Prologue
Narinig kong nawala daw ang memorya mo. Hindi ko alam kung maalala mo pa ako. O kung kailan tayo unang nagkita. O kung anong nangyari sa atin. Mahaba pa ang panahon pero hindi ko alam kung magkikita ulit tayo. Hindi mo na ako kailangang alalahanin pa Hanzel. Gusto ko lang sabihin sayo... salamat :) -G
Ilang ulit na bang nabasa 'yon ni Hanzel. Pero hanggang ngayon hindi parin niya kilala kung kanino galing ang sulat at kung anong katumbas ng initial na G sa sulat na inilagay sa lumang story book na iniwan sa kanya doon sa hospital pitong taon na ang nakakalilipas.
Nahilot niya ang sentindo.
Sino ka ba talaga? Bakit 'di kita maalala? He cursed under his breath. This is useless! Hanggang kailan pa ba siya magiging ganito? He couldn't remember anything. He had dreams of riding a bus... meeting someone... kaso malabo. It's so frustrating knowing nothing. Wala siyang mahanap na sagot sa mga katanongan niya.
Ibinalik ni Hanzel ang sulat sa libro. Sakto namang tumunog ang cell phone niya. Tumatak ang pangalan ng kuya niya.
"Guess whaaaat?!" sigaw ng nasa kabilang linya. Nailayo niya tuloy ang aparato sa tainga. Talaga naman ang 'sang 'to. He tap the loud speaker. "Hoy! Nandiyan ka pa ba?"
"Shut up Crosoft!" he chuckled.
"Peste walang galang! Bahala ka sa buhay mo! Pakasalan mo 'yong gusto ng nanay mo. Gago!"
"Hey, hey, joke, kuya." Natatawa niyang pigil. "Anyway, ano na?" itinabi niya ang story book.
"Punta ka dito sa bahay. May alam na akong solution sa mga problema mo. Trust me. You'll thank me for this."
"I doubt it,"
"De goodbye!"
"Fine, I'll come."
Matagal ko ng gustong isulat 'to. Anyway, hope you will add Crosoft's half brother Hanzel Sebastian D'Cruze in your library!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro