Destiny 5
KUMATOK muna si Gail bago binuksan ang pinto ng office ni Madame Magnolia. Pagpasok niya ay may kausap ito sa telepono. Itinaas nito ang isang daliri para ituro ang upuan sa harap ng table nito. Tumango siya at naupo.
"Okay, thanks. Bye!" Nakangiting ibinaba nito ang telepono. "Gail," may ngiting baling nito sa kanya.
Ngumiti si Gail. "Pinatawag n'yo po ako Madame?"
"Oh yes, may favor lang sana ako."
"Ano po 'yon Madame."
"Well, where do I start? Ganito kasi 'yon, hija. I have a nephew and lets just say na he's hiding from my sister - her mother, actually. And, the least that I can do for him is to give him my most reliable person - and that's you."
"Po?"
Inabot nito ang kamay niya.
"Gail, hija, pwede bang maging housekeeper ka muna sa bahay ng pamangkin ko."
"Po? Pero -"
"Don't worry, kahit wala ka sa Sweet House babayaran naman kita. Kapag okay na, pwede ka nang bumalik sa Sweet House. Or kapag day off mo doon. Just please, please, do this for me. Ikaw lang talaga ang pinagkakatiwalaan ko."
Housekeeper? Maid ng pamangkin ni Madame. Okay naman sa kanya 'yon kaso lang lalaki. Hindi niya alam kung safe ba 'yon para sa kanya. Pero paano ba siya makaka-hindi kay Madame? Malaki ang utang na loob niya rito. Saka hindi naman siguro masama ang ugali ng pamangkin nito. Baka nga teenager lang na nagri-rebelde.
Ngumiti si Gail sa ginang.
"Sige po, tatanggapin ko po."
"Thanks, hija." Lumapad ang ngiti ni Madame at masuyong tinapik-tapik ang likod ng kamay niya. "Huwag kang mag-alala at mabait naman ang pamangkin ko. You can bring your kids as well. Mahilig 'yon sa bata."
"Hindi naman po siguro ako stay in, 'no, Madame?"
Umiling ito. "No, pwede ka ring umuwi pagkatapos. Here," mula sa table cabinet nito ay ibinigay ni Madame sa kanya ang isang papel. "Call him, tanongin mo siya kung saan siya ngayon."
Kumunot ang noo niya. "Hindi po n'yo alam kung na saan siya?"
"No, hija, mas mabuti na rin 'yon. Mahirap magsinungaling sa nanay ng batang 'yon. And please, don't tell me where kahit pilitin pa kita. It's for his best."
Tumango si Gail. "Sige po, Madame. Tatawagan ko ho siya mamaya."
"Thank you,"
Tinignan niya ang nakasulat na numero sa papel bago ibinaling ulit ang tingin kay Madame. Ibinalik niya ang ngiti sa ginang.
SANA nagtanong na lang siya sa guard kung saan siya daan paikot-ikot na tuloy siya sa buong village. Idagdag pang sobrang init ng panahon. Mukhang haggard na haggard na siyang haharap sa pamangkin ng Madame niya. Basang-basa na siya sa pawis. Nanlalagkit na rin siya. Buti na lang may dala siyang pamalit sa bag. Tinignan niyang muli ang exact address na iti-next ng pamangkin ni Madame sa kanya.
Hindi pa niya nakakausap ang lalaki dahil masama daw ang pakiramdam nito kaya nag-text lang ito sa kanya nang subukan niyang tumawag. Wala daw itong boses kaya sa text na lang. Nagpakilala ito sa kanya bilang Hanz tapos 'yong address nga sa isang village sa Talamban.
Pataas ang village kaya mabigat sa mga paa na akyatin. Marami pang-pasikot-sikot kahit na halos ng mga nadadaanan niyang bahay ay malalaki. Halatang village 'yon ng mga mayayaman sa Cebu. Nalula siya sa mga bahay. Mukhang siya lang yata ang naglalakad sa daan at puro magagarang sasakyan ang nakakasabay niya. Hala ha!
Pero mukhang mauubusan na siya ng tubig sa katawan hindi parin niya nakikita ang bahay.
"Saan na ba kasi 'tong address na 'to?" natigilan siya. "Wait!" tinignan niya muli ang address sa cell phone niya. Napatili siya. "Oh my! Nakita ko na rin! Sa wakas!"
Mabilis na lumapit siya sa gate ng bahay. Nalula siya sa ganda ng desinyo. Simple lang pero malaki. Parang ancestral house na may halong modern design. May garden pa. Mabilis na pinindot niya ang doorbell. Pero naka ilang ulit na siya sa pagpindot sa door bell pero wala paring lumalabas para pagbuksan siya ng gate.
Nagdesisyon na lang siya na buksan ang gate sa sarili niya. Dumaan siya sa stone pathway papunta sa bahay. Pagdating niya nakabukas na ang pinto. Pumasok na rin siya sa loob. Napansin niyang masyadong tahimik ang bahay. Parang walang tao. Hindi kaya umalis ang pamangkin ni Madame? Pero imposible naman 'yon dahil nakabukas lang ang pinto.
Iginala niya ang tingin sa buong kabuoan ng bahay. Mangha na nakakapag-taas kilay si Gail. Kapansin-pansin ang dominanting kulay na pink. Pati mga muebles ay halatang pinili ng isang babae. Ang mga nakasabit na paintings sa mga pader ay masyadong makukulay at puro bulaklak at puso ang desinyo. Hindi 'yon mukhang bahay ng isang lalaki.
Naipilig ni Gail ang ulo. Baka naman bakla? Nagkibit-balikat na lang si Gail at inumpisahan ang paglilinis ng bahay. Uunahin na niya ang kusina dahil nasilip niyang marumi 'yon kanina. Hay naku! Mukhang wala pa yatang alam 'yon sa pagluluto.
Tanghali na nang matapos si Gail sa paglilinis sa ibaba. Nakapameyway siya habang nakaangat ang ulo sa itaas ng hagdan. Hindi parin bumababa ang pamangkin ni Madame. Hindi ba 'yon nagugutom?
Dala ang walis at panlinis ay umakyat siya ng hagdanan. Pati pala sa taas ay puro pink rin ang designo. Kaibahan lang dahil may sala rin doon na malapit sa balkonahe ng bahay. Inilibot niya ang paningin. Dalawang kwarto lang ang naroon. Sa ibaba may nalinis siya na isang guest room.
Balak niya sanang matapos nang maaga para hindi gabihin. Mukhang delikado pa naman ang maglakad mag-isa pababa ng village. Napangiwi naman siya nang tumunog ang tiyan niya sa gutom. Napakamot siya sa noo. Okay lang siguro na magluto siya nang kaonti sa kusina? Konti lang naman eh.
NAPAHAWAK si Hanzel sa hamba ng hagdan. Sapo ng isang kamay ang noo. Umiikot parin ang paningin niya kahit naka idlip naman siya kanina. Paggising niya tanghali na pala. Gutom na rin siya. Epic fail pa ang niluto niya kanina. Damn for always eating outside. Hindi tuloy siya natutong magluto.
Dahan-dahang bumaba si Hanzel sa hagdanan papunta sa kusina. Hanzel rubbed his eyes and messed his hair.
"Oh!" singhap ng kung sino.
Naimulat niya bigla ang mga mata. Suddenly his eyes widen. Paanong may babae sa loob ng bahay niya? Sinubukan niyang alalahanin ang past conversations he had in his phone. Wala naman siyang naalala na may kinausap siyang babae. Kaya sino 'to?
Hindi niya maiwasang pasadahan ng tingin ang babaeng nasa harap niya. Maliit ito pero kapinsin-pansin parin ang hubog ng katawan sa simpleng suot nito na blouse at skinny jeans. Her hair was tied in a bun pero may lumagpas na ilang hibla ng buhok sa gilid ng mukha nito. May kaputian at may angking inosenteng ganda.
The woman has an angelic face kahit na mukhang gulat na gulat itong makita siya. Bumaba ang tingin niya sa mapupula nitong labi. Napalunok siya. Why does it feel like I already kissed those lips before? Kumunot ang noo niya. Bakit sobrang pamilyar sa kanya ang mukha nito?
GANOON na lang ang gulat ni Gail nang makita si Hanzel. Biglang lumakas ang tibok ng puso niya sa kaba. Hindi niya alam kung dala 'yon ng takot o tuwa sa muling pagkikita nila ni Hanzel.
Hindi siya makapag-salita.
Gail kalma lang! Si Hanzel lang 'yan.
"Sir -"
"Have we met before?"
Lalo lang siyang nagulat sa naging tanong nito. Kung ganoon hanggang ngayon hindi parin ito nakakaalala. Sumikip ang dibdib niya sa idea na hindi parin siya naalala nito. Pero mabuti na rin siguro 'yon para sa kanila. Hindi siya mahihirapang i-explain kay Hanzel ang lahat at kung bakit nawala na lang siyang parang bola at heto may dalawa pa silang anak.
Humugot siya nang malalim na hangin.
Pilit na ngumiti siya kay Hanzel. "Hindi pa po." Inilahad niya rito ang isang kamay. "Gail po, ako po 'yong pinadala ni Madame Magnolia bilang housekeeper ninyo."
"Really?" amuse na natawa ito nang mahina bago tinanggap ang pakikipagkamay niya. "Nice to -"
Mabilis naman na binawi ni Gail ang kamay nang biglang may kung anong elektrisidad na gumapang sa pagitan nilang dalawa.
"Problem?" nag-aalalang tanong nito agad.
"W-Wala, madumi kasi ang kamay ko."
"Oh, wala naman 'yong problema saken."
"Gutom ka na ba?" pag-iiba niya.
"Well," napakamot ito sa likod ng ulo. "Yeah, gutom na nga ako." Natatawang pag-amin nito.
"Ipagluluto kita, sandali lang." Mabilis na tinalikuran ni Gail si Hanzel. Lihim siyang napangiwi. Mukhang hindi siya magtatagal sa bahay na 'to. Kailangan niyang makausap si Madame mamaya.
Kung bakit naman kasi... arggh!
"Nga pala, I'm Hanzel."
Alam ko!
Ala sais na nang matapos si Gail. Pero nagtatalo ang loob niya kung aakyatin ba niya si Hanzel sa itaas para magpaalam o hindi. Kinakabahan parin siya kapag kinakausap ito. Wala namang kasalanan si Hanzel sa kanya. Ewan ba niya! Pero hindi niya mapigilan ang kaba niya sa tuwing nasa harap ito o sinusubukan nitong kausapin siya. Hindi siya mapakali. Para bang ano mang oras sasabog siya.
Nakaraan na ang lahat Gail! Paulit-ulit niyang sinasabi sa isip. Hindi na importante na malaman ni Hanzel ang tungkol sa nakaraan nila at sa mga anak nila. Hindi naman sila magkakilala nang mangyari 'yon. Feeling niya kapag sinabi niya rito ang lahat ay magiging komplikado lang ang lahat. Ayaw niya na nang gulo. Kahit na simple lang ang buhay nilang mag-iina ay masaya naman sila.
Malakas na ang ihip ng hangin sa labas. Isinarado na niya ang sliding door sa sala. Lagi na lang umuulan kapag gabi. Kapag sa umaga ang grabeh ang init. Kailangan niya na rin talagang umuwi bago paman siya abutan nang malakas na ulan.
Humugot muna siya nang malalim na hininga. Okay kaya ko 'to!
Umakyat siya sa taas. Nang nasa harap na siya ng pinto ng silid nito ay kumatok siya.
"Sir Hanzel?" kumatok ulit siya nang walang sumagot. "Sir Hanzel, kung wala ka ng kailangan aalis na po ako." Hindi parin ito sumagot. Akmang kakatok ulit siya nang paghawak niya sa seradura ng pinto ay bumukas lang 'yon.
"Sir Hanzel?" dahan-dahang binuksan niya ang pinto. Madilim ang buong paligid. "Hanzel?" tuluyan na siyang pumasok sa silid nito. "Sir Hanzel, okay lang po ba kayo?"
Mayamaya ay narinig niya ang mahinang pag-ungol nito na parang bang nahihirapan ito. Inatake naman siya nang pag-aalala rito. Kinapa-kapa niya ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto. Umilaw ang buong paligid.
Napasinghap siya nang makitang pabaling-baling ang mukha ni Hanzel sa kama. Mabilis na dinaluhan niya ito sa kama at sinalat ang noo nito.
"Diyos ko!" pinunasan niya ang mga pawis nito. "Ang init mo!" kinabahan na siya. Sobrang init nito at mukhang nagdi-dileryo na yata. Kapag sa mga ganitong sitwasyon ay nagpa-panic talaga siya. Hindi niya alam ang gagawin.
Umungol ulit ito.
"Kaya mo ba pa? Tatawag na ako sa ospital." Bumuhos naman ang malakas na ulan. Napatingin siya sa may bintana. "Naku naman! Bakit ngayon ka pa bumuhos." Hinawi niya ang mga buhok na tumabing sa noo ni Hanzel. "Hanzel..."
"O-Okay... l-lang... a-ako..." sinubukan pa nitong ngumiti kahit na nakapikit ito.
"Hindi ka okay. Dadalhin na lang kita sa ospital." Akmang aalis siya nang mabilis na mahawakan nito ang isang kamay niya. "Hanzel, ano ba?! Huwag nang matigas ang ulo."
Mahina itong natawa. Iminulat nito ang mga mata.
"Y-You act like my wife." Sabi nito sa paos na boses. "Chill lang, okay?"
Bakit ba laging kalmado ito pagdating sa mga seryosong bagay? Kahit nawala ang memorya nito ay 'di parin nawala rito ang pagiging kalmado nito. Napabuga siya ng hangin.
"Paano ako kakalma?" naiiyak niyang pag-amin.
"Everything will be alright... trust me."
Lagi mo na lang 'yang sinasabi saken Hanzel.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro