Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14: Home






MIYERKULES ng hapon, nasa hosptial si Doc Alden, nasa school naman si Ma'am Maine.

Ito ang huling gabi ni Doc Alden na makakasama si Maine sa unit ng dalaga. Bukas off si Doc Alden, babalik na ito sa unit niya. Hindi niya maintindihan na parang naiintindihan niya kahit paano kung bakit ayaw niyang umuwi sa sariling apartment. Ayaw niyang makita ang sariling naghahakot ng mga gamit niya para lilipat ang mga ito.

Pakiramdam ni Doc Alden ay bibitayin na siya. Hindi siya makapag-concentrate ng maayos sa isang pasyente, pinangangapusan siya ng hininga, hanggang sa nakiusap na lamg siyang irelyebo ng isang duktor.

Matapos bumalik sa pribadong opisina sa loob ng hospital pa magpapahinga na lang sana ngunit hindi naman nangyari. Balisa ang sistema niya kahit nung nasa parking lot siya ay hindi pa rin niya mawari ang sarili.

Pilit siyang lumalanghap ng simoy ng malamig na hangin ay mas lalo lang nanikip ang kanyang dibdib. Napaupo na lang siya sa loob ng kanyang kotse at pinaandar ang AC nito ngunit ganun pa rin. Aligaga ang kanyang kaisipan at walang nagawa kundi ang tumitig na lang sa kawalan.

One thing for sure... I can't live the way I used to.

SA FACULTY room, hindi mapakali si Teacher Maine. Para siyang pusang di maanak, aligaga siya. Nandiyang uupo siya couch, tapos tatayo, lalapit sa bintana, dudungaw, tapos magpapabalik-balik ng lakad. Tapos uupo uli sa harap ng desk niya at pag-upo naman ay alumpihit siya sa kinauupuan. Nandiyang, kukunin niya ang kanyang lesson plan, bubuklatin at maglaon ay isasara din lamang. Tapos tatayong muli, maglalakad at dudungaw sa bintana na parang naghihintay ng manghaharana sa kanya.

Ilan beses pa niyang ginawa yun sa loob lamang ng napakahabang limang minuto. Limang minuto na puno ng pagkainip at pagkainis sa hindi maintindihang bagay at kaganapan.

"Maine, ano ba ang nangyayari sa iyo?" Tanong ng isa nilang co-teacher. Nilingon niya ito na napapangiwi. Kilala niya ang isang ito, pro-Dirk ito eh.

"Ah, wala. Hinihintay ko lang si Ja—" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil tumaas ang kilay nito.

"Wag mo nang hintayin si Papa Dirk. Masaya na yun sa bago niyang jowa." Saad nitong nakangisi. Para pa itong nangungutya sa kanya. "Kaya nga nakipaghiwalay na siya sa iyo di ba?" Maanghang nitong tanong. At least, yun ang dating sa kanya. Napataas ang isa niyang kilay.

"Mina, saan mo naman nakuha yang impormasyon na yan?" Seryoso at pataray niyang tanong.

Kahit may ilang buwan na ang lumipas simula nang maghiwalay sila ni Dirk ay wala pa silang nasasabihan ni Jackee na kahit na sino sa mga kasamahan nila sa mga nangyari sa kanya. Una, bakit? Pangalawa, bakit? Pangatlo, bakit uli?

Nagtaas ng tingin si Mina at hinarap siya. Pinasadahan niya ng mapanukat at panuring tingin at mapang-uyam itong ngumiti bago muling nagsalita.

"Kanino pa ba? Eh di kay Papa Dirk." Sabay rolyo ng mata nito. Patirikin mo nga Lord ang mata ng babaeng ito, please lang. Pipi niyang dasal. Patawad, Lord. Dugtong niya. Takot siyang mapektusan ng Diyos kaya binawi niya kaagad ang masamang inaasam para sa co-teacher.

"Papa Dirk?" Pag-ulit niya. Natawa pa siya dahil ni minsan ay hindi niya naisip na mukha o pormang papa si Dirk. "Hindi ko alam na si Dirk pala ang tatay mo." Pangungutya niya dito. "And FYI, ako ang nakipaghiwalay sa kanya, hindi siya sa akin." Dugtong pa niya. It's time to stand up for herself. Hindi pwedeng puro na lang si Jackie ang magtatanggol sa kanya.

Napupuno na rin siya kasi a babae. Ito ang number one, top notch basher niya at message relayer, if that is even a word, ni Dirk. In short, espiya, taga-hatid mensahe, tsismosa primera de kalidad dahil may bachelors degree in secondary education pa itong hawak. Ipinapahiya lang nito ang mga matitinong guro na dedikado sa pagbibigay dunong sa mga kabataan at hindi tsismis ang sagap.

"Buti nga sa iyo at hiniwalayan ka na niya." Napatingin siya dito. Hindi siguro nito narinig ang sinabi niya siya ang nakipaghiwalay. "Ang lame mo naman kasi eh, ang dami pang arte. Akala mo naman hahabulin ka ni Papa Dirk. Sex lang yan, Maine. Walang mawawala sa 'yo, masasarapan ka pa." Napasinghap si Maine sa sinabi ni Mina.

"Anong walang mawawala?" Binalewala ang sariling salita.

Gusto niyang buhusan holy water ang babae at hugasan ang bibig nitodahil sa kaprangkaahan nito at kung ano-anong kabastusan ang lumalabas dito.

Gusto na niyang sungalngalin si Mina. Hindi naman sa pagpapakasanta siya, pero nasa teacher lounge sila, paano kung may mga estudyanteng madaan at narinig ang sinabi nito? Eh di parang balewala din ang itinuturo nila sa mga ito na mag-aral muna at wag na munang umintindi ng mga ganyang bagay.

It is different when quietly you do adult things or do what married couples do in your private time but not when you're in public let alone broadcast it.

"Ano bang problema mo sa akin, Mina?" Tanong niya dito na tinaasan lang siya ng kilay nito. Muntik pa siyang matawa dahil sa pag-arko ng kilay nito, bahagyang naiwan ang fake lashes na ikinabit nito para ma-extend ang pilikmatang pinagtaksilan ng panahon. Hindi siguro nito naramdaman.

"Napapansin ko lang kasi, simula nang magturo ako dito, wala naman akong maalalang ginawa ko sa iyo, pero ang init ng dugo mo sa akin? Nasapawan ko ba ang pula ng labi mo sa MAC lipstick na gamit ko?" Hindi siya palapatol na tao, pero kapag hiningi ng pagkakataon at sukol na siya ay ipinagtatanggol niya ang sarili ng walang pangingimi, lalo na ngayong nasagad na siya.

"Ay naku. Wala akong ika-iinggit sa iyo 'no! Hindi ka kagandahan at hindi ka tin kaakit-akit! And besides, hindi ko pwedeng ikumpara ang sarili ko sa pinagsawaan na ni Papa Dirk!" Nanlalaki ang butas ng ilong ni Mina at naglalabasan pa ang litid nito sa pagsigaw.

Napapailing si Maine, naguguluhan siya sa pinupunto ng dalaga. Kasasabi lang nito kanina na ang arte-arte niya dahil pabebe siya at sex lang yun, tapos ngayon, napagsawaan na siya? WHAT?

Ipinikit ni Maine ng madiin ang kanyang mga mata at nagbilang ng sampu bago pa siya magsalitang muli. Pero bago pa siya makagawa ng kahit na ang hakbang o makausal ng isang letra ay may biglang kumabig sa kanya at inakap siya nitong paharap dito. Kung paano nitong nagawa yun ay hindi niya nKita sa bilis ng pangyayari.

Biglang sinakop ng presensiya nito ang buo niyang sistema. Nanunuot sa kanyang ilong ang bangi nito na umakyat kaagad sa ulo niya. Para siyang naliyo at nalasing. Kilala niya ang may-ari ng pabangong sumasakop sa kanyang buong pagkatao.

"Shut your filthy mouth, banshee!" Hindi man ito sumigaw pero dumagundong naman ang baritonong boses nito. Hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon si Maine na lumingon dahil nakadikit ang mukha niya sa dibdib nito ngunit hindi na niya kailangan pang tingnan kung sino ito. Alam niyang si Doc Alden ito.

Muli siyang napapikit nang malanghap niya muli ang magaan na samyo ng pabango nito. Kilala-kilala niya ang lalaki. Alam niya ang amoy ng pabango nito pati na ang timbre ng boses nito. Halos mag-iisang linggo na rin silang magkasama sa iisang apartment. Pamilyar na pamilyar. Napapikit siya.

"And who are you to yell at me?!" Tanong nito sa mataas at sintunadong boses at pagalit na tono. Alam ni Maine na nagtatapang-tapangan lang si Mina. Dinig niya sa boses nito ang bahagyang pagkagimbal.

Kilala na niya si Mina. Apat na taon na rin niya itong co-teacher. Ilang beses na rin itong na-trouble sa mga magulang ng mga estudyante nito dahil sa mataray at wala sa lugar na ugali nito. Nagtataka nga siya kung bakit hanggang ngayon ay nagtuturo pa rin ito.

"I am Dr. Richard Alden Faulkerson, and I am Ms. Mendoza's fiancé. Who are you?" Kinabig pa lalo ni Doc Alden si Maine para mas mapalapit pa ito sa kanya. Kinabahan tuloy si Maine.

Halos magkandabuhol-buhol ang hininga niya. Kanina pa siya nakadikit sa binata at wala na siyang ilalapit pa dito. Isang kabig na lang ni Doc Alden sa kanya, papasok na siya sa dibdib nito.

"Fiancé?" Tumawa pa ito. Susugurin na sana ni Maine ang dalahirang co-teacher nang pigilin siya ni Doc Alden. "May pumatol sa iyo pagkatapos ni Dirk?" Napapikit si Maine sa galit, kaba, kilig at iba pang hindi niya mapangalanang damdamin. Parang gusto niyang maihi na masuka na maglaho na lang na parang bula. Poof!

Ito ang iniiwasan niya kaya ayaw niyang nakakaharap na mag-isa lang si Mina dahil sa taglay itong mala-demonyitang ugali kahit wala na sa lugar.

Alam nito ang kilos ng lahat sa eskwelahang ito, kung kelan may darating at kung kelan wala. Wala rin itong sinasanto na kahit na sino maliban sa principal at napakagaling nito sa timing.

"I ask you to bring your voice down or I will make sure that you will be dealt accordingly, Miss..." Pabitin na sabi ni Doc Alden sa mababang boses. Naghihintay itong sabihin ng babae ang pangalan nito.

"Wow. Forenjer pala ang nabingwit mo, Mendoza. Kaya pala walang alam sa mga pinaggagawa mo at mga ginawa sa iyo ni Papa Dirk. Nakakaawa kang talaga. Wala na kasing magkamaling pumatol sa iyo na taga-rito dahil alam na nila kung ano ka." Humalukipkip pa ito at pinagtaasan talaga siya ng kilay. "Kung ako sa iyo, Mendoza, kaladkarin mo na itong lalaki mo palabas dito dahil nakakasira ka sa imahe ng mga disenteng guro sa paaralang ito total pareho namang kayong kaladkarin! Nagpakaladkad ka kay Dirk, kinladkad mo naman ito. Ay bagay kayo." Turan nito na puno ng pang-uuyam at pang-iinsulto.

Muling ipinikit ni Maine ang kanyang mga mata at humugot ng malalim na paghinga. Ibubuga na lamang niya ang hangin na inipon sa baga nang maramdaman niya ang bahagyang paglayo ni Doc Alden sa gilid niya. Idinilat niya ang mga mata kaya nakita niyang susugurin na ni Doc Alden si Mina.

Bago pa nagawa ni Doc Alden yun ay bigla na lang nagsisigaw itong si Mina, humihingi ng tulong. Nagulat na lamang silang pareho ng bigla itong umiyak, humahulgol, as in masakit na paghagulhol na parang sinaktan na hindi mawari. Dahil kilala niya ang timing nito, hinintay ni Maine na may magbubukas ng pinto at papasok, ngunit wala.

"Why the hell is she crying? Nobody hurt her." Deklara ni Doc. Napailing na lang si Maine. Alam na niya ito.

"She's acting. She does the damsel in distress, the victim syndrome to get her way. Palagi niyang ginagawa yan. We lost few good teachers because of her. Yung iba kung hindi nag-resign, lumipat ng ibang school at yung iba na nandito pa ay lumalayo na lang sa kanya dahil sa ganyan niyang ugali." Biglang natahimik sa pag-iyak si Mina. Natulala sa pagtatagalog ni Maine kay Doc Alden. "Maging ang mga estudyanteng nagrereklamo dahil sa kanya ay nababaligtad niya sa harapan pa mismo ng mga magulang ng mga ito." Patuloy na paliwanag ni Maine.

Banayad mang bumukas ang pinto sa likuran nila at bago pa makapag-react silang tatlo any nakapasok na ito sa loob ng silid.

"What's the commotion?!" Pare-pareho din silang napatda at napatigil nang magpag-sino ang pumasok.

"Uncle Rome?/Tito Rome?" Sabay na sambit ni Maine at Doc Alden.

"What are you doing here?" Dugtong ni Doc Alden.

"Mr. Williams!" Gulat na saad ni Mina. "Tito?" Napatingin ito sa kanilang dalawa ng binata at naglipat-tingin din sa lalaking tinawag nilang Uncle/Tito. Napansin ni Maine ang pamumutla ng mukha nito.

"What seems to be the problem here?" Tanong nito na nagpalaki ng mata ni Mina. Marahil ay nagtataka ito kung bakit ang district superintendent ay nasa school nila ng walang program or commencement. Maging si Miane ay nagtataka rin.

"Mr. Williams, what a surprise. It's a pleasure having here." Turan ng bagong dating na guro.

"Jackee!" Pabulong na tawag ni Maine sa kaibigan na nakasunod sa ginang na bumati sa bisita nila. Napnganga lang si Mina sa kanila.

"Thank you, Mrs. Agapito for helping the friend of my nephew." Mabilis at masiglang saad nito. "I know I came here unannounced. Sinamahan ko lang itong pamangkin ko na sunduin si Ms. Mendoza at para na rin kamustahin ang kaibigan ng asawa kong si Mr. Paolo de Asis. And since I am already here, I'd like to get acquainted with everyone." Saad nitong nililibot ang tingin sa loob ng faculty lounge.

"That is wonderful to hear, sir. We were hoping that you'd come to visit us. We have so many things to discuss in terms of this meek school of ours." Masayang sagot ni Mrs. Agapito. Mabait ang principal nilang ito. Nabibilog nga lang ni Mina dahil sa so rang bait. "Wait, Superintendent Williams, did you say nephew?" Tanong nito.

"Ah yes. Dr. Faulkerson here is my nephew." Nagpalitan ng tingin si Maine at Doc Alden. Nagpalipat-lipat din ng tingin ang principal nila sa kanya at kay Doc Alden. Bigla itong ngumiti ng maaliwalas at matamis. Hinaplos pa ang braso ni Maine.

"Kung hindi pa dahil sa pamangkin niya at sa iyo, Ms. Mendoza, hindi pa tayo madadalaw ng district superintendent natin." Nakangiting bulong nito kay Maine. Napangiti na lang tuloy siya. Nag-init ang kanyang pisngi dahil may kalakip na pa unukso mula dito.

"Nice meeting you Dr. Faulkerson." Mainit na bati nito sa binata. Bahagyang ngumiti si Doc Alden sa ginang at nakipagkamay din.

"Okay. Why don't we talk about it over coffee tomorrow. Let's say... 2 in the afternoon?" Saad ni Uncle Romero. Masaya namang sumang-ayon si Mrs. Agapito. Bahagya pa itong pumalakpak at saka hinarap si Jackee.

"Ms. Escobar, may I bother you to send out the memo to all the faculties and staff? Please include our custodians, they need to be included." Malambing nitong utos kay Jackee. Hinaplos pa nito ang braso ng dalaga. "Everyone is going to be so excited about this." Parang bata itong kinilig pagkatapos sabihang bibilhan ng kendi.

Principal Agapito is so down to earth. Strict siya pero nasa lugar. Never pa silang napagalitan o napagsabihan ni Jackee o kahit na sino sa mga teachers maliban na lang kung may isang Mina Consuelo na involved.

"Right away, Ma'am." Masigla namang sagot ni Jackee. Lumapit ito sa desk niya at hinarap ang laptop para magxsent out ng email blast para sa lahat.

"Ms. Mendoza, would it be a bother to ask you to prepare refreshments for tomorrow? I'll have you, Ms. Escobar and Mr. de Asis assign on that. How's that?" Baling nito sa kanya. Ngumiti muna siya dito at mapagkumbabang ngumiti.

"It's a pleasure, Ma'am." Magalang niyang sagot.

"I'd like you to lead this and make sure the costudians have a place to sit." Napangiti ng maluwag si Maine. Strikta man ito ay may malaking puso ito sa mga maliliit na tao ng campus nila.

"Would it be okay to include the cafeteria staff, too?" Suhestyon niya na dinaan sa tanong. Mas mabuti na yung may permiso nito bago siya mag-assume. Mas lalong tumamis ang ngiti nito at tumango.

"Ma'am, I can do that." Sabat ni Mina sa pinata is na tinig. Natahimik si Maine. Gusto niyang i-stapler ang bibig na katrabaho ngunit pinigilan ang sarili. Nakaharap ang superintendent at principal nila.

"Ms. Consuelo, maghintay kang tawagin ang numero mo, wag kang arisgada dahil hindi ikaw ang kausap. Nakakahiya kay Superintendent." Basag naman ni Jackee. Yan ang hindi niya napigil. Lihim na napangiti si Maine sa tinuran ng kaibigan.

"No. It's okay, Ms. Consuelo. Ms. Mendoza will do it. Right, Ms. Mendoza?" Ngumiti si Maine.

"Yes, Ma'am. With pleasure." Sagot niya na hindi man lang tinapunan ng tingin si Mina.

"Uncle, we'll go ahead." Paalam ni Doc Alden. Tsaka pa lang niya muling naalala ang binata.

"Well, we are done here and see you and the staff tomorrow." Paalam na rin ng Uncle Rome ni Doc Alden.

"Thank you, sir." Turan naman ni Principal Agapito. Umalis na ang principal.

"Are we having dinner tonight? Your cousins will be there." Makahulugang sambit ng tiyuhin. Tumango ang binata. "And you, young lady, you are coming as well. Bring Jackee and Paolo. Joe had already called for a catering kaya hindi na kayo magluluto ng Auntie n'yo." Tumango sila ng sabay ni Doc Alden. Nahagip ng kanyang paningin ang matalim na tingin ni Mina sa kanya pero napansin din niya ang takot sa mga mata nito.

Para siyang tuod na nagpahila na lang kay Doc Alden. Ni hindi man lang niya naalala na damputin ang kanyang mga gamit. Mabuti na lang at nandun si Jackee.

"Where to?" Tanong ni Doc Alden. Hindi siya nakasagot.

Home.








__________
End of WHC 14: Home

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just say Hi. Don't forget tap the 🌟 to vote, and let's share the story with your friends for some good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
03.20.20

When He Cries
©All Rights Reserved
February 16, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro