CHAPTER 10
10
Bagot na bagot si Atarah habang nakaupo lang ito sa gilid ng kanyang kama. Wala ngayon ang parents niya dahil nasa trabaho ang mga ito at tanging mga kasambahay lamang ang mga kasama niya.
Gusto niya nga sanang magtrabaho para man lang sana may magawa siya pero hindi siya pinapayagan ng mga ito dahil nga sa malaki na ang tyan nito.
Alam naman ng mga ito na hindi siya maselan sa pagbubuntis pero inihabilin kasi ng parents nito na huwag daw siya hahayaang magtrabaho. Matigas pa naman ang ulo.
"Boring." Mahina nitong bulong hanggang sa marinig niya ang katok mula sa kanyang pintuan.
Maya-maya pa ay pumasok ang isa nilang kasambahay na may dalang pananghalian. Lihim tuloy itong napairap ng mata. Mood swings, fudge.
"Para naman akong baldado nito. Diba dapat mas maging active ako para naman hindi ako mahirapan kapag manganganak na ako?" Hindi nito maiwasang magtanong. Bored na bored na talaga siya.
"Iyan ang habilin ng mama mo Atarah. Hayaan mo na't nag-aalala lamang sayo ang parents mo. Delikado kasi kung bababa ka pa ng hagdanan, mamaya ay kung mapano ka pa." Usal ng kasambahay nila tsaka nito inayos ang kakainin niya. Wala naman siyang magawa kundi ang tumango rito. "Kumain ka na. Kapag may kailangan ka, sabihan mo lang ako."
"Sige po. Kain na rin po kayo. Thank you sa food." Sagot nito. Nginitian siya ng matanda bago siya nito iniwan na mag-isa sa loob.
Pagkatapos kumain ni Atarah ay wala na naman siyang ibang ginawa. Ang ending ay natulog na lamang ito. Nagising lamang siya nang marinig niyang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto.
"Invader. Disturber." Usal nito nang makita ang mga kaibigan.
Pero at the same time, naisip din nitong mas okay siguro na dumating ang mga ito para naman may pagkaabalahan siya.
"Atarah, pa-CR. Magbibihis lang ako." Paalam ni Dianne na talagang nakadamit pang-nurse pa ito. Kakatapos lang yata ng shift nito at talagang dito pa sila dumiretso.
"Paano naman ako? Ang tagal ko kaya yun hinintay. Nakakapanghinayang lang talaga." She said habang kinukwento nito ang tungkol sa kanyang trabaho.
She's feeling sad about it at ngayon niya lang ito inopen-up sa iba dahil nung tinanong siya ni Treyton about dun, konti lang ang sinabi niya dahil nga sa nalulungkot siya nung malaman niya iyon.
"Well ganito lang yun kasimple, maybe hindi pa talaga ito yung time para sa'yo. Who knows if better opportunities are waiting for you, right? Tsaka mas okay na rin yun. Like hello? Buntis ka kaya, alangan namang magtatrabaho ka?" Saad naman ni Thea na siyang sinang-ayunan nina Dianne at Gia.
"Thea's right. Speaking of buntis, how are you?" Dianne asked with a hint of concern oh her voice.
"I'm fine," she answered.
The day when she learned that she's pregnant, honestly Atarah got scared. Who wouldn't be, right? But as days go by, that fear is slowly fading because she knew that the baby she's carrying was a blessing.
What she's more thankful about is that those people who are important to her accepted the baby wholeheartedly.
Hindi katulad ng mga naramdaman niya noon nung unang buwan niya sa pagbubuntis, hindi na siya nagsusuka but what struggles her is she's craving for food as always. Ang problema pa, kung anu-anong gusto niyang kainin.
Hindi naman lingid sa kaalaman niya na parte iyon ng paglilihi pero ni hindi niya lubos maisip na ganun pala talaga kapag buntis. Even if it's weird, what she eats tastes really good kahit na minsan napapansin nito ang mukha ni Treyton na puno ng kuryosidad. Anong magagawa niya? Yun nga yung gusto niyang kainin.
Minsan pa, naaawa ito kapag nakikita niya talagang badtrip na si Treyton lalo na dahil kung anu-anong pinapabili niya. Gustuhin man niyang huwag na nitong bilhin ang mga gusto niyang kainin, but just by thinking about it, hindi nito mapigilang magtampo sa kanya the whole time.
There was the time na umiyak talaga siya dahil yung gusto niyang kainin ay hindi available sa mall or sa pamilihan. Kung anu-ano pa nga ang inoffer ni Treyton sa kanya na pagkain para lang tumigil ito.
It's like Treyton was hushing a 3-year old girl. Kaya sa tuwing naiisip niya iyon, hindi niya maiwasang matawa.
"Why are you smiling? Para kang baliw Atarah." She was back to her senses when Gia poked her, giving her 'what's wrong with you' look.
"Wala. Naalala ko lang si Treyton."
"Oww. Kumusta pala si Papa Treyton?" Thea interfered. Sinamaan niya nga ito ng tingin.
Kapag si Treyton talaga ang pinag-uusapan, napapansin nitong active lagi ang kaibigan. Sometimes, she can't stop herself assuming that Thea has a crush on Treyton.
"Really Thea? Papa Treyton?" Tumaas ang isa nitong kilay. "Don't tell me you have a crush on—"
"Yes, crush ko nga siya and so what?" Thea cut her off.
Tumawa naman sina Gia at Dianne habang siya naman ay hindi makapaniwala sa sinabi ng kaibigan. Mas lalo tuloy tumaas ang kanyang kilay.
"What? Selos ka?" Dagdag pa nito dahilan para lumanding ang unan sa mukha nito.
"Selos mo mukha mo! Duhh?" Sagot ni Atarah at halos gayahin pa nito ang boses ni Treyton sa huling salita na sinabi niya. Yun kasi lagi yung expression na sinasabi ni Treyton.
"Oh hindi naman pala. Mabuti na yung malinaw." Pang-aasar pa ni Thea dahilan para lalong mas tumawa yung dalawa.
Nagkwentuhan na lang silang apat. Nakwento nga rin ni Thea na baka by next week ay aalis siya ng bansa. On and off lang naman yun dito sa Pilipinas at sa ibang bansa dahil na rin sa trabahong meron ang pamilya niya. She was offered to stay abroad for good but she declined because Philippines was her home tsaka nandito yung buhay niya na ayaw niyang iwanan.
"Kumusta pala kayo ni Treyton? Is he visiting you here often?" Pag-iiba naman ni Gia sa usapan.
"What about us?" Atarah asked back cluelessly. "And for your second question, no. Isang beses lang akong binisita ng baklang yun." She pouted but she understand him dahil busy ito sa trabaho. "But he took me home. Mabuti nga pumayag ang parents ko. Goodness, off all people ang bakla na yun kasi ang pinaglilihian ko. Hindi na ako magtataka kung lalaki itong magiging baby ko."
"Baka naman bakla rin?" Sabat ni Gia na siyang naging dahilan ng tawanan nila.
"Baliw!" Hinampas nito ang kaibigan. "Bakla man o tomboy 'tong baby ko, babae o lalaki, who cares? At the end of the day, baby ko pa rin naman 'to. And Treyton being a gay, I admired him. Unlike other guys who impregnated woman, hindi siya yung taong tinatakasan yung responsibilidad niya. He may be a gay but he knows what his responsibilities are." Nakangiti ito habang nagkekwento at hindi niya maiwasang isipin yung mga bagay na ginawa sa kanya ni Treyton.
Kahit na kasi bakla ito, he still managed to be a man who gives whatever she needed lalo na dahil buntis siya. Oo nga't minsan nababadtrip ito but she never heard him complained. And that's what she really admired about Treyton.
"I miss that guy," Wala sa sariling saad nito.
Dianne, on the other hand, pinagmasdan nito ng mabuti ang kaibigan. Yes they knew na si Treyton ang pinaglilihian nito. But what caught her attention was what Atarah said.
"Namimiss mo ba siya dahil sa siya yung pinaglilihian mo o namimiss mo siya dahil sa yun yung nararamdaman mo?" That made Atarah stop. Is she?
Pagod na napaupo si Treyton sa kanyang swivel chair matapos niyang mag-attend sa isang meeting. His father was not able to make it that is why he presided it on his behalf and he realized that being the CEO of a big company was really hard. Kung siya nga 'tong presidente marami na siyang ginagawa, how much more of being a CEO?
Now he understands why his father is working so hard for their company. He learned that it isn't just about the company itself. Kundi sa kung paano mo talaga i-handle ang isang sitwasyon on your own.
"Aleah, please come here." Tawag nito sa kanyang sekretarya gamit ang intercom.
"Sir," saad ni Aleah pagkapasok nito sa office ni Treyton.
"How's my schedule?"
"Cleared Sir. Yung meeting po kanina yung last item niyo for your today's agenda and Sir," sagot nito sabay lahad ng isang folder sa ibabaw ng kanyang mesa. "This was the proposal from TiTech Incorporation. Please hand it to your father."
"Oh sure. Thank you Aleah." Sabay kuha nito ng folder.
"You're welcome Sir." Pagkalabas ng kanyang sekretarya ay napahilot ito ng sentido at napasandal sa kanyang upuan. Maloloka talaga ang beauty ko dahil sa trabaho na 'to.
Nabaling ang atensyon nito nang tumunog ang kanyang phone.
"Yes Mamshie?"
[Busy ka 'nak? Kung wala ka ng ginagawa d'yan, dito ka na muna sa bahay umuwi.]
"Sige Mamsh. Stress na ang beauty ko rito sa opisina. I need beauty rest na talaga." Sagot nito na siyang ikinatawa ng ginang sa kabilang linya. "Gogora na akiz d'yan. Bye bye." Tsaka nito ibinaba ang tawag.
Matapos niyang ayusin ang mga papers na nakakalat sa kanyang mesa, bumaba na ito at dumiretso sa basement kung saan niya pinark ang kanyang kotse. May parking area naman sa gilid ng entrance ng kanilang kompanya pero kiber na, sa basement ang gusto niya para isahang sakay na lang ng elevator papunta sa kanyang opisina.
Wala pang thirty minutes ay nakarating na ito sa kanilang subdivision. Malapit ng mag-3 ng hapon nang makauwi ito.
"Oh hijo, mabuti't pinakinggan mo ako. Kumain ka na ba?" Salubong sa kanya ng kanyang ina.
"Hija Ma, hija." Pagdidiin nito. "Tsaka hindi pa Ma. Ang tagal natapos ng meeting." Sagot nito.
Naging sunud-sunod kasi ang appointment nito at yung huling meeting nila na dapat ay isang oras lang ay umabot ng halos dalawang oras dahil nagkagulo ang desisyon ng mga board members kanina sa project na gagawin nila.
Mabuti na lamang ay inilahad ng mga ito ang posibilidad ng kani-kanilang panig at pagkatapos ng masusing explanation ay nagkasundo sila sa huli.
"Ay nakung bata ka. Don't do that next time. Sumunod ka sa akin sa dining room, ipaghahanda kita ng makakain." Tumungo na ang mama nito sa kitchen at siya lang mag-isa itong naiwan sa sala. Maya-maya pa ay narinig niya ang pag-ubo ng kanyang ama na kasalukuyang bumababa ng hagdanan.
"Papa, okay ka na?" Tanong nito sa ama.
Sa sobrang babad kasi nito sa trabaho ay ayun, he end up dealing with the stresses of working full-time at mukhang siya pa yata itong susunod sa yapak ng stress ng kanyang ama. Charot.
"I'm good. How's the meeting?"
"It went well. Kastress Pa, malolosyang yata ako ng wala sa oras. Stress na stress na ang aking feslak." Sagot nito na siyang ikinasimangot ng matanda.
"Treyton Alfiore, pumunta ka na sa kusina at kumain. Baka mabigwasan kita ng wala sa oras."
"Ay, call Pa. Suntukan na lang tayo oh?" Natawa ang matanda sa sinabi ng lalaki at nag-asaran pa silang dalawa.
Matapos no'n ay tinapik na lang nito ang anak at sinabihang kumain na. Narinig kasi nito ang usapan ng kanyang mag-ina kanina.
"Uuwi ka bang condo mo o dito ka na lang matutulog?"
"Dito na lang Ma. Wala akong kasama sa condo. So boring." Saad nito sa maarte at matinis na tono.
"Baka kasi wala si Atarah doon?"
"Ay Mamshie, stress na ang aking beauty. Huwag mo na akong stress-in pa." Before her Mom could prolong her way of teasing him, pinigilan na niya ito. Bagets na bagets naman kasi ang mommy nito't inaasar pa siya. Akala mo'y mga teenager na ipinagtutulakan sa kanyang crush.
"Nagtatanong lang naman ako." Her mom giggled. "Anyway if you have time, tell Atarah to visit us here next time. Namiss ko na ang batang iyon." Tumango-tango na lang ito bilang sagot. Aakyat na sana ito sa kanyang kwarto nang tawagin ulit siya ng kanyang ina.
"Tawagin mo kaya ang batang iyon, ako na lang mismo ang magsasabi sa kanya." Hirit ng ginang.
"Ma, baka tulog na si Atarah. Let's not disturb her." Angil nito sa ina. Tinignan naman ng ginang ang wall clock at nakita nitong malapit ng mag-9 ng gabi.
"Just phone her once. Kapag hindi siya sumagot then let's not disturb her anymore." Napabuntong-hininga na lang ito bago inilabas ang kanyang phone at sinimulang magtipa ng numero.
He started calling Atarah pero walang sumasagot sa kabilang linya. Ring lang ito nang ring. Baka nga tulog na talaga si Atarah.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro