Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 22

22

Mariing napakislot si Treyton sa kanyang sentido matapos ilapag ng sekretarya nito ang ilan pang mga documents na kahapon pa niyang hinahanap. Good thing it's all here now. The whole day, he did nothing but to finish all of his tasks. But still, there are lot of things that are waiting for him. Bukod kasi sa mga papeles na kailangan niyang asikasuhin, sa kanya rin nakaatas ang A-Tech na naging main project nila ngayong taon.

For the past months, naging positive naman ang outcome no'ng A-Tech laptop. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin naman siyang tinatamasa ng mga mamimili sa merkado.

"By the end of this month, Mr. Treyton Alfiore will now be taking over the CEO position." Mr. Herson Alfiore, the CEO, stated. Ang mga board members na naroon maging si Treyton ay nagulat dahil sa biglaang anunsyo na ginawa ng kanyang ama.

The CEO gathered them all of a sudden and no one knows what is all about the agendum of today's meeting not until they heard what the CEO said.

"Don't you think it is so sudden Mr. Alfiore?" Mr. Siaga, one of the board members asked. Lahat ng mga kasamahan nito ay napatingin sa gawi niya. Ang iba ay sumang-ayon sa sinabi niya, ang iba nama'y nanahimik lamang.

"I already informed all of you beforehand that Mr. Treyton Alfiore will be the next new CEO. Yes, it is so sudden but I guess, there's no reason for me to prolong the handover." His father replied, his voice is full of authority, it is full of power.

Hindi na ito nagulat sa biglaang anunsyo ng kanyang ama na pumalit sa kanya bilang CEO, ang ipagtataka lang nito ay kung bakit ganito kabilis. Yes, he understand that being a CEO should undergo selection process and maybe that's the reason why some of the board members are acting this way.

Again, his father explained them his side and about the sudden announcement he made. Treyton could tell that some of them are against it especially Mr. Siaga but they couldn't do anything about it anymore since his father decided it already.

Matapos ang meeting na iyon, bumalik ulit sa kanyang opisina si Treyton. Pikit-matang sumandal ito sa swiveling chair niya dahil na rin sa pagod na kanyang nararamdaman. He felt so exhausted.

Noong araw na iyon, muli niyang inubos ang kanyang oras sa mga gawain niya. Late na rin itong nananghalian at hindi na bago sa kanyang abutin siya hanggang gabi dahil sa mga documents na kanyang pinagkakaabalahan. Then he looked on the wall clock displayed on the upper side of the window beside him. It's almost 7 in the evening.

Napatingin din ito sa kanyang phone, umaasang may makukuha siyang mensahe roon ngunit wala. Ni tawag ay wala. He's actually stopping himself from wanting to call Atarah or not, or to send her messages. Sa huli, pinili nitong huwag ng tawagin ang dalaga kahit gustung-gusto na niya itong makausap. He felt more tired because of that.

After resting for a bit, tsaka ito tumayo at kinuha ang kanyang coat na nakasampay sa rack sa may gilid niya. As soon as he went out, sobrang tahimik na hallway ang bumungad sa kanya maliban sa iilang gwardya na noo'y nagbabantay sa kompanya pagkababa niya.

Treyton is now slowly and carefully maneuvering the car. Sa kahabaan ng daan, iniliko niya ito sa kaliwa at nang madaanan ang subdivision nila Atarah, mas naging mahina ang pagpapatakbo nito sa kotse hanggang sa tuluyan niya itong ihinto.

Sitting inside of his car, Treyton looked up on Atarah's room but he saw nothing there. Tsaka nito inilipat ang kanyang paningin sa katabing kwarto.

Kahit na madilim dahil nasa gilid siya ng kalsada, sa tulong ng ilaw ay malayang nakikita ni Treyton si Atarah na nakaupo lamang at tila nakatingin sa kawalan. Then Atarah stood up and went near the crib as she slowly touching her belly.

Napahigpit ang kapit nito sa cellphone. He wanted to call Atarah now pero ang isipang mas lalo itong mahihirapan, sa huli ay pinili ulit nitong huwag na itong tawagan. Napahigpit din ang hawak nito sa manibela.

Sa mga araw na nagdaan, ganoon na lang lagi ang ginagawa niya—watching Atarah from afar. Tsaka nito pinaandar ang kotse paalis.

Kinabukasan, halos magmadali ito sa pag-aayos ng kanyang sarili dahil late na nga itong nagising. Kung hindi pa tumawag ang sekretarya nitong si Aleah, hindi pa nito mamamalayan ang oras.

[Sir, naghihintay na po ang board members. Your father is also here Sir.] Halos magmura ito nang tumawag ulit ang kanyang sekretarya at iyon nga ang bumungad sa kanya.

"Thanks Aleah. I'm on my way now." Sagot lang nito bago mabilis na lumabas sa kanyang condo unit at dumiretso sa kanyang kotse pagkabang-pagkababa niya.

Nang tuluyan itong makalabas sa vicinity ng condominium building, Treyton is about to set the car on its speed limit so he could reach the start of the meeting when he saw someone like Atarah. Tila humina ang pagpapatakbo nito sa kotse at tuluyan na nga niya itong inihinto nang makita niya at masigurong siya nga iyon.

"Atarah." He whispered before he immediately went out of his car and embraced Atarah so tight in his arms.

"Why are you here? Damn. You should have called me." Tanong nito sa kanya na ngayo'y nakakulong pa rin sa bisig niya. But Treyton's forehead creased when he didn't feel her hugging him back.

Atarah used to hug him back when she's with him. Kung minsan pa nga ay kulang na lang na itapon nito ang sarili niya sa kanya pero ngayon, bakit ang yakapin siya o ang daldalin man lang siya nito ay hindi niya magawa?

"Atarah?" Saad nito matapos nitong kalasin ang yakap. Pinakatitigan niya itong mabuti. Why she seems different today? Why she seems cold? Sa unang pagkakataon, bakit biglang naging tahimik ito?

"Atarah?" He once called her name at laking gulat na lang nito nang makita kung paanong umagos ang luha nito sa kanyang pisngi. "Hey, are you okay?" Hinawakan niya ito sa magkabila niyang braso, pilit sinasalubong ang tingin nito but Atarah couldn't look in his eyes.

"What's the problem? Atarah, please talk to me. Please tell me what's the problem." Hindi pa man niya alam kung anong dahilan, nagsimula na itong kabahan.

Hindi niya alam kung bakit bigla-bigla na lang itong magpapakita sa kanya tapos ganito pa. Ano ba talaga kasi ang problema? May nangyari ba? Bakit ang tahimik niya? Bakit siya lumuluha? Iyon ang mga katanungang nagpapagulo sa kanya.

"Atarah—"

"I'm s-sorry." Pagpuputol nito sa kanya at mas lalo siyang naguguluhan.

"Why are you saying sorry to me? Damn Atarah, you're worrying me now." Nag-aalala nitong sambit sa kausap. Mas lalo ring humigpit ang pagkakahawak niya sa magkabila nitong balikat.

"I'm s-sorry Treyton. I'm r-really sorry." Napalunok ito ng mariin sa inaasta at sa mga sinasabi nito. Ano bang dahilan kung bakit ito nagsosorry sa kanya? Did I do something wrong?

"Atarah, please tell me. Why are you saying sorry to me?" Halos magmakaawa na ito.

Ni wala itong mahagilap na rason para ikahingi ni Atarah ng pasensya. Kung tutuusin nga ay dapat siya itong humihingi ng sorry sa dalaga. He's sorry for not calling her, for not visiting her and for doing nothing to be with her. But why is she saying sorry to me?

He looked again at Atarah. Kasabay ng mga luhang pumatak sa mata ng dalaga ay ang pagtungo nito sa kanya. After a long silence, Atarah answered him. Na sana ay hindi niya na lang narinig.

"You're not the father of my child." Treyton felt numb all of a sudden.

Habang unti-unting rumerehistro sa isip nito ang narinig, unti-unti ring bumababa ang mga kamay nitong nakahawak sa magkabilang braso ni Atarah tsaka ito umiling.

"You're kidding me Atarah." Halos bulong nitong saad samantalang si Atarah ay naroon lamang sa harapan niya, nakatungo at patuloy ang mga luha nito sa pagtulo.

Treyton seems frustrated as he covered his face using his hands. "Bawiin mo yung sinabi mo. Sabihin mong hindi iyon totoo."

"Treyton..." Sinubukan nitong hawakan ang lalaki pero umiwas ito sa kanya.

"Halos tatlong linggo kitang hindi nakita tapos ganito ang ibubungad mo? Tangina naman Atarah! Sa tingin mo ba nakikipagbiruan ako sa'yo?" Pagtataas nito ng tono. Samantalang naging dahilan iyon upang mas lalong naging matunog ang pag-iyak ng dalaga.

Atarah who did nothing but cry, looked up on him and met his gaze, her tears are still flowing on her cheeks.

"Sana nga hindi iyon totoo. Sana nga nagbibiro lang ako. Sa tingin mo ba ginusto ko 'yon?" Putul-putol at nahihirapan nitong tanong sa kanya.

Looking on how she cries, Treyton went near her. Tsaka nito hinaplos ang mukha ni Atarah at marahan nitong pinunasan ang kanyang mga luha.

"Please Atarah, sabihin mo namang nagbibiro ka lang." At doon nga'y hindi na nito napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Even if he wanted so bad to call her or to visit her these past few weeks, sa huli ay lagi nitong pinipigilan ang kanyang sarili. Treyton knew how mad Atarah's father is when they learned his personality and that is the reason why he keeps on stopping himself from wanting to see her.

Inirerespeto nito ang desisyon ng ama ni Atarah. At katulad ng sinabi ng ina nito sa kanya, hinihintay lang nito kung kailan niya ito pwedeng makausap. Naghintay siya at patuloy na naghihintay siya tapos ganito ang malalaman niya?

"S-sorry. I'm r-really s-sorry." Muling napatungo si Atarah dito.

"Tanginang sorry 'yan!" Napasabunot na lamang si Treyton sa kanyang buhok. Napahilamos din ito sa kanyang mukha. "Pagkatapos mong sabihin sa harap ng magulang mo na mahal mo ako tapos ganito ang malalaman ko? Tangina naman Atarah! Pinaglalaruan mo ba ako?" Then his tears continued to come out.

"T-treyton..."

"Go away Atarah. Tangina. Ayaw kitang makita." May diin ngunit nasasaktan nitong saad. Minahal niya ang bata e.

Tinanggap niya ito noong unang araw pa lang na nagpakita si Atarah sa loob ng kanyang opisina at sinabi nitong anak niya ang batang kanyang dinadala. Hindi niya iyon kinuwestyon. Hindi pa man ito naipapanganak, minahal na niya ito.

Tapos ganito ang malalaman niya? Pakiramdam nito'y ginamit lamang siya. Pakiramdam niya'y sa pitong buwang lumipas ay pinagmukha siyang tanga. Sino bang hindi masasaktan sa nalaman niya?

"Treyton..."

"I said go away!" Frustrated and in pain, he didn't realize that he had pushed Atarah when she tries to reach him.

Huli na nitong napagtanto ang kanyang ginawa nang makita nito ang dugong dumausdos mula sa binti ni Atarah.

"Shit. Atarah." Nag-aalala nitong sambit sa pangalan ng dalaga. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa kanyang ginawa.

Bago pa man nito malapitan si Atarah, bigla namang dumating si Neon at ito ang unang nakalapit sa dalaga.

"Baby. Fuck Atarah, you're bleeding." Agad na dinaluhan siya ni Neon.

Ang kaninang luhaang si Atarah ay mas lalo itong napaluha. Nanginginig din ang buo nitong katawan sa takot na baka may mangyari sa bata habang nakatingin lang ito sa binti niyang patuloy na umaagos ang dugo.

"My b-baby..." She said between her cries. "Neon, my baby..." Muling lumakas ang iyak nito habang nakakapit ng mahigpit sa braso ng lalaki. "Please, my baby..." She cried more while shaking her head, hoping for her baby's safety. She can't lose her baby. She really can't.

"M-my b-baby..." Paulit-ulit nitong sambit.

"The baby will be safe, Atarah. Our baby will be safe." Neon stated surely as he carried Atarah and brought her inside his car. Tsaka nito mabilis na binuhay ang makina ng sasakyan paalis.

Habang naroon si Treyton, naiwang mag-isa at nanghihina itong napasandal sa gilid ng kotse niya dahil sa kumpirmasyong kanyang narinig.

Our baby. Their baby.

Unti-unting kumuyom ang mga kamay nito habang sinusundan niya ng tingin iyong papaalis na kotse. He wanted to go after them, after her, but learning that he is not the father of the child she's carrying, iyon ang tila pumipigil sa kanya para sumunod sa kanila.

Habang nakikita niya ang mga itong papalayo sa kanya, isang bagay ang paulit-ulit na naglalaro sa isipin niya.

Hindi ako ang ama ng batang dinadala ni Atarah.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro