Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7: Moving On




Naglalagay si Maine ng juice na tinimpla sa baso ni Jackee at Doc Alden. Inilapag niya ito sa harap ng dalawa. Nasa kusina sila ngayon ng apartment ni Maine galing ng restaurant.

The trip from the restaurant to their apartment is so eerily quiet. No one dared to speak, no one dared glanced at each other. Maine was looking outside the car's window, maybe counting birds, kung meron man. Alden was quietly driving like a robot. Diretso tingin at parang de nemuro. Jackee was "busy" with her phone, pero ang totoo, "busy" siya sa pagtanghod at pakikinig sa dalawa.

Nangingiti siya dahil sa kapal ng tensyon sa pagitan ng dalawa. Naiiling siyang di mawari. Hindi lang ito basta tensyon na pagkatapos ma-break ang ice ay tuloy-tuloy na ang kwentuhan. Hindi lang napapansin ng dalawa ang napapansin niya, there's a sexual tension between them two. Napangiti siya.

"Doc, kelan kayo nagkakilala ng ex-jowa mo?" Tanong ni Jackee matapos makainom ng juice.

"We met when we were very young. They just moved here from Australia." Sagot nito. Tinungga ang ang baso ng juice at bahagyang tumikhim.

"Wow. Mula pa pala ng mga bata pa kayo?" Humahangang saad ni Jackee, na kung napapansin lang dalawa ay parang nang-iinis lang.

"Yup, we did. Our parents were friends, too." Bahagya itong ngumiti, ngunit katulad ng dati, hindi man lang lumagpas sa mga labi nito ang ngiting yun.

"Kelan naman naging kayo?" Muling tanong ni Jackee. Tahimik lang na nakikinig si Maine palitan ng kaibigan at ng duktor.

Curious lang si Jackee mula pa kaninang umaga nang makita nila si Dirk, si Doc at ang ex nito na gorlfriend na ng ex ng bestfriend niya. Ang gulo. Napapaisip si Jackee kung ano ang nakita ng duktor sa ex nito.

Oo nga at magandasi Vanessa, makinis ang maputing kutis nito at mestiza pa, pero maliban doon ay wala na. Nakakaumay ang ganda nito. Gandang away mo nang pag-aksayahan pa uli ng panahon na titigan. Hindi katulad ng ganda ni Max Collins na kahit mestiza at maputi ay kay sarap namang titigan. Hindi nakakasawa.

Lalong nagtaka si Jackee nang narinig niya ang makabasag eardrum na boses nito na parang naglilihing banshe, kung meron kan noon. Kaya takang-taka nga siya dahil hindi lang may pagka-soft spoken itong duktor, makikita mong malambing ito at maalaga dahil sa pinong pagkilos ni Doc Alden. Lalaking-lalaki ngang tingnan dahil super gentleman naman ito at higit sa lahat ay super gwapo pa.

Hindi bagay sa babaeng yun ang duktor na ito. Pero sa tigin niya, mas bagay ang duktor sa bestfriend niya. Ung babae yun ay parang lintang inasinan na hindi mo mawari. Malayong-malayo sa kaibigan niya. Maliban sa nakakaumay na mukha ng dalaga ay ang pangit pa ng boses.

Kung naririnig lamang siya ni Maine ay paniguradong masasabunuan siya nito sa mga iniisip niya tungkol sa lalaki at sa ex.

Hindi naman sa nagiging prejudice siya sa babae dahil kay "Jerk" at hindi rin clouded ang judgment niya dahil kaibigan niya si Maine, parang iba lang ang dating ng babae sa kanya, parang palaging may dalang bad vibes.

Hindi man niya nakikitaan ng kahit na anong love pores ang babae, iisa lang ang alam niya, in love na in love ang duktor na ito sa kababatang ex-girlfriend. Napakasakit, Kuya Eddie. Pagdadrama niya sa isip.

"I was the only kid she would play with when she arrived. She won't go anywhere if I don't go. She only talked to other kids because I was conversing with them. Time passed and I kind of got used to her being around and always hanging out with me, either in school or in the mall or just being around the neighborhood and my home." Salaysay ni Doc Alden. Paunti-unting iniinom ang juice na nasa harap. "We only became in a relationship right after my parents passed away. When we got into college, I was almost done with my graduate school when I proposed to her, which she happily accepted. I thought at that time, it was the right thing to do. I thought that time, it was the happiest day of my life. I guess I was wrong. It was only the beginning." Dugtong pa nito.

"Tapos? Anong nangyari?" Pang-uusisa ni Jackee. Nakatuon ang buo nitong atensyon sa kwento ng batang duktor na hindi nito napapansing kanina pa may tumatawag, hindi dinig dahil sa naka-silent mode ito.

"Well, after that, I went to UC Irvine in California to finish my medical degree under a scholarship, she came and visited quite often. When I got back here, she came to my house and told me that we need to get married right away because it needs to get done. I agreed because I love her, but I told her to wait till I get my residency at the hospital. She did not talk to me for a while..." Tumigil ng pagsasalita ang binata kaya napatingin silang dalawa. Humugot ito ng malalim.na paghinga. Mahahalata mo ang pagpipigil ng luha.

"Okay ka lang, Doc?" Nag-aalalang tanong ni Maine. Tumango ito, huminga ng malalim bago muling magsalita.

"Yeah." Sagot naman nito bago yumuko. "Just call me Alden. Wala naman tayo sa ospital." Dugtong nito.

"Alden it is." Simpleng ngunit may sayang sagot ni Maine. Tinitigan siya ni Doc Alden.

"How do you do that?" Namamangha nitong tanong.

"Do what?" Uminom ng konting juice si Maine. Nilingon niya si Doc Alden na titig na titig sa kanya.

"That." Sagot nito. Nagtaas ng kilay si Maine.

"Gustong malaman ni Doc kung paanong kang nakaka-function ng maayos, ng masaya. You just found out that Dirk was cheating on you and the worse part is, sa fianceé pa niya." Si Jackee na ang nagpaliwanag. Ngumiti ng mapait si Maine.

"There's nothing I can really do kung malulungkot ako. I think I knew deep inside that something was going on and I was just denying it then, but now, I am ready to let him go for good. Ayoko ng masaktan." Matapat niyang sagot.

"Sabagay. Matagal naman na naming sinasabi sa iyo na walang kang mahihita sa Jerk Ilagan na yun. Eh ikaw lang naman itong makulit na umiibig." Makikitaan ng pagkainis at pagkayamot ang kaibigan niya sa dating kasintahan at pati na rin sa kanya. Tumikhim si Doc Alden.

"When did you realize that you are ready to let go of him?" Kyuryosong tanong ni Doc Alden. Sandali muna siyang humugot ng malalim na paghinga bago sumagot.

"It's been a while now, but last night was the end of the rope." Matapat na sagot ni Maine. "I was doing his lesson plan, and I realized that I am not anybody's assistant or ghost writer. Matagal na akong napapagod sa pagpapakapuyat, kaya naisip ko na tama nga si Jackee, I was just so foolish to admit it." Salaysay niya sabay inom ng tubig pagkatapos niyang magsalita. "Kaninang umaga bago kami magsimba ni Jackee, napagdesisyunan kong dumaan sa bahay niya para ihatid at ibigay sa kanya ang binder niya at bahala na siya doon."

"Wow. I don't know if I can do that." Malungkot na turan ni Doc Alden. Tinapik ni Jackee ang balikat nito bago tumayo.

"I don't think I can also do it just by myself, if not because of Jackee, who keeps me sane and insane at the same time, hindi ako aabot sa ganito." Pahayag niya. Mapagmahal niyang tinitigang ang kaibigan. Ngumiti ito ng matamis sa kanya at bahagyang yumuko.

"I used to have one of those. I think I got him upset at me when he was trying to tell me something about Vanessa and pushed him away." Panimula niya. "You see, Rod doesn't like Vanessa for me at all. They always head butt and Rod will eventually stay away kasi away niyang patulan ang babae. At first I didn't understand pero nung nawala na sa akin si Rod, especially right after the wedding when he was trying to explain things to me,  that's when I realized na ang gago ko. I let our friendship slip away nang dahil lang sa babae." Laglag ang balikat ng binata matapos magkwento. Napatitig si Menggay kay Jackee.

"Mabuti na lang pala, Besh ang lakas ng kapit mo sa akin. Hindi mo ako binitawan." May pagmamalaking saad niya. Totoong hanga siya sa kaibigan niyang ito. Lahat lumayo sa kanya pero itong si Jackee ay parang lintang nakadikit sa kanya at hkahit na ano pa ang nangyari sa kanya ay sinamahan siya nito kahit hatinggabi na.

"How I wish Rod stuck with me like you did Maine." Pahayag ng binata.

Well, ngayong kaibigan mo na kami ni Menggay, makakaya mo yan at kakayanin mo yan." Pahayag ni Jackee. "You just need to redirect your attention to something else." Dugtong nito.

"Something else? How?" Pilit nitong tanong. Alam ni Maine na matatagalan ang pagmo-move on nito. Kailangan lang nito ng kaibigan para mailayo siya sa mga sisiping makakalingkot dito, katulad ng ginawa ni Jackee sa kanya over the years hanggang sa nangyari na nga ang ngayon. Masaya siya.

"We don't know. All I know is that the process of moving on is different in each person. It will be different from relationship to relationship. Nasa tagal at lalim ng pagmamahalan at pagsasama ng bawat isa ang magiging sagot niyan." Pahayag niya. Napatitig si Doc Alden sa kanya.

"Well, you're right." Mabilis na salo ni Jackee. Tumayo ito para ilagay sa lababo ang basong ginamit. "Naging madali sa akin ang pagmo-move on ko from Federico dahil hindi naman talaga malalim ang pagmamahal ko sa kanya. Mga magulang lang naman namin ang may gusto na mahing kami. Napansin niyang wala talaga akong gusto sa kanya maliban sa pagiging magkaibigan lang at wala nang iba. Naging medyo mahirap sa kanya kasi hindi ko alam na nagkagusto na pala talaga siya sa akin ng totoo." Natawa si Maine sa kwento ni Jackee ngunit totoo yun.

"Eh loka-loka ka naman kasi. Sinabi ko naman na sa iyo na may gusto na talaga si Rick sa iyo, ipinagkibit-balikat mo lang."  Natatawa niyang saad.

"Bakit? Sinabi ko ba sa kanyang mabighani siya sa ganda ko? Siya ang engot!" Sagot naman ni Jackee. Napapailing si Maine.

"Gaga! Ang sabihin mo nagpapabebe ka lang kasi gusto mong suyuin ka niya ng bongang-bonga. Eh busy kaya sa dalawang negosyo nila yun tao." Natatawang pagbubuko ni Maine sa kaibigan sa harap pa mismo ni Doc Alden. "And to make the matter super worse, you wanted him to wait hand and foot for you, kaya ayon, napagalitan ng Tatay niya dahil dalawang investors ang nawala sa kanila at hindi masabi ni Rick na ikaw ang dahilan dahil niyang malaman nila Tita at Tito na nag-iinarte ka." Mahabang dugtong ni Maine sa kwento niya. Lumabi na lang si Jackee.

"Eh bakit hindi na lang niya sinabi kanila Tito at Tita ang dahilan? Kasalanan na niya yun 'no." Pagrarason pa nito. Muling napailing si Maine.

"Mamaktol-maktol ka pa nung umalis na hindi man lang nagpaalam sa iyo." Patuloy ni Maine. "For what? Di ba hiwalay na kayo noon?" Natawa si Maine sa idinugtong niya dahil nagkadahaba na ang nguso ng kaibigan. Pwede na ngang maapakan eh.

"Tse!" Singhal nito sa kanya na nagpatawa ng malakas kay Maine.

"Ayaw pa kasing aminin na in kove ka rin. May pa-move on- move on ka pang nalalaman diyan." Dugtong ni Maine sabay pabirong itinulak sa kaibigan gamit ang hintuturo niya.

"You two are a breath of fresh air. With you both around, I think I will be fine soon." Nangingiting saad nito. Napatulala si Maine ngunit hindi gaanong nagpahalata. May dimple pala si loko. Cute naman pala siya kapag nakangiti. Takbo ng isip niya. "Will you let me hang around you two?" Dugtong nitong tanong.

"Wow. May dimple ka pala Doc, parang si Federico ko lang." Nakangiting puna ni Jackee.

"Federico ko? Kelan pa?" Natatawang turan ni Maine. Natawa na rin si Doc Alden.

"Eeeiiiii... Umayos ka nga, Mengginita! Hindi ka nakakatuwa!" Sinal nito sa kanya. Tawa pa rin ng tawa si Maine at si Doc Alden.

"Walang palang gusto huh." Pakikipanukso na rin ng batang duktor.

"Ay naku. Ewan ko sa inyo." Pabirong singhal ni Jackee. Dinampot nito ang bag. "Tatawag na lang ako ng grab." Paalam nito at tumalikod na.

"Loka-loka!" Sigaw ni Maine. "Kunin mo na itong susi ko. Sunduim mo na lang ako bukas ng umaga." Utos niya sa kaibigan. Nakanguso pa rin si Jackee nang hinablot nito ang susi mula sa kamay niya.

"See you tomorrow, Lou." Nakisali na rin si Doc Alden sa pang-aasar kay Jackee.

"Pasalamat ka lang Doc at may dimple ka, kung wala yan, baka pinagbuhol ko na kayo ng kaibigan kong tanga." Halata ang pagkapikon sa boses nito. Mas itinawa na lang ni Maine ang patutsada ng kaibigang walang magawa kundi mag-deny kapag siya ang topic ng usapan.

NAKAALIS na si Jackee ay nasa lamesa pa rin si Maine at si Doc Alden. Walang kibuan, walang mahagilap na usapan.

"Ehrem..." Pagtikhim ni Alden. Nag-angat ng tingin si Maine. "I ahh... I have to go." Paalam ni Doc Alden.

"I ahh... sure." Mabilis niyang sagot. "I'll walk you out." Dugtong pa niya at simpleng tumayo.

"Bye, Maine. Thanks for today." Simple nitong turan nang makarating sila sa pintuan. Yumukod at ngumiti si Maine sa binata.

"Anytime." Sagot niya. "I'm sorry that our paths had crossed in a very inconvenient way." Nai-display na naman ng binata ang nag-iisa nitong biloy.

Natutulala si Maine sa dimple ni Doc Alden. Marami na siyang dimple na nakita pero bakit parang kakaiba ang biloy ng binatang ito? Weird na kung weird, pakiramdam niya kinakausap siya ng dimple ng binata, nahahalina siya.

"Goodnight, Maine." Saad ng binata na muntik pa niyang hindi marinig. Nagkasalubong ang kanilang tingin. Hindi maiwasan ni Maine na mapansin ang lungkot sa mga mata ng binata kahit nakangiti ito. Lampas pisngi na ang ngiti nito di katulad nang una niya itong makita ngumiti kaninang tanghali ngunit hindi pa rin talaga nakakarating sa mga mata nito.

"Goodnight." Tugon niya. Nakaalis na ang binata ay nakatayo pa rin siya sa pinto. Napiling siyang nagsara ng pinto.

Maaga pa kaya mas minabuti na lang niyang umakyat, maligo at i-review ang ang kanyang lesson plan. Tinitingnan niya kung may kulang pa para bukas.

Napakagaan ng pakiramdam niya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi siya nagmamadali at hindi siya gahol sa oras bago matulog. Napatingin siya sa wall clock niya. Napasandal siya nang makitang alas sais pa lang ng gabi. Napangiti siya.

Tapos na siya sa lesson plan niya kaya humiga siya sa kanyang kama at sa kauna-unahang pagkakataon ay magagamit niya ang TV sa kanyang kwarto bago matulog. Nanood siya ng kung ano-ano sa TV hanggang sa nakatulog na siya.

Blag? Crash!










__________
End of WHC 7: Moving On

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just say Hi. Don't forget tap the 🌟 to vote, and let's share the story with your friends for some good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
02.24.20

When He Cries
©All Rights Reserved
February 16, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro