19: I'm Leaving
"Maine." Pukaw sa kanya ng isang tinig na nakalimutan niyang kasama pa pala niya . "Don't cry, please." Pabulong nitong sabi sa kanya sabay pahid nito ng luha niya.
Nasa lalim siya ng pagbabalik-tanaw sa nakakainis na nakakatawa niyang kahapon nang magsalita ito na ikinagitla niya panandalian. Isang matipunong braso ang yumakap sa kanya mula sa tagiliran at ipinatong pa ang baba nito sa balikat niya. Napapikit siya. Ang sarap sa pakiramdam.
Ilang linggo na rin ang nakaraan simula ng matapos ang apartment ng binata at nakabalik na ito doon. Nanghihinayang siya nang ito ay umalis na sa apartment niya. Gusto niyang pigilan ito noon pero hindi naman niya kaya gawin kaya nanahimik na lang siya.
Simula ng bumalik ang binata sa unit nito ay hindi na siya muling pumasok pa sa kwarto na ginamit ng binata. Ayaw niyang makita kung ano ang maiiwan nito doon dahil natatakot siya sa maaari niyang mararamdaman sa pag-alis nito. Nasanay na siyang kasama ito sa bahay niya.
Nung umagang aalis ang binata sa unit niya ay umalis siya. Mag-isa siyang pumunta ng mall at naglakad-lakad doon hanggang inabot siya ng gabi. Iniwan niya ito sa paglilipat nang kung pang gamit na dinala nito sa unit niya. Ayaw niya kasing makitang isa-isa nang naaalis ang bagay na alam niyang panandalian lamang sa bahay niya. Pakiramdam niya kasi, parang aalis na rin ito sa buhay niya. Ang weird.
Sa totoo lang, simula nung hapunan sa bahay ng tiyahin nito ay ngayon lang niya talaga uli nakita ang binata. Nakakapanibago, nakakalunod ang presensiya nito.
"Bakit nandito ka?" Sabay pagharap niyang tanong dito.
"I can't sleep. It's been weeks since I last saw you. I miss you much, I have to see you." Malamyos ngunit walang pakundangan nitong sagot. Umayos pa siya ng upo para mas maharap ito. Niluwagan naman ni Doc Alden ang pagkakayap kay Maine para magawa niya ang gustong gawin. Pero ang totoo ay gusto niyang tumayo palayo dito dahil nalulunod siya kapag malapit ito sa kanya.
"Doc, why are you doing this?" Tanong niya sa binata. Naguguluhan siya, ayaw niyang mag-assume, hindi dahil sa natatakot siya, kundi dahil sa totoong nalilito siya. Maaaring natutunan niya nang mahalin ang binata pero h indi pa siya handa. Hindi pa sila handa. Hindi pa nga ba, Maine?
"I don't know. I just really miss you." Muli nitong sagot. Mahina na halos paanas, ramdam niya ang init ng hininga nito sa pisngi niya. Nag-init ang pisngi niya na parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa likod na kakaiba ang dulot nito sa buo niyang sistema, malamig na mainit na may kiliting nakakakuryente. Damn!
"You miss me? Why?" Kahit na nagtanong siya ay ayaw niyang marinig ang sagot nito. Natatakot siya dahil baka masaktan lang siya . Pero sa kabilang banda ay gustong-gusto niyang marinig ang sagot nito kahit na masaktan pa siya. This is so conusing.
"I don't know. All I know is that I am missing you." Sagot nitong titig na titig sa kanyang mga mata. Nakikita niya ang katotohanan sa sinasabi nito at ang pananabik na sinasabi nito. Nakikita din niya ang pangungulila at pagkagustong mahawakan siya. She sees desire in his eyes. Why?
"Why? I thought you said that there will never be an "us"." Mapait na lumabas ang mga salitang yun sa bibig niya, kasing pait ng pinigaang amplaya at apdo. Inilapat nito ang noo sa kanyang noo bago madiin na pumikit. Hawak siya nito magkabilang pisngi na halos na sakop ng kamay nito ang batok niya. Kinikilig siyang hindi mawari. Konti na lang at bibigay na siya. I Can't. I have to stop myself, if I can.
"I'm sorry. I wanted to say something else and that's what came out of my mouth. I was confused and not thinking straight. Please forgive me, Maine." Malungkot ang tinig na iyon na para bang hindi na kayang maging masaya pa. Nakita ni Maine ang pagtagas ng mga luha nito. "I said what I said in hopes that I won't hurt you but I did anyway in the process. Unknowingly, it wasn't my intention to hurt you, please forgive me." Dugtong pa nito. Sa ngayon ay pareho na silang naluluha.
"Sshh. It's okay. I know you didn't mean to." Pag-aalo niya dito sa pinasiglang boses. "This is not my first rodeo towards pain, magiging okay din ako. Basta harapin mo ng may tapang ang sakit na nararamdaman mo. Susuungin mo ito ng may ngiti sa labi, wag kang susuko. Darating din ang araw na magiging masaya ka." Napasinok siya dahil sa pagpipigil na mapahagulgol. "You have a nice smile, did you know that? Your lone dimple shows and it lightens up your surroundings." Pahayag niya na pilit pa ring pinasasaya ang boses kahit na patuloy ang pagtagas ng mga luha niya.
Ang kaninang masayang luha ay napalitan na ng malungkot, pait at balik sa saya na hindi niya maintindihan. Nababaliw na yata siya.
"I hope I can, Maine. But the way I see it and at the rate that my heart is going to right now, happiness is way too far without you." Humikbi ang binata. Madiing napapikit si Maine. Hindi na kinaya pa ng puso niyang pakinggan ang sakit na naririnig sa boses ni Doc Alden. Parang mas naging malungkot pa ito ngayon kesa kanina at sa nakaraan. Akala niya nakaka-recover na ito kahit papaano.
"You will be, Doc. You will be." Humugot siya ng malalim na paghinga bago muling nagsalita. "Happiness is not far from you anymore. You're almost there. You can do it." Parang gusto niyang iuntog ang ulo niya sa dingding dahil sa mga pinagsasabi niya. Aminin mo na kasi ang nararamdaman mo para sa kanya! Na mahal mo na siya!
"I am leaving for the states." Mabilis siyang napatuwid ng upo at pinakatitigan ang mga mata ng binatang duktor. Mas lamang pa rin ang lungkot na nararamdaman nito.
"What? Why?" Wala sa loob na natanong niya sa binata. Malungkot na ngumiti si Doc Alden sa kanya bago muling nagsalita.
"I will be staying there for a while, just at least up to the time being. I need to mend my broken heart. I need to be healed and at the same time, I don't want to leave you. I will miss having you around. I will very much miss you, Maine. I don't know if I can survive life this time." Saad nito sa garalgal na boses. Hindi tuloy alam ni Maine kung ano ang gagawin o iisipin, yung sasabihin pa kaya? Ngunit pinipilit niyang gawing panatag ang tinig niya.
Hindi niya pwedeng iparamdam o ipaalam dito na nasasaktan at nalulungkot siya dahil aalis ito, dahil maiiwan na siya nito, dahil sa pag-alis nito ay mawawalan siya ng karapatang humiling dito. Yun nga lang na umalis ito sa apartment niya pabalik sa sariling unit nito ay parang inalisan siya ng puso niya, eto pa kayang sa America ang pupunta? Por Dios, Por Santo! Magsalita ka na kasi, Maine! Himutok niya sa sarili.
"You do what you need to do, Alden." Panimula niya na halos humarang pa ang mga salita sa lalamunan niya. "You take care of yourself first, when the time comes that you're healed and ready, do what makes you happy." Umiling-iling ito. Hindi niya alam kung ano ba ang gusto nitong ipahiwatig sa binatang duktor, nalilito siya.
Oo nga at minahal na niya ang binata sa maikling panahon na nakilala niya ito at nakasama. Oo nga at ayaw niya itong umalis, dahil mami-miss niya rin ito ng sobra, pero hindi naman siya ganun ka-selfish para pigilan si Doc Alden lalo na kung para sa ikaaayos ng sarili nito. Total sanay naman siya na palaging nagbibigay, lulubos-lubusin na niya.
Ayaw niyang malayo sa kanya ang binata sa hindi niya malalamang dahilan maliban sa mahal na niya ito, pero hindi rin niya maatim na ikulong uli ito sa isang relasyon na pareho lang silang magdurusa dahil pareho na nilang dinanas yun. He loves him too much to hurt him that way. So, di baleng ikaw ang masaktan, Maine?
"Maine, I want to tell you that I love you but I won't because I am not even sure if you'll believe me. I don't want to dahil ayaw kitang saktan at ayaw kong umasa." Saad nito sabay na yumuko para itagao ang mga luha nito na mas lalong nagdiin ng punyal sa puso niya. Gaga! Sinabi na niyang mahal ka niya kahit na binawi pa kaagad!
"I don't want to drag and mislead you after what you've been through with Dirk." Pareho nga silang brokenhearted pero mas brokenhearted ang binata. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit siya at ang damdamin niya ang isinasaalang-alang nito. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng binata at pinilit iangat yun para pumantay ang tingin nila.
"Alden, don't worry about me, okay? I understand you. Didn't I tell you to do what you think is best for you and not for me. I will be okay. You go anywhere you want to and build yourself back, so when you come back and fall in love again, it will be for keeps." Pahayag niya na sa totoo lang ay gusto niyang sipain ang sarili, tadyakan, bugbugin, ihagis sa gitna ng kalsada at pasagasaan sa unang sasakyan na daraan or much better, magpasagasa na lang siya sa pison. Maine, hindi naman siguro masamang pigilin mo siya, di ba?
Naririto si Doc Alden sa harapan niya at nagpapahayag ng damdamin sa kanya, kung damdamin nga ba yun. Tapos eto siya at nag-iinarte. Mukha siyang tangang itinatanggi ang naririnig ng tenga niya.
"I know what I'm feeling for you is not a mirror of what I felt for Vanessa. I know this one is different from that. I also know in time, I will heal but I want to heal with you by my side." Sabay turo ni Doc Alden sa puso niya. Ikaw ang itinuturo niya, Maine! Magtatanga-tangahan ka pa rin ba? Napasinok si Maine sa pagpipigil na wag maiyak ng malakas. Bigla ay parang nalunok niya ang kanyang dila.
"What do you mean?" Tanong niya pagkatapos ng maikling pagpapakalma sa sarili. Pinakatitigan siya nito ng matiim. Para siyang nalulunod sa mga titig nito. Titig na may masarap na haplos sa puso.
"Come with me to the states. Please." Napipilan siya. Dios ko. Kaya ko bang iwanan ang mundo ko dito at sumama sa lalaking ito na iilang buwan ko pa lang nakikilala? "Maine. What do you say?" Titig na titig si Doc Alden sa kanya na punong-puno ng pag-asam, pag-asa at ibayong kaba at takot. Wala sa loob na napatango siya.
Ngumiti ito nang tunay na ngiti na labas ang nag-iisang biloy sa kaliwa nitong pisngi, ngiting umabot sa mga mata nito at naramadaman ng puso niya. Nawala ang kaninang lungkot na bumabalot dito. Saya, pag-asa at dalisay na pagnanasa ang makikita sa mala-tsokolate nitong mga mata.
SA SOBRANG tuwa ni Doc Alden ay nahalikan niya si Maine sa labi. Mas lalong natuwa si Doc na sa ilang saglit lang ay gumanti na rin si Maine ng halik sa kanya. Muling tumulo ang kanyang mga luha. Masaya siya, napakasaya niya na sa wakas ay makakasama na niya ang dalaga.
Naroroon pa rin ang lungkot sa kaibuturan ng puso niya dahil hindi si Maine ang una niyang nakilala, hindi ito ang una niyang minahal.
Kung ito sana ang nakilala niya noon pa ay baka hindi na niya dinanas ang sakit at pait na ibinigay sa kanya ni Vanessa at ganun din ni Dirk sa dalagang ngayon ay mahal na mahal niya.
Ang banayad at puno ng pagmamahal na halik ay naging agresibo at mapusok ngunit maingat, mapaghanap. Pareho na silang nadadarang sa init na namamagitan sa kanila. Ayaw itigil ni Doc Alden ang ginagawa nila dahil sa takot na baka mawala ang dalagang guro sa mga kamay niya kapag itinigil niya o binitawan ito. Hindi lang minsan siyang nawalan ng minamahal, ayaw na niyang muling maulit yun.
Binuhat niyang pasaklang si Maine sa kanya, mabilis namang pumulupot ang mga hita ng dalaga sa bewang niya. Sinapo niya ang puwetan nito para hindi ito mahulog at dahan-dahang inilakad patungo sa hagdan paakyat sa kwarto.
Ingat na ingat siyang wag mabangga ang dalaga kahit na sa pasimano pa. Tumigil siya at maingat na isinandal ang dalaga sa dingding kung saan malapit sa hagdan na patuloy pa rin sila paghahalikan. Kumapit naman ng mabuti si Maine sa kanya, napangiti siya ng lihim. My love is so sweet. Halos hindi maghiwalay ang kanilang mga labi.
Mabilis niyang binuksan ang kwartong inakopa niya nung nandito pa siya nakatira. Hindi naman niya talaga kinuha ang mga gamit niya dito, dahil ang totoo nga niyan ay iniuwi pa niya kay Maine ang buo niyang kwarto.
Sa sleeping bag lang siya natutulog sa unit niya dahil hindi na niya kinuha ang kama sa apartment ng dalaga. He gave up most of his stuff to move in with her and he will give up more, including his life for Maine if she will let him.
Nang makapasok na sila ay isinara niya kaagad ang pinto gamit ang paa at muling isinandal ang dalaga sa nakasaradong pinto.
Hindi sila magkamayaw kahit na parang mapupugto na ang kanilang mga hininga ay hindi man lang maghiwalay ang kanilang mga labing sabik sa isa't isa. Dinala niya sa kama ang dalaga at maingat itong inihiga nang hindi naghihiwalay.
Maingat niyang hinaplos ang dibdib ng dalaga. Narinig niya ang banayad na pag-ungol ni Maine sa bibig niya. Pakiramdam ni Doc Alden ay mas lalo siyang nawala sa katinuan, parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang tuwa. Nasa mga bisig niya ang babaeng mahal.
Hindi niya alam kung anong meron ang dalaga dahil mabilis siyang naialis nito sa sakit at lungkot na pinagsadlakan sa kanya ni Vanessa. Hindi pa siya lubusang nakakawala sa pait, napasok na kaagad ni Maine ang puso niya at mabilis na naitulak si Vanessa at lahat ng galit, sakit at panghihinayang palabas ng puso at isip niya.
May konting Vanessa pa ang naiiwan pero alam niyang galit na lang ang meron para dito. In time, lubusan na itong mawawala sa kanya as long as kasama niya si Maine, alam niyang hindi siya mahihirapan. Simula nang makilala niya ang dalaga ay naging happy pill na niya ito.
Unti-unti niyang itinaas ang blusa ni Maine tsaka lang naghiwalay ang kanilang mga labi. Mabilis din niyang hinubad ang kanyang t-shirt.
Pinagmasdan niyang mabuti si Maine, ang magandang mukha nito na kay amo kahit na galit pa ito. Nakita niya sa mga mata ni Maine na wala na ito sa katinuan katulad niya. Nag-aapoy na sa pagnanasa ang mga mata nito. Dahil sa nakitang reaction ng dalaga ay biglang nagliyab ang init na nagmula sa puson niya papunta sa kanyang puso at umakyat sa kanyang ulo at biglang baba sa kung saan nandun si Junior.
Nagngangalit itong hindi mo mawari. Handa na itong sumugod kahit na anong oras pa. Ang gusto niya lang gawin ngayon ay maangkin ang dalaga para wala nang iba pang makaangkin dito, siya lang.
Nang pumayag si Maine kanina na sumama sa kanya ay napagdesisyunan niya na bukas na bukas din ay dadalhin niya ito sa kaibigan niyang husgado at pakakasalan niya ito. Muli ay sinakop niya ang labi ng dalaga.
Banayad niyang inangkin si Maine, habang ito naman ay nagpaubaya sa isinisigaw ng kani-kanilang mga puso. Ibinigay nito nang buo ang sarili kahit na alam niyang labag ito sa prinsipyo ng dalaga.
"I love you." Pabulong nitong sambit bago ito antok na bumagsak sa gilid niya at patagilid siyang gumulong sa tabi nito.
KUNG aalis ang binata at gusto siyang nitong isama, hindi siya magdadalawang-isip pa kahit na hindi pa sila lubusang magkakilala. They have all their lifetime to know each other.
Tama nga siya. Dahil matapos siyang magpaangkin dito ngayong gabi, alam niyang marami pa silang araw at gabi na pagsasaluhan para kilalanin ang isa't isa.
"Alden, I had prayed deeply that I am the woman you deserve to love, and I am very happy that I am a step closer to being the one." Bulong niya dito habang ito ay natutulog. Nagising siya para sana lumipat sa kwarto niya ngunit muling nagbago ang isip niya anang maramadaman ang mahigpit nitong yakap.
Napangiti itong nakapikit at yumapos sa kanya nang mas mahigpit. Damang-dama niya ang mainit at hubad na katawan nito sa kahubdan niya.
Masaya siya dahil alam niya, ramdam niya na ito na ang simula ng forever niya.
"Next time, when he cries, it will be for so much joy."
~ Fin ~
__________
End of WHC 19: I'm Leaving
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just say Hi. Don't forget tap the 🌟 to vote, and let's share the story with your friends for some good vibes. CTTO Media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
04.27.20
When He Cries
©All Rights Reserved
February 16, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro