WHC 5: Pagkikita
"Menggay!" Gulat na sambit ng chef. "What are you doing here?" Tanong nito sabay lingon sa entrada ng restaurant lobby na parang may hinahanap at halatang kinakabahan.
"Hi, Tito James." Bati ni Maine sa Main Chef ng resto na tiyuhin niya rin. Inakap niya ito ng mahigpit.
"I miss you, Tito. Nandiyan ba sila?" Sabay bulong ni Maine kay James. Malungkot na tumitig ito sa kanya bago ngumiti, ngiting hindi umabot sa mga mata nito.
"Nandun sa dating lamesa, kompleto sila." Sabi nito na tinutukoy ang kung sino.man yung nasa labas. Pabuntong-hiningang sagot nito sa kanya. "Nandiyan din ang Tita Lorie mo." Tuloy nito sa asawa. Napahugot si Maine ng malalim na paghinga parang pinipilit na kalmahin ang sarili at muling inakap si James.
"Thank you, Tito James." Matipid siyang ngumiti, hinalikan ito sa pisngi at muling humugot ng malalim na paghinga. "We're going inside. Pakihanda na lang po nung usual kong ino-order. For three po sana, Tito." Tumango naman si James na may ngiti sa labi. Ngayon, bahagyang umabot na sa mga mata nito.
"Welcome back, Menggaynita." Wika nito. Mas lumapad na ang mga ngiti ni James ngayon. "Go ahead, I'll make your lunch." Ngumiti siya. Tinapik pa siya nito sa balikat bago siya humarap sa direksyon ng lobby.
Gusto umatras ng mga paa ni Maine sa sobrang kaba. Nag-aalinlangan siyang pumasok, hindi niya kasi alam kung anong mangyayari mamaya. Abot-abot ang kanyang kaba, pero kung hindi niya lalakasan ang loob niya ngayon, hindi na niya kakayanin muling harapin ang mga ito. Hindi niya maipapakita sa mga ito ang pagsisisi, ang pagtalikod sa mga ito ng hindi sinasadya.
Muli siyang humugot ng malalim na paghinga. Pinupuno niya ng hangin ang kanyang baga dahil kung, pakiramdam niya ay kakapusin siya ng paghinga.
Napansin siguro ni Doc Alden na parang gusto niyang kumaripas ng takbo pabalik ng parking lot kaya ginagap nito ang kamay niya, napapitlag siya. Milyong boltahe ng kuryente ang gumapang sa buo niyang brasomula kamay nito. Nilingon niya ang binatang kakikilala pa lang.
Nagkatitigan sila na parang nagkakaunawaan bago matipid itong ngumiti sa kanya at bahagya pang yumukod. Tanda ng pagpapalakas ng loob. Sumikdo ang puso niya sa ginawa ng binata. Pakiramdam niya ay nakakuha siya ng bagong lakas mula dito at kakampi.
Hayun pa man ay nalilitong nilingon ni Doc Alden si Jackee. kahit pa nakahawak ang kamay niya kay Maine ay gusto nitong malaman ng kahit kaunti ang napasok niyang senaryo. Bahagyang ngumiti si Jackie sa kanya na parang alanganin.
"What is going on?" Pabulong nitong tanong kay Jackee.
"I'll explain later, Doc. Sumakay ka na lang sa gagawin ni Maine, please." Pakiusap ng dalaga. Hindi man sigurado ay tumango si Doc Alden. Determinado itong tulungan ang bagong kaibigan.
Nakasunod lang si Jackee sa kanila na abot-abot din ang kaba at dasal dahil hindi nito sigurado kung ang nasa loob ng resto na yan ay matutuwa ba o magagalit na nandito ang kaibigan.
Takot si Jackee sa kung ano ang mangyayari at nangangamba na baka maulit ulit ang nangyaring gulo noon.
Kanina lang, ang pakay ni Doc Alden ay bawiin ang pinakamamahal na fiancee. Nawala siya sa focus nang mapag-alaman niya na ang taong umagaw sa mapapangasawa ay may kasintahan palang niloloko at ngayon nga ay nandito siya sa gitna ng kung anong hindi siya sigurado.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi alam.ng isang Dr. Richard Alden Faulkerson ang nangyayari.
Lahat ng bagay sa buhay ni Doc Alden ay nakaplano na naka numero lahat dahil yun ang kailangang gawin, at least may kontrol siya sa mga bagay na yun. Hindi niya pwedeng gawin ang number 3 kung hindi pa niya nagagawa ang number 2 dahil hindi pa tapos ang number 1. Pero sa mga nangyayari ngayon, he is acting out of his norm. Simula ng ginago siya ni Vanessa ay nawala na ang normal para sa kanya. Nalilito at natatakot siya.
Simula ng mamatay ang mga magulang sa aksidente, hindi niya yun napigilan, nawalan siya ng kontrol sa mga bagay na dahilwala siyang nagawa kundi ang umiyak at magmukmok.
Simula noon hindi na niya hinayaang mawalan pa ng kontrol sa kahit na anong bagay, kahit na noong sila pa ni Vanessa.
Everything has to be according to the plan, his plan. The course he took, he planned that. How long it will take him, he planned that, too.
His courtship with Vanessa, he planned that really well. When will she actually accept him? He planned that more. The vacations, the travel they took, it was all in his plan.
His proposal was planned long before him and Vanessa became a couple. All the surgery procedures he performed are well planned, from the assisting physicians to the nurses, to the anesthesiologist and even his breathing is planned. That's how he is... or was.
Today, he wasn't sure anymore and he is not liking it but he can't leave yet.
"Okay. I hope I won't regret this." Saad ni Doc Alden. Ngumiti si Jackee dito.
"Don't worry. You won't, promise." Nagpakita ng mapagpaumanhing ngiti si Jackee at sumenyas kay Doc Alden na lumakad na para matapos na ito.
Pagpasok na pagpasok nila sa loob ay nagkatinginan ang mga waitresses at waiters na nakakakilala kay Maine pati na rin ang kahera at ang receptionist. Biglang natahimik ang buong restaurant sa pagdating niya. Lahat ay nakatuon sa kanya at lalaking kahawak kamay niya.
Napansin siguro ng mga nakapila ang kapatl ng tensyon dahil maging ang mga ito ay napatignin din sa direksyon ng tinitingnan ng mga ito na naging dahilan kung bakit napatigil ang mga ito sa kani-kanilang ginagawa. Nakaramdam ng pag-aalangan ni Maine. Pinisil ni Doc Alden ang kamay niya. Napalingon siya dito at kinakabahang ngumiti.
"Ate Meng?!" Gulat na sambit ng nasa kaha. Kinakabahan man ay ngumiti siya dito.
"Hi, Liza." Malambing niya itong binati. Ngumiti rin siya dito.
"Ate Maine, kakain kayo?" Tanong ng isa pa.
"Hindi sila kakain, Sarah." Pamimilosopo ng dalagang tinawag niyang Liza. Nginitian niya ito bago pa siya nagsalita.
"Yes, Sarah, kakain kami." Sagot niya sabay lingon sa mga kasama niya. "May bakante pa ba?" Tanong niya kay Sarah.
"Para sa 'yo Teh, palaging meron." Naluluhang saad ni Sarah. Hindi nakatiis kaya sinugod siya nito ng yakap at tuluyan na itong naiyak. "I miss you, Ate." Dugtong nito.
"I miss you, too." Saad ni Maine. Mas hinigpitan niya ang yakap dito. Para siyang kinakapusan ng hininga.
"Ate Maine, anong ginagawa mo dito?" Lakas-loob na tanong ni Liza.
"Kakain." Maikling at diretsong sagot ni Maine kahit na kandabuhol na ang paghinga niya sa sobrang kaba.
"Alam ko yun, pero bakit dito?" Napakunot ang noo ni Maine na sinalubong ang nagtatakang kapatid.
"Bakit naman hindi?" Wala sa loob na tanong ni Doc Alden, hindi na kinaya ang pananahimik sa gilid ni Maine. Napalingon dito si Liza at alanganing napangiti. "This is a restaurant, right?" Dugtong pa nito na ikinataranta ni Liza.
"H-hindi naman po. N-nagtataka lang po kami." Nauutal na sagot ni Liza.
"Bakit ka nagtataka, Ate Liza? Dati naman nang ginagwa ni Ate yan dati ah." Mahinahon may anghang na saad ni Sarah. Halata mong pagkairita. Nagkatinginan si Maine at Doc Alden. Kay Maine, ay puno ng paghingi ng paumanhin, kay Doc Alden naman ay mapang-unawa.
"Kung ayaw mo namang dito kami kakain ng Ate Maine n'yo, pwede rin naman kaming umalis at maghanap ng ibang lugar." Muling pagsali ni Doc Alden sa usapan ng magkakapatid.
Naiinis siya sa sarili dahil hindi naman siya kasali sa kung anong meron ang pamilya ni Maine na kaninang umaga niya lang nakilala pero ito siya at nakapagitna. Nilingon nito si Jackee, napakibit-balikat na lang ito at alinlangang ngumiti.
"H-hindi naman po sa ganun." Alanganing sagot ni Liza. "We, I mean I, I was just curious." Dugtong ni Liza. Nagtataka kung sino ang gwapong kasama ng nakatatandang kapatid.
"Do we have a seat or not? Nagugutom na kasi itong dalawa. Kapag hindi sila nakakain in time, baka bumaba ang blood sugar nila and worst, mahimatay pa sila." Seryosong saad ni Doc Alden. Napanganga si Liza.
"Meron po, Kuya." Mabilis na sabat ni Sarah. "May usual table po ang Ate na walang ibang gumagamit kahit na bising-bisi ang resto." Bibo itong sumabat sabay irap kay Liza.
"Sarah!" Mahinang saway ni Liza sa bunso nila.
"What? Like the world is going to crumble kapag nakita siya ni Mama." Mataray na saad ng bunso. "
"Sarah, Mama won't be happy. Kailangan nating ipaalam muna sa kanya na nandito si Ate." Hayagang sagot ni Liza.
"Paano naman si Papa?" Sagot nito na hindi na naitago ang iritasyon sa nakatatandang kapatid.
"Baka magalit na naman si Papa." Natatarantang saad ni Liza.
"Ewan ko sa iyo. Si Mama lang naman ang maarte eh." Sabi nito sa mababang boses.
"Tama na. Hindi habangbuhay akong lalayo at tatanimik dahil sinabi ni Mama. Hangga't walang sinasabi si Papa, balik at babalik ako para sumubok na makausap siya a tanggapin uli ako." Mahinahon na sa turan ni Maine sa mga kapatid. Inirapan ni Sarah si Liza.
Bata pa lang sila ay ganito na si Liza. Siya ang panggitna sa tatlong magkakapatid at lahat ng gagawin nito ay kailangan ng pagsang-ayon ng mga magulang.
Si Sarah naman kabaligtaran ni Liza. Mas gusto pang gawin ni Sarah ang dapat na gawin, tama man o mali, bago ipaalam sa mga magulang. Rason nito, mas madaling humingi ng patawad kesa makipagtalo habang nagpapaalam.
Katulad ni Maine, hindi naman ito lumalampas sa mga gawaing ikagagalit o ikawawala ng tiwala ng mga magulang, maliban na lang nitong mga nakaraang taon. Wala siyang ginawang tama para sa pamilya.
Iba naman ang kaso ni Maine. Umibig lang siya at hindi yun sinang-ayunan ng ina sa bandang huli at dahil mahal ng Papa nila ang Mama nila kaya umayon din ito sa asawa, na siyang naging dahilan ng pagkakaatake nito sa puso dahil mahal na mahal siya ng Papa niya. He was torn and eventually broke his heart, medically.
"Si Papa ba talaga ang nagagalit kay Ate o si Mama lang? Grow some bones, Ate Liza." Saad nito sabay irap sa kapatid.
Alam ni Maine na ayos lang sa Papa niya ang naging desisyon niya pero iba na ang usapan kung Mama niya na sangkot. Hindi matapobre ang Mama ni Maine, wala lang talaga itong makitang karapat-dapat sa anak lalo na nung malaman nito ang mga simpleng ginagawa ni Dirk sa kanya na nung una ay ay hindi niya nakikita. Sa madaling salita, hindi pasado sa standard nito ang mga nanligaw, manliligaw at ang naging boyfriend niya.
"Sarah, wag ganyan. Ate mo pa rin si Liza." Saway ni Maine sa bunso nila. Ngumuso lang ito.
"She should act like one then." Pabulong nitong sabi. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa dalawa habang wala siya, pero isa lang ang nahing konklusyon niya, hindi nagkakasundo ang dalawa.
"It's okay, Liza. Ako ang haharap kay Mama." Ngumiti siya ng mapagmahal sa kapatid. Ngumuso ito na parang naiiyak, tumango at hindi na kumibo. Nagpaiwan ito sa kaha habang hila-hila naman ni Sarah ang Ate Maine niya. Nakasunod lang si Doc Alden at Jackee sa magkapatid.
Walang nagawa si Doc kundi bitawan ang kamay ni Maine. Hindi niya alam kung bakit parang nanghihinayang siya. Bandang huli ay ipinagkibit-balikat na lamang niya yun,
"Nadaanan nila ang lamesa na may nakaupong may katandaang lalaki at babae at may kasama dingmagkapareha na kaedad ng mga ito. Napatulala ang mga ito nang mahagip siya ng paningin ng dalawa. Ang isa ay may galit sa mga mata at tampo, ang isa naman ay galak, saya at pagkasabik na makita siya.
Nagtuloy-tuloy lang si Sarah sa paghila kay Maine at tuloy din lang sa pagsunod ang dalawa. Hindi nito alintana ang talim ng titig ng ginang.
"Ay Ate, nasabi mo na ba kay Tito James ang order mo?" Tanong ni Sarah. Ngumiti lang si Maine sa kapatid at inakap ito ng mahigpit.
"Na-miss kita ng sobra." Matapat na turan ni Maine. Naiiyak siya ngunit pinipigil niyang tumulo ang luha dahil kung hindi, siguradong magkakalat siya doon.
"Na-miss din kita. Wala nang nagpapaalala at nag-a-advise sa akin araw-araw. Hindi ko naman maasahan si Ate Liza dahil takot kay Mama yun. Hindi ka kami masyadong makalapit kay Papa ngayon dahil hinaharang ni Mama. Baka daw magkasakit uli si Papa." Mahina nitong pagsusumbong. Hinaplos ni Maine ang likod ng kapatid. Mas ngayon niya kailangang pigilang pumatak ang luha. Nakagat niya ang pang-ibabang labi, pagkatapos ang huminga ng malalim para kalmahin ang sarili.
"Sige na. Bumalik ka na doon. Ako na ang bahala dito." Malambing na utos ni Maine kay Sarah. Nakatitig lang si Doc Alden sa paglalambingan ng magkapatid. Napangiti siya. Naalala niya ang mga pinsang niyang si Dianne at Stephie.
Humalik muna si Sarah sa pisngi ni Maine. Ngumiti ito ng matamis kay Jackee at umakap din. Kumaway naman si Kay Doc Alden.
"Ang pogi ng bago mong boyfriend, Ate." Bulong nito na ikinapamula ng mukha ni Maine hindi kasi niya sigurado kung narinig ba ito ng binata.
"Sarah, kakikita lang natin, makukurot na agad kita!" Pabulong na singhal niya sa kapatid. Bumingisngis lang ito at nagmamadaling umalis. Naiwan silang tatlo.
"Upo na tayo." Saad niya. Umupo naman kaagad si Jackee pero si Doc Alden ay nakatayo pa rin. Nakita niyang parang wala itong pakialam na inukupa ang buong upuan at hinarap ang cellphone. Wala siyang nagawa kundi ang umusod para makaupo ito sa tabi niya.
"Ikaw na muna ang umupo." Sabi ni Doc Alden. Nagpaunlak naman kaagad siya at umusog ng upo. Hindi pa man nakakaupo si Doc Alden sa tabi niya ay may lumapit na sa lamesa nila.
"Bakit ka nandito?!"
__________
End of WHC 5: Pagkikita
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just say Hi. Don't forget tap the 🌟 to vote, and let's share the story with your friends for some good vibes. CTTO Media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
2.20.20
When He Cries
©All Rights Reserved
February 16, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro