WHC 2: Discovery
Maaga pa lang ay gising na si Maine. Nasa banyo na siya ngayon at naliligo. Patapos na siya nang may marinig na naman siya mula sa kabilang unit.
“You’re a heartless temptress! I gave you everything, lolokohin mo lang pala ako!” Tapos sinundan ng pag-iyak. Unti-unting pinatay ni Maine ang shower para mas lalong mapakinggan ang kapit-apartment niya.
“Sino ba talaga ang taong ito? Bakit kaya parang ang tindi naman ng sakit na inabot niya?” Pabulong-bulong na tanong ni Maine na alam naman niyang hindi yun masasagot. "Napaka miserable naman yata ng buhay nito." Dugtong pa niyang iiling.
Isang malakas na paghagulgol at paghikbi ang nagpabakik sa kanyang sa kasalukuyang pakikinig. Pakiramdam tuloy ni Maine ang tsismosa niya dahil ang nipis-nipis ng dingding na pagitan nila ng kakapit-apartment niya.
Kakausapin niya si Jackee mamaya. Itatanong niya dito kung gaano ba kakapal ang bawat dingding sa apartment ng mga magulang nito para marinig niya pati ang paghikbi ng kakapit-apartment niya.
Lumabas siya ng shower at nagpatuyo na ng buhok at ibinalot ito sa tuwalyang ginamit. Kumuha din siya ng panibaging twalya na ipinampunas sa katawan at itinapis sa sarili bago bumalik sa kwarto niya.
Sa harap ng salamin ay tinitigan niya ang sarili. Nagulat pa siya ng mapansing wala siyang dark circles na palagi niyang nakikita na itinatago na lang ng concealer at parang ang haba ng naitulog niya kanina kahit na ala-una na siya nakatulog at alas singko naman siya nagising ngayon.
Ipinagkibit-balikat na lamang niya ang napansin sa sarili at nagtuloy sa paglalagay ng lotion sa katawan. Ginawa na niya ang dapat niyang gawin bago isuot ang pangsimbang damit, simpleng bistida na may maliliit na bulaklak.
Bago siya tumuloy magsimba ngayon, plano niyang idaan kay Dirk ang binder nito para ito na ang gagawa ng sariling lesson plan mula ngayon at hindi na siya. Alam niyang nag-iinarte ito pero tama si Jackee, it's about time na ibigay niya sa sarili ang oras na para sa kanya lang.
Naisip niya na tama nga si Jackee, nagmumukha na siyang tanga dahil sa pag-ibig niya kay Dirk na kung tutuusin ay matagal nang tumalon ito sa bintana kasama ang lahat ng sama ng loob niya sa mundo na walang basehan.
Nakasanayan na lang siguro niya ang presensiya ng binata kaya kahit na parang one-sided lang pagmamahalan nilaung ay kung May side pa nga ba ang pag-iibigan nila ni Dirk. Maaari din sigurong naging komportable na lang siya na sabihing boyfriend niya ang binata.
Matapos magbihis ay tinawagan niya kaagad si Jackee na inabot ng sampung taon bago ito sumagot sa kanya.
"Ang Tagala sumagot?" Patutsada niya dito na ibinungisngis lang naman ng dalaga.
"Gadali guid?" Pagtataray naman nitong sagot na ang ibig sabihin ay "nagmamadali talaga?" Nagpatuloy ito sa pagbungisngis na ikinahawa niya.
“Besh, dadaanan kita mamaya, sabay tayong magsimba.” Pambunga pd niya dito na wala man lang pa-good morning sa kaibigan.
“Ay, tinakasan siya ng good manners and right conduct?” Balik-bati nito sa kanya na ikinabungisngis niya. “Good morning to you, too.” Patutsada nitong sabi na ikinatawa niya.
“Ewan ko sa’yo. Ang daming sinabi?” Natatawa pa rin sagot ni Maine. “Mag-ready ka na nga, gagawa lang ako ng kape ko tapos aalis na rin ako.” Dugtong niya.
“Pwedeng gawan mo rin ako ng famous chocolate coffee mo na may raspberry flavoring?” Malambing nitong sagot. Alam niyang yun ang paborito ni Jackee, pero kapag ito ang gumawa ay nagrereklamo itong hindi ka-lasa ng gawa niya.
“Oo na po. Sige na, magbihis ka na.” Pagdi-dismiss niya dito.
“Nung isang taon pa po ako bihis.” Papilosopo nitong sagot.
“Ganun ba? Eh di maligo ka uli, isang taon ka nang mabantot.” Pang-aasar niya sa kaibigan.
“Pilosopa!!” Singhal nito sa kabilang linya na ikinatawa niya ng malakas.
"Nauna ka tapos ikaw itong pikon?" Napalakas ang tawa niya. Pinatay na niya ang tawag nang hindi na siya sinasagot pa ng kaibigan.
Ipinasok niya sa kanyang bag ang cellphone, binitbit ito pati na ang binder ni Dirk at lumabas ng kwarto diretso ng kusina para ipagtimpla din ng kampi ang maarte niyang kaibigan
Natigilan siya nang marinig ang pagbukas ng pinto sa kabilang unit. Nagmadali niyang dinampot ang maliit na bag ng basura na kagabi pa niya inihanda para diretso tapon paglabas niya ng unit niya at mabilis na tinungo ang pinto. Pasimple niya itong binuksan na parang wala lang.
Pagbukas niya ng pinto, sinalubong siya ng katahimikan. Nagpalingon-lingon siya sa paligid. Walang tao. Isasara na sana niya ang pinto nang mahagip ng paningin niya ang likurang bahagi ng isang tao na papunta sa malaking dumpster nila malapit sa bunga ng complex.
Lumabas siya at sinipat ito. May kataasan ito pero hindi naman gaanong mataas. Maputi at maganda ang gupit ng buhok. Malinis at may dating kahit likod at batok lang ang nakikita niya. Ganito pala ang ginagawa ng mga tsismosa? Natawa tuloy siya sa sarili.
Pasimple niyang isinara ang kanyang pinto. Bitbit ang maliit na plastic bag ng basura ay naglakad siya patungo sa direksyon ng dumpster nila kung saan kung nasaan ang lalaki. Tahimik niyang sinundan ito nang hindi napaghahalataan.
May dala-dala malaking black bag ng basura ang lalaki na mukhang puno ito ng kung anong kalat na nagmula sa loob ng bahay nito.
Ibinaba nito ang bag panandalian at binuksan ang dumpster at tahimik na dinampot ang bag at maingat na inilagay ito si loob ng dumpster. Tumalikod na ito pagkatapos. Siya namang pagtaas ng tingin nito at nagkahulihan sila ng titig.
Napahinto si Maine at mukhang natulos sa kanyang kinatatayuan ngunit pinipilit niyang maging noal. Ilang sandali pa ay nagbawi naman kaagad ng tingin ang lalaki nilampasan siya nito.
Nang dumaan sa harapan niya ang lalaki ay naamoy niya ang nanunuot sa ilong ngunit banayad na amoy ng pabangong panlalaking gamit nito. Nilingon ito ni Maine ngunit nagpatuloy lang ito ng lakad kaya hinarap na rin ang gagawin niya.
Dahil may kataasan ang bukana ng dumspter, medyo hirap si Maine na mabuksan ito para maitapon ang maliit niyang plastic ng basura. Hindi niya makita yung kahoy na gamit nila na pagtukod.para maiwang bukas habang nagtatapon.
Nagulat na lamang siya nang umangat ang takip nito na parang nilipad ng hangin kaya napatingala siya dito. Nakita ang isang makisig na braso at mahahabang daliri na nakakahawak dito. Sinundan niya kung saan o kanino nakakonek ang mga brasong yun.
Nagulat pa siya dahil ito yung lalaking kani-kanilang ay nagtapon ng isang malaking bag ng basura. Nagmadali siyang itapon ang dalang basura bago magbago ang isip ng lalaki, pagkatapos ay nilingon niya ito.
“Salamat.” Simple niyang sabi na may tipid na ngiti. Tumango lang ang lalaki ng walang ngiti at malalaki ang hakbang na umalis. Naiwan siyang nakatunganga.
Matagal pang nakatayo si Maine sa harapan ng dumpster nila. Nakatitig sa matipuno at may kalaparang likod ng lalaki.
“Ano kayang pangalan niya?” Wala sa loob na nasabi ni Maine.
“Dr. Richard Alden Faulkerson.” Nagising si Maine sa paglalakbay-diwa at biglang napalingon sa nagsalita.
“Tita Joanne, ikaw pala.” Nahihiyang sagot ni Maine sa ginang na kakapit-apartment din niya, sa kabilang side naman. Ngumiti ito ng matamis at mapagmahal sa kanya ngunit kita mo ang lungkot at pag-aalala sa mga mata nito. “Kilala n’yo po siya?” Tanong niya.
Ngumiti muna ito bago tumango. Ilingon ni Aling Joanne ang pintong pinasukan ng lalaki.
“Yes, hija. Kilalang-kilala ko siya.” Mabilis na napalingon si Maine kay Aling Joanne. "Pamangkin ko siya." Dugtong pa nito.
“Pamangkin n’yo?” Pag-uulit ni Maine. Takang-taka talaga siya. Para tuloy siya siraulo na inulit lang sinabi ng ginang.
“Oo, hija. Pamangkin ko siya. Anak siya ng nakatatanda kong kapatid na si Janie. Pareho silang naaksidente ng asawa niya nung na-hijack ang eroplano nila sa New York. Batang-bata pa si Alden noon” Mabilis na kwento ni Aling Joanne.
“Ang sakit naman pala ng nangyari sa kanya.” Pahayag niya. “Kaya ba siya umiiyak sa gabi?” Wala sa loob na nasambit ni Maine.
Bigla ay napaisip siya, maraming taon na ang binilang simula nung tanyag na hijack na yun dahil yung isa pang eroplano ay tumama naman sa Pentagon.
“Umiiyak sa gabi?” Nagtataka nitong tanong kaya napatingin si Maine sa ginang, ganun din ito sa kanya.
“Ay sorry po. I didn’t mean to blurt it out loud.” Paghihingi niya ng paumanhin.
“It’s okay, hija.” Malambing nitong sagot sa kanya. “I will tell you some stories next time pero wag muna ngayon. Magsisimba pa kami ni Romulo ko.” Dugtong nito na May kislap sa mata. Napatuwid ng tayo si Maine. May naalala siya sa sinabi ng ginang.
***“Ay hala. Late na rin po ako sa pagsundo kay Jackee.” Halos mataranta siya sa pagsasalita. “I’ll see you later po, Tita.” Dugtong pa niya na ha.os magkandarapa na sa pag-uwi sa unit niya.
Mabilis niyang ginawa ang kape niya at ang para na rin kay Jackee at mabilis na lumabas ng pinto. Halos magkandarapa pa siya sa pagmamadaling pumasok sa kotse niya.
Ilang minuto lang ay nakarating na siya bahay ni Jackee na nasa kabilang kanto lang naman kaya hindi gaanong kalayuan sa rental property ng mga magulang nito na nasa Italy ngayon.
“Late ka!" Mataray nitong pagsalubong sa kanya. "Nahirapan ka bang gumawa ng kape ko kaya ka na-late? O ma-traffic ka ng bonggang-bongga?” Sarkastikong tanong ni Jackee sa kanya na pinaikutan niya lang ito ng mga mata.
“Na-late ako kasi napakwento pa ako kay Tita Joanne.” Pagrarason niya. Nagsasabi siya ng totoo pero hindi lahat ng totoo. Nagtaas ng kilay ang kaibigan.
“Ayun! Kaya naman pala. Akala ko pa naman natagalan ka sa paggawa ng kape ko, muntik pa tuloy akong nakonsensiya.” Mataray nitong saad. Nailing na lang siya sa kadramahan ng kaibigan.
“Whatever.” Saad niya bago tuluyang tinalikuran ang kaibigan. Pareho na silang nakasakay sa kotse niya.
Ilang sandali lang ay nasa kalsada na sila nang magsalitang muli si Jackee.
“Saan ang punta natin?” Tanong ni Jackee. “Hindi ito papuntang simbahan, Best.” Palinga-linga nitong sabi na akala mo kinikidnap kinikidnap siya ni Maine.
“Ang OA mo, Jackee Lou.” Natatawa niyang saway sa kaibigan. “Dadaan lang ako sa bahay ni Dirk para ibigay sa kanya ang binder niya.” Determinado niyang dugtong.
“Maine, ikaw ba yan?” Mapang-asar nitong tanong. "Lord, ibalik n'yo po ang kaibigan ko!" Nilingon ito ni Maine at inirapan dahil sa kadramahan pinaggagawa nito. Kaagad na ibinalik ni Maine ang mga mata sa kalsada.
“Wag ka nga, Jackee. Pinalalakas ko na nga ang loob ko tapos gianganyan mo pa ako.” Naiirita niyang sambit.
“Sorry na. Ano ba ang nakain mo kagabi o kaninang umaga at biglang nagbago ang takbo ng isip mo ngayon?” Tanong nito. "Dati naman ay makikipagmatigasan ka sa amin." Humugot muna ng malalim na paghinga si Maine. Napapansin niya na madalas na niyang ginagawa ang pagbubuntong-hininga. Minsan nakakapagod na rin.
"Naisip ko lang ang mga sinabi nila Papa sa akin noon pa at yung mga sinabi mo sa akin kagabi. I think it is time to use my smarts para sa sarili ko.” Tugon niya. "Matagal na akong naging tanaga." Hindi naman kumibo si Jackee. Nakiramdam si Maine.
Inaasahan niyang sasabihin nito ang mga katagang “I told you so.” Mabuti naman at tumahimik lang ito. Dahil kung magsasalita ito ngayon, maaaring iliko na lang niya ang sasakyan para diretso simbahan na dahil mawawalan na siya ng lakas ng loob na gawin ang matagal na niyang plano.
Lumiko siya sa kantong papasok sa lugar kung nasaan ang apartment ni Dirk. Biglang napaapak si Maine sa kanyang preno. Gulat at hindi makapaniwala nang masino ang kanyang nakita na nakatayo sa harap ng kasintahan.
__________
End of WHC 2: Discovery
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just say Hi. Don't forget tap the 🌟 to vote, and let's share the story with your friends for some good vibes. CTTO Media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
02.19.20
When He Cries
©All Rights Reserved
February 16, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro