17: Awkward
"Meron ba?" Naibato niya ang ballpen na hawak sa lalaki. Tumawa lang ito.
"Bwisit na 'to." Natatawang niyang sabi. Kuntodo ilag naman ang nag-iisang Barbie ng Escobar Apartments. Halos naman malaglag sa kinauupuan niya si Jackee.
"Huy, Nicomaine! Sadita ka na ha!" Singhal ni Paolo. Halos hindi na makahinga si Jackee sa katatawa dahil sa bilis tayo at sabay pilantik ng balakang nito.
"Kakainis naman eh. Magkwento na kasi." Reklamo ni Maine. Nagpapasalamat siya na nandito ang dalawa dahil napagaan ng mga ito ang pakiramdam niya.
"Fine. Eh di yun nga. After ninyong umalis ni Doc, sumunod na rin kaagad ni Tito Rome pero kausap pa rin si Ma'am Agapito. Naiwan kami sa loob ng teacher's lounge. Lalabas na rin sana kami dahil nandun nga si Mina Sinungaling, eh nakita ko yung gamit mo kaya kinuha ko na. Mantakin mo ba namang pagyabang ba naman kami na before daw ng meeting bukas ay kakausapin niya si Uncle Romero niya na paalisin ka na daw kasi sa eskwelahan dahil nakakasira ka daw sa reputasyon ng mga matitinong teacher sa school at ng ibang mga teacher sa buong mundo." Salaysay ni Jackee na may kasama pang hand gestures.
"Sinagot ko naman siya na kung Uncle nga niya si Tito Rome, eh bakit hindi man lang siya binati kaninang dumating ito. At kung Uncle niya nga ito, bakit ikaw ang binati nito at hindi siya? At kung kahiya-hiya ka sa madlang guro ng mundo, ano naman ang masasabi ng madlang people sa kilay niyang Mina-saker ng sampung kabayong kangkarot na hindi pa naliligo at yung lipstick niya, susmaryosep!" Napaantanda pa siya krus bago ngpatuloy sa pagsalaysay. "Gawa yata sa achuete yun eh? Ayun, nagwala siya. Hinayaan namin siyang magtatalak ng magtatalak, kandalabas ang litid niya, hanggang sa maabutan siya ni Madam Morning Seven. Matagal na palang nakikinig sa labas ang prinsipala natin." Dugtong ni Paolo na ikinatawa ni Maine dahil mabulaklak nitong paglalarawan sa co-teacher nila na sinabayan pa ng pagpilatik ng mahahaba nitong mga daliri. Magana at kwela itong magkwento kaya benta sa kanya ang kwela nito.
"Anong nangyari?" Na-curious na rin siya. Alam niya ang reputasyon ni Mina na magpaikot ng pangyayari at alam din niya na mabait at maunawain ang principal nila, kaya natatakot siya para sa dalawang kaibigan.
"Binigyan siya ni Morning Seven ng uppercut na salita. Na kesyo nagtitimpi lang ito dahil nga sa maraming bagay na mas importante pa kesa sa iniyayabang niya na matagal na palang alam ni ni Morning Seven ang totoo at hindi lang kumikibo. Alam din daw ni Madam ang mga gulong sinimulan niya sa mga estudyante at mga parents. Sinabidin ni Madam Morning Seven na may petition na palang naisumite ang mga magulat at ibang guro na kinalaban niya para maalisan siya ng lisensiya sa pagtuturo o di kaya ay mapaalis sa school natin.." Mataray na kwento ni Paolo na may pagkumpas pa ng mga malalantik nitong daliri at pagtirik at rolyo ng mga mata.
Aliw na aliw sa panunood dito kahit na may lungkot siyang nararamdaman para kay Mina but she can't help to be happy at the news and be mad at the woman, too. Somehow, her rational mind say, Mina deserves what she is getting at the moment.
"Kaya pala hindi na nagsasalita ang ibang mga teacher na nakabangga niya dahil si Ma'am Agapito na ang humingi ng dispensa para sa kanya, pero nung ikaw na ang kinalaban at pinagsalitaan ni Mina ng hindi maganda, she said, she need to let Mina know that she knew all this time na hindi siya pamangkin ni Superintendent katulad ng kini-claim niya. Sabi pa ni Madam, blessing na rin daw yung nangyari kanina dahil nagkaroon na siya ng dahilan para i-request ang removal at suspension ng teaching license nito for two years and three years probation kapag na-reinstate ang teaching license ni Mina." Laglag ang panga ni Maine sa idinugtong ni Jackee.
"You mean, tinanggal siya ni Ma'am?" Di makapaniwalang tanong niya.
"Simula pala nung nagkasagutan si Mina at si Ms. Dalisay five months ago, nagpalagay na ng CCTV si Ma'am sa teacher's lounge. Kaya siya nagmamadaling pumunta sa lounge kanina ay dahil narinig at nakita niya sa monitor niya ang pinagsasabi ni Mina laban sa iyo na halos hindimaipagtanggol ang sarili mo. Matagal na palang naririnig ni Ma'am ang mga paninira ni Dirk sa iyo kaya naging curious siya bakit ganun. So she decided to spend her own money to put a spy cam sa classrooms ninyong tatlo, sa lounge, faculty room at sa campus cafeteria. Dirk is also on suspension till further notice at sasampahan silang pareho ng kasong defamation of character." Tumatango-tango si Jackee na nagpatuloy sa pagkwento. Nagitla si Maine sa narinig mula sa mga kaibigan.
"Oh. Ano na naman yang ginaganyan-ganyan ng mukha mo? Naaawa ka sa kanila? At bukas na bukas din ay aapila kay Morning Seven na wag nang ituloy? Ay naku, Mendoza! Hindi ko alam kung sadya kang mabait o tanga ka lang?" Naiinis na turan ni Paolo. Abot hanggang seventh heaven ang pag-arko ng kilay nito.
"Maawa ka man sa kanila o hindi, magsasampa na rin naman ng kaso ang mga magulang ng mga estudyanteng naagrbyado ni Mina at ang sabi pa ni Ma'am Agapito, sa Lunes daw ang labas ng subpoena." Patuloy ni Jackee. "Kaya kahit ano pang mangyari, wag kang maaawa. Deserve niya yun." Dugtong ni Jackee na sinang-ayunan ni Paolo sa pamamagitan ng pagtango.
"Eh talagang nakakaawa naman sila eh. Kailangan bang pati trabaho nila ay madamay?" Maging si Jackee ay nakapataas na rin kilay. Higit sa lahat, ito ang may karapatang umalma para sa kanya dahil saksi ito sa lahat ng pang-iinsulto ni Mina sa kanya at ang paninira ni Dirk sa reputasyon niya, masolo lang ang dalaga.
"Magtigil ka nga Nicomaine! Naaawa ka sa kanila pero sa sarili mo hindi?! Baka nakakalimutan mong muntik mamatay si Tito Nick dahil sa katarantaduhan niyang si Dirk! Alam mo bang siya ang direktang nagsabi sa parents mo na mas siya ang pipiliin mo kesa sa mga magulang mo dahil wala ka nang ibang mapuntahan dahil nilaspag ka na ng ibang lalaki bago siya?! Na wala nang lalaking seseryoso sa isang katulad mong nilawayan ng iba't ibang lalaki?! Mabuti nga daw at nandiyan pa siyang pinagtatyagaan ka dahil kung wala siya, wala ka na rin daw!" Galit na galit na si Jackee. Napanganga na lang si Maine sa biglaang bugso ng emosyon ng kaibigan. Maging si Paolo ay napatanga.
Hindi niya alam ang kwentong ito, ang bersyong ito. Hindi niya pa kailan man naririnig ang mga katagang ito. Kaya ba ganun na lang ang galit ng Mommy niya sa kanya noon? Kaya pala ganun siya pagsalitaan ng ina, ganun pala kababa ang ipininta ni Dirk sa pagkatao niya, sa pagkababae niya.
"He did that?" Sabay pa nilang sabi ni Paolo. Hindi na sumagot si Jackee, bagkus nagpahid na lang ito ng luha. Napaiyak na pala ito sa sobrang galit.
"Alam mo ba yung sakit na naramdaman ko nung nasa likod niya lang ako habang sinisiraan ka niya sa pamilya mo na kahit na sinasabi kong hindi totoo ang lahat ng sinasabi niya, pinagtawanan niya lang ako, hanggang sa kaming dalawa na ang nagtalo. Tapos yun, inatake na si Tito Nick sa puso. Hindi yata kinaya ni Tito na marinig ang pangbababoy ni Dirk sa pagkababae ng panganay niyang anak. Eto namag si Tita Minda ay agad na naniwala.mabuti na lang at nandun si Tita Lorie. Mabuti pa siya, naniwala sa akin. Naniwala sa iyo." Masaganang imagos ang luha ni Jackee sa pagkakaalala ng mga bagay na nasaksihan niya noon.
"Kaya pala galit na galit ka sa kanya. Kaya pala ganun na lang ang pagsisikap mong palaging pagpapaalala sa akin na wag na wag akong bumigay sa kanya. I'm sorry, Ja. Nabulagan ako ng pagbabait-baitan niya sa akin. Akala ko nga mahal niya ako, yun pala..." Umiyak na rin si Maine. "Thank you for being a true friend to me, Ja. I'm glad I chose you." Nagyakap silang magkaibigan. Si Paolo naman ay talagang lumuha na rin. Bahagya silang hinila nito at inakap. Isang maiksing katahimikan ang bumalot sa kanilang tatlo na tanging pagsinghot lang ang maririnig. Kahit na ang bigat ng kanilang pinag-usapan ay parang ang gaan ng paligid nila.
"Meng, ikaw lang ang kaibigan ko dito sa Manila noong nag-uumpisa ako dito bago ibinenta nila Mommy at Daddy ang kalahati ng hacienda sa bisaya para ibili ng apartment complex na ito para may matirhan ako ng libre at maasikaso din nila ako, kaya hindi pwedeng mawala ako sa iyo and vice versa." Pagtatapat ni Jackee. Ngumiti siyang hinaplos ang pisngi ng kaibigan at pinahid ang luha nito.
"Oy, tama na yang iyakan na yan. May gagawin pa tayo." Biglang bawi ni Paolo. "Para tayong mga tanga. At least ngayon Maine, alam mo na ang totoo. Sana maging matapang ka kahit para sa sarili mo na lang." Malambing na saad Paolo. Hinaplos nito ang buhok niya at bahagyang tinapik ang pisngi niya bago ngumiti ng matamis sa kanilang dalawa ni Jackee. Tumango si Maine na may ngiti ang mga mata kahit na malungkot ang mukha. Hashtag friendship goals. Hashtag friend forever.
"Salamat sa inyong dalawa, lalo na sa 'yo, Ja." Pinahid niyang muli ang luha ng kaibigan.
"Tama na yan. Hayaan na natin yun. Tapos na, nakaraan na. Kaya ikaw, kapag kumatok uli ang pag-ibig sa iyo, maging mapanuri ka na?" Malambing at malantik na sermon ni Paolo sa kanya. Napangiti siya.
"At kapag nandiyan na sa harapan mo, pwede bang wag ka nang makipag-dialogue diyan sa isip mo, kung katulad din lang naman ni Doc ang pag-ibig na kakatok, tanggapin mo na. Wag nang pabebe." Litanya ni Jackee habang inaayos ang sarili. "Pero matanong ko lang. Ipinaliwanag ba ni Doc sa iyo yung pa-fianceé chenes niya?" Tanong ni Jackee na nagpalingon sa kanya dito ng mabilis. Maging si Paolo ay ganun din ang ginawa.
"Wow Jackee, isdatchutu? Mula sa drama biglang kambyo ng komedi. Nagpapatawa ka na pala ngayon. Ja. Tingnan mo sa salamin yang mascara mo." Saad nito sabay abot ng compact mirror sa dalaga. Nangingiting inayos ni Jackee ang nagkalat na mascara.
"Huy! Ano ba? Seryoso ako." Saad nito habang sinusuklay ng mga daliri ang buhok. "Nagpaliwanag ba siya?" Dugtong pa ni Jackee. Iniaabot kay Paolo pabalik ang compact mirror nito.
"Hindi." Simple niyang sagot. Bumalik na siya sa pagte-text sa Tito James niya dahil naantala na nga sila kanina, pero hindi pa rin ito sumasagot. Baka busy yun sa dinner rush sa resto nila. Sabat ng intrimitida niyang isip.
"Hindi?!" Sabay hirit ng dalawa. Hindi man sinasadya ay nagulat siya sa birada ng dalawang bakla: isang ipinanganak na bakla, Paolo at isang nag-aasal bakla, Jackee.
"Ano ba? Ang iingay n'yo. Nakakahiya doon sa tao." Sambit niya sabay turo sa direksyon ng kwarto. "Hindi porke't pinatutuloy ko yan dito ay babastusin na lang natin ng ganyan." Muli niyang saway sa dalawa. Nagkatinginan ang dalawa at makahulugang ngumiti.
"At teka nga sandali." Muli niyang pagsasalita para mataihimik ng tuluyan ang dalawa. "Saan ba nanggaling yang mga ganyang interrogations n'yo, pati na yang tinginang yan? Anong akala n'yo sa akin, rebound at nangre-rebound din? Umayos nga kayo. Masahol pa kayo kay Mina eh." Hindi kaagad nakaimik ang dalawa. Nagkatinginan lang uli ang mga ito, habang siya ay pilit pa ring kinakalma ang sarili at taos sa pusong nananalangin na nawa ay tulungan siya ng Panginoon na wag maipagkanulo ng sarili.
"Sorry na bes, nagtatanong lang naman." Nakangusong paghingi ni Jackee ng paumanhin. Nag-puppy dog face naman itong si Paolo.
"Oo nga, ganda. Pasensiya ka na. Naintriga lang naman kami dahil sa gandang lalaki ni Doc, ni hindi ka namin nakitaan ni Jackee na nakatitig sa mukha nito kahit minsan lang. Para kasing wah epek ang handsome single-dimpled-face ni Doc sa iyo." Ipinagkibit-balikat niya ang sinabi ni Paolo. Susmaryosep! Kung alam n'yo lang. Kung alam n'yo lang talaga! Sigaw ng isip niya.
"Bakit n'yo naman natanong ang tungkol doon! Kung ako nga hindi nagtatanong dahil hindi naman big deal yun." Simple niyang sagot. No big deal... pabebe ka, Menggay. Pakialamerang utak.
Magsasalita pa sana siya nang mag-ring ang phone niya. Sinilip niya ito at nakita niyang ang Tito niya ang tumatawag.
"Ang menu, bilis." Sabi niya sa dalawa. "Yes, Tito." Masigla niyang bati sa tihin. Sabay na naglahad ng papel ang dalawa sa kanya. Parehong may nakasulat ng personal choice nila para sa possible menu bukas ng hapon sa school. Nag-usap silang magtiyuhin.
"Tito, ano ba ang mas magandang gawin, snacks siguro kasi mga bandang alas dos ng hapon ang meeting o mag-set ng early dinner kasi total hapon naman na at malamang late nang matatapos yun?" Tanong niya sa tiyuhin. Inilagay niya sa speaker ang tiyuhin.
"Kung simpleng meeting lang na aabot lang ng humigit kumulang dalawang oras o lampas ng tatlong oras ay merienda. Kung aabot ng apatna oras o mahigit pa, hapunan." Turan ni James sa kanya.
"Yan ang hindi namin sigurado Tito, pero bibisita kasi ang district superintendent sa school namin, who knows how long." Sabat naman ni Jackee. Hindi kumikibo si Paolo dahil hindi naman nito kilala ang kausap ng dalawa kaya nakikinig na lang siya sa mga ito.
"Kasi kung dinner ang ipapaluto n'yo, I suggest na cater na lang at may catering packages naman dito. Sino ba ang magbabayad?" Tanong ni James. Nagkatinginan silang tatlo. Hindi nila alam ang isasagot. Tumikhim si Paolo.
"Sir James, si Paolo po ito, isa po sa co-teacher ni Teacher Ganda at Teacher Jaja. Itatanong ko lang po kung bakit n'yo po naitanong kung sino ang magbabayad?" Magalang na kausap ni Paolo kay James na halos nagpatawa sa dalawang dalaga. Pinandilatan sila ni Paolo.
"Hello, Paolo. Naitanong ko lang, gawa ng may mga packages kami dito para sa small budgets. Kung si Menggay, eh di libre na sa kanya yun, kung iba naman lalo pa at school yan at least malalaman natin kung paanongko makakapagbigay ng discount. And besides, masasarap naman ang putahe at hindi na rin lugi ang magbabayad, kaya lang syempre mas okay sana kung pupunta kayo dito para kayo mismo ang tumikim. Kelan ba yan?" Paliwanag ni James. Nagkatinginan sila nung umabot na sa huli nitong sinabi.
"Ahm... Tito James. Hin..." Hindi na nga niya natuloy sabihin dahil may tumikhim sa harapan niya. Napatingala siya, napalingon naman ang dalawa.
"Tito Rome./Sir Rome." Gulat na sambit nilang tatlo.
"Sandali lang, Tito James." Hindi na niya hinintay na sumagot ang tiyuhin. Pinatay niya ang speaker phone.
"Hello po, Tito Rome." Bati niya sa ginoo.
"Ako ang magbabayad. Alam kong aabutin ng matagal ang meeting dahil sa tagal na hindi ko nasasagot ang mga request ng principal n'yo. I think I need to compensate for the long wait." Saad ni Uncle Romero, uncle ni Doc Alden.
"Get the best meal package at kung may sobra, ipapauwi natin sa mga janitorial staff at security guard." Napangiti si Maine.
"Thank you po, Tito Rome." Sambit ni Maine at bumalik na sa pagkausap kay James.
"Ilagay mo ako sa speaker phone para marinig din niya ang sasabihin ko." Utos ng Tito James niya and she did. Naka-speaker phone na ito ngayon.
"Naka-speaker ka na, Tito. Kanina pa po." Sambit niya.
"Ah ganun ba?" Sagot naman nito. Tumikhim muna si James bago muling nagsalita. "Sir, kung papayag po kayo, mga simpleng ulam na lang po ang gagawin natin para marami at swak po sa mga gusto n'yong mangyari." Nagpatango-tango si Tito Romeo sa suggestion ni James.
"Good. Let's do that. Whatever that would be, kayong tatlo na ang bahala." Sagot ni Tito Rome.
"Tito James, okay na daw po. Ite-text ko sa iyo ang ilang menu suggestions namin. Paki-finalize na lang ngayon din Tito, tapos paki-text na lang po sa akin pati na po ang package cost. Ako na po ang bahala." Matagal pa silang nag-usap na magtiyuhin bago sila nagpaalaman.
"Well, I guess we are set for tomorrow, Superintendent." Pabungisnigis na pahayag ni Jackee. Natawa itong naiiling.
"Well, I guess we need to go. My wife is waiting for us patiently." His smile reaches the inner core of his eyes. Napangiti rin si Maine, with a hope in her heart na sana siya rin ay nakaranas ng ganyang ligaya.
"Tara na. Gorabels na at nagngangalit na ang small intestine ko na parang gusto nang kainin ang large intestine ko." Reklamo ni Paolo na ika atawa niyang lalo.
"Mauna na kayo. Ililigpit ko lang ito." Ngumiti naman ang dalawa at sumunod na rin kay Tito. Tumigil muna ito at lumingon sa kanya.
"Wake him up before you come over. Baka nakatulog lang yan." Saad nito bago tuluyang lumabas ng apartment niya.
Ilang saglit lang ay natapos na rin siyang magligpit. Nag-aalalanganin siyang umakyat sa split level ng unit niya. Nahihiya siyang harapin ang binata sa ngayon. Awkward kasi dalawa lang sila, kung sana kanina pa na may kasama pa siya ay okay lang.
"Alden." Saad niya ng mabungaran niya itong nakatayo sa pintuan ng unit niya na parang hinihintay siya. Napalingon siya kung saan ang kwarto nito. Hindi niya ito nakita o narinig na bumaba o lumabas.
"Let's go. I don't want to get hungry." Yun lang sinabi nito at ngumiti ng tipid sa kanya. Hindi na siya nagsalita pa. Kinuha na lang niya ang kanyang susi tsaka lumabas ng bahay. Si Doc Alden na ang nag-lock ng pinto.
Describe awkward? Maine and Alden.
__________
End of WHC 27: Awkward
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just say Hi. Don't forget tap the 🌟 to vote, and let's share the story with your friends for some good vibes. CTTO Media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
03.24.20
When He Cries
©All Rights Reserved
February 16, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro