Destiny 4
After 7 years
"I'm broke," nakangising anunsyo ni Hanzel kay Crosoft. His half brother. Isinandal niya ang likod sa sofa at nagdi-quatro ng upo. "'Yong pera ko konti na lang kaya malapit na rin... well... sort of broke."
"Iniisip ko kung pinagtagpo ba tayo ng tadhana para lang perahan mo?"
Natawa si Hanzel. He knew his brother was joking. Masyado lang talaga itong sarcastic kaya minsan aakalain mong asar ito. Nonetheless, he's the best brother so far. Kahit na magkapatid lang sila sa ama ay hindi 'yon naging dahilan para 'di sila magkasundo.
He was not sure if that was the real idea, though. Lalo pa't may amnesia siya nang makilala ito. Hindi niya alam kung ang ugali niya ngayon ay ang dating ugali niya noon. He doubt it. Sa kwento palang ng mga nakakakilala sa kanya noon may idea na siya na kahit hindi nila 'yon direktang sabihin sa kanya ay medyo may kagaspangan siguro talaga ang ugali niya noon.
His mother was no use. Tipid ito sa mga impormasyon. Ni hindi niya ito makausap. Wala daw itong alam masyado sa buhay niya noong nag-aaral pa siya. He was away. Point taken. He was not that close to his mother. Okay, I'm not that shock. He was not fan of sharing and he was not the friendly type of person. I guess, so? Shrugs. Medyo nagdadalawang-isip din ako sa parting 'yan.
Alam niyang medyo may kagaspangan ang ugali niya pero madaldal siya. He's too talkative for a man. 'Yon ang napansin sa kanya ng kuya niya. Though his brother was naturally chatty 'cause he's sort of... Well, ang alam niya ay bakla ito. He didn't deny it. He was actually cool about him being gay.
Kaya nagulat talaga siya nang malamang in love na in love ang kuya niya sa bestfriend nitong si Ate Cambria. Cool, right? At ngayon may dalawa na itong anak at mukhang may forever talaga ang dalawa. He find it cool, it was rare to see those kinds of love. He's happy for his brother anyway. He deserved it. Sobrang bait naman talaga ng kapatid niya. Mayaman pa.
"Tsk, problema ka sa anit Hanzel."
Hanzel chuckled. "You're welcome bro."
"Minsan gusto kong pagsisihan na tinulungan kita noon sa America para makalusot doon sa babaeng sinulot mo sa pangit niyang jowa. Ako pa ang nai-stress sayo. Lahat ng problema mo pinoproblema ko."
"Kaya nga magkapatid tayo, diba?" lumakas ang tawa niya. "I swear, akala ko talaga totoo kang lalaki noon."
"Lalaki ako, medyo lang." Tumawa si Crosoft.
"Kaya nga, hindi ko talaga makakalimutan 'yon kuya. You were so cool back then. Kaya napilitan akong tanggapin kang kuya."
"Shut up Hanzel! Huwag mong bilugin ang utak ko. Bilog na 'to."
Hanzel held his hands up. "Chill, ito naman 'di na mabiro."
"Ipasagasa kaya kita para maalala mo na lahat at lumayas ka na sa buhay ko."
"Huwag naman," 'yon nga rin ang iniisip niya. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanya kapag bumalik na ulit ang mga alalala niya. Ilang taon narin ang lumipas. He's sort of scared pero hindi parin mawala sa utak niya ang kagustuhan na maibalik na ang lahat ng mga alaala niya. "Kuya, tulungan mo ko."
"Kaya nga pinatawag kita dito, diba? Ginastusan pa kita na pumunta dito sa Maynila para makapag-usap tayo ng maayos."
Napangiti siya. "The best ka talaga!" He blew a kiss to him.
"Yuck mong tao!" natawa narin ito. "Anyway, pasalamat ka at walang pakialam saken ang nanay mong echosera at hindi niya alam na close tayo dahil kapag nalaman niya baka nauna pa 'yon sayo dito."
"Sabi niya 'di kami close eh," he shrugged.
"Baliw!"
"Kung bakit kasi gusto niyang pakialaman lagi ang buhay ko. Akala niya siguro dahil wala akong maalala madali na lang para sa kanya na pasunurin ako. Hindi ko nga mautusan ang sarili ko. Siya pa kaya. Kabanas! Gusto kong mag-alsa."
"Nag-alsa ka na,"
"Huh?"
"Nag-alsabalutan sa inyo."
Natawa siya. "Gago!"
Crosoft slide his swivel chair infront of Hanzel. Naiangat niya ang tingin sa kapatid. Nakangisi ito habang hawak-hawak ang isang makapal na notebook. Kumunot ang noo niya.
"Ano 'yan?" tanong niya.
"Ito ang sagot sa pangit mong buhay." Bigla na lang nitong ibinato sa kanya ang notebook. Napangiwi siya nang tumama 'yon sa dibdib niya. "Crap!" he cursed.
He slide back his swivel chair infront to his computer. Pagtingin niya busy pala ito sa pagpi-facebook. Talaga naman! Ibinalik niya ang atensyon sa ibinigay nito. Ano naman kaya ang laman ng notebook na 'to?
"Ano ba 'to?"
"Like mo ang post ko mamaya sa insta at facebook."
"Mamaya, pero ano ba talaga 'to?"
"Mga plot stories ng bebe ko."
"Huh?" kumunot ang noo niya. "Anong plot stories ng bebe mo?"
Nilingon siya nito sa balikat. "Mga plot ng mga ginagawang storya ng asawa ko. Gago ang bobo mo!"
"Gago ka rin! Ayosin mo kasi."
"Maayos 'yon tanga ka lang!"
"Aanhin ko naman 'to?"
"Tignan mo kung may isa diyan ang pwede mong gamitin sa paglutas diyan sa problema mo. Nag-highlight na rin ako ng ilan diyan."
Binuklat niya ang notebook. Totoo ngang may mga highlights na ang ibang page while he was scanning some pages.
"Ito lang? Pinapunta mo ako ng Maynila para lang dito?"
Tumayo ito at naupo sa tabi niya. Inagaw nito ang notebook sa kanya at mabilis na ipinukpok 'yon sa ulo niya. Sh*t! Ang brutal talaga ng 'sang 'to.
"Makinig ka saken, wala akong problema sa pera. Kaya kitang pautangin kahit habang buhay pa. Ang problema ko lang ay kung paano kita tutulungan para tigilan ka na nang nanay mo. Kawawa ka naman at may amnesia ka na nga ay ipapakasal ka pa sa biyuda. Honestly, naiiyak ako sa kamiserablehan ng buhay mo."
"Thanks," sarcastic niyang sagot.
"Welcome. Anyway, isa sa mga naisip ko. Unang-una ay maglayas ka. Pangalawa doon ay mag-hire ka ng bride. Pangatlo, magpakalasing ka para may mabuntis ka. Pang-apat, mag-bigti ka. Pero naisip ko, parang walang originality. Gagatos ka parin ng malaki. Mahal pa naman ang kabaong ngayon, at medyo nakaka-stress ang pagbubuntis ng mga babae. Trust me, pero ok lang naman kapag si bebe ko ang nag-buntis." He chuckled. "Kaya..."
"Kaya?"
"Kaya I suggest na maging bakla ka na lang."
"Huh?! Magiging bakla ako? Bakit?"
"Para may dahilan ka para 'di matuloy ang kasunduan."
"Tsk, hindi naman ganoon kadali ang lahat. Hindi ako bagay maging bakla. Mabubuko rin ako. Sa dami ba naman ng mga ikinama ko –"
"Wala akong pakialam sa kama mo. Makinig ka saken. Bumalik ka sa Cebu doon ka muna sa rest house na binili namin ni Cam sa isang kaibigan niya. Ligtas ka doon. Hindi ka mahahanap ng nanay mo. Sa laki ba naman ng Cebu."
"Maliit lang ang Cebu."
"Malaki huwag kang bitter."
"Oo na, baliw!" natawa siya. "Oh tapos? Anong gagawin ko doon? Magpapalago ng mga halaman?"
"Hindi, maghanap ka ng lovelife. Manahimik ka doon. Lumagay ka sa tahimik. Gumawa ka ng sarili mong plot. Pera lang ang maisasampal ko sayo kaya magpasalamat kang may gwapo at mayaman kang kuya."
"Wow! Ang supportive ah."
"Oo dahil gwapo ako."
"Hindi maganda?"
"Si bebe ko 'yon."
"Naks! Iba talaga kapag inlove eh."
"Inggit ka? Pakasal ka na." Ngiting aso lang ang tanging naibigay niya sa kapatid. Natawa naman ito sa kanya. "Alam mo iniisip ko..."
"Ano?"
"Na kung may babae ba sa nakaraan mo?" Natigilan siya. He suddenly remember the blurry woman in his dreams. "I was kind of thinking... what if may babae ka palang kinalimutan. Sa ugali ng nanay mo I doubt it kung magkalakas loob 'yon na magpakita sayo."
Hindi ko alam kung maalala mo pa ako? O kung kailan tayo unang nagkita? O kung anong nangyari sa atin? Mahaba pa ang panahon pero hindi ko alam kung magkikita ulit tayo.
Hanggang ngayon hindi parin niya nababanggit sa kuya niya ang tungkol sa sulat na 'yon. Wala din naman itong idea tungkol sa nakaraan niya dahil may amnesia na siya nang ipakilala sila sa isa't isa ng ama nila.
Baka nga siguro tama ang kuya niya. Maaring may babae siyang minahal noon. Pero sino? Ang G ba na nag-iwan ng sulat sa kanya? O mayroon pang iba?
"Sa hilig mo sa kama baka may anak ka na rin pala kagaya ko." What are the chances? Napatingin siya kay Crosoft nang biglang ngumisi ito. "Joooykee!" Tumawa ito ng malakas. Langya! Nasuntok niya ito sa balikat.
"Langya!"
"Ang mga babaerong katulad mo lagi 'yang handa kaya alam kong may dala-dala ka laging rain coat in case haha."
"Ulol!"
"Raibow raincoat!"
MALAKI ang nakuha ni Gail na sahod ngayong buwan dahil marami silang nakuhang events na malalaki. Kapag marami silang order nagiging hyper ang amo nila at dinadagdagan ang mga sahod nila kahit kaonti. Kaya malakas ang loob niyang i-treat ang mga anak sa Jollibee.
Mabait talaga ang may-ari ng Sweet House na si Madame Magnolia. Kahit na hindi siya pormal nag-aral ng baking ay tinanggap parin siya nito noong nagsisimula palang ang Sweet House hanggang sa naging sikat na rin ito sa buong Cebu. Sa ngayon, may limang branch na sa Cebu ang Sweet House.
Malaki na rin ang posisyon niya sa trabaho. Kaya nagsisikap siyang mabuti para maipakita kay Madame Magnolia na karapatdapat siya sa ibinigay nitong posisyon sa kanya. Mag-iisang taon na rin siyang head pastrier ng main branch ng Sweet House. Kahit na hindi siya nakatungtong ng kolehiyo ay nagsumikap naman siyang makuha ang diploma sa TESDA.
Personal din siyang tinuruan ni Madame Magnolia. Hindi na ito nag-asawa simula nang mamatay ang dating asawa nito. Wala din itong naging anak kaya mag-isa lang ito. Itinuring na rin siya nitong anak kaya malaki ang pasasalamat niya rito.
"Mama, bakit po ang tagal ng order natin?" nakangusong tanong ni Milo.
"Alam mo Milo para lang din 'yang love. Lagi ka na lang pinaghihintay." Sagot naman ni Milky ang kakambal nito.
"De wow!" sagot naman ni Milo na kinatawa nilang mag-ina.
Hindi alintana ang tinginan ng mga tao sa kanila. Ganoon talaga silang mag-ina. Kapag tumawa wagas na wagas at walang preno. Sadyang namana lang siguro talaga ng mga anak ang kakulitan at kadaldalan niya.
"Oh tama na," natatawang sita niya sa mga anak. "Puro kayo hugot."
"Eh, Mama, gutom na po kami eh."
"Saka kanina pa po 'yong order natin. Bakit po ang tagal?"
"Baka busy –"
"Kung ayaw maraming dahilan," ni Milky.
"Kung gusto maraming paraan," ni Milo.
"Hay naku! Kayong dalawa tigilan n'yo na ang panonood ng teleserye at kung ano-ano na 'yang nakukuha n'yo."
"I love you po Mama!" pinag-dikit ng kambal ang tig-iisang kamay to form a heart. Napangiti siya. "Mama, salamat sa libre! Sana araw-araw na po 'to."
Natatawang ginulo niya ang mga buhok ng mga 'to.
"Abuso kayo masyado. Kaya kayo tumataba eh."
Sabay na napanguso ang dalawa. "Cute naman eh!"
"Oo na! Oo na! Mana kayo saken."
"Ito na po ang order n'yo."
"Yehey! Jabee! Jabee!"
Lalo lang natawa si Gail nang mag-sayaw sa kinauupuan ang kambal. She sighed dreamily. Hindi niya alam noon kung paano magsisimula pagkatapos ng aksidenteng 'yon. Takot na takot siya lalo nang malamang pinagbubuntis niya ang anak nila ni Hanzel. Hindi niya inasahan na magbubunga agad 'yon.
Wala siyang mapuntahan. Wala siyang pera maliban sa kaonting tulong na naibigay sa kanilang mga biktima. Hindi na rin siya naglakas-loob na puntahan si Hanzel. Pagkatapos ng mga nangyari doon sa ospital.
"Ikaw ba si Gail?"
Gulat na naingat ni Gail ang katawan sa headboard ng kama. Nasa harap niya ang isang sopistikadang babae. Seryoso ang mukha nito. Pero hindi niya ito kilala. Biglang kumirot ang ulo niya. Pero hindi niya 'yon pinansin 'yon.
"B-Bakit po?"
"I'm the family attorney of Sebastian. I'm attorney Legazpi," lumapit ito sa kanya at nakipagkamay. Alanganin na tinanggap niya ang kamay nito. "Well, I'm here to give you this." Inabot nito sa kanya ang isang tseke. Nagulat siya nang makita ang nakasulat na halaga ng pera sa tseke. Dalawang milyon!
"P-Para saan po 'to?"
"Halaga ng lahat ng danyos na naidulot sayo ni Hanzel. Sabihin mo lang kung kulang pa 'yan sayo. I can talk with that matter to Madame."
"H-Hindi ko maintindihan... si Hanzel?"
"I'm going straight to the point Miss Gail. Pinapasabi sayo ni madame na layuan mo na ang anak niyang si Hanzel. Kasama na rin niyan ang pag-alis mo ng tuluyan sa buhay nito.Hindi ka na rin pwedeng magpakita sa media. Huwag kang mag-alala I've already settled that one. Kung maari, huwag mong mabanggit ang nangyari sa inyo sa bus."
"Hindi ko po ito matatanggap!" ibinalik niya rito ang tseke.
"Take that, kakailanganin mo 'yan."
Nasaktan siya sa sinabi nito. Hindi niya kailangan ang perang 'yon. Malaki ang pasasalamat niya kay Hanzel dahil kung hindi dahil rito ay baka patay na rin siya. Hindi matutumbasan ng pera si Hanzel. At kahit na hindi nito sabihin ay aalis din naman siya. Hindi naman niya ipagpipilitan ang sarili kay Hanzel. Alam niya kung hanggang saan lang siya. Sobrang masakit lang para sa kanya na sobrang liit ng tingin ng mga ito sa kanya.
"Hindi ko kailangan 'to!" pinunit niya ang tseke. "Hindi n'yo kailangang tapakan ang pagkatao ko para mapaalis ako. Hindi ako ganoon ka tanga para hindi makuha ang gusto n'yong mangyari. Mahalaga para saken si Hanzel. Alam ko kung ano ako sa buhay niya. Kaya alam ko kung saan ako lulugar! Sabihin mo sa madame mo na hindi ko kailangan ang pera niya!"
"Okay, I'm sorry."
Kinalma niya ang sarili. Akmang tatalikod na ang babae nang pigilan niya ito.
"Miss,"
"Yes?" nilingon siya nito.
"Ku-Kumusta si Hanzel?"
Ngumiti ito ng mapait. "He's fine now. It's just that..." she trailed off. "Nagkaroon siya ng amnesia." Nanlaki ang mga mata niya. Amnesia? Kung ganoon hindi na siya nito makikilala? Diyos ko! "Nang magising siya hindi na niya kami makilala. I doubt it he still remembers you Miss Gail."
Naipikit niya ang mga mata. Kahit na may bahagi ng puso niya na nalulungkot dahil hindi na siya nito makikilala ay masaya na rin siya para kay Hanzel dahil ligtas ito. Mas mabuti na rin 'yon.
"S-salamat... at saka... pasensiya na kanina."
"I understand," tumango ito. "Aalis na ako."
Hindi niya makakalimutan ang mukha ni Hanzel nang puntahan niya ito sa kwarto nito sa ospital. Tulog pa sa mga panahon na 'yon si Hanzel. Kumpara sa kanya ay marami itong natamong sugat. Himalang maituturing na ligtas silang dalawa. Halos walang naging survivors sa aksidente na 'yon. Kaya ganoon na lamang ang pasasalamat niya sa Diyos na isa sila sa mga nabuhay.
Hindi na rin siya nagpakita at nagpakilala kay Hanzel. Iniwan niya ang naibalik na story book sa kanya at iniwan doon ang isang sulat. Hindi man nito maalala kung sino siya ay sapat nang masabi man lang niya ang pasasalamat niya rito.
Tahimik na umalis siya sa ospital sa tulong na rin ng attorney at hindi na muling nagpakita pa. Walang nakakaalam sa totoong nangyari sa kanilang dalawa ni Hanzel. Mas mabuti na rin 'yon para pareho silang makapag-simula ng bagong buhay.
Sa pitong taong nakalipas wala siyang naging balita rito. Hindi niya alam kung nakapag-asawa na ba ito o ikakasal pa lang. Hindi niya alam kung bakit may pagkakataon na nami-miss niya si Hanzel. Siguro dahil lagi niyang nakikita sa mukha ng mga anak ang malaking pagkakahawig nito kay Hanzel.
Iniisip niya minsan na meron pang dahilan kung bakit lagi parin niya itong naiisip. Pero mahalaga parin ba 'yon? Malabong magkita ulit sila ni Hanzel.
"SH*T!" natutop ni Hanzel ang noo. Iginala niya ang tingin sa buong paligid. "Ano ba 'to? Bahay ni Hello Kitty or ni Barbie?" Inikot niya ang buong bahay.
Lahat ng mga naka desinyo puro pink and white. Pati mga covers pink and white flower patterns. Pati mga pader pink. Kung hindi man puti. Ang sakit sa mata. Tinawagan niya ang kuya niya.
"Crosoft D'cruze!" sigaw niya.
"Pack juice ka! Huwag mo kong sigawan Hanzel Sebastian D'cruze!"
"Ano ba 'tong buhay mo? Bakit puro pink?"
"Diba kakasabi ko lang sayo na kakabili lang namin niyan ni Cam? Malamang hindi pa namin 'yan nire-renovate. Huwag kang tanga nai-stress ang anit ko sayong gong-gong ka! Pasalamat ka pinatira pa kita diyan. Wala kang utang na inside!"
"Huh? Anong utang na inside?"
"Utang na loob!"
Imbes na mainis ay natawa na lang siya. Natutop niya ang noo bago ibinagsak ang sarili sa malambot na sofa sa sala. Itinaas niya ang mga paa sa white painted wooden table.
"Naii-stress din ako sa pink house mo. Akala ko pa naman walang pintura dahil white lang naman ang nakapintura sa labas ng bahay."
Natawa ang kapatid niya. "Trust me, nagulat rin ako. Kung sky blue 'yon okay saken 'yon. Kaso ang pink naman ng bahay. Dati kasing adik sa pink ang may-ari niyan. Pero inferness naman ay kompleto ang gamit kaya huwag ka ng mag-reklamo. Magkaroon ka ng utang na inside saken."
"Oo na," he chuckled. "Salamat. Nagulat lang ako." Iginala niya ang tingin sa paligid. Malaki ang bahay. Hindi 'yon mansion. Just a big house. Malawak rin ang hardin at likod bahay. Nasa itaas 'yong bahagi ng village sa Lahug. Mukhang 'di nga siya makikita ng nanay niya rito. "Wala bang extra katulong ako dito?"
"Swerte mo? Wala. Mag-isa ka diyan."
"Tsk, ang boring naman masyado ng bahay kapag ako lang mag-isa."
"De kausapin mo sarili mo. Sige na bye, istorbo ka sa shooting ko."
"Sorry naman, para nag-react lang."
"Wala akong paki." End call.
Natawa siya nang bigla siyang babaan ng kuya niya. Baliw talaga ang 'sang 'yon. He sighed. Ang tahimik ng bahay.
"Langya! Mukhang makakapag-alaga ako ng halaman dito. Pwede kaya ang saging?" Tumunog naman ang cell phone niya. Mabilis na sinagot niya ang tawag nang hindi tinitignan ang caller. "Hello?"
"Hijo, Hanzel."
Napatuwid siya ng upo. "Tita!"
"Naku! Naku! Ikaw na bata ka na saan ka na naman nagsusu-suot, ha? Naloloka na ako sa nanay mo. Kung bakit ba kasi gusto ka niyang ipakasal sa babaeng 'yon."
Napabuntong-hininga si Hanzel. Nakalimutan niyang may bagong number niya pala ang tita Magnolia niya. Okay na rin, alam niya namang hindi siya nito ilalaglag. Kampi ito sa kanya lagi kaya magkasundong-magkasundo sila ng tita Malia niya.
"Sakit nga ng ulo tita."
"Saan ka ba ngayon? Nakakain ka pa ba? Baka payat na payat ka na diyan, hijo?" bakas ang pag-aalala sa boses ng ginang. "Naku, kung hindi lang kasalanan na itali ko 'yang nanay mo sa puno... naku! Matagal ko na 'yong ginawa."
Natawa siya. "Ayos lang ako tita, medyo may kulang lang..."
"Ano? Sabihin mo saken?"
"May pinagkakatiwalaan ka ba diyan Tita?"
"What do you mean?"
"Ahm, I was thinking. Mas mabuti sigurong 'di ko muna sasabihin sayo kung na saan ako. I just need someone na makakatulong ko dito sa..." naigala niya ulit ang tingin. Should I say big pink house? Nah! "Bahay. Pahiram muna ng isa. Kahit 'di na stay in. Kahit once or twice a week na nandito."
"Hmm, meron akong pinagkakatiwalaan, hijo. Matagal na siya saken."
"Good! Siya na lang Tita."
"Sige, sige, kakausapin ko. I'll call you kapag pumayag siya."
"That's cool, thanks Tita! You're the best."
Natawa ang tita niya. "Oo na, Oo na, mas mabuti na rin 'yon at minsan hindi rin ako nakakapag-sinungaling sa nanay mo. I'll just send Gail for you. May tiwala ako sa batang 'yon. At least, hindi maghihinala ang nanay mo sa kanya."
Gail? Sounds familiar. "Gail?" usal niya.
"Yes, hijo, matagal na saken si Gail. Bakit?"
"Ah, nothing Tita." He smiled.
"Okay, you take care of yourself."
"I will Tita,"
Gail? Gail... Ipinikit niya ang mga mata. Saan ko ba narinig ang pangalan na 'yan?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro