nito. Napatitig tuloy sila sa isa't isa.

Atarah then faked a cough, moved a bit backward tsaka siya nag-aalangang pinunasan iyong pawis ng lalaki.

"Aren't you comfortable with me, yet? Like the usual?" Saad sa kanya nito.

Napalunok naman si Atarah. Sa kabila kasi ng ginawa niyang pagsisinunaling dito, aaminin niyang medyo naiilang pa nga ito sa kanya.

Napakagat ito sa sarili niyang labi nang hawakan ni Treyton ang kamay niyang noo'y nakataas at hawak ang bimpong nakadikit sa sentido nito.

"Let's work together Atarah. Let's work for us." Mahina nitong usal sa kanya habang nakangiti.

Atarah couldn't think of anything. It's like she was hypnotized because of what Treyton said. Tuloy ay nakatitig lamang ito sa kanya.

Kung hindi pa nila narinig ang ingay na ginawa ng kanilang anak ay hindi pa mapuputol ang pagtititigan ng mga ito. Bandang hapon na rin no'ng umuwi ang mga ito.

Simula no'ng araw ring iyon, sinisikap nga ni Atarah na maging kumportable tuwing kasama niya ang lalaki. Gusto rin kasi nitong ibalik iyong pakikisama niya rito katulad ng dati.

"Treyton, may tao. Pakibuksan naman 'yong pintuan." Medyo pasigaw na tawag nito sa lalaki.

Kasalukuyan kasi itong nagluluto ng kare-kare at hindi niya naman pwedeng iwanan 'yon dahil kumukulo na't baka masunog pa.

Kaagad nitong inilagay ang ulam sa isang bowl pagkahawi niya rito. Naglagay na rin ito ng mga pinggan sa mesa pati iyong kanin para sa pananghalian nila.

"Wow! Good timing ah!"

"Hi. You're here!" Nakangiti nitong sinalubong sina Mandy at Cosette. Hindi niya inaasahang iyong dalawa pala ang kumakatok kanina.

"Maupo na kayo. Kunin ko lang si TJ sa taas." Tsaka ito pumanhik sa taas. Pagpasok niya sa kwarto'y narinig niyang umiiyak ang bata habang buhat siya ni Treyton.

"He cried when he woke up and I don't know how to stop him." Nag-aalalang saad ng lalaki.

Dati pa ma'y nahihirapan talaga itong patahanin ang anak. Mabuti na lamang at kinuha ni Atarah sa kanya ang bata at siya ang nagpatahan dito.

"Let's go downstairs. Kakain na tayo." Tawag nito sa lalaki nang tumigil na sa kaiiyak ang bata. Tapos ay sabay-sabay ng bumaba ang mga ito.

After eating their lunch, Mandy and Cosette stayed there. Ayon, nagkaroon na naman ng panibagong kalaro ang bata.

Bandang alas tres ng hapon ay umuwi si Atarah sa kanilang bahay. Treyton told her to drive her home pero tumanggi ito. Saglit lang naman kasi siya dahil kukunin niya lang ang ilan pang damit ng bata tapos ay babalik din siya agad.

Kaso natagalan ito nang dumating ang mga kaibigan niya and they have some important errands to do. Tuloy ay nagmessage na lang ito sa lalaki na baka matatagalan siya.

Inside Treyton's room, pinipilit nitong patahanin ang bata. Dito talaga siya nahihirapan, ang patahanin ito sa tuwing ito'y umiiyak. It's past seven in the evening and Atarah is not yet here. Umalis na rin sina Mandy at Cosette. Tuloy ay hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin.

"What's happening?" Agad na bumukas ang pintuan at iniluwa no'n si Atarah. Tila nakahinga naman ito nang maluwag.

"He's crying and fuck, I really don't know how to stop him." Frustrated nitong sagot. Lihim namang natawa si Atarah. Ganyan din kasi ang reaksyon niya noon sa tuwing umiiyak si Thyron Jae.

"Let me. I think he's hungry." Kinuha na nito ang anak sa lalaki.

Pagkaupo nito'y agad niya itong pinadede. At no'ng tignan naman niya ulit ang lalaki, agad na nag-iwas ito ng tingin sa kanya. Then, she just realized what she did.

"I'll... just go outside." Sambit ng lalaki nang hindi tumitingin sa kanya.

When Treyton went out, she mentally scolded herself. Though it was normal for a mother to do breastfeeding at kahit wala namang malisya roon, hindi niya pa rin maiwasang mailang. Paano naman siyang hindi maiilang ay nito niya lang ulit nakasama ang lalaki.

Knowing that her son already fell asleep, ibinalik na niya ito sa crib. Then she took a shower. Pagkatapos niya'y dumiretso muna siya sa may balcony. Isinara niya na lang iyong glass door para kahit papaano'y hindi pumasok ang hangin. Baka kasi magkasakit na naman ang bata.

Maya-maya pa ay narinig nito ang pagbukas ng sliding door at hindi nagtagal ay nasa tabi na niya si Treyton. Kasabay ng lamig ng hanging bumabalot sa kanilang mga balat ay binalot din sila ng katahimikan.

"How are you?" Treyton asked in the middle of silence.

"Okay lang." Tipid na sagot nito rito.

"Are you happy that you're here with me?"

"Nothing can be happier than being with you Treyton." Because I love you and I'm happy whenever I'm with you. Sagot nito pero sinarili niya iyong mga salitang pinakadahilan kung bakit siya masayang kasama niya ito.

Muli na naman silang binalot ng katahimikan. Hindi na yata iyon maiiwasan kapag magkasama sila. Isang factor na rin siguro no'n ay dahil sa mga pinagdaanan nila.

"I'm sorry." Bigla nitong saad na siyang ikinalingon ng lalaki.

"For what?"

"For lying. For hurting you. For being selfish. For e-everything." Nagsimula na namang mabasag ang boses nito.

Totoong napag-usapan na nila ang tungkol sa bagay na 'yon pero gusto pa rin ni Atarah na humingi ng pasensya sa kanya. The guilt is still in her and maybe, telling him these things would make her feel better.

"It's all done now Atarah. How many times do I have to tell you not to say sorry to me?"

"But still, I want to ask for forgiveness—"

"I already forgave you." With her eyes full of tears, sinalubong ni Treyton ang mga mata nito.

"I already forgave you because I know you didn't do it purposely. You have reasons Atarah and I understand that. Nandito ka, kasama kita. Kasama natin ang bata. That's what matters to me." Nilapitan niya ito at pinunasan ang mga takas nitong luha.

"How can you be so kind despite the things I've done to you?" Hikbi ni Atarah dito. "You have all the rights to get mad at me Treyton but why—"

"Because I love you." That made her stop, causing for her to lost some words.

From her teary eyes, mas lalong nadagdagan ang mga luhang rumagasa sa mga mata nito nang magsink in sa kanya kung ano ang sinabi ng lalaki. 

"I told you I was just hurt and that is because I love you Atarah." Treyton honestly answered. Nagtuluy-tuloy ang iyak nito dahil sa narinig. Hindi niya alam. Hindi niya nalaman. Wala siyang kaalam-alam.

"When you told me I'm not the father of your child, you broke me right at that moment Atarah. Then Neon came, claiming that my son was his. Don't you know how hurt I was that time? Pakiramdam ko kasi lahat na lang ay kinukuha niya sa akin."

"I'm sorry. I mean it Treyton. I'm sorry. I'm... really sorry." Napatakip si Atarah sa kanyang mukha. Kung nalaman niya lang kaagad ang nakaraan nito, hindi na sana aabot pa ang lahat sa ganito.

Nasaktan din naman siya sa ginawa niya pero sadyang nasaktan niya ito ng sobra. Subalit hindi niya pinagsisihan iyong ginawa niya. Nagkataon lang talagang wala na siyang ibang choice kundi ang gawin iyon para hindi masira ang pangalan ng lalaki.

At kahit sa ibang pagkakataon pa iyon nangyari, she'll find way to protect Treyton from those people who wanted to ruin him. That's how she loves him so much.

Looking at her, Treyton walked near her, almost closing the gap between them. And through his hands, he gently wiped Atarah's tears.

"It's okay, I understand. And I also appreciate what you did." Hinawakan niya ang baba nito hanggang sa magtama ang mata nilang dalawa.

If it's not because of what Atarah did, for sure he had lost his position in their company. At no'ng ipinaliwanag nito sa kanya kung bakit niya iyon ginawa, Treyton realized that Atarah was not selfish.

She's beyond selfless to think about someone's sake first before thinking about herself. Kaya naiintindihan niya ito.

"And how can I get mad from the person I love Atarah?" Maliban sa mga takas nitong luha, inayos din ni Treyton ang mga takas nitong buhok na siyang nakadikit na sa mukha niyang luhaan.

"Mahal kita at kahit masakit na, iintindihin kita." Tugon ng lalaki. "Now please stop crying. You know that's my weakness." Tumatawang saad pa nito. Not knowing what to say, Atarah tiptoed, reached for Treyton's face and kissed him.

"Mahal din kita. Mahal na mahal." Sagot nito matapos na maghiwalay ang kanilang mga labi.

But just after wiping her tears again, Treyton pulled her and kissed her this time. Pagkatapos no'n ay tsaka niya ito ikinulong sa kanyang mga bisig.

"Just stay with me and never leave me again."

Since that day, everything had changed. Ngayon, bawat isa sa kanila ay naging abala. May kanya-kanyang ginagawa ang mga ito. Ang iba ay nagluluto, ang iba naman ay abala sa pag-aayos ng table cloth sa maluwang na garden nila Atarah.

"Hija, tumawag yung nasa shop. You can get the cake later." Paalala ni Tita Rita sa kanya, ang siyang ina ni Treyton.

"Sure po. How about the balloons?"

"Parating na rin." Sagot nito. Tumango na lamang siya tsaka ito nagpaalam na kukunin na niya iyong cake.

Ilang buwan na rin ang nakalilipas at iyong pinagkakaabalahan nila ay dahil sa birthday ng bata. Thyron Jae's celebrating his second birthday today kaya naman gano'n kaabala ang mga ito.

Sa mga buwang nagdaan, masasabi ni Atarah na maayos na talaga ang lahat. Both of their parents already met each other. No'ng unang lumabas nga ang mga ito'y nabanggit ng mga magulang nila kung kailan daw ang kasal.

Naalala pa niya no'ng itinanong sa kanya iyon ng kanyang ama, halos maibuga nito ang mga pagkaing nasa bunganga niya. Hindi niya kasi aakalaing sa kanilang lahat ay ang ama pa nito ang magbubukas sa usaping iyon kahit na hindi pa nila napag-uusapan ni Treyton iyon.

Tapos ang anak naman nito'y pinagtatawanan siya no'ng kulang na lang ay maibuga niya ang mga kinakain niya. Akala siguro ng bata'y nakikipaglaro siya sa kanya. Lahat na lang ay tinatawanan kasi nito.

Masasabi naman niyang okay na talaga ang ama niya at si Treyton. Hindi niya nga alam kung papaanong nangyari iyon but she's really thankful about it.

Besides, even before knowing Treyton's identity, maayos naman ang samahan ng mga ito. Nagbago lang naman iyon no'ng nalaman ng Dad nito ang pagiging bakla ni Treyton and he already apologized for him because of that.

[Where are you?] Rinig nitong tanong ng lalaki mula sa kabilang linya.

"On the way na sa shop. Kukunin ko yung cake ngayon." Sagot nito pagkatapos ay inikot niya sa kaliwang direksyon iyong kotse.

[Diretso ka rito mamaya sa office.]

"Why?" Tanong nito.

[I just want to see you.] Dahil sa kilig ay hindi nito nasagot ang kausap. Kagat-kagat niya lamang ang kanyang labi upang mapigilan niya ang sariling tumili.

Damn. I looked like a teenager here. Bulong nito sa kanyang sarili.

[Atarah, still there?]

"Yeah, yeah. Diretso ako mamaya r'yan."

[Great. See you later. I love you.] Napatahimik na naman tuloy ulit siya. [Atarah?]

"Ah, yeah, I love you too." Nanginginig ang boses na saad nito.

She even heard Treyton teasing her on the other line. Sa sobrang hiya ay pinatayan niya ito ng tawag.

"Bakla ka talaga. Nakakainis ka!" Aniya habang nakatingin pa rin sa phone. Kasalanan ba niyang sa edad niya'y kinikilig pa rin siya?

Nakangiti tuloy itong bumaba sa kotse pagkarating niya sa shop. Nang makuha niya iyon ay dumaan siya saglit sa mall at may binili. Pagkatapos ay muli siyang bumalik sa kotse at pinaandar niya na iyon papuntang Alfiore Corporation.

Nang makita siya ng guard ay kaagad siya nitong binati. Kahit papaano kasi'y pumupunta na ito rito paminsan-minsan na kasama ang bata. At alam na rin ng mga ito ang tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Treyton.

"Si Treyton?" Tanong nito kay Aleah.

"Nasa loob po Ma'am, kanina ka pa po niyang hinihintay." Atarah thanked Aleah tsaka ito dumiretso sa office ng lalaki. Doon ay naabutan niya itong nakaupo lamang sa mesa niya at tila may pinagkakaabalahan pa ito.

"Still busy?"

"Hmm."

"Akala ko tapos na appointment mo?"

"Kararating pa lang ng kikitain ko." Sagot ni Treyton sa kanya tsaka ito tumayo.

"Ha?" Naguguluhan namang tanong ni Atarah dito.

Supposedly, hindi na sana papasok si Treyton sa opisina niya dahil nga birthday ng anak nila. But since he told her about his important appointment at isa pa'y ala una naman magsisimula iyong party kaya pumayag naman si Atarah. Hindi naman niya alam na magsisimula pa lang pala.

"Why are you still standing there? Pinaghihintay mo ba yung kameet-up mo ngayon?" Atarah stated with her left brow raised. Sa halip na sagutin ay niyakap lang siya nito.

"Ako nga yung pinaghintay niya e." Treyton then replied. Naguluhan naman lalo si Atarah.

"Treyton—"

"I missed you."

"Baliw ka ba? Magkasama lang tayo kanina." Mas lalo itong naguluhan. Treyton's acting this way is so not him kaya hindi nito maiwasang magtaka.

"Hey. Seryoso nga? Kung magsisimula pa lang appointment mo, mauuna na muna ako. Sunod ka na lang mamaya—"

"No."

"E bakit ba kasi—"

"You're the important appointment I'm talking about." Treyton cut her off.

"Ha?" When Treyton let her go, hinawakan siya nito sa magkabila niyang balikat.

"I love you, you know that right?"

"I can't understand you." Atarah answered. Mas lalo tuloy itong naguguluhan dahil sa kakaibang ikinikilos ni Treyton sa kanya.

"Fine, fine." Treyton brushed his hair up using his fingers. Bumuntong hininga pa ito ng malalim tsaka tinignan si Atarah na noo'y nakakunot na ang noo.

"Do you remember this place where you suddenly appeared in front of me telling me that I'm the father of the child you're carrying?"

"Y-yeah?"

"I haven't told you about this but Atarah, I remembered the day when we became one. Yes, both of us were drunk that night but I will never forget that moment." Atarah can feel her cheeks burning.

How can he just tell her those things right in front of her and out of nowhere?

"Since that day, I always keep on thinking about you. You won't believe me but I'm always hoping that one day, I could get the chance to meet you again. Then that day came, you appeared in front of me inside of this place." Treyton inhaled a large amount of air.

"Hey, why are you saying these things to me now?" Napalunok ito sa hindi malamang dahilan.

Hindi niya kasi alam kung bakit ganito ang mga sinasabi ni Treyton sa kanya. Napaka-unusual lang para sa kanya.

"I tried to change myself before when the first girl I love broke me. I even closed half of me to everyone." Napatitig lang ito sa kanya. At itong sinasabi niya sa kanya ay alam niya. What she doesn't know is why Treyton's acting so strange today.

"Then you came. Without even trying to open the door that have been closed for how many years, na-realize kong hindi lang ikaw ang unti-unting nagbukas sa pintuang matagal ko ng isinara. It was me Atarah. It was also my will."

"Treyton, bakit mo ba sinasabi sa akin ang mga ito?" Pinaglapat na lamang tuloy nito ang kanyang mga labi dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman.

Hearing all these things from Treyton, para siyang mabibingi sa lakas ng pintig ng puso niya.

"Itong lugar na ito, ito 'yung lugar na siyang saksi kung paano mo ako hinayaang pumasok sa mundo mo at saksi kung paano kitang hinayaang pasukin ang mundo ko." Naramdaman na lamang ni Atarah ang maiinit na likidong dumaloy sa gilid ng kanyang mga mata.

Pinunasan iyon ni Treyton pero pagkatapos niyang gawin iyon ay napasinghap si Atarah nang bigla itong lumuhod sa harapan niya.

"Hey, hey, w-what are you doing?" Punung-puno na ng kaba ang dibdib nito.

Then Treyton took something from his pocket and Atarah's tears continuously gushed down this time.

"I love you Atarah and please, allow me to create our own world starting today." Napatakip ito sa kanyang bibig habang nakatitig lamang ng diretso kay Treyton.

"Marry me Dixie Atarah Mendez. Can you please be my wife?" Gamit ang sariling kamay ay pinunasan nito ang sunud-sunod na pagpatak ng kanyang luha.

"How can I can say no to you Treyton? Of course I do. I will marry you." Wala ng paligoy-ligoy nitong sagot. Doon niya rin nakita ang pagpatak ng luha ni Treyton.

As he placed the ring on her finger, Treyton stood up and wiped her tears. Not wasting any second, he kissed Atarah passionately.

"I love you so much."

"I love you too Treyton. I really do." Tsaka siya nito niyakap. Sabay rin silang natawa habang umiiyak pa rin sa bisig ng isa't isa.

Both of them were now inside Treyton's car. Papauwi na ang mga ito. Ang isang kamay ni Treyton ay abala sa manibela, ang isa nama'y nakahawak sa kamay ni Atarah na pamaya-maya'y hinahalikan niya. Hindi tuloy maiwasang matawa ni Atarah.

"What?" Treyton asked her.

"Nothing. Ang cute mo lang tignan." Then she gave her a smile.

Nang makarating ang mga ito'y halos puno na ng mga bisita ang garden nila Atarah. Malapit na kasing mag-ala-una kaya nama'y paisa-isa ng nagsisidatingan ang mga bisita. Kinuha na rin nila iyong cake ng bata at inilagay na nila iyon sa gitna.

When the clock strikes at 1, nagsimula na nga iyong party. Everyone was enjoying lalo na ang mga bata dahil katulad ng naunang birthday nito, may mga palaro pa rin silang inihanda.

"I'm nervous." Atarah said when Treyton told her that they were going to announce about their engagement today.

"I'm just here, okay. Let's go." Nang pumunta ang mga ito sa harapan, nagsimula na naman siyang kabahan.

Treyton then took all of their attentions hanggang sa lahat sila'y nakatingin na sa kanilang dalawa.

"Aside from our son's party, there's one thing we need to celebrate." Tinignan ni Atarah si Treyton habang si Treyton naman ay nginitian lamang siya. Ang mga bisita nama'y halatang nag-aabang sa kung ano ang sasabihin nila.

Naramdaman nito ang paghigpit ng hawak ni Treyton sa kamay niya. Tsaka sila ngumiti sa isa't isa.

"Atarah and I were now engaged." Treyton finally announced and that made the visitors cheered them.

Isa-isa silang nilapitan ng mga ito at kabi-kabilaan silang kino-congrats ng lahat.

Knowing that people around them were happy about the news they just announced, Atarah can't contain her feelings. Sobrang saya niya lang. And happiness is an understatement for what she feels right now.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro