Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

WHC 3: Doc

UNEDITED

Lumiko siya sa kantong papasok sa lugar kung saan ang apartment ni Dirk. Biglang napaapak si Maine sa kanyang preno. Gulat at hindi makapaniwala nang masino ang kanyang nakita.

"Doc?" Pabulong niyang sambit.

"Maine! Ano ba ang nangyari?" Kinakabahang tanong ni Jackee.

Hindi kaagad kumibo si Miane. Nakatitig lang si Maine sa kung saan natuon ang atensyon nito. Hinanap ni Jackee kung saan nakatingin si Maine.

Nakita ni Jackee na may kayakap itong maganda at seksing babae at may papalapit na lalaki. Biglang sinuntok ng lalaking bagong dating si Dirk.

Mabilis na ipinark ni Maine ang kanyang kotse at patakbong lumabas. Nagulat si Jackee kaya lumabas na rin ito ng kotse at humabol kay Maine. Mabilis na humarang si Maine sa pagitan ng lalaki at ni Dirk.

"Stop! Stop!" Sigaw niya habang nakakapit sa lalaking sumuntok kay Dirk.

"Hayop ka!" Sigaw ng lalaki. Galit na balit ito. Nanlilisik ang mga matang nakatuon kay Dirk habang si Dirk naman ay parang nakakalokong nakaitngin.

"Love! Love! Hayaan mo na siya. Bitter lang yang si Alden dahil ako nakipaghiwalay sa kanya." Saad ng babae. Nagpanting ang tenga ni Maine sa narinig. Dahan-dahan niyang hinarap ang dalawa.

"Love? Kelan pa, Dirk?" Kalmadong tanong ni Maine. Hinahanap niya sa kanyang puso kung nasasaktan ba siya o hindi. Hindi naman pero ang pride niya ang napuruhan.

"Maine, let me explain..." Tsaka pa lang napansin ni Dirk na naroon si Maine. Biglang naging maamo ang kaninang mukhang demonyo nitong porma.

"Love, sino siya?" Tanong ng babae. Salitan niyang tinitingnan si Dirk at Maine.

"Wow. Ang girlfriend at ang kabit sa wakas ay nagkita na rin." Sabat naman ni Jackee

"Kabit? Ano ang ibig niyang sabihin Dirk? Are you cheating on me?" Tanong nito na naiiyak. Parang nataranta naman si Dirk.

"No, baby. I am not. I'm not cheating on you." Mas natatanta pa si Dirk sa pagpapaliwanag. Mapait na napatawa si Maine, maging ang lalaking nanuntok kay Dirk.

"He's right, Miss. He's not cheating on you, he is cheating with you." Si Jackee ang mabilis na sumagot. "You see, Jerk and Maine here have been dating for over five years. And Mr. Jerk has isolated my bestfriend from her whole family and friends, except me, so he can stick his dick in my bestfriend's pant but my bestfriend says no." Ever since then he had put a tight leash on Maine, had her all on a strict schedule that would only work in his favor." Hindi na napigilan pa ni Maine ang kaibigan. Napapikit na lamang siya ng mariin. Hindi niya napansin na napahawak pala ng mahigpit sa kamay ng lalaki.

"Jackee! You better shut your mouth!" Singhal ni Dirk.

"What? What are you going to do if I don't?" Mapang-asar na tanong ni Jackee. Sinasagad niya talaga ang pasensiya ng hambog na boyfriend ng kaibigan.

"Stop it, Besh. We're done here." Saad ni Maine.

"Nicomaine! You are not going anywhere!" Madiin na sabi ni Dirk. Mapait na napangiti si Maine.

"Or else, Dirk?" Matapang niya itong hinarap. "You will tell everyone that you are done with me? Na nilaspag mo na ako kahit ni dulo ng daliri ko ay hindi mo nagalaw? Tapos pupuntahan sila Mama at Papa na isa lang akong basura kaya itinapon mo ako? Iniwanan? Ibinasura?" Natawa siya sa sarili. "Go ahead, Dirk. Pakialam ko kung sisirain mo ang pangalan ko. At least ngayon may mga witnesses na ako." Kalamdao niyang dugtong.

"Sige. Umalis ka. Wala ka nang mapupuntahan. Wala ka na ring babalikang trabaho. Isang salita ko lang tanggal ka na." Balik ang anyo demonyo nitong aura. Napailing si Maine.

"Sandali. Diyan ka lang." Umalis siya at mabilis na pumunta sa kotse niya. Dumukwang siya sa loob at kinuha ang binder ni Dirk. Mabilis din siyang bumalik sa harapan nito. Isinalya niya ang binder sa dibdib kasintahan.

"Yan ang lesson plan mo. Simula ngayon, ikaw na ang gagawa niyan." Matapang niyang saad. Hindi man lang siya kumurap.

"Hindi mo ito pwedeng gawin sa akin. Hindi pa tayo tapos." Matiim at mayabang pa rin nitong tugon.

"Anong hindi pa kayo tapos?!" Galit na tanong ng babae.

"Don't worry Miss, hindi man siya tapos, pero kami tapos na." Matapang na sabi ni Maine sabay hablot sa kamay ng lalaking nanuntok kay Dirk. Wala naman itong nagawa kundi ang magpatianod.

"Dirk, wag na wag mong guguluhin ang kaibigan ko kahit kelan kung ayaw mong ikaw ang mawalan ng trabaho." Matiim at mataray na sabi ni Jackee. Iwinagayway pa nito ang cellphone sa harap ni Dirk. "Konting pagkakamali mo lang, ipapadala ko ito sa superintendent." Pagtatapos ni Jackee.

"Miss, pwede ba umalis na kayo, nakakagulo lang kayo sa amin ng fiance ko." Maarteng sabi ng babae. Tinitigan ito ni Jackee.

"Fiance? Isaksak mo sa baga mo yang asshole na yan, tutal mukhang pareho lang kayong dalawa. Birds of the feather." Nakakainsultong ngumiti si Jackee. "Tandaan mo, Jerk, wag na wag ka nang lalapit pa sa kaibigan ko. You did this to yourself, douchebag." Tinalikuran na ito ni Jackee matapos sabihin ang huling kataga.

Naiwang magkasalubong ang kilay si Dirk kasama ang babae.

"MAINE, okay ka lang ba?" Tanong ni Jackee pagkatapos nilang mag-park sa gilid na kalsada sa harap ng simbahan.

"Yeah, okay lang ako." Mahina niyang sagot.

"I'm sorry, Maine. Dapat noon ko pa sinabi sa iyo na niloloko ka lang ni Jerk." Natawa si Maine sa pangalang itinawag ni Jackee sa dating kasintahan.

"Noon pa man ramdam ko na may kakaiba sa kanya. Ramdam ko na may iba na siya simula nung magkabalikan kami, pero binabalewala ko lang." Matapat niyang sagot. Pinisil ni Jackee ang kamay niya.

"Alam mo na noon pa, eh bakit hindi mo na siya hiniwalayan kaagad?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jackee sa kanya.

"Tanga nga p, di ba?" Maikli niyang sagot. Mapahabikhik si Jackee.

"Grabe ka sa sarili mo besh." Mapang-unawang saway ni Jackee sa kaibigan. "Wag ganun Maine. You are smart, hindi ka tanga. Kasi kung tanga ka, pumayag ka na sana sa gustong gawin ni Dirk nang hindi pa kayo ikinakasal." Pagpapatuloy ni Jackee.

"Hayaan mo na. Tapos na." Saad ni Maine. "Tara. Simba na tayo." Dugtong pa niya.

"Okay, let's go." Mabilis na sabi ni Jackee.

"Teka. What am I going do here?" Pareho pa silang nagulat sa biglang pagsasalita ng isang lalaki sa back seat. Sabay nila itong nilingun.

"Doc??!" Sambit ni Maine.

"Sino siya?" Tanong ni Jackee.





__________
End of WHC 3: Doc

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just say Hi. Don't forget tap the 🌟 to vote, and let's share the story with your friends for some good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
02.19.20

When He Cries
©All Rights Reserved
February 16, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro