WHC 1: Realization
"Besh, is there anyone you can recommend to help out on the car wash?" Tanong ni Jakee, co-teacher niya.
Sabado ngayon pero heto siya, kahit gabi na ay nakasubsob pa rin ang ulo niya sa paggawa ng lesson plans. Ginawa niya ang lesson plan ng kanyang boyfriend at pagkatapos nito ay ang sariling lesson plans naman, dalawa yun, so bake tatlo ang gagawin niya. Tapos gigising siya ng maaga para magsimba. Pagkatapos ng pagsisimba nila ni Dirk, kung saan-saang gala naman siya kakaladkarin ng binata at hindi siya pwedeng humindi dahil mabilis itong magtampo. Minsan napapagod na rin siya pero wala naman siyang magawa. Hindi lang pagtatampo ang aanihin niya mula dito, magagalit pa ito at may kasama pang panunumbat kapag hindi niya natapos ang lesson plan nito o di kaya kapag nindi siya sumama.
Matalino si Maine sa lahat ng subject matter pati na rin sa buhay maliban na lang sa usaping puso. Limang taon na sila ni Dirk, ngunit sa loob ng limang taon na yun, hindi na mabilang ang panahon na naghiwalay sila ng kasintahan. Hindi si Dirk ang klase ng tao na susuko. Kung gusto niyang magkaayos sila, siya ang dapat na susuko.
Mabuti na lang ay may kaibigan siya sa katauhan ni Jackee. Isang bisayang palaban sa buhay at kaisa-isang tao na hindi kayang sindakin ni Dirk. Takot pa nga si Dirk dito. Ilang beses na ring naging dahilan si Jackee sa paghihiwalay nila ni Dirk pero hindi ito lumayo sa kanya. Mas lalo pa nga itong naging mas mapang-unawa at mapang-protekta sa kanya.
"Wala akong ibang maisip na pwedeng tumulong sa iyo eh." Sagot naman ni Maine sa kaibigan.
"Si Dirk?" Tanong nito.
"Ewan ko lang. Alam mo naman yun, hindi mahilig sa mga ganyan ang taong yun." Malambing na sagot ni Maine kay Jackee.
"Hindi mahilig o sadyang takot ka lang magtanong diyan sa bano mong boyfriend?" Maanghang nitong tanong. Napabuntong-hinga na lamang si Maine. Wala siyang alam na pwedeng irason sa kaibigan dahil totoo ang sinasabi nito.
"Besh, bukas na lang tayo mag-usap, tatapusin ko pa itong Lesson plan ko para next week." Paalam niya sa kaibigan. Maikling katahimikan ang namagitan sa kanila tapos isang buntong-hininga ang sumunod.
"Naku! Wag ako, Maine. Lesson plan na naman ni Dirk yang ginagawa mo. Tapos pupuyatin mo ang iyong sarili para sa lesson plan mo. Ano ka ba niya? Assistant o girlfriend?" Hindi siya makasagot dahil totoo naman ang sinasabi nito. "Hindi ka na nga nirerespeto ng lalaking yan, sinaklaw na niya ang buo mong pagkatao, pati pag-ihi mo kailangan mong ipaalam sa kanya, pati pag-utot pa, Maine. Ano ang susunod? Ang puri mo? Yan na nga lang ang natitira sa iyo dahil pati pride mo sinaklaw na niya kasama ng mga ipinagluluto mong "pride" chicken sa kanya. O baka naman pati yan naibigay mo na rin? Ewan ko sa'yo! Sinasabi ko sa iyo, Meng, kapag nakuha na ni Jerk yan sa iyo, hu yu ka na sa kanya." Patuloy na litanya ni Jackee.
"Jackee, pwedeng bukas mo na ako sermunan?" Tahimik niyang pakiusap dito.
"Ewan ko na lang talaga sa iyong babae ka. Inilayo ka na niya sa mga kapatid at magulang mo tapos ikaw naman itong si tanga, mas pinaniwalaan pa ang pagdadrama niya kesa sa pamilya mo." Ramdam ni Maine ang panggigigil ni Jackee sa bawat katagang sinasabi nito.
"Bes, kilala mo si Mama. Isang drama queen din yun. I am tired of it now, too, pero wala pa akong lakas ng loob na makipaghiwalay sa kanya." Matapat niyang saad. "And besides, wala na akong ibang pamilya kundi ikaw at siya na lang. Kapag nakipaghiwalay ako sa kanya, wala na akong babalikan. You heard what Papa said the last time na nagkasagutan kami ni Mama." Dugtong pa niya.
Gusto pa sanang magsalita ni Jackee pero naisip nito na tama na muna ito sa ngayon, at least narinig na nito ang matagal nang inaasam na marinig mula sa kanya, ang makipaghiwalay kay Dirk.
"Fine. I'll see you tomorrow at church. Lunch tayong dalawa. Ako ang bahala dyan sa boyfriend mong parasitiko." Pamamaalam ni Jackee. Isang malalim na paghinga ang hinugot ni Maine at mabigat na bumuga.
"Sige. Goodnight, Besh." Sagot niya at nagpatay na ng tawag.
Matapos ang usapan nilang magkaibigan sa mabigat na punto, tumayo siya para pumunta sa kusina dahil nakaramdam siya ng uhaw sa naging usapan nila ni Jackee.
Kapag ang kaibigan talaga ang kausap niya nauubos ang lahat ng lakas niya. Ang hirap naman kasi ng pinagkalagyan niya sa sarili. Dapat noon pang una siyang hiniwalayan ni Dirk ay bumitaw na siya, eh di sana nakakausap pa rin niya ang kanyang Papa.
Nasa harapan siya ng fridge niya nang may marinig siyang pagbagsak o bagay na ibinato. Natigilan siya, nakinig. Maya-maya lang ay narinig siyang parang iyak. Boses lalaki, pagkatapos mga bagay na naihagis o ibinalibag uli. Sinundan niya kung saan ito nanggaling at dinala siya sa sala ng kanyang mga paa sa kaliwang bahagi ng kanyang apartment.
"Ayoko na! Manloloko ka! I hate you!" Yan ang mga katagang paulit-ulit niyang naririnig, tapos susundan ng suntok o hampas sa kung saan hindi siya sigurado. Tapos maririnig niya ang paghagulgol nito. Tapos tatahimik panandalian, at susundan ng kung anong ibinato sa kung saan.
"I love you!" Muli nitong paghagulgol.
Noong una, iniisip niya na baka napalakas lang ang sound ng TV ng kakapit-apartment niya. Nag-iba na lang ang dating marinig niya ang bagsakan ng gamit.
Nakatira si Maine sa isang six unit apartment, tigatlong unit na magkaharapan. Driveway sa magkabilang bahagi ng complex at carport spaces naman ang natuon ibabang bahagi ng kwarto. Split level ang style nito kung saan may maliit na walkway ang bawat tenant mula sa carport area.
Nasa ground level ang sala at kusina ng bawat unit. Magkakapareho ang layout ng bawat isa kaya kahit saang unit ka, alam na alam ng bawat isa kung saan ang kusina at kung nasaan ang kwarto.
Napapagitnaan ang unit ni Maine ng dalawa pa sa kaliwa ng garden. Matandang biyuda ang nakatira sa kanan niya paloob at hindi pa niya nakikita ang kalilipat lang na tenant sa kanan niya na kung saan nanggagaling ang ingay at pagpawawala, dahilan kung bakit hindi siya makatulog ngayong gabi.
Binuksan ni Maine ang pinto at sumilip sa labas. Maliwanag naman ang labasan nila dahil may mga porch light na nakakalat sa maliit ng garden at may tag-dalawang lamp post sa magkabilang dulo. Ang isa ay sa loob mismo ng compound nila at ang isa naman ay nasa bungad kung nasaan ang automatic gate. May maliliwanag na bombilya ang bawat poste.
Wala siyang taong nakikita sa labas maliban sa nag-isang pusa na nagulat pa nang makita siya at ngayon ay nakikipagtitigan ito sa kanya. Napailing na lang si Maine.
Ibinalik ni Maine ang atensyon sa kabilang pinto. Medyo tahimik na. Wala na siyang naririnig na ingay o iyak o kahit na pa mang ingay ng mga bumagsak o inihagis na kung anong bagay.
Nagkibit-balikat na lamang siya at nagsara na ng pinto. Dumiretso siya sa kusina matapos i-lock ang sariling pintuan. Kumuha siya ng isang pitsel na tubig at isang baso. Nakasanayan na niyang uminom ng tubig bago matulog at minsan ay nagigising sa kalagitnaan ng gabi para umihi tapos iinom uli ng tubig bago bumalik ng higa.
Bago siya bumalik ng kwarto niya ay dinaanan niya muna ang dingding na nagdidikit sa kanila ng kanyang kakapit-apartment. Medyo tahimik na. Walang ng kumiklos ngunit may kaunting paghikbi pa siyang naririnig. Naisip niya, kung naririnig niya ang tahimik na paghikbi ng tao sa kabila, isa lang ang ibig sabihin nito, manipis lang ang dingding na pagitan nila.
Nasa kwarto na siya ngayon. Tahimik na ang paligid ka itinuloy na lang niya ang ginagawa. Kailangan niyang matapos ito dahil plano niyang gawin ang isang buong buwan na lesson plan. Plano niya kasing ayain si Jackee na mag-out of town next weekeend.
Sa wakas ay natapos na rin siya. Inayos na niya ang kanyang bag para handa na ito sa paggising niya sa lunes.
Matapos niyang ilagay ang lahat ng gamit niya sa kanyang bag ay napapangiti siyang isipin na maaga siyang natapos ngayong gabi. Hindi siya ginahol at may oras pa para pumili ng damit pangsimba bukas. Ibig sabihin, kung ihahanda niya ito ngayon, pwede siyang matulog na mahaba-haba bukas. Napangiti siya.
Pahiga na siya nang masulyapan niya ang asul na binder na nakapatong sa gilid ng kanyang home printer. Nilapitan niya ito at binuksan. Nandilat siya nang maalalang binder nga pala yun ni Dirk. Magagalit na naman ito sa kanya bukas. Hindi na naman siya nito kakausapin ng isang linggo bilang parusa sa hindi niya paggawa ng lesson plan nito.
Napait siyang napangiti at nagkibit-balikat na inilapag ang binder tabi ng bag niya. Inihanda na rin niya ang kanyang susi dahil paniguradong hindi siya isasabay nito sa pagpasok sa pagsimba o sa eskwela.
Bigla niyang naisip ang mga sinabi ni Jackee sa kanya ng mga nakalipas na buwan pati na rin kanina. Nakakaramdam na siya ng pagod.
Totoo nga yatang alila ang turing sa kanya ng boyfriend niya at hindi girlfriend. Taga lang siya ni Dirk; taga-sulat, taga-luto, taga-grocery. Kung sinuswerte siya minsan, taga-laba pa siya at taga-plantsa ng mga damit nito na minsan kung mas suswertehen pa siya ay may sigaw pang kasama kasi matagal na natapos o hindi maayos ang pagkakalaba at pagkakaplantsa ng mga damit nito.
Napabuntong-hininga si Maine. Ngayon niya lang nakita ang mali sa relasyon nila. Bakit hindi niya ito napansin noon? Ilang beses na itong ipinamukha sa kanya ng lahat ng nakapaligid sa kanya ay hindi niya ito nakita. Lumapit siya sa kama niya at pabagsak na inihiga ang katawan. Tsaka pa lang niya naramdaman ang pagod nung lumapat na ang likod niya sa kama. Ilang sandali pa ay nakatulugan na niya ang pag-isip.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro