CHAPTER 27
27
Hindi magkandaugaga si Atarah sa kung anong gagawin niya. Palipat-lipat lang ang tingin nito sa kalsada at sa bata.
"Neon, faster please." Halos mabasag ang boses na utos nito sa lalaking kasalukuyang nagmamaneho.
Pagkatapos ay muli nitong ibinalik ang tingin sa bata at hinaplos ang ulo nito kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso dahil sa sobrang pag-aalala.
"Are you okay? Be strong baby, okay?" Pangungusap nito sa bata na walang ibang ginawa kundi ang isiksik nito ang sarili niya sa kanya habang nakakandong ito at pipikit-pikit ang kanyang mga mata.
"M-mom," pangiyak-ngiyak nitong tawag sa kanyang ina na noo'y nakaupo sa backseat, katabi nito ang kanyang ama.
"Calm yourself honey. Trust him. TJ will be okay." Pagpapatatag ng loob sa kanya ng kanyang ina.
Lumapit pa ito sa kanya at hinawakan siya nito sa kanyang balikat upang kahit paano ay gumaan ang loob nito.
Agad nitong pinunasan ang luha niyang kumawala. She's really worried now. Ang isiping may mangyayari sa bata ay hindi niya kakayanin.
Okay naman kasi ito. Sobrang sigla nito tapos bigla-bigla na lang itong magkakaganito. Ang dahilan kung bakit ito biglang nahimatay ay hindi niya alam at natatakot itong malaman kung ano talaga ang dahilan.
Earlier, while seeing her son being unconscious, she didn't know what to do. Basta hinubad na lang nito ang suot ng bata upang makalanghap ng hangin. Hindi rin nito sinasadyang sigawan ang mga bisitang noo'y nakapalibot sa kanila.
She just wanted to make the area ventilated. Wala na rin kasi ito sa tamang pag-iisip nang makita nitong nakahandusay sa lupa ang bata na walang malay.
She's in the verge of crying that moment. Good thing, after how many minutes TJ then gained his consciousness. Hinayaan niya lang muna ito ng bahagya hanggang sa iyong bata ang kusang yumakap sa kanya, sa nanghihinang paraan.
Ilang beses nitong tinanong sa bata kung okay lang ito, kung may kakaiba bang nararamdaman ito ngunit walang ibang ginawa ang bata kundi ang isiksik nito ang sarili niya against her. Doon ay binuhat ni Atarah ang bata at walang pagdadalawang isip na dalhin na ito kaagad sa hospital.
After her son was admitted in the hospital, kaagad itong ipinasok sa isang kwarto to check his condition. Hinayaan ng doctor ang mga itong magstay sila sa loob including Neon at maging ang mga magulang nito.
The doctor asked Atarah about her son's medical history. Maging ang iba nitong napapansin sa bata lately.
The doctor then started doing blood draws to the baby. Matapos nitong linisan iyong area, he pricked baby TJ's heal with the lancet to collect a small sample of blood.
After few hours of waiting for the blood test, the result was then out and the doctor faced them particularly Atarah.
"Your son has a severe iron deficiency anemia." The doctor told them. "We will require him a daily iron supplement to increase his iron level and to help his hemoglobin back to the normal range." Dagdag paliwanag nito sa kanila base na rin sa results na lumabas sa ginawa nitong test sa bata.
Hindi alam ni Atarah kung bakit ito bigla-biglang nagkaroon ng anemia, worst is severe pa. Healthy naman ang pinapakain niya sa bata, bakit gano'n? TJ seems fine but how come that he has severe anemia?
When the doctor told them about the symptoms of anemia in infants, hindi nito maiwasang sisihin ang sarili niya. She had seen her son being pale and having a fast heartbeat, even if she doubted it, bakit hindi nito naisip na baka may mali sa kalagayan ng bata?
Ang akala kasi nito ay normal lang iyon dulot ng pagod dahil sa kakulitan ng bata. She didn't know that her son is already suffering from anemia.
"What should we do to treat him?" She asked, her voice almost broke.
"Treatment for iron-deficiency anemia depends on its cause and severity. Since your baby's anemia is severe, he needs a blood transfusion." Sa lahat ng sinabi sa kanya ng doctor, iyon ang talagang pumukaw sa atensyon niya.
"Blood transfusion?" Hindi nito makapaniwalang saad.
"Transfusions will be given to replace deficient red blood cells to your baby." Nakagat ni Atarah ang pang-ibabang labi nito, paraan na rin niya iyon upang pigilan ang kanyang pag-iyak. Tsaka nito tinitigan ang bata na mahimbing ng natutulog.
"If untreated, iron-deficiency anemia can cause serious complications to him, including heart failure." Mas lalong dumiin ang pagkakakagat nito sa kanyang labi dahil sa narinig.
"For his age, is it safe?" Tanong nito habang ang tingin ay nakatutok lamang sa bata.
"The most common problem we encounter with blood transfusions in babies is about the IV line. If problems occur, there can be temporary swelling or bruising around the IV site causing your baby's lung function to become worse during or after a transfusion. But don't worry misis. It is safe." The doctor explained with assurance.
Sa huli ay tumango ito pero sa isip nito'y sobrang bata pa ng anak niya para roon. Just by thinking about the risks her baby could get from those treatments ay naaawa na ito sa bata. Pero kung iyon ang makakatulong sa anak niya para gumaling kaagad ito, iyon ang gagawin niya.
Staring himself in the mirror, Treyton brushed his hair up bago nito itinupi iyong polo niya. Pagkababa nito sa kitchen nila'y tinawag siya ng kanyang ina upang sabayan sila sa mesa.
"How's the company, son?" His father asked.
"Everything is on hand, Pa, don't worry." Kaswal nitong sagot sa ama subalit sa paraan ng tinig nito'y tila naging pormal iyon.
Lihim namang nagkatinginan ang mag-asawa dahil sa ikinikilos ng nag-iisa nilang anak.
Treyton is a bit different now — no, he really is. Not knowing what the exact reason is, he became a bit colder.
Nang matapos itong kumain, muling sinundan ng mag-asawa ang bawat galaw ng kanilang anak. Treyton went in their living room and took his bag. Aktong papalabas na ito nang tawagin siya ng kanyang ina.
"You're a CEO now. You had fix a lot of problems inside the company pero hindi mo man lang maayos-ayos ang necktie mo." Pabirong saad ng ginang sa kanya habang inaayos nito ang kanyang kurbata, umaasang mababago nito ang ekspresyon ng lalaki ngunit wala man lang nangyari.
Pagkatapos nitong magpaalam, muli ay sinundan ng tingin ng mag-asawa ang kanilang anak, sa huli ay pareho silang napakibit balikat.
Bumalik nga siya pero ibang-iba sa dating siya.
Nang makarating ito sa kanilang kompanya, dire-diretso lang itong naglakad habang ang mga employees ay isa-isang bumabati sa kanya.
Pagpasok nito sa isang ordinaryong elevator, nabigla ang ibang mga employees na noo'y nakasakay na at nanahimik na lang ang mga ito sa kinatatayuan nila. As the CEO, Treyton has his own VIP elevator kaya nagtaka ang lahat kung bakit doon siya sa ordinaryong elevator sumakay.
"Coffee, Sir?" Aleah asked when she followed Treyton inside his office.
"No thanks." Sagot nito kasabay ng pagbuklat sa isang folder na nasa kanyang mesa.
Aleah pursed her lips. Hindi katulad ng dati, hindi na yata nito makakausap ang lalaki sa kaswal na paraan. Iniisip na lang nito na dahil CEO ito, natural na sa kanya ang pagiging seryoso.
"Your appointment with Mr. Huplo would be this afternoon, Sir. 2:00 PM." Tukoy nito sa major investor ng A.Corp. na siyang kikitain nito mamaya. Nang tumango ito, Aleah then make her way out to his office.
Being left alone, Treyton poured all his time from his work. If Aleah didn't remind him about it, hindi pa nito maaalalang may appointment nga pa lang naghihintay sa kanya dahil buong oras nito ay nakalaan lamang sa kanyang ginagawa. Also, Aleah brought him foods for lunch dahil paniguradong pati iyon ay baka makalimutan niya.
Around 1:00 PM nang umalis ang mga ito sa kompanya. Aleah was with him and they were chauffered in an Asian restaurant where the appointment will take place.
Mula sa isang reserved table, Mr. Huplo together with some of his executive assistants came minutes after them. Habang tahimik lamang na nagdidiskusyon ang mga ito, naroon lamang si Aleah sa tabi ni Treyton while jotting down all the important matters about the things they were talking about.
That appointment didn't last long. Hindi pa siguro iyon umabot ng kalahating oras but they managed to talk about the things needed to be discussed. Ganoon kaimportante ang oras para sa kanila.
"Are you okay, Sir?" Tanong sa kanya ni Aleah habang nakatingin sa boss nitong pikit ang mga matang nakasandal sa gilid ng bintana ng kotse. Pabalik na ang mga ito sa A.Corp building.
"I guess you're not Sir. Pwede ka naman po munang magpahinga. Inform ko na lang po ang HR na bukas na lang nila ibigay yung mga documents na kailangan mong pirmahan." His secretary stated as she faced the driver telling him na idiretso na lang ito sa condo unit niya.
Hindi sumang-ayon si Treyton dito but when he felt the stinging pain in his head, wala na itong nagawa kundi ang pumayag. True to her words, iniuwi nga ng mga ito si Treyton sa condo unit niya. In fact, dumaan pa muna ang mga ito sa isang drugstore to buy him meds. Sa huli ay hindi naman na nagreklamo ang lalaki.
Matapos sabihin ni Aleah dito na kung sakali mang may importante siyang pirmahan na kailangang-kailangan, siya na itong kusang pupunta rito sa kanya to hand him those documents. The important thing is for him to rest himself. Pagkatapos noon ay umalis na sila Aleah pabalik ng kompanya.
Wala pang isang oras simula nung umupo si Treyton upang magpahinga ito galing sa trabaho kasabay ng pananakit ng kanyang ulo, rinig nito ang dalawang beses na pagkatok mula sa kanyang pintuan.
Sa isip nito'y ang mga kaibigan niya iyon but then, why would they knock? Ngayon pa bang ginawa na nilang parang sarili nilang tahanan iyong condo unit niya? Or maybe it was Aleah?
Again, he heard a knock outside his condo. He loosen his tie a bit bago ito tumayo at nagtungo sa pinto. As he opened the door, his eyes narrowed because the person he saw there was not the person he's expecting to see.
"T-treyton..." Nanliit lamang ang mga mata nito habang tinitignan niya ito.
"What are you doing here?" He asked coldly while giving her a cold stare.
"I n-need you. I need y-your help..." Kasabay ng pagkabasag ng boses nito ay napatungo siya sa harap ng lalaki. And yes, it was Atarah.
Treyton just snickered because of what he heard. Muli ay pinakatitigan niya si Atarah ng mabuti. Help? Why would she fucking need my help? He thought to himself. But then, napailing lang ito.
"Go home." Saad lang nito bago niya ito tinalikuran pero mabilis siyang hinawakan ni Atarah sa kanyang kamay.
"Treyton..." Pagtatawag nito sa kanya. Nang lingunin siya ng lalaki ay roon na pumatak ang mga luha nito.
Treyton looked at her blankly because to be honest, he's so sick of seeing Atarah like this. Iyong bigla-bigla itong magpapakita sa kanya tapos ay iiyak siya. He's so fucking sick of it.
"I... I really need your help." Atarah tried to wipe her tears pero mayroon at mayroon pa ring lumalabas sa mga mata nito.
Sa kalagayan niyang iyon, hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng lalaki. Ang ginawa lang nito ay inalis ang kamay ni Atarah na nakahawak sa kanya.
"My time is the thing I value the most. Ngayon, kung walang kwenta ang sasabihin mo, huwag mong sayangin ang oras ko." Blanko nitong saad bago siya muling tumalikod pero napahinto rin ito dahil sa sunod na narinig niya.
"Our baby needs your help." Atarah's voice already broke. Mahirap mang sabihin iyon pero iyon lang ang alam niyang paraan upang pakinggan siya nito.
"Kailangan ka ni TJ, Treyton. Kailangan ka ng anak mo." At ang tahimik nitong pag-iyak kanina, ngayon ay dinig na dinig na. That made Treyton stop from walking and faced her.
Mas lalo nitong pinakatitigan si Atarah dahil sa kanyang narinig as she keeps telling him that their baby needs him. Then he frustratedly curled up his fist and gave Atarah a blazing stare.
"Wala akong oras para makipagbiruan sa'yo. Makakauwi ka na."
"T-treyton, p-please?" Muli ay hinuli nito ang kamay ng lalaki. "Parang awa mo na." She begged while her tears keep on rolling down her cheeks.
That information infuriates him. Marahas nitong binawi ang kamay niya kay Atarah. Hindi nito alam kung matatawa ba siya, kung maiinis ba siya o kung magpapasalamat ba siya dahil sa narinig niya. Habang si Atarah ay naroon lamang sa harap niya't tahimik na lumuluha.
"Atarah, ginagago mo ba ako?" Inis itong napahilamos sa kanyang mukha.
"Isang araw, lumitaw ka sa harapan ko't sinabi mong ako ang ama ng ipinagbubuntis mo. Again, one day, you fucking showed up telling me I am not the father of your child? Now this?" At hindi nito napigilan ang sariling hawakan ng mahigpit si Atarah sa kanyang braso. Atarah did nothing but to cry in front of him.
"Tangina naman talaga Atarah! Ginagago niyo ba ako? Ginagago mo ba talaga ako?" Kahit na nasasaktan ito sa ginagawa sa kanya ng lalaki, she managed to look at his eyes.
Pero hindi nito aakalaing mas masasaktan pa pala siya sa mga emosyong nababasa nito sa mga mata ni Treyton.
"I am s-sorry. I'm s-sorry. But p-please Treyton, o-our b-baby needs your help." Then she broke down in front of him.
Nang bitawan siya nito, muling napahilamos si Treyton sa kanyang mukha habang si Atarah ay patuloy na umiiyak. Hindi nito alam na ang marinig ang mga iyon mula kay Atarah ay mas lalong ikasasakit ng ulo niya.
Atarah was just so eager to help her child. TJ's anemia is severe. Ayaw nitong mas lumala ang kundisyon nito. Sobrang bata pa nito upang pagdaanan ang ganoong sitwasyon. And she has to do whatever it takes to help her son.
Upon hearing the blood transfusion from the doctor, sumang-ayon ito kaagad but the thing there is, wala silang stock ng dugo na kailangan ng bata. From that moment, Atarah remembered him. And she knew, Treyton will be the person who can help him because Thyron Jae is his son.
Treyton didn't know how he managed his emotions after that conversation, after what he learned. Ngayon ay tahimik lang silang dalawa sa loob ng kotse niya, siya habang nagmamaneho at si Atarah nama'y nasa tabi niya, nakatagilid ito sa kanya pero rinig na rinig pa rin nito ang paghikbi niya.
Agad na nakarating ang mga ito sa hospital. Nang makapasok sila sa isang kwarto, nagtagis ang bagang ni Treyton nang makita kung sino ang naroon. It was Neon and Atarah's parents including the doctor.
Pero nang malipat ang tingin nito sa batang noo'y nakahiga sa hospital bed, tila may yumapos sa kanyang dibdib. The baby was wide awake and it happened that their eyes met.
Nang lapitan nito ang bata, the baby let out a small laugh habang kumakawag ang mga kamay nito. Treyton sat beside his bed. Doon ay nakita niya iyong patient's ID wristband nito.
"Thyron Jae." He softly uttered while looking what was written on it. "Thyron Jae." Ulit ni Treyton sa pangalan ng bata.
"What's wrong with him?" Tanong nito habang ang tingin nito'y nakatutok lamang sa bata.
The doctor then answered him, telling him about the condition of the baby hanggang sa mabanggit nito ang blood transfusion. Doon ay nagtama ang tingin nilang dalawa ni Atarah who's just standing on the door frame.
Not asking further questions, Treyton easily agreed from the blood transfusion without hesitancy. Tumango naman ang doctor. Muling ibinalik nito ang tingin sa bata na para bang pinag-aaralan niya ito.
His eyes... Those eyes were like his.
Before the blood transfusion happens, the doctor informed him na kailangan munang i-test ang dugo nito and he needs to undergo blood typing to see if his blood is compatible with the patient's blood type. Tumango ito sa doctor at pumayag na gawin iyon ngayon din.
Bago ito dumiretso sa clinical laboratory kung saan gagawin iyong blood typing, huminto ito sa harapan ni Atarah at hinuli nito ang kanyang mga mata.
"If he's really mine, I'm afraid this would be the last time you'll see him." He adamantly said before turning his back on her.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro