13: Worth It
Mabilis na lumipas ang limang araw at limang gabi na magkasama sila Alden at Maine sa apartment ng dalaga. Ang dalawang unang gabi niya sa apartment ni Maine siya umiiyak.
Ibinuhos na ni Alden ang lahat ng sakit ng pangalang gabi niya sa bahay apartment ni Maine. Gusto ni Doc Alden na wala nang natitirang sakit at pait sa puso niya kapag pinagtuunan niya ng pansin ang dalagang guro. Yun nga lang, ilang araw na lang ay babalik na siya sa sarili niyang apartment dahil matatapos na itong i-repair. Kailangan na lang palitan ang buong wood flooring, which will take maybe a day or two. After that, goodbye Miss Maine na.
Ayaw na niya yatang umalis pa sa apartment ng dalaga, masaya siya dito, magaan ang pakiramdam niya,mabilis na nawala angalit, poot at pagkadismaya sa sarili. Nawala ang ang sakit ng nabugbog niya pride dahil sa pagtalikod ni Vanessa.
Ano ang gagawin niya sa apartment niya sa pagbabalik niya doon? Mag-isa lang naman uli siya sa sariling apartment? Tapos ano? Dadalawin na naman siya ng lungkot at sakit na tagumpay niyang naitawid tatlong gabi na ang nakakaraan? Ayaw na niya ng ganun dahil alam niyang okay na siya ngayon.
Tatlong gabi nang hindi siya umiiyak o nagwawala man lang. Tatlong gabi na siyang masaya, as in, masayang-masaya and he owed it all to Maine. Natatakot siya na baka sa oagbabalik niya sa kanyang apartment ay magbalik uli siya sa dating self pity party. He will not let that happen but the can not drag his stay here.
Oo nga at masakit ang ginawa sa kanya ni Vanessa. Nakapag-propose na siya't lahat-lahat dito, na mabilis naman nitong tinanggap, pero bakit kung kelan ikakasal na sila tsaka pa ito nagdeklara na hindi pala siya nito mahal ha tunay, na napilitan lang pala itong sumagot ng oo at sa kanya isinisisi ni Vanessa ang lahat. Hindi niya matanggap na siya ang itinuturo nitong may kasalanan kung bakit ito pumayag na magpakasal sa kanya kahit hindi a nito gusto.
Gabi-gabi niyang inuulit-ulit panuorin ang video ng proposal niya dito. Hindi niya ito nakitaan ng pag-aalinlangan ang babae. Sa bawat frame, eksena o scene ay hindi niya makita ang mukhang napipilitan lang, bagkus masaya pa nga ito at ubod lapagd ng ngiti. Tuwang-tuwa pa itong halos magtatalon sa tuwa habang nakatunghay sa singsing na bigay niya. Binili pa niya yun sa Tiffany - Italy dahil yun ang palagi nitong sinasabi.
Sa tuwing nilalato niya ang video ay bumabangon ang galit sniya sa babae. Gusto niya itong saktan, pilipitin ang leeg nito at pigain ang buhay mula sa dalagang mapanlinlang.
Kung paano siya napunta sa sitwasyong ito na halos masira na ang ulo niya ay alam niya. Medyo matagal na rin, halos may sampung buwan na ang nakakaraan.
Tatlong linggo bago ang kasal nila ay bigla nawala si Vanessa na parang bula. Nagpakita lang ito sa pamilya dalawang araw bago ang kanilang kasal na parang walang nangyari, walang paliwanag at masaya pa. Sino ang mag-iisip o makakapagsabi na napilitan lang ito?
Araw ng pagbalik nito ay nagkita-kita pa sila sa bahay ng mga magulang ni Vanessa, nag-dinner sila kasama ang mga parents ng dalaga at ang kanyang Auntie Joanne, Uncle Romero, Ate Dianne at Ate Stephie. Masaya silang nagkukwentuhan at ang sweet nila sa isa't isa.
Nakatuwaan pa silang biruin ng Daddy ng dalaga at ng Tito Rome niya na mabilisi silang mamakbuo ng anak sdahil napaka-sweet nila. Nagbiro din ang Auntie Joanne niya na baka hindi pa sila nakakarating sa reception ay didretso na sa honeymoon na sinang-ayunan naman ng ina ng dalaga. Saan diyan ang napipilitan.
Masaya silang nagsalo-salo sa hapunan na yun. Naglabas pa si Vanessa ng champagne para ipagdiwang ang nalalapit nilang kasal at napag-usapan din ang gagawing honeymoon sa Galapos kaya nagulat siya at ang mga magulang nito pagdating ng araw ng kasal nila ay gumawa ito ng eksena na ikinagulat din ng lahat. Parang pelikula lang.
Humingi ng paumanhin ang ama ni Vanessa sa kanya at sa pamilya niya. Kitang-kita ng lahat ang galit sa mga mata ng mga magulang ni Vanessa para sa dalaga at pagkapahiya sa ginawa ng unica hija nila, pero para saan pa ang paghingi ng paumanhin kung hindi naman nila maibabalik pa ang lahat sa dati. Sana sinagasaan na lang siya nito para matapos na.
Alam niyang awang-awa ang nanay ni Vanessa sa kanya pero wala na itong magawa, natural lang na kay Vanessa pa rin ang simpatya ng mga ito. Katulad ng dati, anak nila ang dalaga, sino ba naman siya para pag-aksayahan ng oras ng lahat?
Nang araw na iyon sa harap ng pamilya niya at pamilya ni Vanessa, nagmukha siyang tanga. Wag nang ibilang pa ang mga kaibigan nila na nakasaksi sa ginawa sa kanya ni Vanessa.
Ipinahiya siya nito sa lahat. Sinabi nito na napilitan lang daw itong umoo sa kanya dahil sa nagmakaawa siya na pakasalan ng dalaga. Sinabi pa nito na nakakasakal ang pagmamahal niya. Para siyang sinaksak sa puso ni Vanessa sa mga salitang binitawan nito.
Ang masakit pa sa lahat, the whole tme na magakasama sila, being sweet, making love and all, kinaaawaan lang pala siya nito dahil wala na siyang pamilya, dahil walang may nagmamahal sa kanya, walang may nagmamay-ari. In short, charit case oang siya oara sa babae.
Narinig pa niya ang pagalit na pagsaway ng Auntie Joanne at Uncle Romero niya kay Vanessa habang nag-i-speech ito sa harap para marinig ng lahat. It's her way of apologizing to people for coming to the wedding. Narinig niyang itinuwid ni Auntie Joanne na may pamilya siya sa katauhan ng pamilya nito, tumawa lang ito at hindi pinansin ang tiyahin. Doon siya nakaramdam ng galit.
Bago pa siya nagalit ay inuhnahan na siya ng pinsan niyang si Dianne, kinuha nito ang cellphone niya at ipinakiusap nito sa nag-o-operate ng video overheard na i-play ang video ng pagpo-propose niya. Dalawang tap at iilang slide, nakuha na nito ang video at mabilis na nai-play..
Ngunit bago pa man dumating sa parteng sasagot na si Vanessa ay hinila na niya ang cord at kinuha ang phone at diretsong umalis ng simbahan. Walang nagawa ang kanyang pinsan sa ginawa niya, ni hindi nga niya nakita ang reaksyon ng mga nakakita ng kaunting parteng yun..
Umalis siya sa simbahang yun na hindi man lang nilingon pa ang lahat, kung nakita niya lang sana ang galit na mga mata ng mga bisitang nakatitig kay Vanessa baka nakagaan pa na bahgya sa kanya.
Tumuloy siya sa condo niya at doon nagpakalunod sa alak sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya, nagwala at nalasing siya.
Kinabukasan nang magising siya ay nakakahon na lahat ng gamit niyang personal mula sa kanyang home oofice, ang wala na lang ay ang kanyang mga damit at kamaa.
Prento at seryosongng nakaupo ang Auntie Joanne niya sa isahang sofa habang nakatayo naman ang esposo sa likuran nito. Ang Ate Dianne naman niya ang nakaupo ito sa mahabang sofa na nakasalikop ang mga palad sa kandungan nito at naka-de quatro, nasa tabi nito ang bunso niyang pinsan na si Jayme. Napatuwid ito ng upo nang makita siyang lulugo-lugong bumababa ng hagdan.
"Mabuti naman, hijo at nagising ka na. Ikaw na lang ang hinihintay namin." Seryoso ngunit malambing na saad ni Auntie Joanne niya. Pumitik ang sentido niya dahil sa sakit. Hangover.
"Masakit ba?" Tanong ng Ate niya. Napatitig siya dito. Nakangisi naman si Jayme ngunit hindi nagsalita.
"Nang-aasar ka ba?" Singhal niya ngunit napangiwi din siya kaagad dahil pumitik na naman uli ang sakit ng ulo niya. Natawa si Dianne sa kanya.
"Hindi, pero tinamaan ka? Siguro nga." Pamimilosopo ni Jayme. Tinapunan niya ito ng matalim na tingin.
"Gosh, Raf! Babae lang yan. Ilang beses na bang sinabi ni Rod sa iyo na niloloko ka lang ni Vanessa, hindi ka naman nakikinig eh. Siya lang ang magaling sa iyo." Dugtong pa nitong puno ng iritasyon. Hindi siya nakasagot
"Ate talaga oh, kelan ba nakinig sa rason ang mga taong in love?" Hirit ni Jayme. Tinapunan niya lang ito ng nakakamatay na tingin. Parang hindi naman apektado ang bente-dos-anyos na pinsan.
Hindi siya nakakibo dahil totoo ang sinasabi ng dalawang pinsan. Matagal naman na niyang naririnig ang iba't ibang kwento tungkol kay Vanessa pero binabalewala niya dahil sweet at mabait ito sa kanya na parang anghel, kaya nga siya na-in love dito ng husto.
Sa lahat ng kwento, paulit-ulit oang sinabi ng mga ito, may ibang kinalolokohan ito kung wala siya. In short, may nagpapaligaya dito kung hindi siya available. Hindi siya naniniwala noon dahil mahal niya, maganda nga, mala-anghel nga. But then again, looks can be deceiving and Rod is right again. His guilt is eating him up from inside.
"Shut up, Jayme! Shut up, Ate!" Singhal niya sa dalawa, ngunt napangiwi din siya dahil sakit na dulot nito sa ulo niya. Nawala sa isip niya na kaharap niya ang mga magulang nito na tiyahin at tiyuhin niya.
"Richard Alden Faulkerson!" Pumailanlang ang seryoso ngunit may lambing na boses ng Auntie Joanne niya.
"I'm sorry po." Turan niya. Alam niyang hindi niya dapat ginawa yun sa harap ng tiyahin at tiyuhin kahit pa sanay na silang magmurahan na magpipinsan.
"It's okay, Mom. Let him be angry. Let him be mad. He needs it." Malambing na pagsaway ng Ate Dianne niya sa ina. Bago pa siya naka-react ng todo.
"Mom, Kuya Raf needed that, kaya pinu-provoke ko eh." Narinig niyang sabi ni Jayme. Aangilan pa sana niya ngunit hindi natuloy dahil biglang bumukas ang pinto ng condo niya.
"Am I late?" Bulalas ng bagong dating na Stephie. Pumapangalawa sa panganay na pinsan. Ilang buwan lang naman ang tanda nito sa kanya pero Ate din ang tawag niya dito.
"Lower your voice, banshee!" Saway ni Alden sa nakatiling bagong dating. "You're splitting my head open!" Iritado pa niyang dugtong, ngunit tumawa lang ito.
"Aww." Saad nito na nang-aasar pa. "Splitting open pa lang? Hindi pa open yan sa katotohanan?" Tatawa-tawa nitong sabi. Naiinis man siya ay hindi niya makuhang magalit sa tatlong ito. Never once in his life with them na pinakitaan siya ng masama ng tatlo.
"Is there anything new about you, Stephie?" Mataray na tanong ni Dianne dito. Napangiti siya.
"Here, drink this." Tahimik siyang inabutan ni Jayme ng isang shot ng vodka at isang bote ng tubig. "Mamaya na ang headache mecine after you have food." Dugtong pa nito na tinapiktapik ang kanyang balikat.
"Thanks, bro." Ngumiti lang ito bilang sagot dahil namiminto ang pagtatalo ng dalawa nitong nakatatandang kapatid. Sayang kung hindi panunuorin.
"Oh get off you high horse, Ate Dianne. May dinaanan lang ako kaya ako na-late!" Angil nito. Magkasalubong na ang kilay ng Auntie Joanne niya. Ayaw kasi nito ang nagtatalo-talo kahit sino sa kanila sa harapan nito.
"Stephie Marie Williams!" Turqn ng baritong boses ng ama nila. Mahina man ang pagkakasalita nito ay parang nakasigaw din dahil sa buong-buo nitong boses. Nag-peace sign agad ang dalawa sa Daddy nila at humalik na si Stephie sa parehong magulang.
"Saan ka ba galing at late ka na naman?" Tanong ni Dianne. Malumanay na ngayon.
"Diyan lang. I settled some beef with some bimbo." Simple nitong sagot sabay upo sa tabi ng Ate nito at nagpa-de quatro din.
"I hope you didn't go to her and start a war." Mahinang saad niya. Tumawa lang si Stephie.
"Raf, I have class. I don't stoop on your hoes level, kaya excuse me. And besides, I don't have to start any watr because it has started the day she humiliated you. If anything, I am giving her a favor." Mapang-insultong pagtataray ni Stephie sa kanya. Alam naman niya na noon pa man ay kontra-partido na ang dalawa, elementary pa lang sila.
"Stop it now, Steph." Malambing na saad ng baritonong boses ng ama. Para namang natakot si Stephie, tumahimik ito kaagad.
"Alden, hijo. We packed everything that is valuable to you from your office, you are moving in closer to us." Mabilis siyang nag-angat ng tingin. Isa-isang tinitigan ang ang apat na tao sa harap niya. Iisa ang expression ng mga ito ngunit hindi siya sigurado.
"You're joking, right?" Saad niyang may pananantiya kung nagbibiro ba ang tiyahin o hindi. Wala siyang mabanaag na ibang emosyon kundi iritasyon.
Seryoso din lang itong nakatitig pabalik sa kanya. Napayuko siya. Hindi naman niya pwedeng kontrahin ito dahil parang kinontra na rin niya ang sariling ina na nakababatang kapatid nito at wala din siyang lakas na kumontra dito.
Humugot siya ng malalim na paghinga at marahas iyong ibinuga. Inisang tungga niya ang lamang whiskey sa isang baso at uminom ng tubig bago tumayo.
"I'll go up and take a shower." Saad niya. Bago pa siya lubusang makalapit sa hagdan, tatlong may kaidarang babae at isang lalaki ang pumasok. Mga naka-uniporme ito na parang mga nousekeeping. "Who are they?" Tanong niya.
"Don't worry about them. Just go and take a shower then we'll talk more." Saad ng Auntie Joanne niya. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod, hindi rin naman siya mananalo. Wala pa sa kanila ang nanalo laban dito.
Umakyat siya sa kwarto niya at inasikaso ang mga pamalit-damit. Pumasok sa banyo at naligo. Matagal siyang nakatayo sa ilalim ng dutsa matapos mag-shampoo at magsabon. Mula sa maligamgam na tubig, hinayaan niya sa cold ang tagas nito. Doon, muli niyang ibinuhos ang sakit na dinulot sa kanya ni Vanessa. Sinaktan at ipinahiya siya nito
Ang kahapon na pagmamahal na meron siya sa babae ay napalitan ng masidhing galit at sakit. Nakikini-kinita niya ang mukha ng dalaga sa dingding ng shower room niya. Sa galit niya dito, pinagsusuntok niya ito, yun nga lang, ang dingding ang sumalo hanggang sa mabasag na ang iilang tiles nito at nagkasugat-sugat pa ang kamao niya.
Nagkulay pula na ang tubig na nahaluan ng dugong galing sa kamao niya. Masakit man ito ay hindi niya ito ininda dahil mas masakit ang puso niya o mas maiging sabihin na ang pride niya ang nasaktan.
"You're one heartless son of a bitch!" May kalakasan niya saad. Puno ng galit, puno ng sakit.
That was almost ten months ago. Iniwan niya ang condo niya sa utos na rin ng mga tiyahin na kumupkop sa kanya simula ng mamatay ang kanyang mga magulang at dito nga siya napadpad sa apartment complex na ito kung saan nakatira ang tiyahin at tiyuhin niya.
Ilang buwan din siyang nagkulong. Noong una ay puro inom lang ng alak ang ginawa niya sa araw, tulog naman sa gabi ang gawa niya. Hindi siya pumapasok sa hospital tutal naka-honeymoon vacation nga daw siya.
Matapos ang tatlong buwan ng pagmumukmok at pagpapamanhid ng katawan, puso at isip ay itinigil niya ang pag-inom. Bumalik na siya sa hospital with a new perspective, new hope, new Richard Alden Faulkerson.
Noong una ay ayos pa, nakakatulog pa siya sa gabi ng ilang ay na-trigger ang sakit na naramdaman niya noon nang makita niya si Vanessa na may kasamang ibang lalaki.
He tried to persuade her but she just turned her back at him, laughing and insulting him. Thinking about it now, it's not as hurtful as it was a couple of months ago when he saw Maine trying to be tough and strong in front of her cheating ex-boyfriend.
Napatitig siya sa babaeng nasa harap niya, matapang, matatag kahit na may kirot at sakit sa pusong nararamdaman. Hindi man lang niya ito nakita o narinig na umiyak o maghinga ng niloloob. Bagay na napamahal sa kanya. Mahal? Napailing siya sa naisip.
Katulad niya, niloko din ito ng kasintahan pero taas noo nitong tinanggap dahil doon ay mas lalo siyang humanga sa dalaga. Napamahal kamo! Sigaw ng utak niya. Muli siyang lihim na napailing. Natatawa siya sa sarili.
Kakaiba si Maine sa lahat ng mga nakilala niyang babae, naging kaibigan man o hindi. At mas lalong kakaiba siya kay Vanessa.
Umasin ang mukha niya sa pagkakasambit sa pangalan ng babae sa isip niya.
A small sharp pain cut through his heart. He realized that it was not as painful as it was anymore. Ang totoo, hindi naman talaga ang puso niya ang nasasaktan ng babae kundi ang pride niya bilang lalaki, ang ego pala niya ang tinamaan, hindi ang puso niya. Mapait siyang napangiti.
It took Maine's presence for him to realize na hindi puso niya ang sugatan kundi ang mataas niyang pride at ang malaki niyang ego.
As soon as Maine dragged him out there, to her car, to the church, slowly, the realization kicked in like a kangaroo boxer kicked him in the head.
Kaya two in nights into staying dito sa apartment ni Maine, ibinuhos na niya ang lahat ng galit, sakit, pagkapahiya at ibinaba na rin niya ang kanyang pride at ego para matapos na ang pagiging miserable niya.
"She's not worth it." Dinig na dinig pa rin niya ang tinig ng pinsang si Stephie.
"B-bakit? A-anong meron?" Nauutal na tanong ni Maine. Napatitig siya sa dalaga at lubusan nang napangiti.
"Wala." Simple niyang sagot at bumalik na ngiti sa labi sa paghihiwa ng amplaya para sa lulutuin ni Maine.
Isa ito sa mga huling hapunan na pagsasaluhan nila na magkasama. Kakayanin ba niya?
Kaya pa nga ba? Kayanin mo, Raf. She's worth it, all of it.
__________
End of WHC 13: Worth It
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just say Hi. Don't forget tap the 🌟 to vote, and let's share the story with your friends for some good vibes. CTTO Media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
03.19.20
When He Cries
©All Rights Reserved
February 16, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro