Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10: Doomed


"What? No. I can't." Matibay ngunit mahinahon naman na sagot ni Doc Alden. Gayun pa man ay ikinagulat ni Maine dahil sa tigas ng pag-ayaw niya. Nakakunot ang noo nito nang tingnan ang dalaga.

"What's wrong with it, Alden? Ayaw mo sa hotel, hindi ka naman pwede kanila Tita Joanne, wala kang matutuluyan dahil baha pa yang unit mo. And besides, magkaibigan kayo, unless you do not consider her as your friend, then we will understand." Litanya ni Jackee. Nakangiti man si Maine, makikita naman ang sakit na gumuhit sa mga mata ng dalaga.

"May iba ka bang option?" Magaan na tanong ni Maine. Pilit pinasasaya at pinagagaan ang boses. Pakiramdam kasi ng dalaga na kumakapal ang tensyon sa pagitan nila ng binata.

"Tatawagan ko na lang si Rod." Mahinang sabi ni Doc Alden bago humugot ng malalim na paghinga.

Alam niyang na-offend niya si Maine. Cornered lang naman siya, kaya lang, hindi niya alam kung paanong sasabihin kay Maine na ayaw niyang may masabi ang ibang tao sa dalaga lalo pa't guro ito. Pangit tingnan.

"Ikaw pala ang may kailangan ng call a friend. Eh di go, push mo yan, Koya." Makataas ang kilay na pasaring ni Jackee sa kanya.

Natahimik sila panandalian. Dinukot niya ang cellphone para tawagan si Rod. Nakailang ring na ay hindi pa rin ito sumasagot hanggang sa inulit niya ay wala pa rin. Napabuntong-hinga uli siya. Wala siyang magagawa at wala siyang laban.

He needs to rest early dahil may operasyon bukas sa isang pasyent at ipinakiusap ng parents nito na mag-assist siya para makampante ang mga ito pati na ang batang pasyente na malapit sa kanya.

"Rod is not answering. I guess have no choice. But I can't impose on you, Maine." Pagpipilit na rason ni Doc Alden. Napalingon siya biglang pagsasalita ni Jackee.

"What a friend, huh?!" Sumirko na naman ang kilay ni Jackee. Pinigil niyang manglito sa komento nito. "You can stay in your unit, dark, damp and cold till it gets fixed." Seryosong salita nito. Maragsang bumuntong-hininga si Doc Alden, feeling talunan at walang masulingan, hinarap ng binata si Maine.

"I'm sorry, okay." Saad niya.

"Hindi sasagot yun sa iyo dahil katulad ng pipe na yan at ng unit mo, malamig at madilim na rin angnpagkakaibign n'yo." Talagang masama pa rin ang loob ni Jackee kay Rod for whatever reason pa man, ipit siya sa gitna kapag hindi niya inayos ito.

"If it is okay with you and if it is not an imposition, I think it is okay with me, too. Ayaw ko lang na may masabing hindi maganda ang mga tao laban sa iyo" Seryoso man siya sa pagsasalita ay magaan naman ang dating. Napangiti na si Jackee.

"Papayag din lang naman pala ang dami pang arte." Komento ni Jackee. Nandilat ang mga mata ni Maine, pinanliitan naman niya ng tingin ang dalagang anak ng may-ari.

"Jackee!" Saway ni Maine.

"What?! Ikaw na ang nag-offer di ba? Doc, duktor ka hindi artista para magpabebe pa." Patuloy na pang-aasar ni Jackee sa binatang duktor.

Natawa tuloy si Tita Joanne ng malakas. Nahawa na rin sila sa tawa ng ginang kaya biglang gumaan ang lahat. Ginulo niya ang buhok ni Jackee na ikinasimangot nito. Napailing na lang si Maine.

Masarap ang pakiramdam ni Doc Alden na may mga bago siyang kaibigan sa katauhan ni Maine at Jackee... especially Maine.

"Go and get few of your stuff and your important things and documents. I'll see you at dinner." Utos ni Maine sa binata. Napabuga na lang ng hangin si Doc Alden. May magagawa pa ba siya? Wala. Wala akong magagawa, puro babae ang kaharap ko, when will I win?

"Ayaw mo pa kasing pumayag, kaibigan mo naman siya." Pagpapaalala ni Jackee kay Doc Alden. Sasagot na siya ng maunahan siya ni Maine.

"Umoo na nga, Bes. Ang kulit eh." Saway ni Maine sa kaibigang ayaw paawat. Napangiti siya.

"Jackee, hindi naman sa ayaw kong mag-stay sa bahay niya. Who wouldn't to taste her cooking or coming home at tasty dinner everynight? Ayaw ko lang na masabihan siya ng hindi maganda ng mga nakakakilala sa kanya, ng mga co-teachers n'yo na nagpapatuloy siya ng kung sino-sino, let alone lalaki pa. Lalaki ako, babae siya, kahit saang anggulo mo tingnan, pangit." Paliwanag niya.

Naalala kasi nito ang mga narinig sa mga tao nung ipakilala siya sa pamilya nito bilang bestfriend at sa ibang nitong kakilala.

Nagtaasan ang kilay ng mga ito, sabay bulungan ng kung anu-anong hindi maganda na karamihan doon ay narinig niya. Yun ang ayaw na niyang mangyari sa dalaga. Itinuring siya nitong kaibigan at ito rin lang ang meron siya nung panahong nasasaktan siya. He can't do that to her.

"I see your point, hijo." Pagsang-ayon ni Tita Joanne. Pero mapilit talaga itong si Jackee.

"Naku. Yan pa ba si Maine ang aalalahanin mo? Marami na yang pinagdaanan. At kung iyang tsismis sa kanya ang iisipin mo, may masahol pang nangyari diyan na kinaya niyang lahat." Saad ni Jackee. "At saka, lalayo ka pa ba, eh  nandito lang siya at ayan lang unit mo. Makikita mo pa ang pagkakaayos niyan." Dugtong pa nitong pahayag. Natahimik na lang si Doc Alden dahil ang naisip niya kanina na maliban sa wala siyang panalo sa mga babaeng nasa harap niya ngayon, may point naman si Jackee. Tatlo-kontra-isa.

"Sige na, hijo. Kunin mo na ang dapat mong kunin diyan sa unit mo at ilipat mo na muna sa unit ni Maine pansamantala." Utos ng tiyahin niya. "Jackee, hayaan mo na si Alden na mag-lock ng pinto. Go with me. I'll help you find your mom's contract repair man." Inakbayan ng ginang si Jackee at sabay na lumisan.

Tumalikod na rin si Maine. Naiwan si Doc Alden sa tapat ng unit niya, mag-isa. Napapailing siyang isipin na parang napagkaisahan siya ng tiyahin at ni Jackee, and Maine just got caught in the middle.

Walang nagawa ang binata kundi ang harapin na lang ang kailangang harapin. He has no choice, he got ganged up by three wonderful ladies.

Naalala niya tuloy ang isinagot ng Daddy niya sa kanya nung tinanong niya ito kung bakit hindi sila nag-aaway ng Mommy niya. He clearly remebered his Dad's exact words. A happy life has a happy wife. Make your woman happy and there will be no arguments. Naluluha siyang maalala ang mga magulang.

Kesa umiyak, itinutok na lang niya ang atensyon sa pagkuha ng iilang damit na pambahay at pantulog kasama na ang kanyang mga undergarment sa isang maliit na luggage, kasama na ang mga personal hygiene bag at shave.

Binitbit niya ang mga pangpasok niyang mga long sleeves at slacks. Isinama na rin niya ang dalawa niyang lab coat. Siniguro niya na may magagamit siya sa loob ng apat o limang araw dahil hindi niya alam kung gaano katagal ang magiging trabaho sa unit.

Bago siya bumaba ay siniguro niyang naka-lock ang kanyang kwarto bago pumunta sa isang kwarto na ginawa niyang home office at inilagay sa isang messenger bag ang kanyang laptop, iba pang gadgets at stethoscope.

Pagkatapos makuha ang bagay na sa palagay niya ay kakailanganin niya ay lumabas na siya at ini-lock na rin ito.

Isinukbit niya ang dalawang maliit na bag sa snap hook ng kanyang roll away luggage, isinuot ang messenger bag niya at bumaba na.

Sinigurong hindi mababasa ang laylayan ng kanyang mga naka-hanger na damit. Lumabas ng bahay at sinigurong naka-lock ito. Kahit na gated ang apartment compound nila ay hindi pa rin sila dapat na pakampante.

Dala-dala ang mga gamit, huminga muna siya malalim bago nag-umpisang maglakad patungo sa unit ni Maine nang masalubong niya ang isa sa katapat na apartment unit nila, si Mang Joe.

"Saan ang punta mo, hijo? Mukhang nag-alsa-balutan ka niyan ah." Sinilip pa ng ginoo ang likurang bahagi niya. "Pinalayas ka ba ni Mrs. Escobar?" Nakakunot ang noong tanong nito. Napangiti siya sa ginoo sabay umiling.

"Wala pong nagpalayas sa akin. Diyan lang po muna ako sa unit ni Maine makikituloy habang inayos ang unit ko. Pumutok po kasi yung main water line sa kusina." Wala na siyang iba pang gustong ipaliwanag sa ginoo, pero mas pinili niyang maging direkta.

"Ay naku, nasa bakasyon pa man din ang mag-asawang Escobar." Pagsang-ayon nito. Napatango-tango na lang si Doc Alden. "Mabuti pang diyan ka na muna kay Maine magtigil ng ilang araw. Wag kang mag-alala ako ang bahala sa inyo kapag may nagsalita ng hindi maganda tungkol sa inyo. Mabait at matulungin lang talaga ang batang yan." Pahayag nito. Napangiti ng malapad si Doc Alden dahil sa sinabi ng lalaki.

"Maraming salamat po, Mang Joe." Magalang niyang sagot niya. Isa ito sa mga una niyang nakilala nung lumipat siya dito. Sa parking lot niya ito nakilala. Inaayos kasi nito ang kotse ng Uncle Romero niya.

"Diyan ka manunuluyan kay Menggay? Mabuti yan, safe ka diyan. Mabait ang batang yan, push over nga lang nung boyfriend niyang pangit." Pabaklang saad ng isa pang lalaking dumating. Napataas ng kilay niya si Doc Alden. Who's he?Hindi niya kilala ang isang ito.

"Hoy, mahaderang bakla, wag mo ngang tinatakot itong batang ito." Saway ni Joe sa lalaki.

"Ay, Kuya Joe, bata pa ba yan? Eh makakagawa na nga yan ng bata. At hindi ako nakikialam 'no, nakikiayon ako sa sinasabi mo." Singhal nito kay Mang Joe. "Doc, kung sino mang mga echoserang froglet ang mang-intriga sa inyo, just call Paula the great and I will handle it." Napangiti tuloy di Doc Alden sa pagpilantik ng mga daliri nito habang iwinawasiwas ang kamay sa ere.

"Lumayas ka na nga Paolo. Magulo ka pa sa ayos ng buhok at mukha mo eh!" Utos ni Mang Joe sa lalaki.

"Naku! Nagsalita ang makinis. Maka-Paolo 'to,'kala mo pangalan niya." Patutsada nito. Natawa siya sa dalawa. Di niya akalain na kakausapin siya ng mga ito. "Bye, Kuya. Bye, Doc." Sabi pa nito na parang model na rumampa palayo sa kanila. Nagpakaway-kaway na parang beauty queen sa kanyang farewell walk. Napapailing ni Mang Joe pati na rin si Doc Alden.

"Pasensiya ka na diyan sa kapatid ko. Ipinaglihi yata yan ng nanay niya sa nalipasang gutom na alien eh." Saad nito na nagpatawa sa kanya. "Akin na 'yang iba mong hawak, tutulungan na kita." Pinagbigyan naman ni Doc Alden ang lalaki. Kailangan na niyang masanay na maraming taong gustong tumulong sa kanya kahit na sa maliliit na bagay. Sabi nga Maine sa kanya sa isa sa mga lunch nila ni Jackee.

"Doc, remember that man can not live by just bread alone." Nakangiting saad ni Maine.

"Korek, Doc." Salo ni Jackee na nasa kaliwa niya lang. "kailangan din nito ng palaman." Nagtawana sila dahil sa kakulitan ng kaibigan.

"Menggay, nandito na ang bisita mo." Nabalik lang siya mula sa pag-alala ng mga kwentuhan nilang tatlo nang sumigaw ni Mang Joe sa pintuang nakabukas. Nakasara naman ang screen door nito kaya ayos lang siguro na nakabukas ang pinto sa loob.

"Kuya Joe, kelan ka dumating?" Masayang salubong ni Maine sa ginoong kapitbahay. Umakap pa dito ang dalaga at nakipagbeso pa.

"Kagabi lang." Sagot naman ni Mang Joe na nakangiti. May dimple din pala ito. Naisip niya.

"Condolence nga pala, Kuya. Hindi man lang ako nakasama sa inyo sa probinsiya. Nakatulong man lang sana ako kahit kaunti, kahit sa pagluluto man lang." Pagpapaumanhin nito. Lihim na napangiti si Doc Alden. Sadya pala talaga siyang matulungin.

"Ay naku. Mabuti na ring hindi ka nakasama, Menggay. Naku, nagkagulo lang doon." Saad naman nitong may lungkot at inis sa mga mata nito.

"Ganun ba? Bakit naman?" Tanong ng dalaga. Binuksan ni Maine na malaki ang screen door. "Pasok kayo." Pag-aanyaya ni Maine sa kanila. Bahagya pa itong umusog para bigyan sila ng puwang.

"Naku! Sa huling gabi ng lamay, dumating ang Nanay ni Paolo at nagwala." Bungad ni Mang Joe.

"Anong nangyari? Anong ginawa ni Aling Ana?" Seryoso nitong tanong. Maging ang atensyon ni Doc Alden ay natuon sa dalawang nagkukwentuhan. Ibinaba niya ang bag ng laptop niya sa lamesita. At naupo na rin.

"Nung una ay maayos pa. Ang akala namin ay namimighati dahil alam mo na, minsan din siyang naging bahagi ng buhay ni Papa at naiintindihan naman ni Mama yun." Sagot nito sa tanong ni Maine. Mataman lang siyang nakikinig. Naku-curious din naman kasi siya.

"Yun naman pala eh, 'ka mo nagwala ang Nanay ni Kuya Pao? " Muling tanong ni Maine. "Dito tayo sa kusina." Dugtong pa ng dalaga. Gaano na ba katagal na kakilala ni Maine ang ito? Naisip ni Doc Alden.

"Eh nasisira na siguro ang ulo ni Mercidita. Gusto daw niyang makuha ang parte niya sa mana mula kay Papa, kala mo naman meron. Kung kami ngang mga anak ay walang makukuha dahil buhay ang Mama at siya ang legal na asawa, siya pa kaya." Sabi nito na nakasunod kay Maine. Sumunod na rin siya habang nakikinig.

Nung una ay mahinahon na ipinaliwanag ni Paolo na wala kaming makukuha dahil buhay pa nga ang Mama. Hinarap ba naman ang Mama at tinanong kung kelan ito mamamatay? Ayun, nagalit na itong si Paolo kaya pinalayas ang ina. Nagwala ngayon itong si Reyna Kulasa at si Aning pa kinamphian ni Paolo. Ayun, pinagbabato yung bahay namin kahit na nakahimlay pa ang Papa. Mas lalong nagalit si Paolo dahil tinamaan ng bato ang kabaong ni Papa" Salaysay nitong naiiling. Nagkatinginan sila ni Maine. Bahagyang ngumiti si Maine na parang humingi ng paumanhin sa kanya. Bahagya din lang siyang yumukod at simpleng ngumiti bilang pag-okay.

"Diyos ko. Ang laki palang iskandalo ang nangyari." Napahawak pa si Maine sa dibdib niya at napangiti kay Mang Joe. Napatuwid ng upo si Doc Alden, ngayon niya lang nakita ang ganda ni Maine.

Well, maganda si Maine sa paningin niya at paningin ng lahat kahit saang anggulo niya tingnan ito, kaya nga siguro rendang nakakagago ang ginawa ni Dirk dito noon. Pero iba ang sipa ng ngiti nito sa dibdib niya ngayon. Biglang pasok ng kaba na hindi niya alam kung saan galing. Nasapo niya ang dibdib.

"Binunot ni Paolo ang mainit na plantsa mula sa pagkakasaksak at paplantsahin niya daw ang utak ng Nanay niya ng tumuwid." Nabalik sa usapan ang atensyon niya. Salamat na lang at nagsalita kaagad si Mang Joe. Mukha yatang napatulala siya sa dalaga.

"Damn! This is not good." Pabulong niyang sabi. Napatingin si Mang Joe sa kanya dahil magkatabi lang sila nito.

"Talagang it is not good." Sagot naman nito. Ipinaling niya ang atensyon sa lalaki dahil kung hindi, magiging isa alang duktor sa harap ng dalaga. I need to sort this out. Sabi niya sa sarili.

Or I am doomed!













__________
End of WHC 10: Doomed

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just  say Hi. Don't forget tap the 🌟 to vote, and let's share the story with your friends for some good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
03.11.20

When He Cries
©All Rights Reserved
February 16, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro