Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

16: Hay Buhay

Owtor's Nowt: not edited, update on mobile phone.






I HATE myself. I know why. Dahil ang kaisa-isang taong tumulong sa akin para mawala ang galit at sakit, para mawala ang sugat at lamat na ginawa ni Vanessa sa pride ko ay ngayon nasa loob ng kwarto niya umiiyak, nasasaktan dahil gago ako. Dahil hindi ko alam kung paano ang tamang pagsabi ng nararamdaman ko.

Napakagago lang di ba? Here I am outside her door, sitting on the floor like an idiot, na dapat ay kinakalampag ko siya para itama ang dapat kong sabihin. Pero duwag kasi ako eh. Kahit noon pa kay Vanessa duwag ako. I can't disagree, I always agree. Tanga nga eh.

I was dumb and stupid and still am. I am a disgrace to mankind. Why can't I just tell her how I feel exactly without hurting her? Why do I always hesitate when it comes to Maine? Why?

Maine became my damsel in shining armor when I really needed one. She understands how I feel, she gets me. I admire her spunk, her braveness, her beauty and her wits. She's a total package... and I am an idiot.

Maine is the type of girl that you would want to bring home and introduce to your parents. In my case, I can bring her to my home and introduce her to my heart, but the idiot side of me did not let it happen. Why? I don't know.

My mind's string pulls harder and stronger than my heart's string. My heart went silent as soon as my mouth opened to a single word, then it was followed by a word vomit of nonsense, hurtful nonsense.

I got up cause I heard a rustling sound inside. I don't know how long I've been sitting here. The sound movements inside went away. It was replaced by a complete silence. Kinabahan ako. It really did scare me. What if... there goes my mind again.

Tama rin naman ang nasagi sa isip ko. Paano nga kung... Shit! She can't hurt herself. I will die. Sinubukan kong buksan ang pinto ng kwarto niya pero naka-lock ito mula sa loob.

Natataranta na ako, hindi ko alam kung paano ko siya papasukin sa loob ng kwarto niya. Baka kung ano na ang ginawa nito sarili. I know she's hurting and I also know she's crying. She may be a strong woman but even the strongest one like Shera still has a weak point. And what if she reached that point? Oh God, please no, not her. Not my Maine.

I can't help myself to get so frantic and scared kasi nga gago ako. Gago ako kasi hindi ko man lang masabi sa kanyang mahal ko na siya. Mahal na mahal, kahit sa maikling panahon ko pa lang siya nakikilala, minahal ko na siya dahil hindi siya mahirap mahalin.

Napalingon ako sa kwarto ko nang marinig ko ang pagsara ng pinto ng banyo. "She's in the bathroom." Alam kong naiwan ko yung bukas. Halos magkandarapa pa ako sa pagpasok sa kwarto ko, but she had locked the door already.

"Damn!" I was late again. I hate me, really. I really seriously hate me right now.

Then I heard the shower running. I felt relieved. "Whoo! Maliligo lang pala siya." Napabuga ako ng hangin natawa ako sa sarili ko. "Overacting lang, Raf?" I smiled like an idiot.

Sige na. Paninindigan ko na ang pagiging tanga at bobo ko. Para sa 'yo, Maine, maghihintay ako dito.

Umupo ako sa kama ko para hintayin siyang matapos. Kakausapin ko siya paglabas niya. Hihingi ako ng sorry at magtatapat na ako, walang paliguy-ligoy. Gusto kong malaman niya na mahal ko siya. Kapal ng mukha mo, tapos mong saktan, uutuin mo? Gago ka nga. Kung pwede ko lang tanggalin ang utak na ito, kanina ko pa ginawa.

"Nasaan ka utak nung kailangan kita? Nung kami pa ni Vanessa? Nasaan ka noon? Tapos ngayon ang galing-galing mong umepal." Mahina kong sabi sa sarili ko. Son of a... nababaliw na nga ako!

Napahilamos ako sa aking mukha. Ito ba ang sinasabi nilang true feelings? Narinig ko na ito sa mga colleagues ko na nakakatanga daw talaga ang pag-ibig. Sabi nila na kapag naramdaman mo na daw ang totoong pagmamahal, makakalimutam mo ang sarili mo, ang feelings mo, mas magiging in tune ka sa nararamdaman niya at mas mahalaga na ang damdamin niya kesa sa iyo.

Naging ganun din ba ako kay Vanessa? I didn't feel confused when I was with her. I was more sure of all my plans for both of us. I was more in tune with the future, kung gaano na dapat karami ang pera ko sa bamgko bago kami ikasal, kung magkano ang matitira pagkatapos naming magpakasal, kung gaanong pasyente ang kailangan kung tingnan sa loob ng isang buwan para ma-maintain ang flow ng income.

It was more of a financial stability and partnership rather than love and being married with your soulmate. My God! I was so flippin' dense. Ang manhid ko bang talaga para hindi ko maramdaman pati ang sarili kong damdamin noon? I was right then this whole time.

Kaya siguro galit na galit ako at gusto kong sirain lahat ng nakita, nakikita at makikita ko, because I wasn't really in love with Vanessa, I was only doing it because she bruised my ego and stepped on my pride.

"Damn!" Hampas ko sa aking noon nang masiguro ko lahat ng mga naisip ko noon pa. Ang tanga mo, Raf. Sabi ng isang bahagi ng isip ko. "Mas tanga ka!" Sagot ko naman.

Pabagsak akong nahiga sa kama ko. The anger I felt towards myself earlier started to crawl on me. I need to control myself or I will definitely lose it again.

I don't know what happened after that. I stared at the ceiling and saw Maine's beautiful face, my eyes are getting tired, then everything went blank and dark.

"MAINE." Tawag ni Jackee sa kanya. Nasa kusina sila ngayon, nag-uusap na tatlo, siya, si Jackee at si Paolo. Maaga pa naman kaya inaasikaso na muna nila ang kakailanganin para bukas.

"Hmmn." Tipid niyang sagot nang hindi ito nililingon., nakatutok siya sa kanyang laptop at hinihintay na sumagot ang kanyang Tito sa tawag niya.

"Nasaan si Doc Dimple." Yan ang tawag ni Jackee kay Doc Alden kapag silang dalawa lang. Mabilis niyang nilingon ang kaibigan ayt pinakatitigan ito. Binundol ng kaba ang dibdib niya.

"Mmn. Anong klaseng titig yan?" Mataray na tanong ni Paolo. Nakatingin din pala ito sa kanya. Bahagyang siyang tumikhim.

"Wala. Nagtataka lang ako kung bakit sa akin n'yo hinahanap si Doc." Tinaasan siya ng kilay ng dalawa.

"Huy! Loka-loka. 26 years old ka na, hindi 16. Wag kang pabebe at hindi bagay sa iyo." Paasik na sabi ni Jackee. Tumawa si Paolo.

"Korek!" Sabi nito at nag-apir pa ang dalawa. "May naamoy ako eh." Nagtaas siya ng isang kilay. Pinagsalitan niya ng tingin ang dalawa. May kung anong hiwaga meron sa ngiti ng mga ito. Naiiling siyang ibalik ang atensyon sa laptop niya.

"Guni-guni mo kang yan, Kuya Pao." Saad niya. "Kung ako sa inyong dalawa tapusin n'yo na yang ginagawa n'yo para kapag sumagot na si Tito James, maibibigay ko na sa kanya ang menu." Pahayag niya sa dalawa.

"Driver nga siya." Patutsada ni Paolo na may malapad na ngiti, labas ang mapuputi nitong ngipin. Nagtaas siya ng kilay.

"Anong konek?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

"Ay, Maine? Isdatchu?" Turan ni Jackee na bahagya pa siyang hinawi paharap dito. Nagtaas siya ng isang kilay.

"Driver na, elevator girl pa." Saad ni Paolo. "Wala na akong nasabi. Tara, Jackee. Uwi na tayo. May nanalo na eh." Dugtong pa ni Paolo na ngingiti-ngiti.

"Ay! May winner na? Luz Valdez na ako?" Kunwari ay naiiyak na sagot ni Jackee. May pagsapo sa dibdib na nalalaman ang bestfriend niya.

"Ano-ano ba kasi yang pinagsasabi n'yo?" Tanong niya. "Paanong napunta sa driver at elevator girl ang pinag-uusapan natin?" Dugtong niya. Nagkatinginan yung dalawa at sabay pang tumawa.

"Weh!!" Sabay na hirit ng dalawa.

"Huy! Wag kayong maingay. Baka natutulog si Doc. Madaling araw pa lang yata ng umalis siya eh." Inilapat pa niya ang kanyang hintuturo sa labi niya para mabigyan-diin ang pagiging maingay ng mga ito.

"Ngayon concern naman. Ang sweet." Turan ni Jackee. "Ang sweet, nakakainis!" Dugtong pa nito na ikinatawa ni Paolo.

"Driver ka, Meng, kasi ang bilis mong iliko ang usapan sa ibang topic. Elevator girl kasi ang taas ng akyat ng kilay mo, nakaabot sa roof top. Tapos ngayon concern ka kasi natutulog si Papa Alden. Mag-ano na ba kayo?" Tuloy-tuloy nitong sabi. Balewala sana ang lahat ng sinabi ni Paolo pero doon sa tanong nito siya biglang kinabahan.

Ano nga ba sila? Eh di magkaibigan. Yun naman ang pinagdiinan nito kanina. He emphasized that he wants their friendship intact. All he needs is a friend and he doesn't want to lose that friendship kung hahaluan niya ng kakaibang ibig sabihin. Sampal yun sa kanya kanina.

"Oh, natahimik ka na? May nangyari ba dito kanina bago kami dumating Kuya Pao?" Tanong ni Jackee. Umiling siya. Ayaw niyang magsalita dahil pinipigil niya ang maiyak. Naaalanganin siyang magsalita kasi kapag binuka niya ang kanyang bibig ay bak pumiyok siya at yun ang mag-trigger ng luhang akala niya ang naubos na kanina bago siya maligo.

"W-walang nangyari kanina." Sagot niya sabay tingin sa kanyang laptop.

"Weh. Di nga." Pangungulit ni Jackee. Kilala niya ito. Sa anim na taon nilang pagkakaibigan, alam niyang hindi ito titigil hangga't hindi niya mabigyan satisfactory na kwento.

"Fine. Umuwi kami dito na wala akong susi, mabuti nga at nabigyan ko siya ng kopya kaya kami nakapasok. When we got home, he went straight to his room na parang may iniisip, ako naman ay sa kwarto ko para maligo dahil may dinner mamaya kanila Tita Jackee para hindi na ako gahulin sa oras kapag inabot tayo ng dinner na yan sa mga ginagawa natin ngayon. Nakatapos na akong maligo, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lumalabas sa kwartong yan. Then dumating kayo ni Kuya Pao habang gumagawa ako ng sandwich." Mahaba niyang kwento na hindi man lang nasaling ang iyakan nilang dalawa ni Doc Alden.

"Sabi ko sa iyo, Ja. Tagalan pa natin ang pag-uwi eh." Saad ni Paolo na parang naghihinayang.

"Oo nga 'no. Dapat pala dumaan na lang tayo ng Goldilock's para bumili ng dessert." Tugon naman ni Jackee na punong-puno ng panghihinayang.

"Gaga! Dapat sana tinuluyan ko nang Mina-saker ang babaeng yun eh. Pinigilan mo lang kasi ako!" Gigil na saad ni Paolo. Napatitig siya sa dalawa. Iniintindi ang pinag-uusapqn ng mga ito.

"Eh paanong hindi kita pipigilan, kulang na lang balatan mo yung tao diyan sa mga titig mo. Cyclopes lang peg mo kanina eh." Natatawang saad ni Jackee.

"Pasalamat siya na akhit ex-men ako, hindi lumabas ang mga blades na ipinamana ni Wolverine sa akin. Dahil kung nagkataon, isasama ko siya kay Mercidita para dawing bopis." Halata ang pigil na panggigigil sa boses ni Paolo.

"Naku, hindi n'yo na sana pinatulan pa si Mina, hahaba lang yun at kayo pa ang mapapahamak." Saway niya sa lalaki.

"Anong wag patulan? Huli ka na. Dapat kanina ka pa nagbigay ng babala bago nangyari." Sagot ni Jackee. Napatingin siya ng salitan sa dalawa. Napakunot ang noo niya.

"Ano ang ginawa n'yo?!" May pag-aalala sa boses niya, hindi para kay Mina kundi para sa dalawang kaibigan. "Paniguradong kalat na ito sa school at siya na naman ang biktima. Masisira lang kayong dalawa." Tunay ang pag-aalamaniya g nararamdaman. Mga kaibigan niya ito at hindi pwedeng mapahamak ang mga ito na siya ang dahilan.

"Tumahimik ka, Nicomaine. Wag overacting." Singhal ni Paolo sa kanya. "Wala kaming ginawa sa kanya na ikapapahamak namin. Siya itong tanga na naglitanya ng kung ano-anong kayabangan sa katawan na narinig mismo ni zmorning Seven. Hindi namin alam na bumalik pala si Prinsipala." Panimula ni Paolo na tatawa-tawa.

"Bumalik si Madam?" Tanong niya. Itinigil ang pagti-text sa tiyuhin at hinarap na ng tuluyan ang dalawang kaibigan.

"Yup. Narinig niya lahat ng sinabi ni Mina na masasama laban sa iyo. Pati na yung kayabangan niya na siya daw ay pamangkin ni Tito Rome, narinig din ni Madam Morning Seven." Napataas ang isang kilay ni Maine sa panganlang nasabi ni Paolo.

"Madam Morning Seven? Sino si Madam Morning Seven?" Taka niyang tanong. Salitang niyang tinitigan ang dalawang tinamaan ng baklang hangin. Tatawa-tawa pa ang mga ito. Parang gusto na niyang mainis sa mga ito.

"Kuya Pao, explain mo nga . Medyo nganga ngayon itong kaibigan natin eh." Natatawang susog naman ni Jackee. Nakiki-kuya na rin sa kaibigan.

"Madam Morning Seven. Madam Aga-Pito. Aga - morning, pito - seven... morning seven. Kaya Madam Morning Seven dahil in-english na Madam Agapito." Laglag-panga siyang natatawa sa kalokohan ni Paolo.

"Kuya talaga oh." Ang tangi niyang nasabi natapos ang kanyang maikling pagtawa. "Ikuwento n'yo na kung anong nangyari." Susog niya sa dalawa.

"Meron ba?" Naibato niya ang ballpen na hawak sa lalaki. Tumawa lang ito.

Haaayyy, buhay. Kainis.










__________
End of WHC 16: Hay Buhay

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just say Hi. Don't forget tap the 🌟 to vote, and let's share the story with your friends for some good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
03.24.20

When He Cries
©All Rights Reserved
February 16, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro