Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

WHC 6: Forgiven



"Bakit ka nandito?" Humugot muna si Maine ng malalim na paghinga bago siya sumagot. Naroroon pa rin naman an respeto niya dito.

"Kamusta ka na, Ma?" Pigil ang kaba at sama ng loob na pagbati ni Maine. Alam niyang may tampo ito sa kanya pero yung magtitikisan sila at palagi na lang itong galit sa tuwing makikita siya siguro naman ay tama na.

"May mukha ka pa talagang magpakita dito?" Mahal ni Maine ang ina pero minsan wala na rin sa lugar ang pagiging maanghang nitong magsalita. Kung wala lang sila sa publiko ay baka kanina pa niya ito tinalikuran.

"Ma, wag naman dito. Okay naman kung ipapahiya n'yo ako sa harap ng kahit na sino at sa ibang lugar, wag lang dito. Respeto na lang sa alaala nila Lolo at Lola." Mababang tono niyang sagot sa ina. Kinakabahan at natatakot sa kung ano ang kalabasan ng pagpunta niya dito ngunit pilit na nilalakasan ang loob.

"Marunong ka palang mahiya." Mataray na saad ng ina, humalukipkip pa ito. Mahina man ang boses nito, pakiramdam ni Maine ay nakasigaw ito. Walang pinagbago. Naisip niya.

Humugot siya ng malalim na paghinga. Kailangan niyang kalamayin ang loob niya dahil kung hindi ay mahuhulog na naman sila sa pagbabangayan na baka ikaatakeng muli sa puso ng ama.

"Minda, tama na." Matiim at seryosong saway ng kasama nito. Umirap lang ang Mama ni Maine.

"Hello, Pa." Bati ni Maine dito. Bahagya lang itong yumukod ng walang ngiti. Humugot ng malalim na paghinga si Maine at kahit alam niyang labag sa kagustuhan ng ina ay inakap niya ang ama.

"Why are you here, Nicomaine." Mataray pa ring tanong ng ina.

"Kakain po." Simple niyang sagot. "Hindi naman siguro Ma ipinagbabawal ang kumain dito?" Pinilit niyang tinitigan ang ina sa mata. Sana nga lang ay hindi nito mabasa na kabang-kaba talaga siya.

"You can come here and eat here anytime you want, my little Mengginita." Saad ng ama. Napangiti si Maine dito at muli itong inakap. Isa lang ang ibig sabihin ng pagbati ng Papa niya sa kanya.

"Am I forgiven Papa?" Mahina niyang tanong dito na naiiyak. Pinipilit niyang wag tumulo kahit isang patak lang ang luha niya dahil kapag nangyari yun, paniguradong hindi na siya matatapos sa pag-iyak.

"There's nothing to forgive, anak. You didn't do anything wrong and Papa was never mad at you. All I wants for you is to be happy?" Napakalambing na saad ng ama. Kahit na pabulong pa iyon, ramdam niya ang bawat salitang nanggaling mula sa Papa niya, paniguradong nabuwag na ang pundasyon ng tapang na inipon niya mula sa parking lot, sigurado siya na narinig yun ng Mama niya.

"Nice to see you again, hija." Mabuti na lang at binati siya ng isa sa kasama ng mga magulang. Alanganin man siyang sumagot dito pero pinilit na rin niya ang sarili.

"Hi, Tita Lorie." Nakangiti niyang bati dito kahit na nag-aalalangan siya,napigil noya ang pag-iyak. Hipag ito ng Nanay niya na asawa ng Tito James niya. Kahit sabihin pa na mabait ito, kasangga pa rin ito ng Nanay niya. Yan nga ang nagiging dahilan lagi ng pag-aaway nito at ng Tito James niya dati. Anytime now, she will start to spew fire like her Mom.

"It's nice to see you again." Saad nito ng nakangiti.

"It's nice to see you po ba talaga o baka ngayon lang yan?" Mataray na sabat ni Jackee. Nilingon niya ito at pinandilatan ng mata ngunit hindi naman sumagot ang Tita Lorie niya. Hindi ito kumibo at para pa ngang napahiya dahil napayuko ito.

"Sino yan? Bago mong lalaki?" Napapikit ng madiin si Maine bago niya sinubukang maglakas loob na magsalita na muli.

"He's a friend and he's not any of the things you are thinking, Ma." Mahinahon niyang pahayag.

Si Doc Alden naman ay tahimik lamang na nakikinig. Hindi nailibit sa daliri ang nangyayari dahil nasa kung saan ang kalahati ng kanyang kaisipan. Naramdaman na lang niya ang paghila ni Maine sa kanya para umupo.

"Veeminda, ano ba? Akala ko ba nag-usap na tayo?" Saway ng Papa niya sa Mama niya.

"Alam ko Nicolas na nag-usap na tayo, pero heto ang anak mo at may kasama nanamang ibang lalaki. Ano na naman ang sasabihin ng mga tao? Hindi ka ba nahihiya sa mga naririnig mo?" Turan ng ina na ngayon ay sa ama na niya nakaharap. Natatakot si Maine na baka atakihin ang ama dahil sa pangyayaring ito.

"Dati si Dirk, tapos yung co-teacher niyang lalaki tapos meron pang isa pa na sa kung saan-saan niya lang dinampot tapos eto na naman ngayon? Aba! Hindi na yata teacher itong anak mo eh, kundi hustisya!" Bahagyang tumaas ang boses ng ina. Napapikit si Maine. Hostess siya ang ibig sabihin ng ina.

Hindi alam ni Jackee kung saan ilalagay ang sarili sa mga lumalabas sa bibig ng nanay ng kaibigan. Pati tuloy si Doc Alden, na-trap na rin ito sa pagitan ng ina at anak. Nakikinig lang silang pareho ng tahimik kahit gustong-gusto na ni Jackee ang sumabat pero iniisip niya ang kaibigan, pinandilatan na siya nito. Ibig sabihin tumahimik siya.

"Ate Minda, tama na." Saway ng hipag. "Napatunayan na nating lahat na puro lang yun gawa-gawa at siguro naman hindi ganyan kababang-uri ang anak mo." Dugtong pa nito. Napatingin si Maine sa Tita Lorie niya. Iba ang himig na kinakanta nito ngayon. May nangyari ba na hindi niya alam habang wala siya sa sirkulasyon ng pamilya niya?

"Tumahimik ka, Lorie. Anak ko ito at alam ko kung kelan ako maniniwala sa mga pagpapatunay na yan." Napailing si Maine na nangingiti sa sarili.

Marami siyang inang nakilala sa anim na taon ng kanyang pagtuturo. Ni isa man doon sa mga inang yun ay hindi niya nakitaan ng katangian ng ina. Tunay na namumukod tangi ito sa lahat.

"Minda, isa na lang." Saway ng ama. Umirap lang ito.

"Wag mo akong takutin ng numero, Nicolas. Wag mo akong bibilangan." Sagot naman nito. She's unreasonable. Sambit ni Maine sa sarili.

"Akala ko po ba, Ma, ang restaurant na ito ang nag-iisang lugar na hindi kayo magiging ganyan? Akala ko ba may respeto ka sa mga Lolo at Lola kaya ginawa mo itong sangktuwaryo? Anong nangyari, Ma? Paano na ang mga parokyano n'yo?" Hindi alam ni Maine kung saan niya kinuha ang tapang na yun. Sanay na siya sa pananalita ng Mama niya, dati na nitong ginagawa ang mga ganitong salitaan pero ni minsan ay hindi nito ginawa yun dito.

"Minda, let's go back to our table." Saway ng Papa niya. "Let them eat, we talk later." Dugtong nito. Sinenyasan siya ng ama na umupo. Ngumiti siya dito at umupo na ganun din sila Doc Alden at Jackee. Hindi na niya pinansin pa ang mga masamang titig ng ina sa kanya.

Hindi pa man nag-iinit ang puwit nilang pare-pareho sa kanilang kinauupuan, siya namang kita nila sa papasok na Dirk at Vanessa. Ina-usher ang mga ito ng isang waitress sa di kalayuan. Natulala na si Doc Alden. Pinisil niya ang braso nito kaya napayuko na lamang ito.

Naiinis si Maine dahil may iba na pala si Dirk ay bakit hindi pa nakipaghiwalay sa kanya. Bakit hinayaan pa nitong magpatuloy sila sa relasyon na ganito. Bigla ay pumasok sa isip niya ang sinabi ni Jackee sa kanya nung nakaraang linggo.

"Jackee, saan mo nga ba nakita si Dirk last week?" Tanong niya.

"Sa BGC. Bakit?" Umiling si Maine.

"Nothing." Sagot niya. Nilingon niya si Dirk at ang kasamang babae.

"Siya yung sinasabi ko sa iyo na hindi mo pinakinggan." May himig pagmamaktol na turan nito.

Bahagya niyang nilingon ang dalawa. Parehong walang pakialam ang mga na naglalampungan pa habang si Doc Alden naman ay nagngangalit ang bagang ng kalilingon sa kabilang lamesa.

Wala sa loob na muling hinawakan ni Maine ang braso ng binatang duktor. Napalingon ito sa kanya. Nakita niya ang galit, sakit at ang pamumula ng mga mata nito na parang maiiyak. Bahagya itong ngumiti sa kanya na hindi man lang umabot sa labi nito. Alam na kaagad ni Maine na nagpipigil lang ito ng nararamdaman.

"Do you want us to leave now?" Tanong niya dito. Umiling ito.

"No. I'll be okay. I need to get myself used to seeing Vanessa with someone." Mahina at madiin nitong sabi.

"Okay. If that's what you want." Malambing niyang sagot. Mabilis siyang nilingon ni Doc Alden.

"Are you not hurt? He cheated on you with my fiancée... I mean EX-fiancée." Napailing si Maine dahil bahagyang tumaas ang boses nito at bahagya pang pumiyok. Hindi naman narinig ng kabilang lamesa o talaga lang na walang mga pakialam ang mga talipandas.

"I know he was cheating on me." Sagot niya, nakatitig ito sa mga mata niya. "But I am not going to let myself wallow about it." Turan niya. Pumihit paharap si Doc Alden sa kanya.

"How do you do that?" Tanong nito. Tahimik lamang si Jackee na nakikinig sa kanila habang kinakalikot nito ang sariling cellphone.

"How do I do what?" Tanong niya. Hindi kaagad nakasagot si Doc Alden dahil dumating ang waiter na may dala ng pagkain nila. Kasabay din nitong dumating ang inumin nila.

"Thank you, Julz." Pagpapasalamat ni Maine. Natigilan ang waiter.

"Naalala n'yo po ako?" Masaya nitong tanong.

"Oo naman. Bakit naman hindi. Ilang taon lang akong nawala pero hindi ibig sabihin kasama doon ang alaala ko." Talagang malambing si Maine kahit na sino pa ang kausap niya, bagay na minahal sa kanya ng Papa niya at ikinaiinis naman ng Mama niya at bagay din na kinasasabikan ng lahat sa restaurant.

"Nice to see you again, Miss Maine." Nakangiti nitong sabi. Yumukod ito at umalis agad ito.

Nag-umpisa na lang silang kumain ng tahimik. Sarap na sarap silang tatlo sa niluto ni James na lamb ribs kare-kare na niluto sa beer at sprite. Paborito ito ni Maine dahil original na recipe ito ng Lola niya na itinuro ng matanda sa bunsong anak na si James at sa kanya din.

Magkapatid ang Mama ni Maine at ang head chef ng restaurant na ito na dating pag-aari ng mga magulang ni Veeminda at James, Lolo Jaime at Lola Luz niya. Ang Papa ni Maine na si Nicolas Mendoza ang dating chef ng restaurant na ito, kung saan nagkakilala ang kanyang mga magulang and the rest is history.

Bumalik si Sarah at pasimpleng naglagay ng chocolate macaroons sa lamesa nila at mabilis ding umalis. Natawa si Jackee dahil sa kakulitan ng bunso ng kaibigan, ganun din si Doc. Nagulat ito sa biglang pagsulpot ng dalaga at natawa sa bigla ring pag-alis nito.

Sinundan ni Jackee ng tingin ang dalaga. Nakipag-apir pa ito kay Liza at sabay pang magsibungisngisan.Natutuwa siya dahil parang narexrelax na si Liza sa presensiya niya.

"Ang kukulit talaga ng dalawa mong kapatid." Puna ni Jackee.

"Kahit ganyan yan dalawang yan, mahal na mahal ko yan. Sila lang ang nakakaintindi sa akin." Matapat na sagot ni Maine na nasa mga kapatid ang tingin. Muling natahimik ang lamesa nila.

"Medyo okay na si Liza oh." Puna ni Jackee. Tinitigan ni Maine ng maigi ang kapatid. Nakita niya na maayos na nga ito, hindi na itom mukhang nininerbyos.

"Doc, ano ang specialty mo?" Tanong ni Jackee. Mabilis na lumingon si Doc Alden sa dalaga. Pilit na inaagaw ni Maine ang atensyon ng lalaki sa kabilang lamesa dahil napapatulala ito doon..

"What specialty?" Tanong nito. Natawa si Maine dahil wala ito sa sarili, alam niya yun dahil ganun din siya nitong mga nakaraang mga araw pero ngayon ay hindi na.

"Doc, ayos ka lang ba?" Tanong ni Maine sa binata. Napabuntong-hininga ito at umiling.

"I'm sorry. I can't stand it anymore." Saad nito. Napayuko ito. Halatang pilit na itinatago ang luhang gustong kumawala.

"You really love her huh?" Tanong ni Maine. Laglag ang balikat na mas lalong yumukyok pa ito.

"I tried to forget about her since that day but I can't get her out of my system." Puno ng lungkot ang tinig ng binata. Naawa si Maine at Jackee dito.

"Okay." Marahang ibinagsak ni Maine ang kamay sa lamesa. Gumawa nito ng ingay ngunit hindi naman malakas. "Let's finish this food, and let's get out of here." Saad niya. Mabilis na sumang-ayon ang kaibigan.

Gustong-gusto na ni Jackee na makalayo sa Mama niya. Ganun din si Doc Alden pero hindi dahil sa Mama niya kundi dahil sa dalawang nilalang na walang konsiderasyon sa iba, dahil dito pa talaga pinili ng mga ito maghalikan. Mga bastos!

"Saan tayo pupunta after dito?" Kaswal na tanong ni Jackee. Ngumiti lang si Maine sa kaibigan.

"Sa apartment ko. Tsaka ko na kakausapin si Papa kapag wala si Mama." Mabilis na salita ni Maine.

"Kelan naman yun? Hindi naman naalis sa tabi ni Tito Nick si Tita Very?" Turan ni Jackee. Alam ni Maine yun, kaya nga hahanap siya ng timing eh.

Nag-iwan siya ng dalawang libo sa lamesa at tumayo. Sumenyas siya kay Julz, tumango naman ito. Hinarap niya ang mga magulang nang tumapat sila sa harapan ng mga ito.

"Pa, I'll see you one of these days." Malambing niyang pahayag na hindi man lang tinapunan ng tingin ang Mama niya. Ayaw niya ng gulo at May respeto siya dito kahit na galit ito sa kanya.

"Kahit hindi na, Nicomaine." Maanghang na sansala ng ina. Napanuntong-hininga siya.

"Veeminda! Tama na!" Matigas na saway ng asawa. Nagpaturok pa ito ng mata. Ngumiti si Maine sa ina.

"Nothing's changed huh, Ma? Matigas ka pa rin kahit minsan wala na sa lugar? I'm glad Lola and Lolo passed on already. Ano kaya ang sasabihin nila Lolo at Lola ngayon?" Nakangiti man siya habang nagsasalita ngunit maririnig sa tinig niya ang kinikimkim na sama ng loob sa ina.

"I'll call you, mi'ja." Turan ng ama nang humarap ito sa kanya. "Fue agradable verte de nuevo, mi'ja." Saad ng ama sa informal na spanish na ang ibig sabihin ay "It is nice seeing you again, my daughter".

Ganyan sila mag-usap kaya siguro palaging naiinis ang Mama niya. Hindi siya bihasa sa salitang español dahil hindi naman talaga yun ang salitang alam niya. Napagkatuwaan lang nilang mag-ama na mag-usap ng ganyan nung minsang gusto nitong isurpresa ang Mama niya para sa anniversary ng mga ito na hindi naman natuloy dahil isinugod sa ospital ang Lolo niya. Nagtagal ang Lolo niya doonl kaya na-cancel na lang ang planong yun,

Kahit na tapos na ang panahon na yun ay parang naging habit na nilang mag-ama ang paminsang pag-i-espanyol na kadalasan ay pinagtatawanan nila dahil hindi naman sila sigurado kung tama ba ang mga sinasabi nila, grammatically.

"Adios mi Papa." Paalam niya sa ama at hinalikan ito sa noo. "Bye, Sarah. Bye, Liza." Paalam niya sa mga kapatid na ngayon ay nakaupo nang kasama ng mga magulang at tiyahin. Kumaway siya sa tiyahin at maingat na lumakad.

Nahagip ng kanyang paningin ang matalim na tingin ng ina, napailing siya. Nadaanan niyang nakamasid lang si James sa kanila. Kinawayan niya ito at tinapunan ng isang flying kiss. Natawa siya ng kunwari ay sinalo nito ang halik niya at inilapat sa pisngi nito..

"Paano na si Kuya Dirk?" Pagbulong ni Liza. Humabol pala ito sa kanya. Hindi siguro nito napansin ang pagpasok ng mga ito kanina. Matamis na ngumiti si Maine sa kapatid bago ito inakbayan.

"Dahil hindi ako pumayag sa gusto niya," Bungad niyang sagot. "Ayun o." Sabay turo sa naglalampungang Dirk at Vanessa sa isang sulok.

"Ang babastos! Oh my gosh, Ate!!!"









__________
End of WHC 6: Forgiven

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just say Hi. Don't forget tap the 🌟 to vote, and let's share the story with your friends for some good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
02.23.20

When He Cries
©All Rights Reserved
February 16, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro