Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 13

13

"T-treyton?" Napaayos ng upo si Atarah. Hindi pa ako natutulog, nananaginip na ba agad ako? Tanong nito sa sarili pero syempre, alam nitong si Treyton nga talaga itong nasa harapan niya.

"Hi." Bati ng lalaki at lumapit ito sa kanya. Naupo pa ito sa tabi niya habang si Atarah naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.

"Atarah?"

"Ah, h-hi." Tanging naisagot lang nito nang mabalik siya sa huwisyo. Hindi lang kasi talaga siya makapaniwala na naririto ngayon si Treyton sa harap niya. Tinignan nito ang lalaki habang nakatingin naman ito sa kanya.

"Hi." Saad ulit ni Treyton.

"Hi." Sagot niya rin pabalik. "Anong ginagawa mo rito?" Naiilang na tanong nito sa lalaki kaysa naman ang puro 'hi' na lang ang sasabihin nila sa isa't isa.

"I want to see you." Nanlaki ang mga mata ni Atarah sa narinig.

"Ah." That's all she could say.

Sino ba naman kasi ang hindi mabibigla kung yung taong miss na miss mo ay heto na, nasa harapan mo na at nakakausap mo pa diba? Pero agad din naman nitong inayos ang kanyang sarili. Hindi pa rin kasi ito makapaniwala na narito na sa tabi niya si Treyton.

"That's it?" Tanong ng lalaki at nangunot naman ang noo nito. What does he mean by that?

"Why?" Tanong niya rin dito. Dinig pa nito ang pagbuntong hininga ni Treyton. Ano bang gusto nitong iparating?

"I am now here and that's just it?" Muling tanong nito. Pagak namang tumawa ang babae.

"Ano bang gusto mong maging reaksyon ko? Ang matuwa ako kasi nandito ka na? Ang magsaya ako kasi finally nagpakita ka na? Is that what you want? You want me to be happy because finally, you visited me after almost one month?" Hindi na napigilan ni Atarah ang mga luha niya.

Alam naman niya sa sarili niya na wala siyang karapatang makihati sa oras nito pero ganun ba kahirap para sa kanya ang bisitahin man lang siya? O kahit tawagan man lang o itext? Mahirap bang gawin iyon?

Napahagulgol itong lalo.

Treyton doesn't know what to do. He didn't expect Atarah to cry like this. What he expected is for Atarah to be happy. Ang magsaya ito, ang amuyin siya nito, ang yakapin siya nito katulad ng madalas niyang ginagawa sa tuwing nakikita niya ito. But things happened the other way around.

Seeing Atarah crying, hindi nito malaman ang gagawin. This is actually the first time he's seeing Atarah cry. Niyakap na lang nito ang babae and he keeps hushing her down. Hindi ganito ang inaasahan niyang mangyari.

Ilang minuto lang ay tumahan din si Atarah.

"Teka nga, bakit ba ako umiiyak?" Nalolokang tanong nito matapos niyang pahiran ang kanyang luha. Tinignan niya si Treyton habang si Treyton naman ay nakakunot ang noong nakatingin sa kanya.

"Pasensya na. Kasi namang bakla ka e." She laughs tsaka nito hinampas ang katabi. "Namiss kita, alam mo ba yun? Tapos ngayon ka lang magpapakita sa akin? Ang kapal mong magpamiss sa akin ng ganito." Tsaka nito sinubsob ang sarili sa dibdib ng lalaki.

But deep in side her, she's really hurting. What she did was her only way to lighten the mood. Ngayon na lang din siya dalawin ni Treyton and she doesn't want to spoil the moment. Ayaw niyang mag-inarte. Wala siyang karapatang umarte.

"Are you really okay?"

"Okay lang ako. Namiss lang kasi talaga kita." She smiled. "Pero bakit ka pala nandito? Late na masyado." Hula kasi nito ay baka past 10 or 11 na. Ang tagal kasi nitong nakatulog.

"Ghorl, bingi ka ba? Sabi ko kanina gusto kitang makita." Napangiti na lang ulit si Atarah. He said he wanted to see her? Does that mean Treyton misses her too?

"Namiss mo rin ba ako? Aminin mo, namiss mo rin ako 'no?" Tila pang-aasar nito sa lalaki. Kiniliti pa niya ang tagiliran nito.

"Ang funny mo ghorl." Mas lalo nitong kinikiti ang kasama. Namiss niya ang line niyang yun and now they are both laughing.

At least alam nitong medyo napawi na yung heavy atmosphere sa pagitan nilang dalawa. Mas okay na ito kaysa naman ang magtampo siya. Sabi nga niya wala siyang karapatan, remember?

Nagkwentuhan na lang silang dalawa ng kung anu-ano. Sa gitna ng pag-uusap nilang dalawa, may naalala si Treyton.

"Ang sabi ng mudra mo hindi ka pa raw kumakain?" Tango lang ang naging sagot ni Atarah dito. "Makukurot talaga kita sa singit mong babae ka. Let's go downstairs. You need to eat." Seryoso nitong saad.

"Pakakainin mo ako? Susubuan mo ako?" Tila nagpapalambing naman na tanong ni Atarah at halos magbunyi ang kalooban niya nang malamang pumayag si Treyton.

Nasa dining nga ngayon ang dalawa at parang batang sinusubuan si Atarah. Hindi lang kasi nito maiwasang matuwa. Ngayon lang siya dalawin ni Treyton kaya hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa na magpalambing dito. Susulitin niya talaga ang oras na ito.

Halos mag-alas dose na rin ng madaling araw. Ganun sila katagal sa baba. Mabuti na nga lang at wala silang naiistorbo dahil sa kaingayan nilang dalawa.

Nandito sila ngayon sa balkonahe ng kwarto ni Atarah at nakadungaw sa kapaligirang nakikita nila. Madaling araw na at heto sila sa labas, animong nagpapahangin.

"Hindi ba magagalit ang mudra at fudra mo kung dito ako matutulog?" Wala sa sariling nahampas ni Atarah si Treyton at hindi nito mapigilang matawa. Seryoso ba siya sa tanong niyang yan?

"Pa-virgin kang bakla ka. Nabuntis na ako't lahat-lahat, ngayon pa ba sila magagalit?" Hindi talaga nito mapigilang matawa. Anong klaseng tanong ba kasi yun diba?

"Ang funny mong kausap." Sarkastiko namang sagot ni Treyton. Inismiran pa siya nito kaya napangiti siyang lalo. Ang cute ni Treyton. Atarah told herself.

Muli nitong ibinaling ang kanyang tingin sa nasa harapan nila. The air is not that cold, sapat lang na lamig ang bumabalot sa kanyang katawan. It chills her actually.

"Aren't you going to sleep?" Napatingin ito sa nagsalita.

"Mamaya siguro." Sagot lang nito.

Maya-maya pa ay naramdaman nito ang paglapit ni Treyton sa kanya at ang sunod nitong ginawa ay tila nagpatigil sa kanyang paghinga. Marahan kasi nitong hinaplos ang kalakihan niyang tyan.

"Your tummy's bigger now." Hindi inaasahan ni Atarah na mapapansin iyon ni Treyton.

Tumango lang ito dahil hindi niya naman alam kung anong isasagot sa kasama. At aaminin niyang nagugustuhan nito ang ginagawa ng lalaki. Treyton's touch chills her down and it warmth her at the same time. Maybe her baby is loving what his father is doing.

For no reason, Atarah can't help but imagine Treyton as her husband and having him beside her raising their future kids. Napailing siya. Was her imagination is too much?

"Let's go to bed Atarah." Hindi na ito nagreklamo pa.

Lampas ala-una na rin kasi, kailangan na niyang matulog. Sa sobrang tuwa nga nito ay mabilis siyang dinalaw ng antok.

Treyton couldn't help but look at Atarah intently while she's in her deep sleep. Hinaplos nito sa buhok ang babae. Seeing this girl after quite some time, he somehow smiled.

"Hoy damuho kang bakla ka!" Napatingin ito sa taong kapapasok lang sa kanyang condo. Hindi lang ito iisa, dalawa sila. Nakakunot pa ang noo ng mga ito sa kanya.

"Anong hanash niyo mga ghorls?" Tanong nito sa dalawa. It was Mandy and Cosette.

"For the record, Treyton Alfiore did a mistake." Nakacross arms na sambit ni Mandy sa kanya.

"Oo nga! Isang malaking pagkakamali." Dagdag pa ni Cosette sa sinabi ni Mandy. Tinignan nito ang dalawa. He really has no idea what these two are talking about.

"What are you talking about?"

"Hindi mo knows?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Mandy sa kanya.

Ano bang problema ang Mandya at Cosetta na 'to? Bigla-bigla na lang susugod at ano bang sinasabi nilang pagkakamali ang nagawa ko? Treyton asked himself.

"Hoy baklang nilalang, baka nakakalimutan mong magiging tatay ka na? Alam kong sobrang busy mo pero bigyan mo naman ng oras ang anak mo pati si Atarah. Goodness! Wala pa yung anak mo, pero wala ka ng time sa kanila. Ano? Magiging walang kwentang ama ka ba?" Mandy asked and that really hit him.

That conversation happened three weeks ago. If it weren't for that two girls, he wouldn't be here or he wouldn't realized something. Though it was so sudden, he'll never forget that he will be a father soon. But he was really hit big time when Mandy told him that. Pwede pa naman siyang bumawi diba?

Late ng nagising si Atarah. Sa katunayan ay mag-aalas onse na. Sobrang liwanag ng mukha nito pagkagising niya. Hindi maiikubli yung sayang nararamdaman niya pero agad iyong nabura nang mapansin nitong wala na si Treyton sa tabi niya. Did he left already? Oo nga pala, may trabaho ito. Napabuntong-hininga ito.

Bumaba na lang siya sa sala at nagulat ito sa naabutan niya.

"T-treyton?" He's still here? Really? He didn't left. Natutuwa si Atarah sa isipang iyon. "Bakit nandito ka pa? Hindi ka papasok sa trabaho?" Tanong nito pagkalapit sa binata pero syempre tuwang-tuwa ang kalooban nitong nandirito pa ito.

"No." Tipid nitong sagot na mas lalong ikinatuwa nito pero dapat hindi siya mahalata kaya sa kaloob-looban na lang niya ito ipinagdiriwang.

Katulad ng nangyari kahapon, sinusubuan ulit siya ni Treyton ngayon. Hindi tuloy maiwasan ni Atarah ang mag-isip kung anong kinain nitong kasama niya. Ano nga ba? Para kahit siya na ang paulit-ulit na magluto basta ba magiging ganito ito sa kanya. Ang sweet kasi ni Treyton sa kanya ngayon. Can't this stop? Pwede bang huwag na lang itong itigil?

"You're smiling." Pansin ni Treyton dito.

Kanina pa nga siguro itong nakangiti. Hindi niya kasi mapigilan. Sa halip na sagutin ito, ngiti na lang din ang kanyang naisagot hanggang sa maubos niya ang kanyang pagkain.

Hapon noon, narinig ni Atarah na maggogrocery ang isa nilang kasambahay. Dahil nasa good mood nga ito, she insisted on doing it. With Treyton of course. Hindi rin naman ito makatanggi.

Sorry ka, wala kang magagawa. Sa isip-isip nito habang nakangiting nakatingin sa nagmamanehong si Treyton.

"Huwag mo nga akong tignan ng ganyan. Nakakalurkey ka. Ang creepy mo." Sandaling tinignan siya nito pagkatapos ay ibinalik ulit ang tingin sa daan.

Napahalakhak naman si Atarah. Ang arte talaga ng baklang 'to. Isang Dixie Atarah Mendez na ang nakatingin sa kanya, aayaw pa?

Nakarating ang mga ito sa grocery store ng wala pang kalahating oras. Dahil inagaw lang naman ni Atarah ang imbes na trabaho sana ng kasambahay nila, nakatingin ito ngayon sa isang listahan na ibinigay sa kanya. Hindi naman kasi pwedeng kung anu-ano na lang ang bilhin nito.

"Aren't you done?"

"Konti na lang." Sagot nito at hinanap yung natitira sa listahan. Mga condiments lang naman.

Pumunta ito sa area nito at naiwan si Treyton sa isang sulok. Hawak din kasi nito ang isang push cart na puno na kaysa naman ang sumunod pa ito sa kanya, mahihirapan lang siya sa pagtutulak.

Nasa bandang kaliwa si Atarah. Nabili na nito ang dapat niyang bilhin. When she saw her favorite milk, ninais nitong bumili ng panibago. She still has her milk in their house pero sa tingin niya ay hindi na aabutin yun ng one week kaya mas maiging bumili na siguro ngayon. She used to drink milk before going to sleep that's why.

She's trying to get one box of milk but she can't reach it. Halos mapayuko na lang ito, covering her head dahil muntik ng mahulog yung mga naglalakihang box sa kanya. Pasalamat na lang ito dahil may animong yumakap sa kanya at bago pa magsihulog ng tuluyan ang mga iyon, someone stops it to happen.

"Are you okay?" Someone asked behind her back using his baritone voice. Agad itong napalingon sa nagsalita.

There he saw a man standing behind her. Halos katangkad lang din ito ni Treyton. He has looks but Treyton looks better for her of course.

"Are you okay?" Tanong muli nito sa kanya. Mabuti na lamang at mabilis itong nakabawi sa pagkatulala.

"Yeah. Thank you for what you did." Pagpapasalamat naman nito at ngumiti sa lalaking ito.

Some boxes fell down pero hindi naman ganun karami. She really thought mahuhulugan siya ng mga boxes na yun if it wasn't because of this guy.

"Are you alone? You should—" Hindi na naituloy ng lalaki ang sana'y kanyang sasabihin dahil sa dumating.

"Hey. I've been looking for—Shit. Are you okay?" Napalingon si Atarah sa nagsalita. It's Treyton. Nagmadali itong lumapit sa kanya.

Hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya or what but she saw worry on Treyton's eyes.

"Shit Atarah, tell me are you okay?" Tuluyan na siya nitong nahawakan and she felt something different the way Treyton holds her.

Para itong nakuryente na hindi niya maipaliwanag. Posible ba ang ganung pakiramdam?

"Oo. Okay lang ako Treyton." Tsaka ito ngumiti. That moment, mas lalo siyang naguluhan nang yakapin siya ng lalaki. That was fast enough for her heart to beats faster.

"You should take good care of your wife pare. Especially now that she's pregnant." Saad nung lalaki. Bago ito umalis, nagpasalamat ulit si Atarah sa kanya and Treyton just nod at him.

When that guy was gone, Treyton asked her again if she's okay or not. Sinabihan lang niya itong okay lang siya. Hindi naman siya nasaktan.

Maybe it's too selfish to think because of what happened but Atarah wishes Treyton to be always like this. Kung pwede lang sana.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro