11: Supper
"Binunot ni Paolo ang mainit na plantsa mula sa pagkakasaksak at paplantsahin niya daw ang Nanay niya ng tumuwid." Patuloy nitong kwento. "Mabuti na lang at tumawag ng baranggay si Ruby kaya ayun, napaalis si Mercedita. Bago pa siya naialis ng mga tanod sa harap ng bahay namin, napektusan pa siya ni Pia." Dugtong pa nito. Nandilat ang mga mata ni Maine.
"Damn! This is not good." Pabulong niyang sabi. Napatingin si Mang Joe sa kanya dahil magkatabi lang sila nito.
"Talagang it is not good." Sagot naman nito. Ipinaling niya ang atensyon sa lalaki dahil kung hindi, magiging isa tulalang duktor sa harap ng dalaga. I need to sort this out. Sabi niya sa sarili.
I am doomed!
NAGPATULOY ng kwento si Mang Jose habang ang utak naman ni Doc Alden ay kung saan-saan naglalakbay, tumbok nito ang babaeng nakaupo sa harap niya.
"Hala! Magulo palang talaga?" Saad nito. Napakisap-kisap ang mga mata niya. Naagaw ng tinig ni Maine ang naglalayag niyang diwa sa kung saan hindi niya alam at hindi siya sigurado. "Eh bakit naman kasi ginanun ni Kuya Pao ang Mommy niya?" Tanong nito bbago limagok ng juice mula sa baso. Baliw na nga yata siya dahil kung ano-anong malalaswang kaisipan ang pumpasok sa utak niya
Ipinilig niya ang kanyang ulo ng palihim. Nagagalit siya sa sarili dahil sa kung ano-ano at kung saan-saang parte ng katawan ng dalaga napunta ang kanyang imahinasyon. Kailangan niyang alisin ang dalaga sa utak niya. Hindi pwede ang iniisip niya, hindi dapat.
Magkaibigan lang kayo, Richard Alden Faulkerson!
"Yun na nga, Meng. Hindi talaga ako sang-ayon sa ginawa ni Paolo sa Nanay niya, pero naiintindihan ko rin naman siya." Mabilis na sagot ni Mang Joe. Napalingon si Doc Alden nang May ma-realize sa takbo ng usapan.
"Teka, magkapatid kayo pero iba ang Nanay niya?" Mas maganda pang sumali na lang sa usapan ng dalawa kesa naman kung ano-anong kahalayan na nagawa niya kay Maine sa kanyang utak. Malala na ang imahinasyon niya.
"Yes. Magkapatid kami sa ama. Lumandi kasi ang Papa noong akala niya ay hindi na siya mahal ng Mama. Yun pala ang nagme-menopause lang si Aning." Game naman na sagot ni Mang Joe.
"Ah. Okay." Sagot niya. Ngumiti si Mang Joe at nagpatuloy ng kwento.
"Noon ay lihim na sinusustentuhan lang ng Papa yang si Paolo. Bata pa lang kami alam na namin ang tungkol sa kanua, pero syempre hindi namin ipinaalam sa Papa at Mama na alam namin dahil ayaw naming masaktan si Mama. Hindi rin naman nagalit si Mama kay Papa nung malaman niyang May naging babae ang Papa sa kabilang bayan dahil saksi kami sa topak ng Mama, aminado naman siya. Bandang huli nalaman na rin ni Aning ang tungkol kay Paolo." Ang sarap magkwento ni Mang Joe. Sakop na sakop ang atensyon nilang dalawa ni Maine kaya natuwa na rin siya nang mailayo sa dalaga ang isip at panggigigil niya.
"I bet your Mom was so mad, when she found out about Paolo." Napangiti si Mang Joe sa pakikiosyoso niya.
"Ingglisero talaga ito 'no?" Natawa si Maine sa pagpuna ni Mang Joe sa kanya. Nagdilim ang tingin ni Doc Alden kay Maine, puno ng pagnanasa. Ugh! Don't laugh like that or I will lunge from here and devour you to pieces. Nagtagis ang bagang niya. Successful na sana eh. Nagsalita pa.
"Hindi naman nagalit si Mama." Biglang nagsalita uli si Mang Joe. Napakurap si Doc Alden. "Bagkus naawa pa nga siya kay Paolo." Patuloy na salaysay ni Mang Joe. Nasa mood talagang magkwento.
"Bakit naawa?" Tanong niya. Hinarap na niyang tuluyan si Mang Joe.
Wala sa kwentuhan nila ang isip niya at ayaw niya ang tumatakbo sa kanyang utak. Alam niya kung bakit ganun ang daloy ng isip pero ayaw niya sa kung saan ito patungo.
Ano na lang ang iisipin ng dalaga sa kanya kapag nalamam nito ang nasa imahinasyon niya? What will she say? She'll say, you are a damn pervert? That's what she'll say, moron! Galit na singhal sa sarili
"Naawa siya dito kasi kami lantad sa tao na anak kami ng Papa, tapos, doon siya sa kabilang bayan nakatira kasama ng Nanay niya. Tampulan ng usapan ng mga dalagitang kapitbahay." Sagot naman nito.
"Talaga bang ganyan siya? Was it okay with your Dad?" Pinapitik pa niya ang kanyang kamay na napakatigas naman, di bagay. Na-curious siya sa lalaki. Natawa si Mang Joe, bumungisngis naman si Maine na hindi na niya nilingon pa ito. He has to tune her out because he is so turned on with the sound of her giggles.
"Bata pa lang siya alam na namin na Barbie yan. Hindi naman nagalit si Papa. Sabi niya, kahit na maging ano pa ito ay anak pa rin daw si Pao ng Diyos kaya tanggap niya ito ng buong puso. Umuwi yan sa amin noong first year high school na siya. Puro kalmot ang mukha at puro pasa sa katawan, may mga pinagpasuan din yan ng plantsa sa hita, braso at likod. Nagagalit daw 'yang si Mercedita dahil ayaw magpakalalaki nitong si Pao." Nagpatuloy ito sa pagkwentong nagtatagis ang bagang. Kita ang galit sa mga mata nito.
Nalibang naman si Maine at Doc Alden sa pakikinig na ikinatuwa na niya dahil kahit papaano ay nawawala na sa isip niya ang mga imaheng nagpapatayo ng balahibo niya at iba pa. Pati na rin ang pagtigil niya sa unit nito ay nawala sa isip niya.
"She's a cruel mother." Puna ni Doc Alden. Napatango-tango si Maine at Mang Joe sa komento niya.
"Natatawang naaawa ang Mama nung dumating yan sa bahay. Hindi namin alam kung paano naming pakikiharapan si Paolo nung una dahil alam nga namin na hindi pa alam ni Mama." Uminom muna ito ng juice bago nagpatuloy. "Eh di ba nga may mga pasa, kalmot at paso siya? Alam n'yo ba na ang laman ng bag niyang dala pagdating niyan? Isang maliit na hair blower, hair straightener na nababalot ng electrical tape ang hawakan at gunting na panggupit sa buhok at apat na kupas na brief, may butas pa yung isa." Natawa si Maine sa pagka-kengkoy na kwento ni Mang Joe habang nakakunot naman ang noo ni Doc Alden.
"Hindi man lang nagdala ng damit?" Tanong niya.
"Hindi rin nagdala ng sepilyo?" Sambit naman ni Maine na hindi mapalis ang ngiti sa labi. Ipinilit ni Doc Alden ang ulo. Kung titingnan siya ay parang umiiling-iling lang siya.
"Si Ruby and bumasag sa tensyon nung itanong niya yan kay Paolo. Hindi na daw kasi sinunog daw ng nanay niyang baliw ang mga damit niya pati na ang mga notebook at libro na gagamitin sa eskwela. Nung oras na yun mismo, nagpatawag ang Mama ng baranggay at pulis at sinugod si Mercedita. Pagdating doon kasama nga yung pulis at yung baranggay kapitan namin at dinaanan nila Mama ang kapitan ng baranggay nila." Napapailing si Mang Joe sa pag-aalala ng nakaraan ng kapatid.
"Tinanong ni Mama kung totoo bang ayaw na ni Mercedita sa anak, nasa eskwela kami ni Ruby noon at si Pia lang ang kasama ng Mama. Sa harap mismo ng mga pulis, itinakwil ni Mercedita si Paolo at tinawag pa niya itong salot sa buhay niya kaya kung pwede ay ikulong na lang daw ito at nang mailayo sa kanya. O di naman kaya, kung hindi makakerwisyo sa kanilanay ilibing na lang daw ito nang hindi makapaminsala ng iba." Napahaba ang kwento ni Mang Joe sa buhay ni Pao. Napansin ni Doc Alden ang pagtagas ng bagang ng lalaki. Nakaramdam siya ng awa sa kapatid nito.
"Grabe pala ang Mommy ni Kuya Pao." Hindi alam ni Maine kahit nung una itong maging malapit sa magkapatid. Pagkamangha at hilakbot naman ang mababanaag sa mukha ni Doc Alden.
"Kawawa naman pala ang kapatid n'yo, Mang Joe." Turan ni Doc Alden. Napatango-tango si Maine bilang pagsang-ayon.
"Oo nga eh. Ganun pala ang kwento ni Kuya Pao, pero kung titingnan mo parang walang problema sa buhay." Puna pa ni Maine. Tumango din lang si Mang Joe bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.
"Akala n'yo lang yan, ilang beses ko nang naabutan yan dun sa bahay namin noon na nasa kandungan siya ni Mama, umiiyak, hinahaplos-haplos naman ni Mama ang ulo niyan." Nangingitim si Mang Joe sa pagkakaalala ng tagpong iyon.
"Nagtatanong siya kay Mama kung bakit daw siya ganun tratuhin ng Nanay niya, samantalang ang Mama na hindi niya tunay na ina ay minahal siya nito, inaasikaso, inaalagaan. Minsan nga alam n'yo inisip namin noon na parang mas mahal pa nga siya ni Mama kesa sa aming tatlo ni Ruby at Pia, eh kami naman ang anak huh. Samantalang siya, inanak lang ng Papa sa pagkakasala." Napapailing nitong pahayag.
Mataman lamang silang nakikinig na dalawa, kahit panaka-nakang tumatayo si Maine para silipin ang niluluto nito. At sa tuwing tatayo si Maine ay nasa balakang at pwet kaagad ang kanyang mga mata. Napapailing siya.
Mang Joe took it as he is into his story completely, which is partly true but half of his mind is somewhere else.
"Ang sabi naman sa amin ng Mama, kapag daw nakaya naming ibalik si Paolo sa dulunan ng manoy ni Papa ay ititigil na niya na mahalin si Paolo at habang hindi pa namin daw nagagawa yun, itutuloy niyang mahalin ito katulad ng pagmamahal niya sa amin kasi anak daw ng Diyos si Pao. Wala na kaming nagawa. Mabait naman kasi si Paolo at masioag yan sa bahay. Todo serbisyo yan sa Mama kaya hindi ako magtataka na giliw na giliw si Aning sa kanya." Napanganga pareho si Alden at Maine sa paghanga kay Aling Ana, hindi pa man niya ito nakikilala. Parang namang gustong maiyak ni Maine.
"Wow. Nakakahanga palang magmahal ang Aling Ana, Kuya Joe." Nangingislap ang mga mata ni Maine sa tuwa ngunit kita din doon ang simpleng pagguhit ng lungkot na bigla ring nawala. Nagtaka siya. What was that about?
"Eh, ganun talaga ang Mama. Sa harap mismo ng pulis, tinanong niya si Mercedita kung pinal na ba ang desisyon nito na itakwil at ituring na patay na si Paolo. Sagot naman daw ni Mercidita kwento ni Pia, wala daw siyang anak na katulad ni Paolo at kung meron man ay matagal na itong patay. Naiyak pa nga si Pia kaya inakap na lang niya si Paolo ng mahigpit. Nung araw din na yun, sinabihan niya ang mga pulis na i-blotter ang lahat at siguraduhing nakasulat lahat ng mga sinabi nito dahil simula sa araw na yun siya na ang ina ni Paolo. Sumang-ayon naman daw si Mercedita, yung dalawang baranggay captain, at pulis, pati na rin nga ang mga tsismosang kapitbahay na nakiosyoso ay sumang-ayon din at nagpasalamat pa sa Mama." Nangingiti si Alden sa kwento ni Mang Joe. Meron palang taong katulad ng Nanay ni Mang Joe? Takbo ng isip niya.
"Anong nnagyari pagkatapos?" Tanong niya na akala mo eh isang storytelling ang nagaganap. Naglalagay si Maine ng mga pinggan sa lamesa habang patuloy ito sa pakikinig.
"Kinabukasan, dahil bata pa at nasa first year high school pa lang naman si Pao noon, dinala siya nila Mama at Papa sa abogado para papalitan ang kanyang apelyido at mairehistrong si Mama at Papa ang mga magulang niya." Nagtuloy pang kwentuhan nila na naging si Paolo ang topic nila.
"Ay teka, tulungan na pala kita sa mga gamit mo habang may ginagawa si Menggay sa kusina." Nakangiting nakakaloko si Mang Joe sa kanya. Pinalis niya sa isip ang nakitang ngisi sa labi nito.
Nailagay na rin Doc Alden ang mga gamit niya sa kwartong gagamitin. Nagtulungan silang dalawa sa paglipat ng kama ni Alden sa unit ni Maine dahil walang extra-ng kama sa kabilang kwarto. Mabuti na lang at pa padapit-hapon pa lang kaya wala pang katao-tao sa complex maliban kay Maine, Doc Alden, Mang Joe at Tita Joanne, nasa trabaho pa ang ibang tenants.
Bumalik lang sandali si Jackee para ipaalam sa kanila ni Maine na natawagan na nito ang repair man ng mga magulang nito pero hindi pa ito nasagot sa tawag niya. Sinabi din ni Jackee na ipa-follow up noya bukas dahil pasado na alas singko kaya maaaring nakauwi na ito. Pagkatapos ay nagpaalam na ito. Umalis na rin si Tita Joanne.
Naging mabilis lang naman ang pagluluto nito dahil wala pang ala-sais ay nakahanda na ang lahat. Habang nagtutulungan ang dalawang lalaki, dumating naman si Paolo na hinahanap ang kapatid.
"Meng, andiyan pa rin ba ang Kuya?" Tanong nito na pakanya-kanta pa sa may pintuan niya.
"Nandito pa, Kuya Pao." Sagot naman niya. Sabay bukas sa pinto.
"Kuya Jose, hindi ka pa umuuwi ng lagay na yan?" Madrama at patiling tanong nito. Parang akala mo ay may kahindik-hindik na naganap. Tinapunan ito ng matalim na tingin ng kapatid.
"Tumahimik ka nga, Paolo. Bakla ka lang huy, wala kang matris para magtitili ka diyan!" Saway naman ng nakatatandang kapatid. Natatawang nanonood lamang si Doc Alden na nakahamboy sa pasimano sa harap ng kwarto sa magkapatid.
Marami pang palitan ng kung ano-ano si Mang Joe at Paolo hanggang sa umabot sa puntong napag-usapan na nga ang tungkol sa libing ng Tatay ng mga ito at ang pag-ieskandalo ng Nanay nito.
"Ay talagang paplantsahin ko siya. Wala akong pakialam kong ipahiya niya ako dahil sanay na akong ipahiya ni Mercedita, pero yung ipapahiya niya ang burol ng Papa sa harap pa mismo ni Mama. Naku! Naku! Naku! Yun ang hindi pwede. Pasalamat nga siya at plantsa ang hawak at hindi gulok, dahil kung nagkataong gulok ang dala ko, baka Merceditang bopis na ang labas niya dahil tatadtarin ko siya ng pinung-pino." Napahaba ang litanya nito. Magkasalubong pa ang kilay nito at namula pa ang mukha sa galit. Nag-alala si Doc Alden.
"Eh, ikaw naman kasi, hindi mo na lang hinayaan yung mga tanod na naroon para alisin si Aling Mercy. Pinatulan mo pa." Mahinahon na apahayag ni Mang Jose.
"Kuya, kahit sa matris niya ako nanggaling hindi ko siya aatrasan. At isa pa kapatul-patol naman kasi talaga ang mukha nun." Talagang magrarason pa si Paolo. Na-curious tuloy si Doc Alden kung ano ang hitsura ng Nanay ni Paolo.
"How does she look like?" Tanong niya. Nagkatingnan si Paolo at Mang Joe, ganun din si Maine, at biglang nagtawanan.
"Tara na sa kusina. Doon na natin ituloy ang kwentuhan." Maagap na pag-anyaya ni Maine. Alam niyang tututol ang magkapatid kaya inunahan na niya. "Marami akong niluto. Hindi namin mauubos ni Doc Alden ang lahat ng ito." Mabilis niyang dugtong.
"Mabuti pa nga at doon ko idu-drawing kung ang itsura ni Mercidita." Saad ni Mang Joe.
"Ay, go ako diyan. Masarap magluto itong si Teacher kaya gora na ang mga patay-gutom." Walang prenong sabi ni Paolo. Natigilan si Doc Alden sa sinabi nito.
"Wag mong intindihin ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Kuya Pao. Ganyan lang talaga yan magsalita but he meant well." Paliwanag ni Maine sa binatang duktor. Nag-peace sign naman kaagad si Paolo sa kanya.
Umupng magkatabi si Paolo at Maine, nakaharap naman siya kay Maine at nasa tabi niya si Mang Joe sa apatang upuan na lamesa ni Maine.
"Sige na, Maine. Go na sa orasyon mo." Utos ni Paolo. "Aray!" Bigla nitong sigaw. Nakutusan na pala ito ng nakatatandang kapatid. Napailing na lang sila sa dalawa.
"Bless us oh Lord and these thy gift, which we are about to receive from thy bounty, through Christ, our Lord. Amen." Panimula ni Maine.
"Amen." Sabay na sagot nilang tatlo.
Inabot ni Maine ng plato ng kanin at ipinasa kay Doc Alden. Kinuha naman ito ng binata at nilagyan niya ang plato ni Maine ng kanin bago ang kanya. Nagkatinginan si Paolo at Mang Joe nang walang salitang lumabas sa bibig nila. Nangingiti pa ang dalawa. Ipinasa ni Doc Alden ang kanin kay Mang Joe na tinanggap naman kaagad nito.
Kinuha naman ni Maine ang bowl ng afritada at ipinasa uli sa kanya. Nilagyan naman niya ng ulan ang plato ng dalaga na hindi pa rin yata nito napapansin dahil busy oto sa paglalagay ng tubig sa apat na baso.
Nang maipasa ni Doc Alden kay Mang Joe ang bowl ng ulam ay saka pa lang napansin ni Maine na may pagkain na pala sa kanyang plato. Napangiti ang dalaga na biglang namula ang pisngi.
"Salamat." Simple nitong pasalamat. Ngumiti lang siya at bahagyang yumukod. Naging masaya ang hapunan nila na kasama ang magkapatid na kapitbahay din nila.
__________
End of WHC 11: Supper
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just say Hi. Don't forget tap the 🌟 to vote, and let's share the story with your friends for some good vibes. CTTO Media used.
💖 ~ Ms J ~ 💖
03.11.20
When He Cries
©All Rights Reserved
February 16, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro