Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Destiny 25

BASANG-BASA si Hanzel nang makabalik sila Gail sa resort. Sa awa ng Dios ay naayos naman ni Hanzel ang sasakyan kaya sila naka-uwi. Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas. Pero hindi naman siya mapakali. Okay lang kaya 'yon?

Naibaling niya ang tingin sa mahimbing nang natutulog na mga anak. Muli siyang napabuntong-hininga. Nakakaasar 'yang Papa n'yo. Kung kailan nanahimik na tayo saka naman siya babalik. Nakaka-bwesit na, ha? Napasimangot siya.

"Dapat dine-deadma na kita eh." Mahinang bulong niya sa kawalan. "Hindi ko tuloy malaman kung dapat pa ba akong umasa o hindi na. Minsan kasi 'di ko maintindihan kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari."

Hindi rin siya nakatiis at pinuntahan niya si Hanzel sa kwarto nito. Gail, tandaan mo. Kakamustahin mo lang siya. Kapag okay siya ay umalis ka na kaagad. Maliwanag ba? Naku! Naku! Grethel Gail makukutusan talaga kapag ikaw bumigay ka na naman. Humugot siya nang malalim na hininga bago kumatok sa silid nito.

Tatlong beses yata siyang kumatok bago siya nito pagbuksan ng pinto. Agad namang sumipa ang kakaibang tibok ng puso niya nang sumilip ang mukha ni Hanzel. Bumukas naman ang pag-aalala niya rito nang mapansing namumula ang mukha nito. Alam niyang 'di 'yon sunburn dahil wala naman 'yon kanina.

Alam niyang may sakit si Hanzel. Ganun na ganun ang mukha nito kapag may dinaramdam. Binuksan niya ng malaki ang pinto. Nagulat ito sa ginawa niya lalo nang bigla niyang salatin ang pisngi at noo nito.

"G-Grethel?" he stuttered.

Hinuli niy ang mga mata nito. "Nilalagnat ka?"

Napakamot ito sa noo. "Hindi naman masyado. Sinat pa lang naman yata –"

"Uminom ka na ba ng gamot?"

"Tapos na." Tumango ito. "Oh, bakit nandito ka? Tulog na ba ang mga bata?" pag-iiba nito. Pilit nitong pinasisigla ang boses pero kapansin-pansin naman ang pamamaos ng boses nito. He cleared this throat nang mapansin siguro nito ang kakaiba niyang tingin rito. Lalo lang niya itong tinignan ng seryoso. "I'm okay. Don't worry about me."

"Hindi ako nag-aalala sayo." Kaila niya. Bahagyang tumaas ang isang kilay nito at tila hinihintay pa nito ang kasunod niyang sasabihin. "Gusto ko lang malaman na okay ka." Dagdag pa niya.

"Nag-aalala ka nga saken."

"Hindi nga."

Sumilay ang isang ngiti sa mukha nito. "Fine, you don't –" bigla naman itong inihit ng ubo. "But still, you care. Don't lie. It shows all over your face."

Napamaang siya. Kapal nito ah. Dagdagan ko kaya 'yang sakit mo, ha? "May nakasulat bang I CARE FOR YOU sa noo ko?"

"Wala naman." He innocently shrugged his shoulder. "I just assumed."

Tinalikuran na siya nito at padapang humiga sa kama nito. Kahit na hindi naman naka todo ang aircon ay malamig pa rin ang silid dagdag pang umuulan. Sigurado siyang nilalamig ito. Naupo siya sa gilid ng kama saka hinila ang kumot pataas sa katawan ni Hanzel.

"Magpahinga ka na."

"I like it." Bigla ay sagot nito.

"Huh?"

"I like it when you still act as my wife."

Biglang kumabog nang mabilis ang tibok ng puso niya. Nag-init bigla ang mga pisngi niya. Mabuti na lang at nakadapa itong nakahiga kaya 'di nito makikita ang mukha niya. Hindi niya tuloy alam kung anong isasagot niya o kung ano eksakto ang mararamdaman niya sa mga oras na 'yon.

Sa totoo lang nabigla siya sa sinabi nito. Hindi niya inasahan na masasabi ni Hanzel 'yon sa kanya.

"It reminds me so much of that night you took care of me when I had a fever." Nanlaki ang mga mata niya. Naalala niya? "It always warms my heart."

Akmang magsasalita sana siya nang mapansing malalim na ang paghinga nito. Sinilip niya ang mukha ni Hanzel. Tama nga siya, nakatulog na nga ito. Naman Hanzel, pagkatapos mong sabihin saken 'yan tutulugan mo lang ako. Napabuntong-hininga siya. Aish. Sobra na talaga siyang nalilito sa mga ikinikilos ni Hanzel.









BUONG paghangang nakatitig lang si Grethel Gail sa beach wedding ng isa sa mga guest sa resort. Papalubog na ang araw at lalo lang pinaganda ng kulay kahel na kalangitan ang bride at groom. Parang nasa isang movie.

Hindi niya maiwasang maiinggit sa bride. Aaminin niya, pangarap din niya ang makapagsuot ng bridal gown at maglakad sa gitna ng isle. Kahit simpleng wedding lang sa simbahan ay okay na sa kanya. Masarap kasi sa pakiramdam 'yong alam mong naghihintay sayo sa harap ang mahal na mahal mo at mahal na mahal ka rin.

Kahit isang simpleng civil wedding ang kasal namin ni Hanzel. Isa pa rin 'yon sa mga masasayang araw para sa akin.

Bigla naman siyang nalungkot.

Pero ang araw na 'yon ay mananatiling alaala na lang. Kinuha niya ang cell phone sa bulsa at kinunan ang nangyayaring kasalan. Kahit na malungkot siya hindi niya maiwasang kunan 'yon ng larawan. Remembrance na lang. She winced in her mind. Sige pa Gail. Bwesitin mo ang sarili mo. Sagarin mo na, ha?

"Grethel!"

Napasinghap sa gulat si Gail dahilan para mabitiwan niya ang cell phone at bumagsak 'yon sa paa niya. Lalo lang siyang napasinghap dahil sa sakit. Mabilis na naupo siya sa buhanginan at hinaplos ang nasaktang paa.

"Grethel, are you okay?" mabilis naman siyang dinaluhan ni Hanzel.

"Bakit ka ba nanggugulat, ha?" inis na tanong niya rito.

"Sorry, 'di ko naman sinasadya. Akin na." Maingat na inalis nito ang tsinelas niya at masuyong minasahe ang namumula niya kanang paa. Inangat nito ang mukha sa kanya. "Hindi na ba gaanong masakit?"

Sobra siyang natigilan sa uri ng pagkakatingin nito sa kanya. Para bang sobrang nag-aalala ito sa kanya. Hindi tuloy agad siya nakapagsalita.

"Grethel?"

Hinuli niya ang tingin ni Hanzel. "Hindi ka ba natatakot saken?"

"Huh?"

"Lapit ka nang lapit saken. Paano kung sa pagkakataon na 'to 'di na ulit kita papakawalan?" Ano ba Gail! Ano ba 'yang pinagsasabi mo? "Paano kung 'di na kita ibabalik doon sa Gail na 'yon?"

"Would you really do that?" paghahamon pa nito sa kanya.

"G-Gusto mong gawin ko 'yon?" nababaliw ka na ba Hanzel?

"If you like, then I don't mind at all."

Sinalat niya bigla ang noo nito. "Inaapoy ka ba nang lagnat? Mamatay ka na ba?"

"I'm perfectly fine." Nakangiting inalis nito ang nakahawak niyang kamay sa noo nito. "You're being cute again."

"Alam mo bang nalilito na ako sayo. Hindi ko alam kung gini-good time mo lang ako o wala ka lang magawa sa buhay. Pero kung nandito ka lang para paglaruan ang damdamin ko then maglalaro ako ng patas sayo."

Tila naguluhan ito sa sinabi niya.

"What do you me -" hindi na niya ito pinatapos. Hinila niya ang kwelyo ng white shirt nito at mabilis na hinalikan sa mga labi. Naramdaman niya ang pagkagulat nito pero hindi niya 'yon pinansin.

Akmang lalayo na siya nang biglang hapitin nito ang bayway niya para lalong mapalapit ang mga katawan nila sa isa't isa. Tumaas ang isang kamay nito sa may leeg niya para pailaliman ang halik. Halos maubusan na siya nang hininga kaya naitulak niya ito palayo.

Hinihingal na napatingin siya sa kamay niya nang maramdaman niyang inangat 'yon ni Hanzel. Doon niya lang napansin na suot na pala ni Hanzel ang sing-sing nito. Naalala niya bigla ang sing-sing niya. Napahawak siya sa dibdib niya para kapain ang sing-sing na ginawa niyang pendant ng kwintas niya. Nanlaki ang mga mata niya nang wala siyang makapa. Na saan na 'yon?

"I'm not playing games with you."

Naibalik niya ang mukha kay Hanzel. Itinaas nito ang nakakuyom nitong kamay sa harap niya saka ibinuka. Pumalawit ang kwintas na may pendant na sing-sing sa kamay nito.

Napasinghap siya.

"Paanong?" tanging nasabi niya.

"Don't hide this ring." Inalis nito ang sing-sing sa kwintas at inabot ang isang kamay niya saka nito dahan-dahang isinuot 'yon sa palasing-singan niya. "Ayokong isipin ng ibang tao na single ka." Dagdag pa nito nang hindi siya tinitignan. "Hindi ko gusto 'yon. Naiinis ako."

"Hanzel?" halos pabulong niya nang tawag.

"I'm not playing games with you Grethel." Inangat na nito ang mukha sa kanya. "I'm serious."

"Serious saan?"

"I'm seriously yours this time."

Shuks!











"NASAAN na naman kaya ang babaeng 'yon?" Paulit-ulit na i-denial ni Mohana ang numero ni Gail pero laging out of reach. "Grabeng soul searching naman ang ginagawa ng isang 'yon. Ayaw magpaabala ng gaga."

Hindi niya agad tinawagan si Gail dahil pinag-iisipan niya pa kung paano niya sasabihin rito ang mga nalaman niya kay Peter. Siya nga nagulat. Syempre kapag tsinika niya kay Gail malamang maloloka din 'yon.

Lumabas siya ng bahay. Magpapa-load na lang muna siya ng pocket wifi niya. Makikipag-skype na lang siya sa gaga. Mas bet niya ang face to face.

Natigilan naman siya nang mapansing pinagkukumpulan ng mga kapitbahay niyang usisira ang nakaparadang sasakyan sa 'di kalayuan sa bahay nila. Kumunot naman ang noo niya. Sino naman kaya ang may-ari ng magarang sasakyan na 'yon?

Para sagutin ang mga katanongan niya bigla na lang lumabas mula sa sasakyan ang isang pamilyar na babae. Talagang literal na nagulat siya. Mukhang siya ang pakay nito dahil papalapit ito sa kanya. Na boang na!

"Abbygail?"

Huminto ito sa harap niya. Inalis ang sunglasses sa mata at ibinaba ang tingin sa kanya.

"Mohana right?"

"No, I'm Mohana Rose Gonzaga."

Napamaang ito sa sinabi niya. Gaga! I know English kaya. Hindi po Right ang last name ko. Gonzaga po.

"Anyway, I'm Abbygail. Hanzel's fiancée."

"Alam ko."

"Nandito ba si Grethel?" iginala nito ang tingin sa paligid. "I want to talk to her."

"Wala dito si Gail." May diin ang pagkakasabi niya sa Gail. "At saka kung nandito man siya hindi ka din niya gustong kausapin." Mataray niyang dagdag.

"Where is she?"

"She's not here, okay?" pagtataray pa rin niya. This time bumanat na siya ng English. "She's lost. I mean gone."

"Huh?"

"She's lost so you should get lost as well, okay? Don't me." Peste oy.

"Ibigay mo na lang saken ang number ni Grethel."

"Mahirap nga kami, diba? Wala kaming cell phone." Bumaba naman ang tingin nito sa hawak niyang cell phone. "Hindi saken 'to." Mabilis na sagot niya. "Hiniram ko lang 'to kay Tita Boy. Isusuli ko na din 'to."

"Hindi ka talaga magsasalita, ano?"

"Bogo lagi ka ay. 'Di mo ba naririnig mga sagot ko? Multo ba ako? Wala dito si Gail. Umalis. 'Di ko alam kung na saan. Basta nagpakalayo-layo. Pwede ba, huwag n'yo na silang gambalain pa. Nai-stress ako –"

"Magkasama sila ni Hanzel, diba?"

"Huh?"

"Ilang araw nang nawawala si Hanzel. 'Di ko siya ma contact. Siguro magkasama sila ngayon pero ayaw mo lang sabihin saken."

"Gaga ka pala eh. Baka alam mong hiwalay na sila? Gusto mong isampal ko sayo ang pinirmahan niyang annulment papers?"

"There were no annulment papers! Walang pinirmahan si Grethel."

Paanong nangyari 'yon? Nakita ko mismong pumirma si Gail? "Sinungaling. Huwag ka ngang gawa-gawa ng kwento. Baka naman kasi nagbago ang isip ni Hanzel kaya 'di niya ibinigay ang annulment papers. Kung may tanong ka doon ka maghanap ng sagot kay Hanzel. Wala akong alam sa buhay n'yo. Huwag nga kayong mandamay." Marahas na napabuntong-hininga siya. "Umalis ka na. Wala ka paring mapapala saken."

'Yon lang at umalis na siya at dumiretso sa tindahan ni Aling Krisie. Nakaka-bwesit! Malay ko ba kung na saan na ang Hanzel na 'yon? Imposible namang magkasama sila Gail ngayon. Aish.

"ALING KRISIE PA LOAD PO!" pasigaw niyang tawag.

"Batang ire! Galit ka ba?"

"HINDI PO."

"HUWAG KANG SUMIGAW. IBABATO KO 'TONG BOTE SAYO."

"'Yong litrong coke po, ha? Pang-snacks ko po mamaya."









"GAIL tumatawag sayo 'yong kaibigan mo." Inabot ni Kevin ang cell phone nito kay Grethel Gail.

"Huh?" mabilis na pinunasan niya ang basang kamay sa apron at hinawakan ang cell phone. "Hindi ko ba na logout 'yong skype ko sa phone mo?" mas maganda at high-tech kasi ang cell phone nito kaya humiram muna siya.

"Bes! Bes! Sino 'yong gwapo kanina na nakita ko?" Lalo lang lumaki ang mukha ni Mohana sa screen dahil sagad na sagad ang pagkakalapit nito sa camera. "Na love at first sight ako. Ang gwapo. Open minded ba siya? Single pa? Mag-a-apply ako diyan Bes."

Natawa lang siya. "'Yan ka na naman. Si Kevin 'yon. Kababata ko. May-ari ng resort dito sa Santa Fe."

Sumilip si Kevin. "Hi," saka kumaway.

Napatili naman si Mohana. "Omg! Kababata? Hi Kevin. Ako nga pala si Mohana. Ako ang nawawala mong soulmate."

"Hoy! Hyper ka na naman diyan. Ano bang drama mo at maypa-skype-skype ka pa. Pwede mo namang itawag na gaga ka. Nag-aksaya ka pa ng internet diyan."

"Bes, may tsika ako. Hindi ka maniniwala."

"Ano?"

"Tungkol kay Abbygail."

Natigilan siya. "Kay Abbygail?"

"Mama!" napalingon siya nang marinig niya ang boses ni Milko. Patakbong lumapit ito sa kanya. "Mama si Papa." Hinihingal na sabi nito.

Kumunot naman ang noo niya. "Anong nangyari sa Papa n'yo?"

"Papa? Oh my gosh! Nandiyan si Hanzel?!"

"Eh kasi po – basta po." Hinawakan ni Milko bigla ang kamay niya. "Tayo na po. Puntahan po natin si Papa." Hinila na siya nito. "Dali na po Mama."

"Hoy Grethel Gail akala ko ba mag-isa ka lang diyan?! Bakit kasama mo si Hanzel?"

"Teka! Teka lang naman. Wait. Kayo muna mag-usap ni Mohana, Kevin." Ibinalik niya ang cell phone kay Kevin. "Sabihin mo na lang saken kung nagkamabutihan na kayo – este –"

"Mama dali na." Panay hila ni Milko.

"I mean, kung ano man ang napag-usapan n'yo. Bye."

"Hoy Gail! Grethel bumalik ka oy! Tang na juice ka! Hindi ako prepared."

"Wait, Gail –" pigil sa kanya ni Kevin.

"Chill ka lang, mabait 'yang si Mohana. Babalik ako." Tuluyan na nga siyang nagpahila sa anak. Naku naman! Ano na naman kaya ang nangyari sa isang 'yon. "Milko ano na naman bang nangyari sa Papa mo?"

"Basta po Mama."











GANOON na lang talaga ang panlalaki ng mga mata ni Gail sa nadatnan niya. Nakalatag ang isang light blue blanket sa buhanginan. May isang malaking red parasol na naging shade ng picnic set up nito. May naka display rin na mga basket ng mga prutas, iba't ibang kulay na mga unan, maliit na ice cooler at naka prepare na rin ang mga lunchboxes.

Naka pwesto na rin sila Hanzel at Milky. Kasalukuyan nitong pinakain ang anak nila.

"Mama halika na po." Hinila na ulit siya ni Milko palapit sa dalawa. "Gutom na po ako. Kain na po tayo." Tumabi ito sa ama nito.

"Inihanda n'yo 'to?" hindi pa rin mawala ang pagkamangha niya. Naupo na siya at sumilong. Hindi naman gaanong masakit ang init. "Wow."

"Inihanda po ni Papa, Mama." Proud na sagot ni Milky. "Siya din po ang naghanda ng cute na food po natin. Tignan mo Mama."

Cute nga. 'Yong laman ng mga lunchbox na in cute shapes 'yong pag-cut ng mga food. Sunny side up na may smiley. Para namang baby octopus ang hotdog.

"Na paso pa po si Papa kanina Mama."

"Maliit lang naman." Sagot naman ni Hanzel.

Hindi naman nakawala sa paningin niya ang band aid nito sa isang daliri. Mukhang nahiwa pa yata nito ang isang daliri.

"Mag-ingat ka sa susunod." 'Yon na lang ang nasabi niya. "Sige kumain na kayo." Tumikim-tikim din siya sa pagkain pero 'di niya naman malunok-lunok dahil may isang tao sa tabi na tingin nang tingin. Pasimple niyang binato ng ubas si Hanzel. "Kumain ka na. Huwag puro titig."

Natawa lang ito sabay kuha ng naka stick na hotdog. "'Di ko mapigilan eh"

Pasimple naman siyang napangiti. Ay ang kulit talaga. "Sana po lagi tayong nagpi-picnic Papa, Mama."

"Mama, Papa, kayo na po ba ulit?"

"Bakit? Naghiwalay ba kami ng Mama, n'yo?" Akmang ibabato niya ulit ang ubas sa mukha ni Hanzel pero pinigilan niya lang ang sarili. Pasalamat siya malayo ang apple kung 'di 'yon ang ipambabato niya rito. "Nag-away lang kami ng Mama n'yo pero okay na kami."

"Talaga po?!" namilog ang mga mata ni Milky. "Babalik na po ba tayo sa bahay? Sa bahay ka na po uuwi ulit Papa?"

"Pwede rin," sagot ni Hanzel habang nakatingin sa kanya. "Kung okay lang sa Mama n'yo."

"Mama?" sa kanya natuon ang atensyon ng tatlo. Gail, ipaalala mo nga saken mamaya kung paano mo gigisahin ang walangyang 'to. Pinapaasa na naman ang mga anak n'yo.

"Wow!" Iginala niya ang tingin sa buong paligid. "Ang ganda ng panahon ngayon." Pag-iiba niya. "Maganda, diba?" baling niya sa mga ito.

"Oo, maganda ka nga." Sagot naman ni Hanzel sa kanya.

"Ayiee!" tukso ng dalawang bubwit. "Ayiee. Si Mama namumula." Mabilis naman na hinawakan niya ang pisngi. Shuks. "Kinilig si Mama."

"Hindi ah. Mistisa lang talaga ang Mama n'yo. Mainit kaya." Pagtingin niya bigla kay Hanzel bigla siya nitong kinindatan saka nito kinagatan ang apple na hawak. Bwesit ka Hanzel! Bakit ang gwapo mo pa rin kahit kumakain ng apple?

Nakasimangot na binalatan na lang niya ang saging. Kaasar, ha?











HINDI na naman makatulog si Gail kaya lumabas na muna siya ng silid niya at naupo sa isa sa mga hammock sa resort. Ipinikit niya ang mga mata at nilanghap ang sariwang hangin ng gabi. Gustong-gusto niya talaga ang amoy at tunog ng dagat. Hindi niya alam kung epekto lang 'yon ng kondisyon niya kaya 'di siya agad nakakatulog sa gabi.

Masuyong hinaplos niya ang 'di pa halatang umbok niyang tiyan. Mukhang gagawin mo pa yata akong bampira anak. Kinuha niya ang cellphone at pinagpatuloy ang pinapanood ng Korean drama. Hindi niya 'yon matapos-tapos dahil nga ang kukulit ng mga bata. Sa gabi lang tuloy siya nakakapanood. Masama ang magpuyat pero baliktad naman yata ang epekto sa kanya.

Napapangiti siya sa eksena. Gustong-gusto niya talaga ang bidang lalaki. Naga-gwapohan siya rito. Gusto niya rin din ang storya. Mas nakaka-relate siya sa bidang babae. Naalala niya ang Prinsipe kay Hanzel. Siya naman feeling niya siya ang mahirap na ipinakasal sa prinsipe dahil sa isang kasunduhan at utang na loob ng hari sa isa sa mga kawal nito noon.

Nakaka-relate siya dahil 'yong prinsipe na 'yon may ibang mahal. Kahit na ang prinsesa ang pinakasalan nito. Hindi pa rin nito mapalitan sa puso ang mahal ng prinsipe.

"Ano 'yang pinapanood mo?"

"Princess Hours."

"Maganda ba 'yan?"

"Oo –" napasinghap naman siya nang mapansing may kumakausap nga talaga sa kanya. Sa sobrang focus niya sa pinapanood akala niya isip niya lang ang kumakausap sa kanya. Napalingon siya sa likod. "Hanzel?!"

"Hi," lumipat ito at tumabi sa kanya. "Hindi ka pa tulog?" Sinilip nito ang pinapanood niya. "Mahilig ka talaga sa mga drama, noh?"

"Huh?"

Napangiti ito bigla. "Naaalala ko tuloy 'yong nahuli kitang nakikipag-away sa cell phone mo. Sabi mo pa nga mas gwapo pa rin ako kaysa sa bidang lalaki."

"N-Naalala mo?"

"Hindi ko alam kung naalala ko lahat pero habang tumatagal... habang nakikita at nakakasama kita... kusa na lang bumabalik saken ang lahat."

"Ahh," pareho silang natahimik ng ilang segundo. "Pwedeng magtanong?"

"Sige, ano 'yon?"

"Kailan... Kailan bumalik lahat ng mga alaala mo? Iniisip ko kasi kung bakit bigla-bigla naalala mo na lahat." Malungkot na naingat niya ang tingin sa mga bituin. "Sa sobrang bilis ng mga pangyayari 'di ko tuloy alam kung saan ako ulit magsisimula."

"Hindi ko sigurado." Simula nito. "Nagising na lang ako sa isang ospital. Ang sabi sa isa mga kasamahan ko sa trabaho naaksidente daw ang sinasakyan naming van papunta sa location. Nang mga oras na 'yon wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila. I could not remember their name or why I was with them. Ang huling nasa isip ko nang mga oras na 'yon ay ang nangyaring aksidente doon sa bus."

Naaksidente sila? Naibaling niya ang atensyon sa mukha nito. Malayo ang tingin nito. Hindi ka naman siguro masyadong nasaktan noon, diba?

"Umalis ako ng ospital na 'yon at bumalik sa bahay namin. Hindi ko inasahang maaabutan ko sila Mama at Abbygail na nag-aaway."

"At sumama ka kay Abbygail..." malungkot na dagdag niya.

Tumango ito. "Hanggang sa malaman ko mula kay Tita Magnolia ang tungkol sa inyo."

Mapait siyang napangiti. Hanggang ngayon sariwang-sariwa pa rin sa kanya ang araw na 'yon. Sobra siyang nasaktan nang makita si Hanzel at si Abbygail.

"Alam mo ba kung bakit kita laging pinagtatabuyan palayo?" He paused. "The only memory I have with you is that accident. I was very sure that I have no special feelings for you. I even thought na hanggang doon lang ang meron tayo. Nagulat din ako nang malaman ko na kinasal tayo at may mga anak tayo. That moment, I was lost again. Pinipilit kong sabihin sa sarili ko na hindi kayo ang pamilya ko. Hindi ikaw ang Gail na mahal ko. Pero hindi ko naman magawa."

"I could not do it. Everytime, I see you or our kids bumabalik saken 'yong isang pamilyar na pakiramdam. 'Yong saya na hindi ko masyadong maramdaman kapag kasama ko si Abbygail. I started doubting everything about all my decisions. Pero hindi ko alam kung ano nga ba ang gusto ko. Hindi ko mabigyang paliwanag ang mga reaksyon ko kapag kasama kayo. Sa utak ko, si Abbygail ang mahal ko. Ang gusto kong pakasalan. Ang buhay ko."

Hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit sa mga binitiwan nitong salita. Nagsimula na ring mag-init ang gilid ng mga mata niya.

"Pero... bakit sa tuwing nakikita kita... sinasabi ng puso kong ikaw? Na ikaw na ang may-ari nun?" Natigilan siya. Mapait na napangiti ito. "Natakot ako sa bagong pakiramdam na 'yon. Kaya itinutulak kita palayo. I pushed you away because I could not face the fact that I'm happier when I'm with you."

Hindi niya namalayan na kumawala na pala ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Hindi niya alam kung masaya siya o malungkot. Gusto niya lang ng mga oras na 'yon ay umiyak.

Naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. "I know. Alam kong sobra kitang nasaktan. Maiintindihan ko kung  galit ka saken. Pero sana, bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon na piliin ko kayong mag-ina ko."

Iyak lang siya nang iyak.

"Don't worry. I'm not rushing you. But I'm thankful... dahil tinupad mo ang pangako mo saken."

"H-Hindi ko natupad." She sobbed. "Hindi... Hindi kita... na kayang ipaglaban."

Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "Mali ka. Alam kong hindi mo ako isinuko. Alam ko sa puso mo hinding-hindi mo ako isusuko."

"N-Nakakainis ka na."

"I'm sorry."

"Nakakainis ka pa rin."

Bahagya itong natawa. "Ahh," lalo lang siya nitong niyakap. "Now I know why it always feels right to have you in my arms." Hinagod nito ang buhok niya. "'Cause you're my home."

"Nakakainis ka pa rin."











"MUKHANG masaya ka yata, hijo?"

Nagulat man ay hindi pa rin mawala ang ngiti ni Hanzel. "Oh Tay." Ito talaga ang binalikan niya sa Lawis. Gusto niya itong imbitahin sa gagawin niyang surprise birthday niya kay Grethel. "Buti na lang nakita kita."

"Hinahanap mo ako?"

"Actually, gusto talaga kitang imbitahin. Birthday kasi ng asawa ko. Pero ilang araw na din 'yon. 'Di ko lang siya nabati dahil nga nag-away kami. I'm planning to surprise her. It is better late than never. Pumunta ka, ha?"

"Naku, 'di naman ako kailangan doon."

"Hindi Tay. Tatanawin kong utang na loob ang pagpunta mo. Isa po kayo sa mga taong tumulong saken para magkabati kami ng asawa ko. Madami akong na realized sa mga sinabi n'yo po saken." Napakamot siya sa noo. "Kahit na hindi ko pa naririnig sa kanya na pinapatawad niya na ako." He can't help but chuckled.

"Sige, pag-iisipan ko."

"I'll take it as a yes then."

"Pag-iisipan ko."

"Pumunta kayo Tay para naman may resbak ako. Ikaw lang po kasi ang kakampi ko. Para naman mapatawad na rin ako ng asawa ko."

Natawa ito. "Ikaw talagang bata ka. Saan ba sa Santa Fe?"

"Malapit lang. Susunduin ko ho kayo dito. Basta bukas, ha? Aasahan kita."

"Oo na. Oo na. Ang kulit mong bata."

"Yes!"









Pasensiya na kung na tagalan. Sana 'di kayo sobrang nainis saken haha. Mahal ko po kayong lahat. Sabi nga ni Hanzel. It is better late than never. Enjoy! Happy reading! Happy comments! Happy votes. Let us all be happy. Abangan ang susunod na kabanata. Kamsamhida! <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro