CHAPTER 18
18
"Hey, I'm still watching." Inis na sambit nito nang biglang agawin sa kanya ng lalaki ang kanyang laptop.
"Matulog ka na." Tila bata itong pinapagalitan ng magulang.
"Treyton naman e. Last episode ko na yun." Panghihimutok nito sabay bigay ng masamang tingin sa kausap.
"No." Napanguso na lang ito.
Panonood na nga lang ang pinagkakaabalahan niya, pinagbabawalan pa siya. Tumayo ito upang kunin pabalik ang laptop pero nakikipagmatigasan talaga si Treyton sa kanya.
"Treyton, seryoso ako."
"I'm serious too Atarah. Go to bed and sleep." Tsaka siya nito tinalikuran at nilagay niya iyon sa bag ng laptop at pinasok sa isang kabinet.
Naiinis na naupo sa Atarah sa gilid ng kama habang nakatingin ito sa likod ng lalaki. Para itong batang dinadaan sa pabulong-bulong ang kanyang inis.
"Nakakainis ka talagang bakla ka." Asar na bulong nito.
Akma pa nitong aambahan ng suntok ang lalaki nang nagkataong nilingon siya nito. Now, her right hand was left midair. Napalunok na lang siya ng samaan siya ni Treyton ng tingin lalo na nung nilapitan siya nito. Hinawakan at ibinaba nito ang kamay niyang naiwan sa ere tsaka siya nito pinakatitigan sa mata.
"Baka ang baklang 'to ang nakabuntis sa'yo?" Treyton whispered meaningfully on her. Sumampa ang lalaki sa kama at wala siyang nagawa kundi ang mapaatras.
"W-what are you doing?" She gulped. It's really hard to read Treyton when he's serious.
Patuloy siyang nilalapitan ng lalaki at patuloy naman siya sa kaaatras. Nakatukod ang magkabila nitong siko sa kama pero nang yumuko si Treyton sa kanya, she just felt the soft mattress on her back.
Mas lalong yumuko si Treyton sa kanya at napapikit na lang ito nang ilagay ng lalaki ang kamay nito sa kanyang gilid. Now Treyton's hands were placed on her both sides. She can feel his body against her. Ramdam nito ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso hanggang sa maramdaman niya ang kumot na itinakip hanggang sa kanyang didbdib.
She heard Treyton chuckles. Doon ay napamulat siya ng mata at napaiwas ng tingin sa kahihiyan. So it was the blanket that Treyton took on her side? Bakit ba ang assuming ko? Naiinis na sambit nito sa sarili.
"Let's sleep Atarah. Don't think of dirty thoughts." Humiga na rin ito sa kanyang tabi. Katunayan ay isiniksik pa ng lalaki ang ulo nito sa kanyang leeg.
"Excuse me? Mali ka ng iniisip." Pagak itong tumawa na para bang matatakpan 'non ang sarili sa kahihiyan.
Nakakahiya naman kasi talaga ang ginawa niya. Mabilis din siyang lumayo dahil ayaw niyang marinig ng lalaki kung gaano kalakas ang pintig ng kanyang puso.
"You're allowed to think of dirty thoughts anyway but make sure when you're only with me." Her face reddened because of what Treyton said.
Hinila siya ng lalaki at inihilig siya nito sa kanyang dibdib. Before, she feels comfortable being prisoned on Treyton's arms but she's feeling awkward now. Noon nga ay ito pa ang magsusumiksik sa katawan ng lalaki but it was Treyton who pulled her this time.
"Good night." Then she felt a peck on top of her head.
Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Naninibago talaga ito sa ikinikilos ng lalaki. Did Treyton changed or she was just assuming about so much things? Nakakainis.
Natutuwa nitong sinalubong ang pag-uwi ng kanyang magulang matapos ang isang linggong pamamalagi nila sa Cebu. Hindi nga lang nila naabutan si Treyton dahil maaga itong umalis.
"How have you been?" Her mom asked. Sinagot naman nitong ayos lang ang lagay niya. Thanks to Neon and Treyton who stayed with her.
"Did Treyton left this early?" Tumango lang ito bilang sagot. Nakwento kasi nitong kasama niya ang lalaki kagabi.
"That man seems responsible." Nalipat ang tingin nito sa kanyang ama na noon ay sumisimsim sa tsaa.
Nagkatinginan sila ng kanyang Mommy and a smile crept on their lips as if they have the same thoughts that her dad likes Treyton for her.
"Atarah, nandito ang mga kaibigan mo." Sa likod ni Manang Esing na kasambahay nila ay nakasunod sina Dianne at Thea. Mabilis na binati ng dalawa ang mag-asawa pagkatapos ay tumabi ang mga ito sa kanya.
"Where's Gia?" Pansin ng mommy nito na si Gia lamang ang wala sa kanila kaya niya iyon naitanong.
"She's in abroad right now Tita. You know, business matters." Thea answered, tumango naman ang ginang at inutusang hainan ang mga ito ng miryenda.
Matapos magmiryenda ng mga ito, hindi na nagulat si Atarah ng ipagpaalam siya ng dalawa na kung maaari ay lumabas sila. Hindi naman kasi siya dadalawin ng mga ito para lang sa wala.
"I don't like that." Tanggi nito ng kumuha ang kaibigan niya ng grapes.
She hates the taste of it. Nandito nga sila sa SM, trip nilang bumili ng mga pagkain. Salamat sa dakilang si Thea, inaya pa talaga niya ang mga ito para may makasama siya sa pagbili ng kanyang stocks. Wais.
"Maarte ka." Saad ni Thea sa kanya.
"Tignan lang natin kapag nabuntis ka."
"Jowa muna." Siniringan nito ng tingin ang kaibigan habang naiiling lamang si Dianne sa daloy ng kanilang usapan.
"Jowang-jowa na ba Thea?" Tinapunan nga siya nito ng masamang tingin na tinawanan niya sa huli.
Sanay na ang mga ito sa paganyan-ganyan ni Thea. Nasasabi niya lang ang mga ganon pero alam nilang hindi pa ito handa. Minsan na rin kasing nadurog ang puso nito.
Sa kanilang apat, siya lang naman ang walang karanasan sa pag-ibig pero kita mo nga naman, siya pa ang naunang nabuntis. Pero hindi niya naman iyon pinagsisisihan. She's actually thankful about it. Unexpected blessings are one of the best things you could ever have. That's what she believes.
"May tanong ako." Saad ni Atarah habang kumakain ang mga ito sa isang fast food. Inabot na rin kasi sila ng gabi. Pagkatapos nilang kumain ay tsaka sila uuwi.
"Ano? Siguraduhin mong importante yan." Pinanlakihan siya ni Thea ng mata.
"It's about Treyton."
"Importante nga. Sige, magkwento ka na." Pinanlakihan niya naman ng mata ang kaibigan ngayon.
Sa tuwing pinag-uusapan si Treyton, hindi niya alam kung matutuwa o maaasar siya lalo na kapag present ang isang Thea.
"Sis, galaw-galaw. May kaagaw ka na kay Treyton." Sinakyan naman ni Dianne ang usapan ng dalawa. Muli niyang tinanong sa sarili kung bakit ba naging kaibigan niya ang mga ito.
"Treyton seems different this past few days. He's confusing me." Pag-oopen up niya. Sumandal siya sa kanyang upuan at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Kasinglalim ng iniisip niya sa tuwing nagseseryoso ang baklang iyon.
"Nagkakasama kayo?" Tanong ni Dianne. Tumango naman siya. Pagkatapos ay ikinuwento nito kung anong napapansin niya sa lalaki lalo na sa tuwing nagseseryoso ito.
"I can't handle him when he's serious." Mas matatagalan pa kasi nito ang kaartehan ng baklang iyon kaysa sa tuwing nagseseryoso siya. Para kasi itong may split personality na hindi niya maintindihan.
"Lahat ng tao may pagkakataong nagiging seryoso. Tomboy nga mas nakakatakot kapag nagseryoso e." Dahil sa narinig niyang iyon, hindi niya napigilan ang sariling hampasin si Thea ng malakas.
"Thea, napakawalang kwenta mong kausap." Singhal nito sa kausap.
She even doubted if she could open that topic to them dahil aminin niyang nahihiya siyang magkwento sa kanila tapos ganito ang maririnig nito sa kaibigan.
Umaasa siyang baka kapag kinuwento niya iyong mga napapansin niya sa lalaki ay may makukuha siyang kahit anong advice na makakatulong sa kanya but seems like it will end up nothing.
"I know right." Pangsang-ayon pa nito kaya napailing na lamang siya. Baliw ngang talaga. "Speaking of the devil. He's coming here." Thea added but Atarah refused to bother.
Nakakatraumang paniwalaan ang isang katulad niyang puro kalokohan ang alam. Tsk.
Ipinagpatuloy na lang nito ang kanyang pagkain hanggang sa maramdaman nito ang pag-upo ng kung sino sa tabi niya dahil pang-apatan ang table na in-occupy nila.
"Hi." Nang mapagsino iyong boses, halos mailuwa niya ang pagkaing nasa bibig niya.
Tinignan nito ang katabi at hindi siya makapaniwala. Nagtama pa ang paningin nilang dalawa. Si Treyton nga. What is he doing here?
Kanina lamang ay pinag-uusapan nila ito. Ngayon ay naririto na siya. Talaga namang nakakabigla.
"Sinabi na nga kasing paparating siya rito, ayaw maniwala. Ano ka ngayon?" Thea murmured, nakangisi pa ito.
Simula nung dumating si Treyton, tila naging bilang na lamang ang galaw ni Atarah. Sino nga ba naman kasi ang hindi mabibigla lalo na kung nakasandal ang lalaki ngayon sa upuang nasa tabi niya at ang kamay nito ay nakahawak sa likod ng kanyang inuupuan?
"Did you eat already?" Noon ay tanong niya sa lalaki.
"Just eat Atarah. Don't mind me." Sagot ng kausap.
"Good evening Papa Treyton." Malanding bati ni Thea rito sabay hawi ng hibla ng buhok sa gilid ng kanyang tainga.
Did she just call him Papa Treyton? Seriously? Mula sa ibabaw ng upuan, pasikretong sinipa ni Atarah ang paa ng kaibigan.
"Good evening. What's your name?" Nanliit ang mata ni Atarah sa narinig. Is Treyton really asking for Thea's name?
"I'm Thea. Always available." Muli nitong sinipa ang paa ng kaibigan. Tumawa lamang ito sa huli at binigyan siya nito ng pilyong ngiti.
"She's Thea. Beside her was Dianne." Pakilala nito kay Treyton. Hindi naman ito ang unang beses na makita ng lalaki ang kanyang mga kaibigan pero ngayon niya lang maipapakilala ang mga ito ng pormal.
Ibinalik nga nito ang atensyon sa pagkain. Nang lingunin ang mga kaibigan ay pansin nitong nakatungo ang mga ito sa sariling pagkain at may nakapaskil na malaking ngiti sa kanilang labi. Ramdam din nito ang pagsipa pabalik ni Thea sa kanyang paa kaya pinanlakihan niya ito ng mata.
Matapos nilang kumain ay nauna silang magpaalam sa dalawa.
"Let's go." Tawag ni Treyton kay Atarah. Tahimik naman itong sumunod sa lalaki hanggang sa makarating ang mga ito sa kanyang kotse.
Sa byahe ay tahimik lamang siya. Paano kasi ay naaasar siya sa lalaki. Kanina kasi ay dinadaldal siya ni Thea tapos ang bakla panay naman ang kwentuhan niya rito. He just told her not to mind him pero nung kausapin siya ng mga kaibigan nito, halos kalimutan na nilang nandoon siya.
"Ang funny'ng kausap ng mga sisteret mo." Bigla ay sambit ng lalaki rito. Tumagilid paharap si Atarah sa may bintana at humalukipkip. Nakakrus pa ang mga kamay nito sa kanyang dibdib.
"Si Thea kamo." She whispered but Treyton heard it so he chuckled.
"Si Thea nga. Masaya siyang kausap." Kulang na lang ay maging isang guhit ang kilay ni Atarah. Wala talagang preno-preno ang bibig ni Treyton.
"E di pumunta ka sa kanya. Sana nagpaiwan ka na lang muna roon. Nakakahiya naman sa'yo." Smile suddenly forms on Treyton's lips while he's busy from driving. Tinignan nito ang babae pero nakaharap ito sa may bintana ng kotse.
"Nagseselos ka ba sa kaibigan mo?" Nilingon ni Atarah ang lalaki at pinanliitan niya ito ng mata dahil sa tanong niyang iyon. Wow. Ang kapal niya ha?
"Nagseselos? Baka naaasar ako sa'yo?"
"Ang funny mo ghorl." Pang-aasar nito sa kanya. Muling humarap ito sa may bintana at hindi na pinansin ang kasama. Hindi niya alam kung bakit nga ba siya nagkakaganito.
Nakauwi ang dalawa bandang 9 ng gabi sa bahay nila Atarah. Dali-dali itong pumasok habang nakasunod naman si Treyton sa kanya. Nakasuksok ang magkabila nitong kamay sa kanyang bulsa at hindi maiwasang ngumisi sa ikinikilos ng babae.
"Honey, I told Treyton to---"
"I'll go upstairs Mom." Putol nito sa ginang at tuluy-tuloy na umakyat. Sinenyasan ng mom nito si Treyton na sundan si Atarah at yun nga ang kanyang ginawa.
Kaunti na lang para maisara ni Atarah ng tuluyan ang pintuan ng kanyang kwarto nang isingit ni Treyton ang braso niya rito.
"Anong ginagawa mo? Go home. Matutulog na ako." Sa halip na sakyan ang pagsusungit nito, he forced to open the door using his arm hanggang sa makapasok siya.
"Let's talk." He seriously said.
"Wala tayong pag-uusapan. Umuwi ka na." Saad nito sa lalaki.
Nagsimula siyang maglakad papalapit sa balkonahe nang hilain siya ni Treyton dahilan para mapaupo ito sa kanyang kandungan. Agad siyang pinamulahan ng mukha. Sinubukan niyang kumawala sa bisig ng lalaki pero wala siyang nagawa.
"Treyton, w-what are you doing?" Halos naging bulong na lang iyon.
Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Sa tuwing sila lang ang magkasama ay hindi niya maiwasang hindi kwestiyunin ang ikinikilos nito.
Si Treyton na mismo ang nagsabi na bakla ito pero hindi niya maiwasang magduda roon. Oo nga at nagagawa nitong mag-inarte sa tuwing siya lang ang kaharap nito, maging sina Mandy at Cosette including his parents pero kapag sa harap ng ibang tao na ay lalaking-lalaki ito.
Sometimes, it made her doubt if Treyton's really a gay or not.
Katulad na lang ng ginagawa nito sa kanya ngayon, normal pa ba ang mga ganitong kilos sa isang bakla?
"I'm starting to consider you as my home. So please, don't push me away." Kulang na lang ay matigil ang kanyang paghinga. Hindi matitiis ng isang bakla na kandungin ang isang babae. Baka nga mandiri pa sila. Bakit ganito siya bigla?
Atarah silently let out a deep sigh before she managed to talk to stop the awkward atmosphere.
"Let's sleep, then." Lumuwang ang pagkakahawak ng lalaki sa kanya pero hindi niya pa rin ito pinapakawalan.
"Let's go back to my condo." Mapupungay ang mata ng lalaki nang lingunin niya ito.
"Bakit sa condo mo?" Napalunok ito. Bakit ba siya bigla-biglang nagiging ganito?
"Bakit hindi sa condo ko? Hello? Tumira ka nga ng matagal doon e. Forget mo na ghorl?" Napaiwas siya ng tingin dito. Oo nga naman, tumira siya roon ng lampas pa sa isang buwan pero hindi niya yata kakayanin ngayon.
Hindi niya kasi maiwasang bigyan ng ibang kahulugan ang mga ikinikilos nito sa kanya lalo na nitong mga nagdaang araw. Ayaw niyang lumala iyon. Ayaw niyang umasa dahil aminin niya man o hindi, she's starting to feel something different towards this guy... gay.
"Your parents already agreed and I already fixed your things." Umalis siya sa kandungan ng lalaki at doon nga niya napansin ang isang maletang halatang nakaayos na. Wala naman na siyang nagawa kundi ang tumango.
"Why are you doing this to me?" Mahinang tanong niya sa lalaki, implying another meaning towards it. Lumapit sa kanya si Treyton at nagsimula na namang kumabog ang kanyang dibdib.
"I want you to stay with me." Treyton's really confusing her now at yun ang kinaiinisan niya. Napabuntong-hininga siya. Hindi pa man nagsisimula pero pakiramdam niya ay talo na siya.
Bakit ba ginugulo ng baklang 'to ang buong sistema ko?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro