Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Destiny 6

NAISANDAL ni Gail ang likod sa malamig na pader. Marahas siyang napabuntong-hininga. Bumaba na ang lagnat ni Hanzel at mahimbing na ulit itong natutulog. Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas. Gusto man niyang umalis ay 'di niya naman maiwan ito lalo na't may sakit ito.

Bumaba siya ng sala at tinawagan ang kaibigan na si Mohana.

"Tulog na sila Milko at Milky Bes. Chill ka na diyan."

"Pasensiya na talaga Bes. Biglaan lang talaga. Nasira ko tuloy ang raket mo ngayong gabi."

"Girl, sira naman na talaga dahil inulan ang night market. Kung pumunta ako 'di binaha pa ang mga paninda ko." Natawa ang kaibigan. "Kaya keree na rin ang baby sitting ko with my bff junakins."

Napangiti siya. "Baliw ka talaga. Basta, uuwi ako diyan ng maaga."

"Hay naku Bes, kahit sa tanghali na. Alagaan mo muna 'yang gwapong pamangkin ng amo mo. Ay hindi, gawin mo na ring ama ng mga anak mo." Inihit naman siya ng ubo bigla. Gaga kung alam mo lang. "Oh Bes? Anyaree sayo? Okay ka lang ba? Hay naku! Sinasabi ko sayo Beshie ha, hinay-hinay lang, alam kong now is the chance to make you rape that handsome guy pero huwag muna. Mahina pa siya. Baka 'di pa kayang bumangon ni bhe." Pinalandi nito ang boses. "Bangon bhe."

Lalo lang siyang inubo dahil alam na niya ang gustong iparating ng hindi naman talaga halatang manyakis niyang kaibigan.

"Hoy Mohana!" Sita niya rito. "Buti na lang talaga tulog na ang kambal kung hindi ay baka na pollute na ang mga utak ng anak ko."

"Bes naman. Alam mo namang I don't value plastics kaya walang pollution na magaganap."

"Ewan ko sayo. Sige na, tatawag ulit ako bukas ng maaga."

"Gorabells."

Muli siyang humugot ng malalim na hininga pagkatapos ng tumawag. Naingat niya ang tingin sa may hagdanan. Ngayon niya gustong itanong sa langit kung anong klaseng tadhana ang gusto nitong mangyari para sa kanilang dalawa.

Anong gagawin ko kay Hanzel?





NAPASINGHAP sa gulat si Gail nang pagmulat niya ng mga mata ay bumungad sa kanya ang mukha ni Hanzel. Napabalikwas siya ng bangon dahilan para magtama ang mga noo nila ni Hanzel. Napa-aww siya sa sakit. Ano ba kasing ginagawa mo Hanzel?!

"Damn," Hanzel cursed under his breath.

"S-Sorry po sir, n-nasaktan po ba kit –"

"Nah, it's okay." Nakangiti nitong sagot habang hinihimas ang noo. "It's my fault anyway. I didn't mean to startle you but I guess – oh never mind."

Ang aga naman nitong mag-English. Nai-stress ako. Hindi, focus Gail. Bigla niyang naalala na may sakit pala ito. "Sir!" napalakas ang boses niya kaya mabilis na nakagat niya ang ibabang labi bago ulit nag-salita. "Okay na po ba kayo? Wala na po ba kayong lagnat."

"Oh," ngumiti ito. "I guess I'm fine. I'm just a bit dizzy but I'm cool. Thanks."

"Mabuti naman,"

"Thanks for staying with me last night. Sana naman hindi ako masyadong nakaabala. Don't worry, dadagdan ko na lang ang sweldo mo –"

"Naku sir, okay lang po." Tumayo na siya. "Hindi naman po kita pwedeng iwan habang inaapoy ka ng lagnat." Pasimple niyang inayos ang buhok. Napangiwi naman siya sa isip. Mukha pa akong chaka. "Ano po, aalis na po ako. Babalik na lang ako mamayang hapon."

"No, just take the day off. You need rest. Nakakahiya naman at sa sofa ka lang natulog. May spare room pa naman." Napakamot ito sa likod ng ulo nito. "I can take care of myself. Dito lang naman ako at saka malinis pa rin ang bahay. Thanks."

I can take care of myself? Eh mukhang 'di ka nga marunong magluto. Sige na nga, ipagluluto muna kita bago kita layasan. "Sige po sir, pero ipagluluto na lang muna kita para naman makakain ka. Dadamihan ko na lang kaya kapag nagutom ka mamayang gabi i-microwave mo na lang para may makain ka."

"Darn, akala ko pa naman 'di mo mahahalata." Natawa ito. "Hindi talaga ako marunong magluto pero marunong akong kumain."

"Halata naman," bulong niya.

"May sinabi ka?"

"Wala po,"

"Oh and that, please Gail, stop saying po when you talk to me. I feel so old though I truly appreciate you being respectful but let's just skip the formalities, okay?"

"O-Okay po. I mean, okay."

"Cool," nagulat pa siya nang kindatan siya nito. Grethel Gail!





KANINA pa palakad-lakad si Gail sa sala ng bahay. Paminsan-minsan ay humihinto para sulyapan ang maliit niyang cellphone. Tatawagan o hindi? Tatawagan ko ba si Ma'am Magnolia o hindi? Napangiwi siya. Kung bakit naman kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo si Hanzel pa ang pamangkin ni Ma'am Magnolia.

"Bes tama na please!" sita sa kanya ni Mohana habang nag-lilista sa maliit na notebook nito. "Ako ang nahihilo sayong gaga ka. Ano bang problema mo at 'di ka mapakali diyan, ha? Tumigil ka diyan at maupo ka dito. Pag-usapan natin 'yan."

Napabuga siya ng hangin at naupo sa tabi ng kaibigan.

"Kung pera ang problema mo ay magkalimutan na tayo at wala din talaga akong pera- "

"Mohana!"

Tinawanan lang siya ng kaibigan. "Joke lang naman Bes. Alam mo namang grabeh ang sisterhood natin. Willing akong magnakaw sa banko para sayo."

"Puro ka talaga kalokohan."

"Gaga, napaka-seryoso mo kasi. Kakauwi mo nga lang pero hindi ka naman mapakali diyan. Huwag mong sabihing nabihag na talaga ni handsome amo ang puso mo at willing ka nang magpa-alipin sa pagmamahal."

Hinarap niya ang kaibigan. "May problema ako."

"Bes ano ba 'yan? I-utot mo na 'yan at baka lumala pa."

Nakagat niya ang ibabang labi. Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone. "'Diba, nabanggit ko 'yong Papa nila Milko at Milky sayo."

"Ah-ah Bes, 'yong kasama mo sa bus."

"Mohana," parang batang tawag niya sa kaibigan.

"Oh bakit nga?"

"Siya."

"Siya? Sinong siya?"

"Siya. Siya 'yong boss ko."

"Huwaaaat?! Hindi nga?" Inalog-alog ni Mohana ang balikat niya. "Bes, sinabi mo na ba sa kanya na may mga junakis kayo? Kailan ang kasal? Ako ba ang maid of honor? Bes, sana may lechon sa reception!" Naitulak niya ang kaibigan.

"Mohana ano ba?!" siya pa ang hiningal sa sobrang ka-hyperan ng kaibigan. "Namo-moblema na nga ako dito eh. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Hindi ko alam...paano... hindi ko talaga alam."

Malungkot na tinignan siya ng kaibigan. Hinawakan nito ang isang kamay niya. "Bes, kalma lang. Nakilala ka ba niya?"

"Hindi." Umiling siya. "Mukhang hindi pa rin bumabalik ang mga alaala niya."

"Ano bang nasa isip mo ngayon?"

"Hindi ko alam. Hindi ko din alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung may karapatan ba ako sa kanya. Kasi 'di naman talaga kami magkakilala. At alam ko, ibang Gail ang tinutukoy ng Mama ni Hanzel noon at inakala lang niyang ako 'yon."

"Pero Gail, may mga anak na kayo."

"Pero ayoko namang agawin 'yong lugar ng totoong Gail sa buhay niya."

"Hindi mo naman aagawin eh."

"Pero hindi niya naman ako naalala eh."

"Importante pa ba 'yon?"

Napabuntong-hininga siya. "Pero ayokong maalala niya ako."

"Bakit?"

"Ayokong isipin niyang responsibilidad niya kami. Sobra-sobra na ang nagawa niya saken. Kung hindi sa kanya baka matagal na akong patay. Gusto ko lang suklian 'yong tulong na 'yon. Gusto kong mahanap niya ang totoong Gail."

"Ikaw, desisyon mo naman 'yan. Ang akin lang din. Deserved din naman ng mga anak mo na makilala ang Papa nila. Pero alam ko na mahirap kasi kailangan n'yo pang balikan ang lahat ng masasakit na alaalala at baka mahirapan din ang mga bata kung sakali na bumalik ang alaala niya at mas piliin niyang hanapin ang totoong Gail na sinasabi mo. Hay naku! Pati ako naloloka sa sitwasyon mo Bes. Magtitinda na lang ako sa night market at baka masermonan na naman ako ni inay."






KINABUKASAN ay pinuntahan pa rin ni Gail si Hanzel sa bahay nito. Sinubukan niyang tawagan si Madame Magnolia pero hindi niya ma-contact ang Ginang. Dumaan siya sa Sweet House at sinabi ni Tin-Tin na baka isang linggo na mawawala si Madame dahil nga may appointment ito sa doctor nito sa Maynila at magbabakasyon na rin daw muna.

Isang linggo Gail. Isang linggo. Kakayanin mo naman siguro ang isang linggo, diba? 'Yon ang 'di niya sigurado.

Kakapasok niya lang sa gate nang lumabas si Hanzel. Hayan na naman ang puchang malakas na tibok ng puso niya. Para siyang istatwa na hindi makagalaw. Nakita agad siya ni Hanzel kaya mabilis na nilapitan siya nito.

"Morning Gail, sama ka saken."

"H-Huh?" Saan tayo pupunta?

"Sabi ko, samahan mo ko. Wala na kasi akong stock ng pagkain. Halika na." Mabilis na nahawakan nito ang kamay niya at hinila na siya papasok sa sasakyan nito. "Breakfast na lang tayo sa labas my treat."

"Ah-Ano kasi –"

Hinarap siya ni Hanzel. Bahagya siya nitong niyuko. "Chill Gail, I'm not gonna eat you. Lalaki ako but I'm harmless." Nakangiting sabi nito sa kanya. "Masasanay ka rin sa ugali ko."

Sighs. Kakayanin ko ba talaga ang isang linggo?

Tahimik lang si Gail sa loob ng sasakyan. Sinasampal na nga siya ng katahimikan dahil wala talaga siyang masabi kay Hanzel. Lord, I need strength. Kung bakit kasi pinagtagpo ulit n'yo kami eh 'di naman ako ang bidang babae sa kwento ng buhay ni Hanzel. Alam ko namang may anak kami pero ayoko na po ng gulo Lord.

"So Gail," Hanzel glanced at her for a second. "Matagal ka na sa Sweet House?"

"A-Ano oo," tumango siya. "Mga apat na taon na rin."

"Ah matagal na pala talaga. My aunt must have trust you that much to put me under your care. You see, hindi basta-basta nagtitiwala si Tita hanggat hindi niya lubusang nakikilala ang isang tao."

"Siguro nga po."

"Ilang ka ba saken?"

"Ho?"

"Gail, hindi kita kakainin." He chuckled. "I just want you to loosen up a bit. Ayokong makita kang 'di komportable saken. Am I making you uncomfortable?"

"H-Hindi naman. Hindi lang siguro ako sanay."

"I get it. Tayo lang dalawa sa bahay. Hmm, let's see." Ilang segundo itong nag-isip. "Right. You can bring your kids in the house." Nabigla siya sa sinabi nito. "Nabanggit kasi saken ni Tita na may anak ka na – twins to be exact." Hindi ko sila pwedeng dalhin.

"Naku huwag na. Makukulit ang mga 'yon. Baka madisturbo ka lang."

"Nah, it's fine with me. Makukulit din ang mga anak ng kuya ko. I like kids so it's not a bit of a problem for me. Pumapasok na ba sila sa school?"

"Ah oo, grade one."

"Cool. Dalhin mo sila kapag wala silang pasok. Let's see sa weekends. Pwede din tayong lumabas sa Sunday with the kids para 'di naman masyadong boring." Jus ko Hanzel alam mo ba 'yang sinasabi mo? "Sorry, I am making you uncomfortable again?"

"Huh?"

"Hindi ka na kasi nagsasalita diyan. Pasensiya na talaga Gail. Madaldal lang talaga ako. Nabuburyo na din kasi talaga ako sa bahay."

"Pwe-pwede naman po yata kayong lumabas sa bahay."

"Right, but I choose not. I can't tell you why but I'm safer inside my brother's house. Gutom ka na ba?" Pero hindi pa nga siya nakakasagot ay lumiko na ito sa malapit na Jollibee. "Ako gutom na so let's grab some food first."

"Sa Jollibee?"

"Why not? Kids loves Jollibee."






HINDI mapakali si Hanzel. Saan niya ba nakita si Gail noon? He's not sure where and when but he must had seen her somewhere. Hindi niya lang maalala kung saan. And her name is so familiar. The fact that the initial of the owner of the story book is G is enough for him to over think things.

Hindi naman siguro si Gail ang nagsulat ng letter na 'yon sa story book. Baka nga kapangalan lang. The letter G might have triggered something in his head.

But damn! Why am I too comfortable with Gail? That's weird. He knew he's flirty and friendly pero may kakaiba talaga. Iba 'yong gaan na nararamdaman ko para sa kanya. Screw it Hanzel. Gail is off limits. She doesn't deserved you.

"Your life is a mess already. Don't drag someone in your grave."

Kung hindi niya lang kailangang pagtaguan ang Mama niya hindi sana siya mabuburyo ng ganito. Well, he's not really broke. He just needed a house na hindi siya gagasto ng malaki. Kung tutuosin ay pwede siyang umalis ng bansa at huwag ng magbalik pa pero hindi niya ginawa.

Muli niyang binuklat ang story book at tinignan ang sulat doon.

Hindi siya aalis doon hanggat hindi niya nakikita ang G na nag-iwan sa kanya nito. He will find her and ask her what happened at kung ano ba talagang meron sa kanila.





NAGSASAMPAY si Gail sa likod bahay nang marinig niya ang tunog ng sasakyan nito. Mukhang aalis na naman si Hanzel. Nakahinga siya ng maluwag. Stress na stress na ako sayo kaninang umaga. Mabuti naman at umalis ka. Sana nga lang gabihin na ito para pa-uwi na siya kapag bumalik ito.

Tinapos na niya ang ginagawa. Pumasok siya sa bahay at umakyat sa itaas. Hindi pa niya nalilinis ang kwarto nito dahil nga nandoon ito. Pagpasok niya doon ay hindi naman makalat ang loob. Papalitan niya na lang ang bed sheets ng kama nito.

Natigilan siya nang makalapit sa kama nito. Biglang lumakas ang tibok ng puso niya nang makita ang story book nila Hansel and Gretel na ibinigay niya rito noon. Hanggang ngayon dala-dala pa rin ni Hanzel ang libro na 'yan? Pero bakit?

Maingat na kinuha niya ang libro at binuklat 'yon.

Narinig kong nawala daw ang memorya mo. Hindi ko alam kung maalala mo pa ako. O kung kailan tayo unang nagkita. O kung anong nangyari sa atin. Mahaba pa ang panahon pero hindi ko alam kung magkikita pa ulit tayo. Hindi mo na ako kailangang alalahanin pa Hanzel. Gusto ko lang sabihin sayo .... Salamat. –G

"Gail?"

Nabitiwan bigla ni Gail ang libro nang marinig ang boses ni Hanzel sa likod. Aatakihin yata siya sa sobrang kaba. Pinilit niyang lingonin ito.

"Sir,"

Kumunot ang noo nito. Bumaba ang tingon nito sa sahig. "May hinahanap ka ba?" Lumapit ito sa kanya. Pero ang peste niyang puso ayaw kumalma.

"A-Ano po. Ano, maglilinis lang po sana ako."

"Okay," pinulot nito ang libro sa sahig bago uli siya hinarap. Sobrang lapit nito sa kanya. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito. "Are you okay?"

"Ah opo, may naalala lang ako. May gagawin pa pala ako." Akmang aalis na siya nang mahawakan nito ang braso niya. "Sir?"

"Gail,"

"Po?"

"Ano bang pwedeng kong gawin para 'di ka mailang sa akin?"

Pilit siyang ngumiti. "Huwag n'yo na ho akong alalahanin pa. Masasanay rin ho ako." Binitiwan na siya ni Hanzel. "Dito po ba kayo kakain?" pag-iiba niya.

Tipid na ngumiti ito. "No, you can go home early."

"Sige po."






PAIKOT-IKOT lang sa mall si Hanzel habang kausap ang kapatid sa cell phone.

"Ano bang pwede kong gawin para hindi mailang si Gail sa akin?"

"Eh baka naman kasi sobra ka kung makalandi sa kanya."

Natawa siya. "I'm not flirting with Gail, kuya. Ayoko lang na mailang siya saken."

"Hayaan mo na lang muna siya. Masasanay rin siya sa kapangitan mo. Huwag kang mag-alala siya ang mag-a-adjust para sayo."

"Gago!"

Malakas na tumawa si Crosoft sa kabilang linya. "So kumusta ka naman diyan? Bukod sa nai-stress ka sa ilangan moments n'yo with your kasama sa bahay ano pang ganap?"

"Well, the usual. Trying to find the missing links in my memory."

"Ganyan talaga kapag bida Hanzel. Uso ang amnesia."

"Buti sana kung amnesia lang pero pati trauma sa pagsakay ng bus 'di ko na rin magawa." He sighed. "If only my memories didn't betray me."

"Why don't you start knowing what really happened 7 years ago? Siguro naman may mahahanap ka pang old news sa internet. Try mo lang, baka may digital copy na noong nangyaring aksidente sa inyo noon. I doubt it if wala. Malaki ang aksidente na 'yon so it should be in all news papers."

"Tama ka."

"I'm always right."

Natawa siya. "Darn, you're the best brother."

"I know right."

"Thanks kuya. I'll do that. Pakikumusta na lang ako sa mga pamangkin ko diyan. Miss ko na sila."

"Mag-asawa ka na kasi para meron ka na rin."

"Saka na kapag buo na ako."

"Mukha mo Hanzel."

"Haha."

Nakangiting ibinalik niya sa bulsa ang cell phone. Parang gusto niyang kumain ng ice cream ngayon. Right, ice cream it is. Lumapit siya sa unang ice cream cart na nakita niya. Let's see ano bang masarap na flavor?

"Milko tig-isa na lang tayo."

"Hindi pwede Milky. Wala na tayong pera. Dalian mo na pili ka na para makabalik na tayo sa school. Baka mapagalitan pa tayo ni Mama dahil umalis tayo nang hindi siya hinihintay."

Bumaba ang tingin ni Hanzel sa dalawang bata sa harap niya.

"Eh gusto ko tig-isa tayo eh."

"Share na lang kasi tayo. Ano na?"

The little girl pouted. "Sige na nga. 'Yong rocky road na lang."

Napangiti siya. Binalingan niya ang nagtitinda. "Tatlong rocky road nga Miss." Pinigilan niyang huwag mapangiti nang sabay siyang lingonin ng dalawang bata.

"Kuya Milko, kaya niya bang ubusin ang tatlong ice cream?" narinig niyang bulong ng batang babae. 

"Bayad oh." Inabot niya ang bayad sa babae.

"Huwag mo ng basagin ang trip niya Milky." Darn, these kids are cute. "Ate isang rocky road nga po."

"Buti pa siya tatlo."

"Heto na po sir," inabot ng babae ang isang cone ng ice cream.

"Thanks." Kinuha niya 'yon. "Ibigay mo sa kanila 'yong dalawa."

Napatingin na naman ang dalawang bata sa kanya. This time, he can't help but smile at their cuteness. Darn! I suddenly missed Font and Danah.

"You're welcome." Kinindatan niya ang dalawang bata bago umalis.

Ngiting-ngiti pa rin siya habang papalayo.

Milko and Milky. Nice name.





Chill, I'll continue this story. Comments muna dali. Thanks for patiently waiting for my update. Love lots to all! <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro