CHAPTER 34
34
"Careful." Mahinang paalala ni Treyton habang inaalalayan nito si Atarah sa pagtayo.
Ngayon na kasi ito lalabas ng hospital. At matapos nga ng ilang kaunting payo mula sa kanyang doctor, tuluyan ng umalis ang mga ito.
Lulan sila ngayon ng kotse ni Treyton papauwi sa bahay nila. Ang mga magulang naman ni Atarah ay nasa kabilang kotse at kasama nila ang bata. Sa buong duration ng byahe ay tahimik lamang ang mga ito.
Hanggang sa makarating sila roon, inalalayan siyang muli ni Treyton. Nagpadiretso na lang ito sa kanyang kwarto at nahiga roon. Sa loob no'n ay naroon ang kanyang magulang kasama ang bata. They were asking her about how she feels. Okay naman na ito. Kailangan niya lang ng kaunting pahinga pa.
Bumangon lang ito nang pumasok ang isa nilang kasambahay bitbit ang isang tray ng pagkain. What she didn't expect is when Treyton volunteered to feed her. Hindi naman na ito tumanggi pa dahil sa totoo lang ay natutuwa ito sa ginagawa ng lalaki para sa kanya.
She can actually eat on her own now but she really appreciates what Treyton is doing for her. She can feel that he's doing his best for them to be okay at umaasa nga itong sana ay magiging okay na talaga sila.
"Treyton, let's talk." Nabaling naman ang tingin nilang lahat nang may tumawag sa lalaki.
And Atarah stared for the person who called him... it was her father. Tsaka nalipat ang tingin nito sa lalaki at nagsimulang gumapang ang kaba sa dibdib nito but when Treyton gave her a small smile, kahit papaano'y medyo nakampante ang pakiramdam nito.
"They are not going to fight, right Mom?" Tanong nito sa kanyang mom.
Halos kalahating oras na kasi ang lumipas simula nung lumabas ang mga ito and the two weren't back yet. Tuloy ay kung anu-ano na ang naiisip nito.
"Trust them and believe me, everything will be okay honey." Nakangiti lamang na tugon ng ginang sa kanya. Sana nga, sa isip nito.
"Support your baby's head. He already fell asleep." Pag-iiba ng ginang ng topic. Nalipat tuloy ang atensyon ni Atarah sa kanyang anak.
Sa kalalaro kasi nito kanina'y nagutom ito so she breastfeed him at dala na rin siguro ng pagod kaya nakatulog ito habang dumedede siya.
"I'll be out." Paalam ng mom niya. She just gave her mom a smile bago ito lumabas.
Nang maiwan sila'y inayos na lamang ni Atarah ang pagkakabuhat sa kanyang anak. Tutal ay nakatulog na ito, she laid him down on her bed at nahiga na rin ito sa tabi ng bata hanggang sa pati siya ay dinalaw na rin ng antok.
Feeling like someone is watching her, Atarah slowly opened her eyes at hindi nga ito nagkakamali.
"You're awake."
"Kanina ka pa rito?" Mapupungay ang mga matang tanong nito sa lalaki.
She even rubbed it slightly. Tumango naman si Treyton sa kanya. Nang subukan nitong bumangon, agad siyang pinigilan nito.
"You can continue sleeping Atarah. I'll just stay here." Mula sa magkalapat nitong labi, unti-unti itong napalitan ng ngiti saka siya unti-unting nahiga.
Inayos niya rin ang kamay ni Thyron Jae na nasa tabi niya upang hindi niya iyon madaganan. Kahit na bahagya itong nakatagilid sa lalaki, she can really feel him staring at her.
As Atarah closes her eyes, hindi nito alam kung bakit pero hindi na nawala ang maliit na ngiti sa kanyang labi. She really feels more at ease when Treyton's around and the comfortability she feels is different when she's with him.
She's not sure about these sudden changes of events but the fact that both of them are trying their best to make things up, Atarah's now having high hopes that sooner, they can bring back those things they had before.
"They were peacefully sleeping. I might go first." Rinig ni Atarah. Hindi nito alam kung sino iyong mga nagsasalita sa paligid niya.
"Okay. I'll just inform her when she wakes up." Nang marinig nito ang pagsara ng pintuan, noon ay unti-unti nitong minulat ang kanyang mga mata.
Nang mapadako ang tingin nito sa bintana, doon niya napansing gabi na pala. Ni hindi na nito namalayan ang oras. Pati ang bata ay himbing na himbing pa rin sa pagtulog.
Nang maramdaman nito ang paggalaw ng kung sino sa kanyang gilid, napatingin siya roon. And about Treyton, before he could turn his back on her, natigil ito nang maramdaman niya ang paghawak ng babae sa dulo ng kanyang damit.
"Treyton," Napahinto ito saka napalingon dito. "Babalik ka naman diba?" Atarah asked then gulped. Mula sa pagkakahawak niya, tuluyang napaharap si Treyton sa kanya.
"Babalik at babalik ako Atarah." He responded. "Besides, I'm not going to leave you." Makahulugan nitong tugon.
Her holding him, Treyton took that chance to close the gap between them. After fixing the blanket on her body, he gave her a peck on her forehead.
"Sleep now and get some rest." He added and Atarah responded him with a smile. Minutes after when Treyton went out, nakatulog din ito kaagad.
Sa mga nagdaang araw, Treyton really came back. And every day, nakikita ni Atarah kung paano nitong alagaan ang bata.
And speaking about the child, hindi naman na nagtatalo ang mga ito sa kung saan ito uuwi. They're letting the kid decides. Isa pa, kahit pa kay Treyton ito sumasama, kinabukasan ay dinadala niya rin naman ulit ito sa bahay nila Atarah.
There were times that Treyton was not able to visit them pero naiintindihan naman iyon ni Atarah dahil hindi naman nito hawak ang oras ng lalaki.
Kapag naman magkasama sila, awkwardness is still there. Pero ang isipang kahit papaano ay maayos na ang pakikitungo nila sa isa't isa, iyon ang mas importante para sa kanya.
"Let's go." Napakunot-noo na lamang si Atarah nang makita niyang naroon sa loob ng kanyang kwarto si Treyton.
What made her more shock is seeing some of her luggages beside him.
"What is this?" Atarah cluelessly asked with her forehead creased. She just got from somewhere. Tapos uuwi itong ganito na ang bubungad sa kanya.
Mula sa kanyang pagkakaupo sa gilid ng kama, Treyton stood up and walked near her. With his both hands on his pockets, he then stopped in front of her who's still standing on the door frame.
"Did you forget what I told you before?" Then he bent forward and leveled his head on her.
The way Treyton looks at her, that's the same look he is giving her before. And he's being serious for something Atarah doesn't even know. Napalunok tuloy ito ng wala sa oras.
"W-what are you talking about?" Tila hindi nito mahanap ang tamang sasabihin sa lalaki.
Muli na naman itong napalunok dahil sa paraan ng paninitig sa kanya ni Treyton. Bahagya pa nitong inilayo ang mukha niya rito. She can't understand him but she can't understand herself more.
"Stay with me Atarah. You, our son, and me." Tsaka ito ngumiti ng malapad sa kanya.
Naging dahilan iyon para matahimik siya. Hindi dahil sa hindi niya alam kung anong sasabihin niya kundi dahil sa bilis ng pagpintig ng puso niya.
Bago pa makapagsalita ito, tumalikod na si Treyton sa kanya at kinuha iyong mga maleta.
"Let's go." Before Treyton could step his feet out of her room, pinigilan siya nito.
"Wait! Do my parents—"
"They knew."
"Ha?" Nabablanko nitong tanong.
"Stop asking and just follow me. Thyron's waiting on the car already." Sagot nito sa kanya. Matagal bago ito nabalik sa huwisyo.
Nang tignan niya ang harap niya'y wala na roon ang lalaki. Tuloy ay wala sa sariling sumunod na lamang din ito pababa.
Ang mas ikinagulat pa niya ay nang maabutan niya ang lalaki at ang mga magulang nitong nag-uusap sa sala.
Halos magdadalawang buwan na ang nakalilipas simula nung lumabas ito sa hospital. Things around her went smooth but she can't still grasp some of the things that are happening around her lalo na ang tagpong ngayon ay nasa kanyang harapan.
Just by looking at them, kaswal na lamang na nag-uusap ang mga ito. She didn't know what have happened between her parents and Treyton, lalo na sa pagitan ng ama nito na mas lalo niyang ikinalito. Like... did she missed something?
Sure, she can still remember the moment when her father asked Treyton for them to talk but she really didn't know what happened back then.
Isang araw, napapansin na lang nitong nagiging okay na ang samahan ng dalawa. At ngayon nga ay mas higit pa sa inaasahan niya ang nakikita niya. Nagtawanan pa ang mga ito.
Dahil ayaw naman na niyang mag-isip ng kung anu-ano pa, nagpakita na lang ito sa kanila.
"Mom, Dad—"
"Sure. Go ahead honey. Ingat kayo." Naningkit na lamang ang mga mata nito.
Hindi pa man kasi niya natatapos ang sasabihin niya'y inunahan na siya agad ng nanay niya.
"Yeah, fine. Fine." Napatawa naman ng mahina ang ginang.
As they walked outside, sinamahan pa sila ng mag-asawa sa labas ng gate. Then Thyron Jae was there, who's busy playing with her Yaya.
"Wala talagang pinipiling kalaro ang batang 'to." Naiiling na bulong ni Atarah bago ito lumapit sa pwesto ng anak at lumuhod siya sa harap rito.
"Thyron Jae, come here." Upon hearing his name, Thyron Jae immediately went near her. Pinunasan nito ng pawis ng bata tsaka niya ito binuhat.
"Bye bye na ikaw kay Lola at Lolo baby." Pangungusap nito sa anak sa pamamagitan ng pagboboses bata nito.
"Thyron... Bye bye?" Natawa silang lahat dahil sa sinabi nito.
Tumango naman si Atarah sa anak. Saka niya ito inilapit sa kanyang magulang. Then hinalikan niya ang mga ito sa kanilang pisngi.
Treyton opened the door for her kaya pumasok na ito bitbit pa rin ang bata. Mula sa nakasaradong bintana sa tabi niya, nakita pa nitong nag-uusap sina Treyton at ang magulang niya. Nangunot na naman tuloy ang noo nito.
"What did you guys talked about?" Curious nitong tanong sa lalaki pagkapasok nito ng kotse. But Treyton just answered her nothing. Napaismid tuloy ito.
Pareho lamang na nakatingin ang mag-ina sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga nakikita nila habang tumatakbo pa rin ang kotse. Hindi nagtagal ay huminto iyon at naroon na nga sila sa condo ng lalaki.
Pagkalabas ng kotse ay pinagmasdan lamang ni Atarah ang kabuuan ng condominium building.
"Are we just going to stare at the building?"
"Ah, y-yeah." She answered, nauutal naman.
Hindi niya kasi maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Kinabahan sa hindi niya malaman kung anong dahilan. Lalo na ang mga ikinikilos ng lalaki para sa kanya.
Alam mo 'yon? One day, they were fighting and arguing and Treyton doesn't even want to talk to her. Tapos ganito na. Not that she doesn't want to. It's just that... ibig sabihin ba nito'y okay na talaga sila?
"WELCOME HOME!" Noon lamang ito nabalik sa ulirat dahil sa sigaw na bumungad sa kanila pagkabukas ni Treyton ng pintuan.
"What the fuck?" Reklamo ng katabi niya kaya napasilip tuloy ito sa loob.
There, Mandy and Cosette were standing near them and behind them was a wall full with different decorations. Balloons, scattered confetti, then there was also a letterings in the middle of it.
"You turned my place into a mess." Reklamo na naman ng lalaki.
Para kasi itong dinaanan ng bagyo sa dami ng makukulay na dekorasyon doon. Ni hindi rin alam ni Treyton kung bakit alam ng mga itong darating sila ngayon.
"Try to appreciate our efforts kaya." Napaikot ng mata si Cosette tsaka ito lumapit sa kanila at kinuha ang bata kay Atarah. "Miss na us baby? Tara ro'n. We bought you so many—"
"Don't spoil my son with sweets Cosette."
"Argh. Kill joy!" Tsaka ito umalis sa harap nila't dumiretso sa sala.
Nang maiwan silang dalawa, narinig pa ni Atarah ang pag-tsk-ed nito. Tsaka naman siya nilingon nito at sinenyasang pumasok na.
When she finally stepped inside, she wandered her eyes in the whole place. Wala namang nagbago roon. Gusto niya lang pagmasdan yung kabuuan ng lugar na minsan niyang naging tahanan. Lalo pa't naaalala nito yung panahong maayos pa silang dalawa.
"Why did you stop? Did you remember everything here?" Napatingin ito sa gawi ng lalaki nang magsalita ito. "Don't worry, I always remember those things, too."
Nakalayo na sa kanya ang lalaki pero si Atarah ay naroon pa rin at nakatayo sa kanyang pwesto, trying to absorb what Treyton just said to her. Does that mean naalala rin nito ang dati? Smile suddenly escaped from her lips.
Bago pa ito mapagkamalang baliw, nagtungo na rin ito sa sala. Iba-ibang pagkain nga ang naroon. Toys and clothes were also there. The two girls then called her kaya naupo na rin ito sa tabi nila upang samahan sila.
"Are you two okay now?" Mandy asked her.
Nasa sala pa rin ito, kasalukuyang inaayos ang mga boxes ng pagkaing kinainan nila kanina pati ng ibang utensils na ginamit nila.
Pumanhik kasi ang mga ito kanina sa kwarto at nagboluntaryong silang dalawa na lang ni Cosette ang magdadala ng bata sa taas dahil nakatulog nga ito. Hindi niya naman alam na babalik ito rito.
"Yes?" Hindi nito siguradong sagot. Yumuko naman si Mandy sa harap niya tsaka ito ngumiti sa kanya.
"Invited ako sa kasal niyo ni Treyton ah?"
"Ha?" Parehong nanlaki ang mata nito at para itong nabilaukan sa sarili niyang laway.
Habang si Mandy naman ay tumawa lamang bago ito nagpaalam na pupunta na ulit sa taas dahil kinuha niya lang pala iyong phone niya.
Nang maiwan itong mag-isa, napapaypay na lamang siya sa sarili niya. Pagkatapos nitong ayusin iyong mga kalat nila, she went inside the kitchen to throw those boxes.
And when she's about to go in the fridge to get some cold water because she suddenly feels hot, she didn't expect that the person they were just talking about earlier was standing there, drinking some water from his tumbler.
"Thirsty?" Tango lamang ang naisagot nito sa lalaki.
From the tumbler he just used, Treyton handed it to her. Walang pag-aalinlangang kinuha niya iyon at kulang na lang ay ubusin nito ang lahat ng laman no'n.
"Okay ka lang? Namumula ka." Puna sa kanya ng lalaki. Napahawak tuloy ito sa kanyang pisngi.
"Oo, okay lang ako." Sagot na lamang nito at nag-iwas ng tingin sa lalaki at tuluyan na nga nitong inubos ang laman ng tumbler na hawak-hawak niya.
Hapon na noong umalis ang dalawa. Kaya ngayong sila na lang ulit ang narito, ayun at naiilang na naman siya. Buti na lamang at kasama ng mga ito ang bata.
Night came, all of them ate together in the dining table. Nasa tabi ni Atarah ang bata at paunti-unti niya itong sinusubuan ng mga malalambot na pagkain.
"Ako na r'yan." Sambit nito sa lalaki but Treyton told her na siya na itong bahala sa mga hugasin at patulugin na lang ang bata.
"He already fell asleep?" Atarah nodded when she saw Treyton walking inside the room. "Ikaw hindi ka pa matutulog?" Tanong ulit ng lalaki sa kanya.
"Ahm," Tinignan nito ang tulog niyang anak. Pagkatapos ayusin ang damit ng bata, tsaka ito tumayo. Sa crib niya kasi ito pinatulog.
"Where are you going?" Kunot-noong tanong sa kanya ni Treyton nang magsimula na itong humakbang papalabas.
"Matutulog na."
"And where will you sleep?" Mula sa pagkakakunot ng noo nito, tsaka naman sumeryoso ang mata nito.
"Doon sa dating—" Napasinghap ito nang ilang hakbang lamang ay nasa harap na niya ang lalaki.
"Sleep here Atarah. Beside me."
"Ha?" Nanlaki ang mga mata nito, sinusigurado kung tama ba iyong narinig niya.
"Tsk. Stop asking ha. Baka mahalikan kita."
Atarah's now lying inside Treyton's room and they were sharing the same bed. Lights were turned into dim. And her son's crib was placed on their side just in case he will cry.
Bahagya itong napatingin sa gawi ni Treyton. Halatang mahimbing na itong natutulog samantalang siya ay hindi siya makatulog. Hindi niya rin alam kung bakit pero siguro ay dahil naiilang siya. Kung bakit ba naman kasi—
Napasinghap ito nang bigla siyang hilain ng lalaki at sa isang iglap lang ay nakaunan na ito sa kanyang braso.
"T-treyton..."
"You can't sleep?" Tanong sa kanya nito gayong nakapikit pa rin ang kanyang mga mata.
"Ahm, ano kasi..." Nauutal nitong saad dahil sa lapit niya sa lalaki.
Gumilid pa tuloy ito sa kanya hanggang sa magkaharap na silang dalawa. Then Treyton slowly opened his eyes.
"Why?" Paos nitong tanong kay Atarah.
"Hindi ako... sanay." Pag-amin din nito sa huli. Treyton once again pulled her closer to him.
"That's why I'm doing this so you can get used to it."
"Ha?"
"One last ha. Mahahalikan talaga kita." Wala sa oras na pinaglapat na lamang nito ang kanyang mga labi.
Katunayan ay hinila pa siya nito, animo'y magkayakap na tuloy ang mga ito. With his hand underneath Atarah's head, inayos nito ang kumot sa katawan nilang dalawa.
"Let's sleep Atarah." Tsaka muling pumikit ang lalaki.
Hindi naman sa inaabuso niya ito but Atarah just found out na nakasiksik na nga ito sa dibdib ng lalaki at unti-unti na rin siyang dinalaw ng antok.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro