Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Destiny 3

MAG-IISANG oras na yata silang tahimik ni Hanzel sa kinauupuan nila. Wala pa namang ginagawang masama ang mga lalaki sa mga pasahero. Kinuha lang ng lima ang mga gamit nila kanina na ngayon tinitignan na nang lalaking may malaking tattoo sa braso na may desinyong demonyo.

'Yong isang kalbo na lalaki nakatutok ang baril sa driver.

"Ang boring!" sigaw ng may habang buhok na lalaki na sa tingin niya ay ang leader ng lima. Itinukod nito ang isang paa sa isang upuan at paulit-ulit na pinalo-palo sa isang kamay ang dalang baseball bat na may kalumaan na. "Wala bang lalaban sa inyo diyan? Ang duduwag nyong lahat!" sigaw nito.

Umalingaw-ngaw ang iyang ng isang bata.

"Ano ba?!" humakbang ito sa likod at itinuon ang dalang baseball bat sa dalawang taong batang babae na iyak ng iyak. Pilit itong pinapatahan ng nanay nito. "Kapag 'di ka tumigil uunahin na kita! Tumigil ka na! Peste!" singhal nito sa bata.

"A-Anak... tahan na..." alo ng ina.

Naiangat ni Gail ang tingin kay Hanzel na tahimik parin sa tabi niya.

"H-Hanzel..." bulong niya.

"It'll be alright."

Hindi alam ni Gail kung paanong napapanatili ni Hanzel na maging kalmado sa kabila nang nangyayari sa kanila. Kung wala ito ay baka namatay na siya sa takot. Itinuon niya na lang ang sarili sa pagdadasal ng lihim. Lord, sana huwag n'yo po kaming pababayaan. Nagmamakaawa po ako. Bumalik sa isip niya ang mukha ng mga kapatid niya. Pati ang ama. Paano pa siya makakabawi sa mga ito kung mawawala na siya?

Nanikip ang dibdib niya kasabay nun ang pagbabanta ng mga luha sa kanyang mga mata. Kailangan niyang lakasan ang loob. Walang mangyayari sa kanila. May awa ang Diyos.

"Teka! Teka!," bigla ay naiangat ni Gail ang tingin nang mag-salita ulit ang lalaki. Nanlaki ang mga mata niya nang maglakad ito palapit sa kanila. Dumikit siya kay Hanzel. Humigpit naman ang pagkakahawak ng kamay nito sa kanya. "Tignan mo nga naman!"

"Ano 'yon boss?" sumunod ang isa nitong kasama. May nakakalokong ngiti itong naglalaro sa mukha. Natakot siya. Puno ng peklat ang mukha nito. "Oy! May mga lubsberds pala tayo dito eh!" Humalakhak ito.

Kinalibutan si Gail sa uri ng tingin na ibinibigay nito sa kanya. Parang may kung ano itong gagawin sa kanya. Lumakas ang tibok ng puso niya.

"Ang cute naman ng 'sang 'to." Sumiksik siyang lalo kay Hanzel. Pilit niyang iniwas ang mukha nang akmang hahawakan nito ang mukha niya. Napakapit siya sa braso ni Hanzel. "Nakakatuwang paglaruan ang 'sang 'to." Binasa nito ang labi gamit ng dila nito. Napapikit siya sobrang asiwa niya sa ginawa nito. Iba talaga ang ibig sabihin nun sa kanya.

"Kunin n'yo na lahat ng gamit namin. Huwag n'yo lang saktan ang girlfriend ko." Mahinahon na pagmamakaawa ni Hanzel.

"Wow naman! Ang sweyt ah!" komento nang nasa likod.

"Alam mo magandang ideya 'yan," tumatango ang lalaking may mahaba ang buhok. "Dahil diyan may naisip akong ibang gagawin!" napasinghap si Gail nang bigla siyang hilahin sa balikat ng lalaki.

Napatayo si Hanzel. "Grethel!"

Tumawa ng malakas ang may mahabang buhok. Naipikit ni Gail ang mata nang ibigay siya nito sa lalaking may peklat. Akmang lalayo siya nang mahawakan siya nito.

"Hanzel!" tili niya.

"Keep your arms away from her!" sigaw ni Hanzel.

Naiiyak na siya. Natatakot siya sa tawa ng mga ito. Anong gagawin nito sa kanya?

"Hoy! Huwag na huwag mo kaming ma-Ingles-Ingles diyan na gago ka!" inumang nito ang baseball bat sa mukha ni Hanzel. "Kapag ako naasar sayo babangasan ko 'yang mukha mong gago ka!"

"Boss, ganda ng babaeng 'to. Akin na lang, pwede?"

"Gago! Huwag mo 'kong pangunahan."

"Sorry Boss!"

"What do you want?" salita ulit ni Hanzel. "Gagawin ko ang lahat huwag n'yo lang sasaktan si Grethel. Please, nagmamakaawa ako sa inyo."

"H-Hanzel..."

"Hanep! Parang nasa teleserye tayo Boss ah!" komento ng isa pang kasamahan ng lima.

"Na bo-bored na ako!" hinaklit ulit nito ang isang braso niya. "Mag-sex kayo sa harap ko." Marahas na itinulak siya nito pabalik kay Hanzel. Mabilis na niyakap siya nito. "Kung ayaw n'yong maasar ako sa inyo gawin n'yo 'yong gusto ko!"

"Sir, pwede po bang iba na lang –" pakiusap ni Hanzel.

"Hindi! Gagawin n'yo o papatayin ko 'yang girlfriend mo."

"Sir, nagmamakaawa po ako. Huwag po 'yon!" naiiyak niyang pakiusap.

Mabigat sa kanya ang gusto nitong mangyayari. Hindi 'yon makatarungan. Hindi sila mga hayop o bagay na magagawa ng ganoon kadali ang mga ganoong bagay.

"Gagawin n'yo ba o hindi?!"

"Hindi –"

Umalingaw-ngaw ang putok ng baril. Pagtingin ni Gail sa harap ay nakahandusay na ang isang babae sa isle ng bus. Biglang nanginig ang buong katawan niya. Mabilis na naalalayan siya ni Hanzel. Hindi niya napansin na kusang tumulo na lang ang mga luha niya.

Ang sama nila! Ang sama! Hindi niya mapigilang hindi alisin ang tingin sa babae na ngayo'y naliligo na sa sariling dugo nito. Paano nila nagagawang pumatay ng isang tao na ganoon na lang?

"Ops! Dumulas eh."

Umalingaw-ngaw ang tawanan ng lima.

"Shsh, Grethel..." alo ni Hanzel. Pilit siya nitong niyakap.

"Ganyan ang mangyayari sayo kapag nagmatigas ka! Langit ang pupuntahan mo. Pero kung susunod ka sa akin ay ibang langit ang mapupuntahan mo. Bibigyan ko kayo ng sampung minuto. Kapag nagmatigas ka parin segundo lang at mawawala ka na sa mundong 'to!"

Pinaupo siya ni Hanzel. Nanginginig parin ang buong katawan niya sa takot. Lalo pa't naririnig niya ang mga iyak ng tao. Patuloy rin ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. Napakahayop nila!

"Hey, hey, look at me." Hinawakan siya ni Hanzel sa magkabilang balikat at pilit na hinuli ang tingin niya. "Gail, look at me. Can you trust me?"

"H-Hanzel..." bulong niya. Napahikbi lang siya. Umiling-iling siya. "H-Hindi ko alam... natatakot ako."

"Shsh, don't cry." Pinahid nito ang mga luha sa kanyang mga mata. "Alam kong hindi madali sa'yo ang lahat but we have to do it. Alam kong 'di pa natin lubos na kilala ang isa't isa pero ayoko ring patayin ka nila ng ganoon na lang. I promise you. Kapag nakauwi tayo ng ligtas dito hindi kita pababayaan."

"Hanzel..."

"Please, trust me."

"Ano? Okay na ba 'yang girlprend mo?! Naiinip na kami!"

"Gail," hinawakan nito ng mahigpit ang dalawang kamay niya.

"P-Paano kung patayin parin nila tayo?" hikbi niya.

"At least alam kong may ginawa ako para mailagtas ka." Napapatitig siya sa mga mata nito. Buong-buo ang senseridad nito sa kanya. Ramdam na randam niya ang matinding kagustuhan nitong mailigtas siya. "Please Gail..."

Naipikit niya ang mga mata.

"Okay," tumango siya.

"Times up!" Muling bumalik ang lalaki sa harap nila. "Oh ano? Pumayag na ba 'yang girlprend mo?"

"We'll do it,"

"Magaling! Gagawin naman pala eh. Ang dami pang-arte! Hala, maghubad na kayo!" Pinaalis nito ang mga nakaupo sa pinakalikurang bahagi ng bus kung saan may mahabang upuan na diritso na kakasya sa iisang tao kapag humiga. "Umalis kayo diyan! Alis!"

Binalingan ulit sila nito.

"Oh, dito na lang kayo pumwesto para naman komportable." Natawa ito. "Nakakahiya naman sa inyo." Napapatitig lang si Gail rito. "Oh ano? Ano bang hinihintay n'yo pasko? Tang'na dito na kayo!"

Naramdaman ni Gail ang paghawak ni Hanzel sa kamay niya. Inangat niya ang mukha rito. Nandoon na naman ang ngiti nito na nagpapakalma sa kanya. Kung ibang tao 'yon hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanya.

"It'll be okay. I'm here."





MAINGAT na inihiga ni Hanzel si Gail. Hinuli niya ang tingin nito. Ito ang unang pagkakataon na gagalaw siya ng babae sa harap ng maraming tao at sa mabigat na kadahilanan. Hindi maatim ng konsensiya na pabayaan ito. Hindi niya kayang makitang patayin ito sa harap niya. Kung may magagawa siya para mailigtas ito ay gagawin niya.

This woman deserves respect. Pakiramdam niya ay kukunin niya rito ang pinakamahalagang bagay na pwede nitong ibigay sa lalaking magmamahal rito ng tunay. Pero hindi 'yon ang oras para isipin ang mga ganoong bagay. Buhay ang kapalit kapag nagmatigas pa sila.

Sa ngayon, ang maari niyang ibigay rito ay respeto. He will make love to her with respect. He will not force her to do anything that hurts her. Hanggat maari ayaw niyang iparamdam rito na napilitan lang silang dalawa o may nakatingin sa kanila. Hindi niya hahayaang mabastos si Gail ng mga demonyong 'yon.

"It'll hurt but I promise I'll be gentle," anas niya rito. 

Saka niya ito marahang hinalikan sa noo.

"It will be over soon."






YAKAP-YAKAP ni Hanzel si Grethel habang nakabalot ito ng ibinigay na kumot ng isang ginang na naawa sa kanila. Ibinalot niya 'yon kay Grethel pagkatapos nitong makapag-bihis ulit. Laking pasalamat niya na hindi na sila pinaulit ng mga 'to. Pinabayaan na rin nila si Grethel. Hinaplos-haplos niya ang buhok nito. Mahimbing parin ang tulog nito.

Tahimik na rin sa loob ng bus. Mukhang napagod na rin ang lima. Sana lang ay bumaba na ang mga ito para wala nang madamay na ibang tao. Tama nang namatayan sila ng isa at napagkatuwaan silang dalawa ni Grethel.

"Sa inyo yata 'to?" napatingin si Hanzel sa storybook na nasa harap niya. Naingat niya ang tingin sa ginang na nagbigay sa kanila ng kumot. Malungkot na ngumiti ito. "Sa kasama mo."

"Salamat," inabot niya ang libro. "Sa kanya nga 'to."

Naupo ito sa tabi ni Grethel. Marahang hinaplos ang nito ang buhok ni Grethel. Bakas ang awa sa mukha nito. "Ang tagal pa niyang maghihintay."

"Po?" kumunot ang noo niya.

Binalingan siya ng ginang. "Huwag ka sanang magsawang hanapin siya."

Lalo lang kumunot ang noo niya. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng ginang sa kanya. May kung anong kakaiba rito na hindi niya alam.

"What do you mean?"

Sa halip na sagutin siya nito ay ibinaling nito sa harap ang tingin nito. Sinundan niya ito ng tingin. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ni Hanzel nang mapansin ang isang lalaking pasahero na sinusubukang kunin ang baril ng isa sa mga di-armadong lalaki.

"Hoy!" sigaw ng isa.

Nagising ang lahat kasabay nun ang pagkakagulo ng lahat ng mga pasahero sa loob. Pagtingin niya sa ginang ay bigla na lang itong nawala. Hinanap niya ito sa mga nagsisitayuang mga tao. Pero hindi na niya ito makita.

"Gago ka ah! Akala mo makakalusot ka!"

Nagtilian ang mga pasahero nang mag-agawan ang dalawang lalaki sa baril. Niyakap niya si Grethel at hinila malapit sa bintana para makapagtago sa likod ng upuan. Nagising bigla ito at naigala ang tingin sa buong paligid. Bumakas agad ang takot sa mga mata nito.

"H-Hanzel..."

"Shsh, dito lang tayo." Pinilit niya itong maupo sa ibaba.

"Hanzel?"

Sumunod siya at isiniksik ang sarili rito. "Makinig ka saken Grethel." Saglit muna niyang sinilip ang nangyayari sa harap. Napayuko siya nang pumutok ang baril. Lalong lumakas ang sigawan.

"H-Hanzel... a-ano nang nangyayari?" she sobbed.

"Hindi ko alam! Basta makakaligtas tayo dito!" Niyakap niya si Grethel nang muling pumutok ang baril. "Trust me!"

"Ang driver na tamaan!"

"Peste! Bakit tinamaan mo ang tsuper!"

"Mamatay na tayo!"

"Mama! Papa!"

"Babangga tayo! Babangga tayo!"

Sabay silang nagkatinginan ni Grethel sa isa't isa. Damn it! Ngayon lang siya nakaramdam ng matinding takot para sa sarili niya. He wasn't sure if both of them will survive. F*ck this! Bahala na!

"Hanzel babangga tayo!"

"Wait," sumilip siyang muli. "F*ck!" napamura siya nang makita ang dalawang taong batang babae sa gitna ng isle na dinadaanan na ng mga tao. "Tsk! Wait here."

"Hanzel!" hinawakan siya nito sa braso.

With a smile he kissed her forehead. "I'll be back."

Inalis niya ang kamay na nakahawak sa braso niya at padapang lumapit sa umiiyak na bata. Nakakahilo dahil pasuray-suray na ang takbo ng bus at nagkakatamaan na ang mga tao. Napangiwi siya nang tumama ang ulo niya sa isang upuan. Napahawak siya sa nasaktang ulo. Pagtingin niya sa kamay ay may dugo.

"Damn it!" hindi na niya 'yon pinansin at nagpatuloy ulit.

"Mama! Mama!" iyak ng bata.

"Hang on there kid!" sigaw niya.

"Babangga tayo!"

"Hanzel!"

Sigaw ni Grethel. Pagtingin niya rito ay bigla na lang may malakas na puwersang humila sa kanya at parang bumaliktad ang mundo niya. Sa sobrang lakas ng impact ng pagkakabagsak niya sa kung ano ay kusang pumikit ang mga mata niya.

There was a fading sounds of screeching tires and terrifying cries. Hindi niya alam kung makakaya pa niyang igalaw ang katawan. Ano mang oras parang mawawala na ang katinuan niya. Pinilit niyang imulat ang mga mata. Napaubo siya sa sobrang kapal ng usok.

"Grethel..." halos pabulong na tawag niya.

Pero ubos na lahat ng lakas niya. Hindi na niya kaya. Kusang pumikit ang mga mata niya. Hanggang sa tuluyan nang lamunin ng kadiliman ang buong mundo niya.

Grethel...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro